Chapter 17

"Nakakabwiset ka talagang lalaki ka!Hindi mo ako driver! Tinulungan ka na ngang makapunta dun sa isla pati ba naman sa pagtakas?!"

Inis na sambit ng babaeng tumulong sa aming makatakas sa mga guwardiya.

"Chill lang Celestine,babayaran naman kita."

Ngiting saad ni Kuya Lucas saka iginiya ako papasok ng helicopter. Tulala lamang akong patuloy pa rin sa pagluhang wala sa sariling sumakay roon.

"One million."

Saad nung babae. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ni Kuya Lucas nang marinig nito.

"No way!"

"Yes way! Mahal ang serbisyo ko Ranaldi. Ano magbabayad ka ba o sisipain kita palabas rito?"

Mataray na sambit nito na ikinanguso ni Kuya Lucas.

"Baka pwedeng tumawad?"

Kuya Lucas blurted out.

"Pwede ka na ring tumalon ngayon diyan at ipapalapa kita sa kaibigan mong tinakasan natin."

"Fine!"

Kuya Lucas scowled making the woman grin as she settled on the pilot's seat.

"Sus barya mo lang naman yun."

Komento pa nito na lalong ikinasimangot ni Kuya Lucas.

Our helicopter slowly began to take off, our vehicle lifting off the ground. With each passing second of ascent, I felt my anxiety intensify.

Nakatanaw lamang ako sa malayo kasabay ng pagtulo ng mga butil ng luhang kanina ko pa pilit na pinapahinto. 

"Bakit hindi mo matanggap na kadugo siya ng lalaking pumatay sa ama mo?!I told you everything I found out about that man who killed your father"

"Leigh was adopted by the Alvarez. Kahit kadugo niya ang lalaking pinaka kinamumuhian mo ay ang mga Alvarez ang pamilya nya."

Kuya Leroy's voice echoed on my head. Napa hikbi na lamang ako nang maalala iyon.

"I don't. I don't love her at all. I only see her as a childish little sister, nothing more,nothing less. Not towards someone who is connected to that damn bastard who tore my family apart and killed my father. . . "

My mind couldn't comprehend the overwhelming turmoil within me. Pain and confusion were waging war in my heart.

But he said he loves me. Kasinungalingan din ba ang lahat ng iyon? 

Pilit kong pinoproseso ang mga nalaman ko. Who killed Tyson's father? 

Imposible. Imposibleng ampon ako. Mom and dad loves me so much. I am their daughter right?

I badly wanna go back and ask Tyson. Pero naduduwag ako. Natatakot ako na baka totoo nga ang mga narinig ko at sa akin niya mismo sabihin ang mga masasakit na salitang narinig ko kanina. 

Gulong gulo ako at halos hindi makagalaw,nanginginig ang mga kalamnang napahagulgol na lamang.

"Leigh. . . 

Kuya Lucas called my name.

"Ang sakit, Kuya Lucas. . ."

I whispered as I pointed to my chest where my heart is located. I looked at him, his eyes filled with sorrow as if he could feel my pain.

"Andito lang kami Leigh, kahit ano pang malaman mo."

Bulong niya. Hinahagod nito ang likod ko saka mahigpit na lamang akong niyakap. 

Doble dobleng sakit ang nararamdaman ko. 

Mariin akong napapikit nang paulit ulit na nagreplay ang mga iyon sa utak ko. indi ko masyadong naiitindihan pero ang alam ko ay sobrang nasasaktan talaga ako. 

Halos hindi na ako makahinga,pero hindi ko mapigil ang pag iyak. Para bang tinuturok ang puso kong unti unting napupunit. Napahikbi pa ako ng ilang beses. Naninikip ang dibdib ko kasabay ng pag ikot ng paningin.

Unti unting bumigat ang talukap ng pagod kong mga mata. That's the last thing I could remember before darkness finally covered me. 

***

When I woke up, I found myself in a soft and comfortable bed, slowly opening my eyes that were fixated on the ceiling of the familiar room I was in. Perhaps Kuya Lucas brought me here last night. I let out a deep, heavy sigh, hoping it was just a dream. I wanted to convince myself that it was all just a dream.

Mariin nalamang akong napapikit saka marahas na napabuga ng hangin. I bit my lower lip to prevent myself from crying once more. 

Hindi ko maiwasang mainis at mag tampo kay Tyson. Why is he so heartless? He lied to me. Mahal nya ako diba?

Patuloy kong pinanghahawakan ang mga salitang binitiwan nya.

Ngunit hindi ko siya masisisi kung totoo mang konektado ako sa pumatay sa daddy niya. 

I sighed. 

Walang buhay na lamang akong napatayo saka nagbihis na at lumabas ng kwarto ko. 

Doon ay naabutan ko sina Mommy, Daddy, Kuya Vin, Kuya Lucas at isa pang babae sa living room na mukhang seryosong seryoso ang pag uusap. 

Iginala ko ang paningin ko at nagbabakasakaling makita siya. Nagbabakasakaling sinundan ako nito. 

Pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Muli ay nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa aking puso.

"I won't leave you Tyson, promise. . . "

Ngumiti ito sa akin saka matiim akong tinitigan.

"You won't. Cause if you do, I'll do everything to find you. I won't stop chasing you. . . "

Muli kong naalala ang pag uusap naming iyon.

Napahawak ako saaking dib dib kung saan nakapwesto ang aking puso. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayai. Naiiyak na naman ako. 

"Leigh can't stay here, masyadong delikado."

Narinig kong sabi ni Kuya Vin. My mom sighed in frustration.

"Bakit ba kayo umalis sa puder ni Tyson? She is perfectly safe there. Did something happen?"

My mom asked. Muli ay naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko nang marinig ko ang pangalan niya. 

I miss him already. 

Sa loob ng mahigit limang buwang magkasama kami ay sobra ng napalapit ang loob ko sa kanya. Diba kapag mahal mo ay dapat mahal ka rin? Iyon ang sabi sa akin ni Yaya. 

Napakagat labi akong muling bumalik sa lihim na pakikinig sa pag uusap nila.

"Leigh found out the truth, Tita. Tyson and Leroy were talking about it in his office, when we accidentally overheard it."

Kuya Lucas explained. Nangunot ang noo doon ni daddy.

"Overheard what?"

My dad asked with a serious expression on his face. 

"That Leigh is adopted."

Kuya Lucas blurted out. Natigilan sila kasabay ng namayaning nakabibinging katahimikan sa lugar. Parang nakalimutan kong huminga nang muling bumalik sa akin ang tagpong iyon.

"B—But we didn't tell anyone. . . "

My mom said. Parang may punyal na biglang tumurok sa puso ko sa narinig. Ibig bang sabihin ay totoo? I am really adopted? Ang luhang kanina ko pa pinipigil ay tuluyan ng nahulog mula sa aking mga mata.

"Tyson's father died ten years ago, and no one really knows the truth about his death because his family kept it hidden. Tyson has been searching for the person responsible for his father's death for ten long years, seeking revenge. Then, his current investigator found some information. Leigh overheard it with me. . . His father was brutally murdered. At posibleng konektado si Leigh sa taong pumatay sa ama ni Tyson."

Paliwanag niya. A river of tears continued flowing down my cheeks.

"Oh my gosh!"

Di makapaniwalang sambit ni Mommy. 

I really am connected to the person who killed his father? Kaya ba masungit siya sa akin? 

Siguro galit siya sakin at ayaw na niya ako makita pa kaya ganun na lang niya ako kung tratuhin nitong nakaraan.

Hindi ko na napigilan ang pag hikbi ko dahilan para mapalingon silang lima sa gawi ko. 

My family looked at me with a concerned emotion visible in their eyes. Napatayo ang mga itong napatitig sa akin.

"Princess. . ." 

My mom uttered affectionately. Lumapit ito sa akin saka mahigpit akong niyakap.

"Mommy. . ."

Nanghihinang sambit ko habang patuloy pa rin sa pagtangis. Pagod na ako kakaiyak ngunit tila ba hindi nauubos ang luha ko. 

Hinagod nito ang likod ko. 

"S—Sorry anak, hindi namin agad nasabi sa iyo. . ."

Namaos ang boses nitong tumatangis na tumingin sa akin.

"You may not be our daughter by blood, but believe me Irish. . . Itinuring ka naming parang tunay na naming anak. You are our precious daughter. Blood related or not. Please Irish,  don't be mad at us. Hindi namin kakayanin kung magagalit ka sa amin. You're still an Alvarez, You're still the princess of our family that we all love."

Humahagulgol na saad nito. Napa pikit ako doong niyakap si mommy pabalik. 

"W—Who are they? Who's my real parents? Paano ako napunta sa inyo kung hindi niyo ako tunay na anak?"

I asked. May bahid parin ng luha ang mga mata ko. Mom sighed as she gently wiped my tears.

"Your mother's name is Irish Lazaro while Your father is Leandro Dela Cruz—pero apilyido ng mga umampon sa kanya ang ginamit niya. Pareho silang lumaki sa bahay ampunan. Magkababata ang dalawa pero nagkahiwalay rin, ngunit hindi sila nawalan ng komunikasyon sa isa't isa. Noong high school ko lamang sila nakilala. I became good friends with them. I witnessed how they became lovers. Matagal din silang naging magkasintahan. And then eventually, they got married and had a child—you Irish."

Humugot muna ito ng malalim na hiningang naiiyak nanaman. 

"But then a tragedy happened. Pabalik na sila mula sa pagbabakasyon nila at iniwan ka sa amin noon. Nahulog ang sinasakyan nila sa bangin. Kinaumagahan ay napabalita na lang na wala na sila. Wala naman na silang ibang malapit na kamag anak. Madalas ka sa aming hinahabilin ng mommy at daddy mo at malapit sila sa amin, kaya nagdesisyon kami na kami ang mag aalaga sayo mula noong araw na iyon. Pero isang araw ay bigla na lang may tumangay sa iyo. Mabuti na lang at naagapan. Hindi namin alam kung anong pakay nila at kung bakit, pero mula noon ay hindi na nila tayo tinigilan. Gustong gusto ka nilang kunin sa amin sa hindi malamang dahilan."

Dad continued explaining, making me sob. 

"I'm sorry. I'm so sorry kasi hindi ka namin nabigyan ng normal na buhay."

Naiiyak na saad ni Mommy. Lalo tuloy akong naiyak saka niyakap na lamang sila ng mahigpit. 

"T—Thank you. Thank you for being my family."

I uttered between my sobs. 

Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyan na akong kumalma saka namin hinarap si Kuya Lucas at ang kasama nito. 

Isang babaeng nakasuot ng pulang maskarang natatakpan ang buo niyang mukha at may mahabang pulang buhok.

"This is agent Red."

Kuya Lucas introduced the woman beside him. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nila Kuya at kunot noong napatitig doon sa babaeng nakasuot ng mask. 

"Y—you mean the infamous Agent Red?"

Tanong ni Daddy na ikinatango ni Kuya Lucas. Bakas naman ang pagtataka sa muka kong napatingin gawi ng babae. 

"If you want some proof then I could show you more than enough."

Kuya Lucas spoke. Nanatili pa ring tahimik na nakamasid ang babaeng prenteng nakasandal lang sa couch at nakadekwatro pa.

"No need."

Kuya Vin said while shaking his head. Kuya Lucas grinned at him.

"May hideout sila sa Italy at nasisiguro kong walang kahit sinong makakagalaw o makakahanap sa kanya doon. Mukhang mas nagiging agresibo ang mga kalaban at kailangan ni Leigh ng mas mahigpit na seguridad. Kami na rin ang bahala para makadalaw kayo sa kanya nang hindi kayo nasusundan."

Kuya Lucas explained. Bahagya pa akong napalunok roon.

"I don't know Lucas. Masyadong malayo ang Italy."

Nagdadalawang isip na sabi ni Kuya Vin.

"I don't. I don't love her at all. I only see her as a childish little sister, nothing more,nothing less. Not towards someone who is connected to that damn bastard who tore my family apart and killed my father. . . "

Biglang pumasok ang mga katagang iyon sa aking isipan. I felt an excruciating pain every time I remembered his words.

Napakagat labi na lamang akong seryoso silang binalingan ng tingin.

"I—I'll go. . ."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top