Chapter 10

"Ikaw na bata ka! Lumalandi ka na!"

Saad ni yaya at akmang kukurutin ako sa tagiliran pero agad naman akong nakaiwas.

"Yaya naman! Hindi nga po!"

Nakasimangot na reklamo ko. Nakapamewang naman itong hinarap ako.

"Eh bakit lumabas si Sir Tyson sa kwarto mo kaninang umaga ha?!"

Humawak ito sa magkabilang balikat ko saka pinakatitigan ako.

"Told me Irish!Told me what happened!"

Saad niya saka inalog alog pa ako. Kunot noong napanguso na lang ako.

"Wala nga po! Saka ano naman pong masama kung sa kwarto ko po siya natulog? Natatakot po ako kagabi doon sa kulog. He just helped me."

I explained. OA talaga nitong si yaya, ano bang ineexpect niyang mangyayari bukod sa pagtulog?

"Is you sure?Be extra super carefullness do you understanding? What if. . .if. . . Ay! Ano ulit yun sa english?Ay ewan! Napapa spokening dollars tuloy ako! My nose is mentruational na hays! basta bawal!"

Saad niya at napahilot pa sa kaniyang sintido.

"Natulog lang naman po kami."

Muli kong sagot.

"Hay naku Irish! I wouldn't not birth in yesterday!"

Pagdadrama pa nitong hindi ko naman maintindihan kung bakit.

Natigil lamang ito at naibaling ang atensyon nang matanaw si Mang Mario mula sa bintana.

Malapad itong napangiti saka tila ba nahihiya pang kumaway nang makita rin siya nito. Nag flying kiss pa siya na kunwari'y nasalo ni Mang Mario.

"Ang gwapo talaga ni Mario! Pati pwet ang tambok saka ang laki!"

Hiyaw ni yaya na parang sinisilaban ang pwet nito. Nangunot ang noo kong binalingan sya ng tingin.

"Ano po yung malaki?

Tanong ko. Nawala ang ngiti nitong sinimangutan ako.

"Wag mo na lang tanungin."

Seryosong sabi nito na nagpanguso sa akin. Yaya is still looking at Manong Mario outside, with a dreamy expression and creepy smile.

She's seriously starting to scare me at this point.

"Yaya bakit yung tingin nyo lagi kay Mang Mario, parang kakainin niyo siya ng buhay?"

Kunot noong tanong ko. Humagikhik si Yaya habang nakatitig parin kay Mang Mario na nasa labas.

"Inlab nga kasi ako hihi."

Patuloy pa ring paghagikhik nito.

"Ha?Ano po yun?"

Tanong ko na nagpahagikhik sa kaniya na akala mo ay kinikiliti siya.

"Iyon yung nararamdaman mo para lang sa isang espesyal na tao."

She giggled then again glanced at Mang Mario outside.

"Ito yung sa kaniya mo lang mararamdaman. Iyong napakabilis ng tibok ng puso mo tuwing kasama mo siya"

Tyson. . .  I said his name at the back of my mind. Wala sa sariling napahawak ako sa dib dib ko sa gawi ng puso.

"Tapos iisipin mo lang siya bibilis na agad ng tibok ng puso mo."

Dagdag niya pa.

"Saka pagka nagkakadikit ang mga balat niyo ay para kang nakukuryente at hihimatayin."

Nakagat ko na lamang ang labi ko. 

"Lagi mo siyang iniisip, gustong gusto mong nakikita at nakakasama siya tapos makita mo lang siya ay buo na ang araw mo. Yung tipong hindi mo talaga siya maalis sa isip mo. Handa mong gawin lahat para sa kaniya. Masaya ka sa piling ng iba pero ibang klaseng saya talaga yung naidudulot niya. Tapos para kang lumulutang sa alapaap kapag kasama mo siya.Parang may mga paru parung nagsisiliparan sa tiyan mo."

Pagkukwento niya habang nakangiting nakapangalumbaba pang parang nangangarap.

"Uhmm. . . Yaya?"

I cleared my throat before talking.

"Ano pong ginagawa pag nararamdaman mo ang bagay na iyan?"

I asked. Humawak pa ito sa kaniyang baba at umaktong nag iisip.

"Iparamdam mo sakanyang mahal mo siya pero syempre dapat dalagang pilipina kaya pakipot muna."

Hagikhik niya na nagpakunot uli ng noo ko.

"Paano po ba magpakipot?"

Tanong ko.

"Huwag mo syang pansinin, huwag mo ngitian, huwag mong tignan. Dapat chill ka lang, kasi baka mahalatang may nararamdaman ka sa kaniya. Siya dapat ang naghahabol sa iyo. Gusto kasi ng mga lalaki ang challenge. Mas mahirap kang makuha ay mas gaganahan silang habol habulin ka."

Hagikhik pa niya. Ganoon ba ang ginagawa niya kay Mang Mario? Parang hindi naman ehh. . . 

"Tapos po?"

Tanong ko pa.

"Pero syempre hindi naman pwedeng laging ganoon. Kunin mo atensyon niya nang hindi niya nahahalata! Ganito ko kasi laging naaakit ang mga manliligaw ko. Sabi nga nila a stomach to a man's heart is through his way kaya dapat madalas kong ipagluto si Mario ehh. . ."

Muling paliwanag niya na nagpatango tango ulit sa akin saka napangiti. Ganoon pala dapat ang gawin pag in love ka?

"Yun lang po ba?"

Tanong ko.

"Syempre aakitin ko din siya! Di mo naitatanong, ang daming naaakit sa aking alindog noong kabataan ko," hagikhik nito.

"Paano po ba mang-akit yaya?"

Kyuryosong tanong ko.

"Hmm. . . Madaming paraan ehh. Okay lang namang sabihin sa iyo dahil wala ka pa namang pag gagamitan."

Tawa ni yaya.

"Nakikita mo itong suot ko ng bestida?"

Ngisi niya.

"Wala akong bra kaya halos lumuluwa ang mata ni Mario kapag nakikita niya ako! Tapos kunwari may nalaglag ako saka ko pupulutin sa harap niya."

Hagikhik ni yaya na nagpatango tango sa akin.

"Pero hwag mo akong gayahin. Sa taong mahal mo talaga ito pwedeng gawin, naiintindihan mo?"

Sambit pa niyang nagpatango sa akin.

"Teka nga bat ka ba tanong ng tanong ha?"

Salubong ang kilay na tanong ni Yaya. Napakamot ulo nalang akong binigyan sya ng pilit na ngiti.

"Wala lang po curious lang po ako hehe. . . "

Sagot ko na lang,muka namang nakumbinsi ko ito.

~*~

Matapos kong magluto ay inilagay ko na ito sa isang tray. Hindi nanaman kasi lumalabas sa opisina niya. Tapos pag si Kuya Lucas naman andito bigla biglang lumalabas sa lungga niya.

Hindi kaya si Kuya Lucas talaga ang gusto ni Tyson? That made me sad, but I can't give up until I give it a try.

Pero hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa yung sinabi ni yaya. Ano bang purpose nun? I shrugged. Wala namang mawawala kung gagawin ko. Saka sabi ni yaya ay madami siyang experience. Kaya naniniwala ako sa sinabi nito. 

Ipinagluto ko siya gaya ng sabi ni yaya, ganto daw ginagawa nya kapag in love siya ehh. Ano ba ang meaning ng in love?

Best friend? Si Tyson ang best friend ko kaya ganito nararamdaman ko.

Now I know. Ganito ba ang ginagawa ng best friend sa best friend nya? Ewan hindi ko maintindihan.

Tama nga siguro si Kuya,mahina ako sa basic na mga bagay bagay na bago sa akin.

Dala dala ko ang tray habang naglalakad sa hallway. Wala masyadong maid dahil tapos na silang maglinis at nasa maid quarters na siguro, nanonood ng Meteor garden.

Hawak hawak ang tray na sinipa ko ng mahina ang pintuan ng opisina nya nang marating ako roon. Gusto ko sanang ngumiti nang makita ko ang mukha niya  na kasalukuyang naka focus sa files na binabasa.

But then Iremembered what yaya said about pagpapakipot so hindi na tinuloy. poker face lang ang muka ko saka inilapag ang tray sa lamesa malapit sa kinaroroonan niya. Tyson puffed a harsh breath before glancing at me.

Nangunot bigla ang noo nitong tinignan ako mula ulo hangang paa.

"What the fvck are you wearing?"

Bakas ang iritasyon sa boses niyang bahagya pang namaos. Umirap lang ako. bakit ba tanong to ng tanong kung anong suot ko? Hindi ba nya alam na damit ang tawag dito? hindi ko sya pinansin at nginitian man lang gaya ng sinabi ni yaya, saka tinalikuran sya at inayos ang mga pagkain sa tray.

"Irish I'm talking to you."

Mukang naiinis na sambit nya,muli ay di ko ito pinansin saka kunwari ay hindi sinasadyang masagi ang kutsara, yumuko ako sa pinulot iyon, ano nga bang purpose nito.

"F*CK!"

Paglingon ko ay nakatalikod na ito sa akin.

"Go change Irish. I'm warning you!"

Mariing saad nya pero poker face lang akong umupo saka nagdekwatro.

"Leigh Irish Alvarez!"

He warned pero hindi ko ito pinansin. Marahas itong bumuga ng hangin saka binalingan ako ng masamang tingin.

"Let's eat."

Walang kangiti ngiting saad ko. Agad naman nitong sinunod ang sinabi ko saka mabilis na naupo ng tuwid at hindi na nakatakas sa paningin ko ang ilang beses pang pagtaas baba ng adams apple niya. 

Ang hirap pala ng hindi ngumingiti, feeling ko mapapanis din ang laway ko. Paano kaya natatagalan ni Tyson ito? Nagpapakipot din ba siya sa akin?

"What's your problem?"

He asked pero umiling lang akong nagpatuloy sa pagkain.

"Irish please? Talk to me?"

I again ignorned him. Marahas itong napabuntong hiningang tumayo at napasabunot na lang sa kanyang buhok.

"Irish!Talk to me!Please?"

He frowned with desperation on his voice. Nindi ko napigilan ay napanguso ako.

"Kasi sabi ni yaya ganito daw dapat ang gawin kapag in love."

Saad ko na bahagyang nagpatigil dito saka napatitig sa akin.

"W-what?"

He asked as If he's confirming what he heard.

"Kasi In love ako sayo. So tinanong ko si yaya kung anong dapat gawin. Ganito daw, pero grabe lang, ang hirap pala."

Iling iling na sabi ko saka sumubo muli ng pagkain. Halos mabilaukan naman ako nang pagtingin ko sa gawi nya ay nahuli ko itong nagpipigil ng ngiti. Luh?baliw ata to.

"Just be yourself Irish and only give me your sweetest smile. That's what you need to do."

Isang napakatamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang marinig ang mga katagang iyon.

"Yes sir!"

Masiglang sabi ko sabay pabirong sumaludo, bahagya itong natawa na ikinalapad ng ngiti ko. Pero biglang natigilan ito saka tumayo. Kinuha niya ang t shirt na nakasampay sa upuan saka iniabot sa akin.

"Here,wear this. Please for goodness sake, I'm begging you to wear this d*mn shirt."

Nakasimangot na sabi niya. Ngumiti ako ng malapad saka sunod sunod na tumango at isinuot ang t shirt. I felt comforble, idagdag pang napakabango ng amoy nito na bahagyang nagpangiti sa akin.

But then something caught my attention.
Isang magazine na nakapatong sa ibabaw ng desk niya. May napakagandang falls sa front cover nito, dahilan para mapatitig ako roon ng ilang sandali.

I wonder how would it feel to go there?

Napailing na lamang ako sa naiisip ko,hindi nga pala pwede.

Hindi ko maiwasang hindi malungkot saka muling tumingin sa magazine na iyon. I sighed then again sat to continue eating my food.

"Irish?"

Tyson called my name that caught my attention. I glanced at him.

"Yes?"

He looked at me directly at my eyes,  making my heart race.

"ya lyublyu tebya..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top