Chapter 21
Altheah Ramirez
It's been three months already...
Mukang tintoo naman nito ang panliligaw saakin.
Kahit halos hindi siya makaporma dahil kay daddy. Nakilala narin ni Zayne si Tatum It was a week after I gave him a chance.
Pauwi kasi kami nun ng pilipinas kasi inimbitahan kami ni Kristine dun sa party at hindi daw pwedeng hindi kami umattend. Me and Kristine became friends.
Nalaman ko ring sila pala ni Vin and I'm really happy for them...
"Mommy are we there yet?"
Tatum asked excited for his surprise as we arrived into the airlines.
"Wala pa panget huwag kang excited."
Pagsusungit ni Celestine saka isinuot ang kaniyang aviator glasses at naglakad na para bang nasa run way.
"Panget ka pa! may pangalan ang anak ko! Tatum!"
Iritang saad ko na nagpakunot ng noo nito.
"Eh sa panget naman talaga ng pangalang iyon! Kaloka ang ganda ganda ng isinuggest ko noon tapos Tatum lang ang ipapangalan mo!"
Sambit niyang nagpairap saakin. Ewan ko ba dito at parang ang bitter bitter tuwing naririnig ang pangalan ng anak ko. Samantalang noong college days ay wala naman akong naaalalang naging boyfriend nito.
Nasasapak nga lang niya lahat ng manliligaw niya eh. She's a famous architect and one of the best artist I know. Pero hanggang ngayon ay ayaw pading magjowa kahit ang sabi niya noon ay saka na kapag graduate na siya.
"Why do you hate that name anyway?"
Gulong saad ko nang bigla namang mag ring ang phone niya.
Nailing nalang siya roon saka sinagot ang nagriring na phone.
"What again Scarlet?---- Yes I'm done with my mission b*tch. Sumaglit lang ako sa kaibigan ko at pauwi na din para magbigay ng report. How's Zaffiro and his parents?----I know, I get it, nasaan nanaman ba si Ruby? Kararating lang?"
Saad niya sa kausap sakaniyang cellphone na hindi na namin pinag tuuan pa ng pansin. Tuwang tuwa pa si Tatum sa mga naglalakihang eroplanong nakikita.
"I'll go ahead, naroroon ang private plane ko."
Yumakap ito saakin saka hinalikan naman sa pisngi ang anak ko.
"I wish you'll be happy this time. Good luck sa pagbuo ng pamilya ninyo. Just tell me once he hurt you again. Ako mismo ang magtatanim ng bala hindi lang sa bungo niya, pati din sa etits tapos bigyan nalang kita ng d*ldong malandi ka."
Ngisi nito.
"Celestine!"
Saway ko.
"What is etits?"
My son asked curiously making my eyes widened as I glared at Celestine's retreating back. Napatampal nalamang ako saaking noong pumasok na sa private plane na sasakyan namin.
Doon ay natanaw ko si Zayne na abalang nakikipag usap kay Leroy Tatum habang nakasimangot. Looks like he'll be this flight's pilot.
Ang alam ko kasi ay nagresign na din ito sa airlines. But seeing his grin made me conclude, na pinagtitripan niya lamang si Zayne.
"Altheah---"
"Tito Zayne!"
Masayang sigaw ng anak ko na nagpatigil rito.
"T-Tam Tam?"
Gulat nitong saad saka napatitig dito.
"Ang cute naman! anak mo boss? kamuka mo eh."
Sambit naman ng isa pang pilotong kausap nila na nagpakurap rito saka ibinaling ang tingin saakin.
"Tatum..."
I said.
"Not me!"
Leroy Tatum said then raised his hands.
"Don't call him tito."
Mangiyak ngiyak kong saad.
"Zayne, this is Tatum.. your son."
I still remember how Zayne reacted when he found out that Tatum is his son. he even cried as he hugged him tight.
I also explained him what happened. That his twin died while he survived.
At masaya ako kasi sawakas ay nagkakilala rin ang mag ama.
Pero itong si Zayne umiral nanaman ang kabaliwan at gusto daw palitan ang pangalan ni tatum na syempre ay hindi ko pinayagan.
I named him after Tatum, dahil malaki ang utang na loob ko kay leroy. Dahil kung hindi siya dumating ay baka pareho na silang nawala saakin.
Zayne even thanked Leroy after knowing the truth. Sangayon ay kinukumbinsi niya akong palagyan ng second name ang anak namin.
Matapos naming umattend party ay nagkagulo pa.
Nakidnap kasi yung girlfriend ng kuya ni Kristine kaya kasama si Zayne sa mga tumulong sa pagrescue rito.
After that ay bumalik na kami sa sicilly.
Ayaw ni daddy na tumira kami roon hanggang hindi ko pa sinasagot si Zayne baka daw kasi sa kama raw may mangyaring ligawan.
Natatawang napailing nalamang ako nang maalala iyon.
Tatlong buwan naring nanliligaw si Zayne at laging tig iisang oras lang ang meron siya para makausap at malapitan ako.
Si Daddy naman ay mukang enjoy na enjoy na pahirapan sya.
Akala ko nga noong una ay hindi siya tatagal at susuko siya agad pero hindi siya nagreklamo at walang sawang nagpatuloy. He took care of me and Tatum whole heartedly.
Si daddy naman kasi nagkaanak na ako't lahat lahat ay mas grabe pang pagpapahirap ang ginagawa kay Zayne.
Napabuntong hininga nalamang akong tinapos na ang pag aayos sa sarili saka dala dala ang maletang bumaba na.
"Etong anak at apo ko babantayan mong mabuti!"
Narinig kong sabi ni daddy habang pababa ako ng hagdan.
He's probably talking to Zayne.
"Gusto kong iuwi mo ng buo! Walang labis walang kulang nagkakaintindihan ba tayo?"
"O-Oo naman po daddy---"
Mahina nalamang akong natawa nang makitang binatukan sya ni daddy.
"Wag mo akong tawaging daddy!"
"Edi pudra he he'
Nanggigigil na pinukulan ni daddy at ambang babatukan uli ito si Zayne ako naman ay nakangiti lang na pinanonood sila.
"Sabi ko nga hindi na po!"
Sagot ni Zayne sabay kamot ng batok.
"Tatlo kayong umalis. Dapat ay tatlo kayong babalik. Ayokong mabawasan at lalong ayokong madagdagan!"
Muling habilin nito na nagpahaba ng nguso ni Zayne.
"Ayaw nyo yun the more the merrier"
"Ano?!"
"W-Wala sabi ko m-merry christmas!"
Hindi ko napagilan ay muli akong mahinang napatawa sa isinagot nito. Baliw talaga!
"Eh gago ka ba?August palang ngayon!"
"Bakit bawal po ba?"
Saglit na natigilan si daddy saka kunot noong tumingin sakaniya.
"Hindi naman"
"Eh yun naman pala eh!Kanya kanya po kasing trip yan!"
Banat pa nito saka inakbayan si daddy agad naman itong siniko sa tyan dahilan para mapadaing ito.
"Wag mo nga akong i-po! Akala mo naman ang tanda ko na!"
"Eh Mathunders naman na talaga kayo daddy! Kaya nga di kayo makakasama kasi inaatake kayo ng rayum---"
"Isa pang hirit po di kita papasamahin sa anak ko."
Mariing saad nito. Napakamot ulo nalamang si Zayne.
"He he sabi ko nga po tatahimik na,Pogi nyo pudra."
"Ay aba't syempre matagal ko ng alam yan!"
Napailing nalamang akong tuluyan ng lumapit sakanila.
Ngiting sumalubong saakin si Tatum saka hinawakan ang kamay ko na nagpangitilang din saakin.
I sighed, Nang araw ding iyon nang umattend kami sa party ay ipinakilala ko rin si Tatum sa mga kaibigan ni Zayne.
Including Kristine.
At may napansin siya sa anak ko. She's actually a psychiatrist. Siya ang doktora sa mental hospital na pinagdalhan ni Zayne kay Vin noon. At doon nabuo ang love story nila na bagay naman dahil parehong baliw ang mga ito.
She started asking some questions about Tatum's bahaviors and ther, we found out something.
Tatum has ADHD.
Attention deficit hyperactivity disorder. Hindi naman daw ito ganun kalala kaya walang dapat ipag alala pero kailangan lang namin itong mas tutukan. Zayne also told me that he had ADHD pero nawala rin daw pagtungtong nya ng adulthood.
But no matter what happen I decided to stay by my son's side.
I don't think makakabalik pa ako sa trabaho lalo na't ayokong malayo sa tabi ng anak ko ng matagal lalo na sa kalagayan nito.
"Let's go!"
Energetic na saad ni Zayne at mukang masayang masaya.
Akmang aakbayan ako nito pero pinalo siya ng baston sa pwet ni daddy na nagpatawa nalang sakin.
"Daddy buhat!"
Saad ni Tatum na nagpangiti kay Zayne saka binuhat si Tatum at ipinatong sa mga balikat nito.
Humagikhik pa si tatum pero diko naman maiwasang kabahan.
"Ingat baka mabagsak mo yang anak mo."
Saad ko pero kininditan lang ako ng loko. Napairap nalang tuloy ako.
Us and my parents bid our good byes as we finally left the place. Isang linggo rin kaming mag i-stay sa pinas.
Nalaman kasi ng mga magulang ni Zayne ang tungkol kay Tatum at gusto nila itong makilala.
"Matulog ka muna,napuyat ka kagabi sa pag eempake since late na tumawag si mommy at daddg,ako na magbabantay kay tatum"
Ngiting saad ni Zayne,hindi nanaman tuloy papaawat tong puso kong nagwawala nanaman. Nakagat ko nalamang ang labing tumango.
***
"Oh my Altheah It's been a long time!"
Malapad ang ngiting saad ng mommy ni Zayne saka mahigpit akong niyakap napangiti nalang akong niyakap ito pabalik.
She is Zayne's step mom. Noong una ay malayo ang loob sakaniya ni Zayne. Eventually, tehy got closer over time. Napakabait din kasi nito at tila ba siya ang tumayong ina niya.
"The last time we saw is two years ago kami rin mismo ang nangulit sayo para magtrabaho sa Airlines."
Ngiting saad naman ni Mr. Carson na natatawang nagpatango lang sakin.
"Oh my! eto na ba ang apo namin?"
Masayang saad nito saka pinantayan ang todo ngiting si Tatum.
"Hindi ma driver namin yan"
Pambabara ni Zayne dahilan para pukulan ito ng masamang tingin ni Tita.
"Tumigil ka diyan Zayne kung ayaw mong makakita ng anak na pinatay ng sariling ina."
Nakasimangot na saad nito na nagpanguso nalamang kay Zayne bahagya nalamang akong natawa sa mga ito.
"Altheah lahat nalang sila inaapi ako."
Nakangusong pagsusumbong ni Zayne saka kumapit na parang tuko saakin. Agad ko naman itong inirapan.
"Mag tigil ka Zayne. Lumayo ka nga saakin. Porke ba hindi ka makikita ni daddy ang lakas ng loob mong kumapit."
Pagsusuplada ko na ikinalapad ng ngiti nito.
"Syempre susulitin ko na noh! Isang oras lang kitang pwedeng hawakan at kausapin doon tapos kelangan kasama pa siya, paano na ang mga sexy time natin?"
Iling iling na tinulak ko ang noo nito gamit ang hintuturo ko.
"FYI nanliligaw ka palang kaya magtiis ka."
Saad ko na lalong nagpahaba ng nguso nito.
"Eh miss na miss na kita ehh."
Pagmamaktol nya na muling nagpairap sakin.
"Zayne para kang bata."
Nakasimangot na sabi ko,but then his lips formed a playful smirk.
"Di na ako bata,Infact kaya ko ng gumawa ng bata!Tried and tested mo na yan."
Ngisi nya.
Naramdaman ko naman ang bahagyang pag init ng pisngi ko kaya binalingan ko ito ng matalim na titig.
"Magtigil ka nga Zayne puro ka kalokohan."
Namumula paring sabi ko na lalo lang nagpalawak sa ngisi nya.
"So ano tara?"
Sabi nya sabay taas baba ng kilay,iling iling at pabirong siniko ko nalamang sya sa tagiliran.
"May nanliligaw bang ganyan."
Irap ko na nagpangisi lang ulit sakanya.
"Sabagay. Sayang naman at hindi mo pa pwedeng tikman tong nakakatakam kong katawan. Sagutin na ako niyan ayeeiii."
Saad nya sabay kindat.
"Asa!"
Sagot ko na nagpahaba lang ng nguso nito.
"I love you..."
Bigla biglaang bulong nya na mabilis na nagpapintig sa puso ko.
The sensation instantly brought shiver down to my spine as if there's a million bolt of electricity flashed through my whole system.
My knees turned jelly as he held my waist then leaned closer.
"Zayne..."
I encircled both of my hands on his neck as I look at him straight in the eye.
"Me too."
I mumbled making him stop for awhile. He stilled while looking at me with a shock expression.
"Y-You..."
"Yes I love myself too..."
Ngumisi akong tinanggal ang pagkakapulupot ng mga kamay ko sa leeg nya. Halos bumunghalit naman ako ng tawa sa itsura nito nang nakabusangot ang mukang humarap ito saakin.
"Paasa!"
Nakasimangot paring sabi nya. Napailing nalang akong tinalikuran na ito.
"Halikana sa loob, iniwan na pala tayo ng parents mo kasama si Tatum."
Ngumiti ako sakaniya pero nanatili parin ito sa pwesto niya animo'y nalugi. Ngumiti akong hinarap muli siya.
"Tara na kasi!Ang bagal mo"
Natatawang sabi ko pero lalo lang itong ngumuso.
"Mag I love you ka muna saakin!"
Parang batang pagmamaktol nya.
"Ayoko nga!Bakit tayo ba?Eh hindi naman kita boy---"
Pinutol nito ang sasabihin ko.
"Edi mag aapply ako problema ba yun?!"
Kalaunan ay seryoso itong tumitig saakin.
"Altheah Ramirez pwedeng mag apply bilang boyfriend mo?"
He asked,medyo natigilan ako. I was caught off guard trying to process what did he just asked, kalaunan ay napangiti rin akong buong tapang na sinalubong ang titig niya saka tumango.
"Yes."
Walang pag aalinlangang sagot ko. Nanlaki ang mga matang tumingin siya sa gawi ko.
"Y-yes?"
He asked unbelievably trying to confirm what I just said.
"It's a yes, Mr Carson. Boyfriend na kit---"
Hindi ko man lang natapos ang sasabihin ko ay agad itong nagtungo sa direksyon ko at mahigpit akong niyakap saka puno ng emosyong hinalikan.
I smiled at him sincerely as our lips parted habang siya naman ay nakatulala lang sa muka ko habang ngiting ngiti pa.
"D*mn I miss these sweet lips of yours..."
Hinihingal na sabi nya saka ako muling hinalikan na para bang bibitayin na sya bukas. Napangiti nalamang akong buong pusong tinugon ang mga halik nya.
"I love you so much Altheah."
He whispered under our breaths.
"I love you too Zayne...."
Malapad itong ngumiti at bahagyang namula ang pisngi.
"You don't know how happy I am right now, ang tagal kong hinintay na marinig sayo yan."
Buong pusong saad nito. Napangiti nalang akong muli siyang hinalikan.
"I love you so damn much woman!"
Masayang masaya niyang sigaw na nagpatawa saakin.
Lumawak ang ngiti nitong hinawakan ng mahigpit ang kamay ko saka dali daling hinila ako papasok ng mansiyon.
"Mameeyy!Daddeey!Sinagot niya na ako!Ikakasal na kami!"
Sigaw na na bahagyang nagpamulagat sa mga mata ko.
"Zayne!"
Natatawang suway ko pero kinindatan lamang ako nito. Kilig na kilig naman ang lola mo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top