Chapter 18

"Are you sure about this princess? Hindi na ba mababago ang isip mo?"

My mom asked. Inilingan ko lang ito.

"I'm sure mom. No need to worry. I'll be fine. Hindi naman po ako siguro pababayaan ni Ate Red."

I reassured her. Kagagaling lang namin ng puntod ng mga magulang ko. Ang dami kong kinwento sa kanila. Ibibigay ko sana yung diary ko kaso baka bumangon sila para basahin hehe. . . 

"Always take care of yourself. Dadalaw dalawin ka namin okay?"

Sabi naman ni Daddy saka ginulo ang buhok ko. Ngumiti akong tumango.

"Oyy panget."

Singit ni Kuya. Sinimangutan ko ito. Naiiling itong ngumiti saka niyakap ako.

"Mag iingat sila sayo."

Hirit niya. Napanguso akong niyakap ito pabalik.

"Irish!!"

Naiiyak na saad ni Yaya saka dinamba ako ng yakap. Napaiyak na ako ng tuluyan.

"Tandaan mo lahat ng bilin ko ha? Pagbalik mo dalhan mo ako ng snow saka imported na chocolates hehe. . ."

Napasinghot singhot pa akong tumango doon. 

Sakto namang dumating na sina Kuya Lucas at ate Red na nakatakip na naman ang buong mukga. 

Nagtataka rin ako ehh. . . Bakit ba lagi siyang naka maskara? Lagi ba siyang umaattend sa masquerade ball? Saka bakit ba hindi siya nagsasalita? Lumalim ang gitla ng noo ko nang maisip iyon. 

"Tito,Tita!"

Masayang bati ni Kuya Lucas saka malapad ang ngiting  lumapit sa amin.

"Tss! Make sure my sister will be fine there Ranaldi."

Seryosong saad ni Kuya. Kuya Lucas grinned as he nodded his head on Kuya Vin.

"Stop worrying too much Vin. Anong akala mo sa akin hindi katiwa tiwala?"

Ngising saad ni Kuya Lucas. Kuya Vin rolled his eyes on him. 

"Okay na sana, kaso nag aalala lang ako baka lumala sapak sa utak niyang kapatid ko at mahawa pa sa kabaliwan mo."

Hirit pa ni Kuya. Ang daya! Baliw talaga? Ngumuso ako dahil roon. 

"We need to go. Baka masundan pa tayo ng mga taong iyon."

And pordapesrtayminporeber! Nagsalita si Ate Red! Yehey! 

My family sighed niyakap ko sila isa isa bago ako tuluyang sumama. Nag kaiyakan pa kami nang pumasok na ako sa loob ng isang magarang kotse.

Pumasok na naman sa isip ko si Tyson dahilan para maramdaman ko na naman ang kakaibang kirot sa aking puso.

Tama bang umalis ng di nagpapaalam sa kanya? 

Pero galit ata siya sa akin tapos sabi niya pa hindi daw nuya ako mahal at mamahalin. 

Hindi ko alam kung anong koneksyon ko sa pumatay sa ama niya pero tiyak na sapat na dahilan iyon para magalit siya sa akin. 

Hindi ko man naiintindihan, pero alam kong nasasaktan siya. Mas mabuti na sigurong umalis na lang ako at lumayo kaysa maipaalala pa sa kanya ang mga masasakit na nangyari sa kanya.

Pero nalulungkot ako ng sobra. Ayokong mawalay sa pamilya ko at kay Tyson. I felt like my heart is slowly tearing apart. 

Will he ever forgive me? Makababalik pa kaya kami sa dati? Patuloy akong umaasa doon. Pero sa ngayon ay kailangan kong isipin ang kaligtasan ko kahit pa nasasaktan ako sa sitwasyon. 

Sana pag pwede na akong bumalik ay okay na ulit kami. 

"You're thinking about Tyson?"

Kuya Lucas asked.  Napanguso lang ako.

"Bakit feeling ko nasasaktan ako? Magpacheck up na kaya ako? Baka may internal bleeding na sa puso ko o ano."

Nag aalalang saad ko. Malungkot na ngumiti lang si Kuya Lucas at umiling.

"Nasasaktan ka kasi nagmahal ka. Kapag nagmamahal ka, asahan mong masasaktan ka talaga."

Saad pa niya. Bagsak ang balikat kong napatingin sa kanya. 

"I don't understand."

I frowned.

Diba kapag nagmamahal ka ay dapat laging masaya? Pero ano ba kami ni Tyson? Bakit nasasaktan ako? 

Naguguluhan ako. I've never felt this before and I hate it. Nakagat ko nalamang ang labi ko, hindi ko namalayang umandar na pala ang sinasakyan namin. 

Mabilis ang pagpapatakbo nitong nagtungo sa parking lot ng isang maingay at mausok na lugar na puno ng musika at mga ibat't ibang kulay ng ilaw. 

May kung anong pinindot si Ate Red dahilan para magbukas ang simentong pinagparadahan ng sasakyan namin sa tagong parte ng parking lot.

Bahagya pang napaawang ang bunganga ko sa pagka mangha sa nasaksihan. It's an underground tunnel. Mabilis ang takbo ng mga sasakyan namin hanggang sa makarating kami sa isa pang malaking tunnel na may matibay na salamin. We're underwater! I can't believe it! 

Nakanganga lang akong namangha pa sa dinaraanan namin. Medyo nalihis ang utak ko roon. b

Bumyahe pa kami ng mahigit kalahating oras at nag enjoy ako sa iba't ibang klase ng isdang nakikita hanggang sa tumigil ang sinasakyan namin sa isa na namang parking lot. 

Ipinarada niya ang sasakyan sa isang metal at pabilog na platform.

Naglabas si Ate Red ng kung anong card at isinwipe iyon sa swiping machine na lumabas. Kasabay nito ay ang pagikot ng platform pataas hanggang sa makarating kami sa isang napakalaking dome.

Medyo napanganga pa ako nang makakita ng isang malaking airplane doon.

"Let's get going."

Anunsyo ni Ate Red na nagpapukaw ng pansin ko rito. 

Napatango na lang ako kahit tulala pa rin. Inalalayan pa ako ni Kuya Lucas papasok habang ako ay hindi maiwasan ang bahagyang pagkakamangha sa mga nasaksihan. 

Siguro kung nandito si Tyson ay mamamangha rin yun noh?

Medyo natigilan ako nang maisip siya. Nakagat ko na lamang ang labing umupo ng maayos. Napabuga ako ng marahas na hangin kasabay ng pagtulo ng isang butil ng luha na agad ko ring pinunasan.

Tyson. . . I hope he's doing fine. He is probably happy now that I am gone. Now that I am not his problem anymore.

~*~

One year and six months. . . Ang tagal na rin mula noong dumating ako rito. At unti unti ay nakapag adjust ako sa bagong environment. 

Dahil kay ate Red at Kuya Lucas ay nagawa kong makapagcollege sa normal na university at dahil na rin sa koneksiyon nila ay naging ligtas ako kahit lumalabas labas ako madalas. 

Nakilala ko rin si ate Scarlet. Kasama rin pala nila si Ate Celestine na tinawag nilang Violet. 

Dinadalaw dalaw nila ako sa safe house at  ganoon din si Kuya Lucas. 

They taught me many things. Ate Red has been teaching me some self defence while Ate Scarlet Taught me some things that a proper lady should do, but they also hired a teacher for me since they are really busy with their own lives. Yun nga lang ay hindi ko na gaanong nakikita si Ate Scarlet. Ang sabi sa akin nina Ate Red ay may inaayos lamang daw itong problema.  Si Ate Red naman ay umuwi at nabalitaan ko na lang na ikinasal na sa kanyang nobyo. 

Kaya kadalasan ay Si Ate Celestine at Kuya Lucas ang nakakadalaw sa akin dito.

Ate Celestine helped me a lot too. She taught me the dark side of the world, she taught me about how to observe people and to listen to my intuition. 

Si Kuya Lucas? Wala moral support lang. Totoo pa lang baliw siya.

In my almost two years here, narealize ko kung gaano ako ka tanga dati hehe. . . 

Ako na ang nahihiya para sa sarili ko sa tuwing naaalala ko yung mga pinaggagagawa ko noon. m

Medyo nakakalungkot lang dahil hindi ako nakadalo sa kasal ni Kuya,masyado daw kasing delikado sa mga oras na iyon. But I met his wife, Ate Kristine and I must say, I love her!

Buti nga kay Kuya at nakahanap ng katapat niya. 

Si Tyson kamusta na kaya siya? Narealize kong ang babaw pala ng dahilan ng pagpayag kong sumama rito. 

Pero sana lang ay hindi na galit sa akin si Tyson. He's still an important friend. In my darkest moments, I found solace in him. And the thought that he still despises me, pains me.

Pero pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya.

Hindi ako nagsisising sumama ako rito. Well I've learned a lot of things and I'm still trying to learn many things, thanks to those four.

***

Two years and Ten months, na mula noong umalis ako. Mas marami akong natutunan. Dumadalaw dalaw rin dito madalas ang mga magulang ko. 

"Ate Rhia!"

Masayang bati ko kay ate Rhia, o Ate Scarlet saka mahigpit itong niyakap. It's been a year mula noong pinakita nila sa akin ang tunay nilang mga mukha and I am so happy kasi pinagkakatiwalaan nila ako. 

"Namiss kita Lil sis!"

Ngiting saad nito saka niyakap ako pabalik.

"Hi baby!"

Bati ko saka hinaplos ang tiyan ni ate Rhia na nagpatawa na lang sakanya.

"Tita lweiy! Tita Lweiy!"

Saad ng malìit na boses. Masayang ngumiti ako ng malapad at nanggigigil na niyakap si Crest. Panganay na anak ni Ate Rhia, he has a twin sister, hindi lang nila kasama ngayon. 

***

3 years and two months na ako rito. I've been really happy and free so far. Unti unti ay nabawi ko ang mga taong naipagkait sa akin dahil sa panganib na dulot ng mga taong iyon. 

Nakakagalaw ako ng ligtas at malaya. Nakakasama ko rin ang pamilya at ilan sa mga kaibigan ko. Hindi na rin ako kagaya ng dati na inosente sa mga simpleng bagay, na hanggang ngayon ay ayaw ko ng alalahanin dahil nakakahiya. 

I'm happy now. I'm perfectly fine. But there's something on my heart I couldn't understand. Parang may kulang.

"Architect! Andiyan na po sa labas si Mr Ranaldi."

Saad ng secretary ko sa intercom. Napangiti ako doon. 

"Let him in."

Saad ko. Natapos ko ang college wa loob ng three years. I actually have already finished two years through an online class, before without my parents' knowledge and with Yaya's help. Kahit naman inosente ako dati ay matalino naman ako. Halos himatayin nga lang sila mommy nang malaman iyon. 

Then I continued studying it abroad. And after three years I managed to graduate with flying colors. Malaking tulong din sa akin si Ate Celestine na isa sa mga tinitingalang architect sa buong mundo. At isang napaka laking karangalan na siya mismo ang naging mentor ko. 

Nagkaroon din ako ng maraming opportunities dahil sa kanya. And now I am one of her firm's top architects.

"Hey."

Ngisi ni Kuya Lucas. Napailing iling na lamang ako. Kuya lucas has been a really good friend to me. Parang tunay na magkapatid nga ang turing namin sa isa't isa. Minsan ay dinadalaw niya pa ako rito sa opisina kasama ni ate Jonarlene. Isa sa mga nakilala ko at ngayon ay malapit ko na ring kaibigan. 

"Musta life Kuya? Single pa rin kayo ni Kuya Nickos?"

Ngisi ko. Inilingan lang ako nito. Kuya Nickos is his best friend which hapoened to be the duke of this country.

"Well I like the freedom of being single."

He shrugged making me shook my head on him.

Tatlong taon na. Nagkapamilya na nga sila ate Ruby at Rhia pero itong si Kuya Lucas ay single pa rin. Bakla nga ata ehh. . . Minsan pinagdududahan ko sila ni Kuya Nickos kung may tinatagong relasyon ba sila. 

"Sus ang dami mong pinaiiyak pafall ka raw! Kinukwento sa akin ni ate Ruby!"

Natatawang saad ko. Sinimangutan lang ako nito. Si Ate Ruby ay si Ate Red. 

"I'm just being friendly! Malay ko bang iba ang tingin nila sa mga kabutihang ginagawa ko?"

He shrugged. Napailing na lamang ako. Mabuti na lang pala at kahit kailan hindi ako nahulog sa kanya. 

"Sus! Ang sabihin mo sadyang malandi ka!" 

Halakhak kong ikinanguso nito. 

"Well if they think I'm flirting with them, then it's just me being friendly okay? However, if they thought I am weird, then yes, I am probably flirting,"

He shrugged. Natawa ako doon, ngunit kalaunan ay natigilan nang may maalala akong itanong sa kanya

"So ahm. . . How's Tyson?"

I asked. Natigilan itong inusisa ang muka ko.

"What? He's been my friend too. Kahit naman galit siya ay usto ko lang malaman kung kamusta siya."

Nakasimangot na dipensa ko. Nginisian lang ako nito.

"Why don't you ask him yourself? May cellphone ka naman? Bigay ko pa sayo number niya."

Saad nito. Napabuntong hininga na lang akong umiling. 

Ano namang sasabihin ko? Saka baka galit siya sa akin diba? Nahihiya pa rin ako tuwing naaalala ko yung mga kahihiyang ginagawa ko dati. At natatakot pa din akong kausapin siya.

"N—Nevermind."

Saad ko saka nag iwas ng tingin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top