Chapter 13

XIII




"HEY bro!" Untag ni Scott kay Davin. Hindi niya namalayang lumilipad na pala ang isip niya.

Bigla siyang napalingon kay Scott at sa iba pa nilang kasama sa lugar na iyon, nakita niyang nakatingin ito sa kaniya at bahagyang umiling.

Si Keizer at si Vein ay lumingon lang saglit at nagpatuloy din sa kanilang pinag-uusapan.

"Oo nga. Kanina pa kita tinatanong kung kailan ang date ng kasal niyo ni Miya." Naiiling na sabi ni Axe na nasa tabi ni Gion.

Napalingon siya kay Baxter na abala sa pagpindot sa cellphone nito. Nakita niyang napatigil ito saglit at nagpatuloy na naman sa pagpindot sa cellphone nito.

Napabuntung-hininga siya at napasandal sa inuupuan niya.

"I don't know." He answered.

"What the hell is that? Ikaw yung groom tapos hindi mo alam kung kailan?" Nakakunot noong tanong ni Scott. "Unless, ayaw mo talaga siyang pakasalan..."

Bigla niya itong binatukan kaya napahimas ito sa kaniyang ulo.

"Huwag  mo ngang sinasabi yan. Its not that na ayaw ko siyang pakasalan. May gumugulo lang sa isip ko ngayon." He answered as a matter  of fact.

"What?!" Naiintriga namang tanong ni Axe. "Don't tell me its another girl?" Nakangising wika nito.

Sa sinabing iyon ni Axe ay ito naman ang binatukan ni Gion.

"Baliw ka ba? Alam mo namang mahal na mahal niya si Miya e tapos sasabihin mong may iba siyang babae?" May galit na sabi ni Gion dito.

Ilang taon na ang nakakaraan nung maging kaibigan niya ang mga mokong na ito. And he will admit that na napakalaki ng papel ng mga ito sa buhay niya.

Naiiling nalang siya na napatingin sa mga ito.

"Defeat..."

"Ang iingay niyo kase natalo tuloy ako!" Baxter hissed in annoyance at tyaka tumayo at nagmartsa papunta sa bar.

Napakamot naman ng ulo sina Gion at Axe habang sinundan ng tingin ang inis na inis na si Baxter. Well, sa kanilang magkakaibigan Baxter is the most serious one, Scott is the most playboy among them, sina Keizer at Vein naman ay wala ng ibang mahalaga kundi ang kani-kanilang mga negosyo. Si Axe naman ay Vice Mayor ng kanilang bayan while Gion is the owner of the club kung saan sila naroroon ngayon.

Hindi na lamang siya nagkomento at napatitig sa alak na nasa harapan nila.

"Naalala niyo ba yung mga babaeng hi-nire ko  last last week?" Narinig niyang tanong ni Scott.

Naging attentive ang tenga niya at pinulot ang kaniyang baso na tila walang naririnig pero ang totoo ay nandoon nakatuon ang buong atensiyon niya.

"Oh... those girls..." rinig niyang sabi ni Axe. Akala mo talaga hindi Vice Mayor e.

"Yes. Sila nga. Dalaw tayo minsan sa club nila." Panghihikayat ni Scott sa dalawang mokong.

Lumagok lang siya ng alak kahit kating-kati na yung dila niyang tanungin si Scott kung saan matatagpuan ang club ng mga ito.

That girl really has something that he couldn't give a name. Hindi niya alam kung bakit hindi niya mapigilan ang sariling isipin ito at hindi niya maiwasang balikan ang mainit na sandaling namagitan sa kanila sa loob ng banyo sa pad ni Scott.

Nang gabing iyon na may nangyari sa kanila ay halos hindi siya makatulog. Hindi niya alam kung bakit pero ginulo na talaga ng babaeng iyon ang isip niya. Kaya kailangan niyang makausap ito. Kailangan niya itong makilala.

"Bakit hindi pa tayo ngayon pumunta?" Gion asked while grinning. 

"Hindi ako pwede ngayon mga bro. Alam niyo naman on-going ang kampanya ngayon hindi nila ako pwedeng makita na pumunta roon. Baka may makakilala sa akin doon gamitin iyon ng makakalaban ko." Mahabang paliwanag naman ni Axe.

Tatango-tangong sumang-ayon naman si Gion at Scott.

Halos maibuga niya ang kaniyang iniinom ng mapadako ang mga tingin nila sa kaniya.

"What?" He snapped as he sip into his glass.

"Tayo na lang. Tayong tatlo nila Gion pare." Pang-aaya ni Scott sa kaniya.

Napaangat ang kaniyang kilay.

"Bakit hindi na lang si Baxter ang ayain niyo para naman hindi na lang yung cellphone ang laging hinihimas." He said at tyaka sumandal sa kaniyang kinauupuan.

Napahagalpak naman ng tawa ang tatlong kasama niya sa mesang iyon. Samantalang sina Keizer at Vein ay nakita niyang tumayo at nakisiksik sa kanilang lamesa.

"Anong nakakatawa?" Nakakunot-noong tanong ni Keizerat nagsalin ng alak sa baso.

Si Vein naman ay nakamasid lang at nagihihintay ng sagot.

"Nothing." Sagot ni Scott. "Well, I was saying why don't we treat ourselves tonight?" Tanong nito sa dalawa habang nakangisi.

"Meaning?" Nakakunot-noong tanong pa rin ni Keizer.

"Punta tayo sa isang club kung saan nandoon yung mga hi-nire ko sa party ko." Kung titingnan ay halos kumislap ang mga mata nito.

Napapailing naman si Keizer at nilagok ang natitirang alak sa kaniyang baso.

Napatingala siya rito dahil tumayo na ito, marahil ay uuwi na at idadahilang marami pa itong aasikasuhing mga papeles hinggil sa kaniyang negosyo. Keizer is a business minded man. Wala itong ibang inisip kundi negosyo. Parehas na parehas sila ni Vein kaya magkasundong-magkasundo silang dalawa.

"Your going home?" Tanong Gion.

"Akala ko ba iti-treat natin ang mga sarili natin? So, lets go." At tumalikod na ito.

Nagkatinginan silang lahat na nandoon. Si Keizer Villafuente pumayag na pumunta ng bar.

Nakangising tumayo si Scott kasunod si Gion at Vein. Si Axe ay napakamot sa ulo at tumayo na rin.

Nang mapansin nilang hindi siya tumayo ay sunod sunod na naglingunan ang mga ito.

"Your not going?" Scott asked.

Bagkus na sumagot ay tumayo siya at nauna ng naglakad palabas ng bar na iyon at pumunta sa kaniyang kotse.

Of course sasama siya. This time sisiguruhin niyang masasagot ang lahat ng tanong niya.

--------

So ayan na. Sorry talaga sa mabagal na update. Ipinakilala ko na yung mga ibang kaibigan ni Davin dahil kung kaya ko ay gagawan ko rin sana sila ng story. Pero parang ang hirap😭 pero I will try. Baka magkaroon ako ng series neto. I will call 'The Bachelor Series' what do you think guys?

Ex:
TBS1: DAVIN ALCANTARA
TBS2: BAXTER MEJIA
TBS3: SCOTT ANDRIUS SECOLLES
TBS4: AXE FINN DEL FUENTE
TBS5: KEIZER VILLAFUENTE
TBS6: VEIN GUZMAN
TBS7: GION FORD DELA VEGA

AN: Guys di nasunod yang numbering😭 #2 si Axe Finn at completed na siya. #3 si Vein huhu pero draft pa lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top