Chapter 2
Napangiti nalang si sapphire nang matanaw ang matalik na kaibigan pagdating ng Airport.
"Kristine!"
Masayang bati nya sa kaibigan na ikinangiti nito ng malapad habang masiglang kumakaway sakanila. Kristine Lao Imperial is her best friend for 5 years, ito rin ang babaeng tumulong sakanya nang mawalan sya ng malay noong araw na yun 5 years ago.
She helped her that time and since then, the two became really good friends. Kristine is a psychiatrist, who works in a mental institute.
Less than 3 years din nyang nakasama ito sa Canada. Dalawang taon na rin siyang nagtatago sa Canada at nakapanganak na doon nang magkita muli sila.
They didn't loose connection since Kristine helped her before. Three years ago, sumunod sakaniya si Kristine dahil nagkataong doon muna siya magtatrabaho.
But then 3 months ago umuwi ito at lumipat sa pilipinas sa kahilingan ng mga magulang nito.
"Oh my Saphire! Akala ko, ikaw talaga si emerald. Alam mo kung hindi ko lang talaga alam na ikaw ang dadating baka napagkamalan na kitang sya dahil sobrang identical nga talaga kayong dalawa."
Malapad ang ngiting saad nito na nagpailing nalamang kay saphire.
"Malamang, kambal kami."
Ngiwi niyang ikinairap lang nito.
"Anyways! hi baby Zaff!"
Hyper na saad nya habang malapad ang ngiting bati nya sa bata pero tinignan lang sya nito saka di pinansin.
Napanguso nalang tuloy si kristine.
"Hays ang snob ng batang yan! Pinaglihi mo ba sa yelo yang anak mo ha Saph?kaloka!"
Nakanguso paring sabi nito na nagpailing lang sakanya saka binuhat si ZM.
Zaffiro looks like his father, that man whom she only knows by his name and his face. Hindi na sya nag abala pang ipahanap ito sa kapatid at pinigilan din siyang sugurin ang lalaki noon.
Zaffiro Mathew Stone is the name his son uses.
Hindi katulad ng ibang bata ay tahimik ito at mas gugustuhing makipaglaro sa pusa nya. Mas enjoy din ito sa mind games at building blocks, hindi rin ito iyakin.
Bukod kay saphire, si Lucas, Emerald at Ruby lamang ang kinakausap nito, at ang pusa nya.
ZM has this problem, he hates communicating with other people except his mom and those three. Nagwawala ito at nagtatantrums sa tuwing mahahawakan sya ng ibang tao.
Ayon kay Kristine, nang ipacheck niya ang anak noon ay dulot ito ng nangyari sa nakaraan. Kaya nagkaganoon ang bata.
"Anyways daan muna tayo sa Imperial main building mamaya ha? May kukunin lang ako kay kuya."
Nakasimangot pang saad ni kristine habang nagmamaneho, na nagpangiti kay saphire na tumango. Inabot din sila ng dalawang oras mula sa Airport, patungo sa naturang building.
Nang makarating ay agad silang naglakad patungong parking lot habang buhat buhat parin ni Saphire si Zaffiro.
Isinuot niya ang cap at mask gaya ng nakasanayan habang nakikinig sa mga kwento ni Kristine.
"Kaloka buti ka pa talaga may Zaffiro ka na."
"Oh bakit naman?"
Kunot noong tanong ni Saphire habang naglalakad lakad, Kristine shrugged.
"Well I'm 29 and still NBSB sis malamang kailangan ko ng maging alert, hays hahanap nalang ata ako ng gwapong baliw sa mental hospital na willing buntisin ako"
Reklamo nito, iling iling na mahinang binatukan ni saphire.
"Diba nagkaboyfriend ka na? NBSB ka diyan."
Sambit niyang nagpangiwi kay Kristine.
"No boyfriend since break up!"
Nguso nitong nagpailing lang kay Saphire.
"Eh paano, dibq nga sabi mo nagagfocus ka na sa work after last break up? At saka ikaw rin mismo ang nagsabing pihikan ka."
Saad ni saphire sa kaibigan..
"Eh anong gusto mo, pili nalang ako sa isa sa mga pasyente ko? Malamang kung magkakastandards lang din ako yung best na para sakin!Oh ano?Payt meh!"
Hindi nalang sumagot si saphire sa kabaliwan ng kaibigan.
***
"Saka kuya pinatatanong pala ni mommy kung wala padin---"
"Yes I have no girlfriend and has no interest to have one. Masyado akong abala sa trabaho."
Matteo hissed.
Matapos kunin ng kapatid ang kailangan ay hindi pa din umaalis ito at nagpasama pa sa lobby ng building.
"Pagtiisan mo nalang si mommy, senior na ehh, kailangan na daw ng apo---na hindi pusa."
Kibit balikat nitong nagpangiwi kay Matteo.
"Edi ikaw ang magbigay."
Sabi niyang ikinanguso ng kapatid.
"Boyfriend nga wala ako eh."
Irap niya.
"That that's the same for me."
Matteo chuckled, sinimangutan lamang siya ng kausap.
Napakunot ng noo si Matteo nang mapansing nangliliit ang matang nakatitig sakanya ang nakababatang kapatid na si Kristine Lao Imperial.
"Kuya parang may nakita akong kamuka mo? Sino nga ba?"
Saad nito, inilingan lang nya ito at pinitik ang kaniyang noo, saka walang pasabing iniwan na ang nakakairitang kapatid doon.
"Ay bastos na bata! Bat ba napalilibutan ako ng mga walking yelo ngayon?"
Inis na bulong nito sakanyang sarili. Sakto namang dumating si Saphire buhat buhat si Zaffiro.
"Oy san kayo galing? Ipakikilala sana kita sa kuya ko ehh"
Saph shrugs.
"Tumakbo si Luke na hinabol ni Zaffiro tapos hinabol ko naman sila"
Saad nito na nagpairap lang kay kristine. Luke is a black cat with blue eyes.
"Eh bwiset naman yang pusa nyo ehh ang sama kung makatingin, konti nalang talaga gagawin ko na yang siopao"
Irap niya.
"Tara na nga dami mong sinasabi dyan"
Iling iling na sabi ni Saph na ikinairap lang uli ni kristine.
***
"Matt!"
Pagtawag pansin sakanya ng kaibigang si Vin.
"Problem?"
Nag angat ito ng tingin saka inalis ang reading glasses na suot nya.
"Magpapamental na ata ako"
Marahas pa itong napabuntong hininga na nagpakunot ng noo ni matteo.
"Akala ko takas ka? Susuko ka na?"
Sinamaan ito ng tingin ng kaibigan.
"Nevermind. Teka may binalita nanaman si Zayne chikadoro, magbabakasyon ka daw?"
Napapoker face nalamang si matteo sa tanong nito. Ibinalita nanaman ng chismoso nyang kaibigan ang balak nya -.-
"Yeah. at my sister's vacation house"
Tipid na sagot nya.
Kristine doesn't know he will go there though and Matteo thinks that she doesn't have to know.
"Balak ko ring magbakasyon ehh gusto mo sumama?"
"No thanks. Last time na sumama ako sayo sa pagbabakasyon mo dinala mo lang ako sa rehab kasi trip mo"
Sinamaan pa ni matteo ng tingin ang kaibigan nang maalala nya iyon.
"Sus bagay ka naman dun ehh tigang ka ka---aw!"
Binato sya nito ng stapler ng nakapoker face lang habang sya ay hinihimas ang ulo.
"Taena makaalis na nga baka mesa pa ibalibag mo sa susunod ehh laki talaga ng galit mo sakin noh? Baka tayo magkatuluyan nyan"
Akmang babatuhin uli sya ni matteo ng puncher pero nakatakbo na si Vin. Marahas nalamang syang napabuntong hininga, hindi nya rin alam kung paano nya naging kaibigan iyon.
***
"Finally"
Saph groaned. Gabi narin nang makarating sa isla matapos ang limang oras na byahe, sakay ang yate.
Nakatulog narin si Zaffiro at ang pusa nitong si luke. Pagod na pagod sila sa halos 14 hours na byahe galing ng Canada.
Idagdag pa ang limang oras na byahe papuntang isla kung saan nakalocate ang vacation house ni Kristine.
"Anyways mag istay lang ako dito ngayong gabi, bukas, maaga akong babalik sa city since kailangan kong asikasuhin yung mga pasyente ko, huwag niyo na akong hanapin sa umaga."
Kristine said making Saph nod her head then smiled at her friend.
"Thanks a lot kris, hindi ko narin kasi alam kung saan kami pupunta since nasanay na kaming tumira sa canada, 3 years din kasi tayong nag stay dun"
Napahilot nalamang si saph sakanyang sintido.
"Nah...ayos lang nabubulok naman na tong vacation house ko since busy rin ako. Anyways tago ang islang to at tanging family members at mga trabahador lang ang nakakaalam kung saan so di kayo matutunton dito. Pasok na tayo alam kong pagod kayong mag ina"
Paliwanag nito na nagpatango pa sakaniya saka sila tuluyang pumasok sa loob ng mansyon ng vacation house nya.
Kristine has her own Island, iniregalo sakanya iyon ng mga magulang nya nang ikalabing walo niyang kaarawan, saka niya pinatayuan ng vacation house noong magkatrabaho sya.
"Sila nga palaang mga maids and Butters na makakasama ninyo sa vacation house ko. "
Saad ni kristine nang bumungad sakanila ang hile hilerang mga trabahador ng vacation house na iyon.
"Welcome Miss Emerald I am the head maid Ganduh Co while this is the head buttler Akohzi Guapo"
Kunot noong di makapaniwalang napa tingin sya sakanila hinihintay na sabihin nitong nagjojoke syam as if on cue nag umpisa naring magpakilala isa isa ang mga trabahador ng vacation house.
"Kami po pala ay magkakapatid,kamusta po ma'am ako po si Wathfad S. Layf"
"Ako naman po si Kaye Puff S. Layf"
"Ako po si Annie Mae S. Layf"
"I am Kee Lai S. Layf po"
"Ako po si Fhorn S. Layf"
'What the fvck?'
Saad ni saphire sakanyang isipan.
"Hello po ma'am ako po pala yung hardinero dito si Hard Packer"
"Ako po si Baby Paquiou"
"Good day ma'am I'm Mahli Vugh eto naman po pinsan ko si Mahy Futok"
"Ms Emerald ako namern fo si Annie Durah sya po ang boypren ko si Zugyhot AniDuroh
"Hi po Ms Stone ako po si Dico Quilala"
"Ako po si Highaadna Makate"
"Ako po naman is si Anesnah Mahlufet"
"Magandang araw po ako po si Mah Toyo,sila po yung mga bes pren ko sina Datuh White saka si Tee Ghang"
"Maithim Nauthong po ang pangalan ko"
Sinamaan nalamang ni saph si kristine na pangiti ngiti lang. Kalaunan ay napabuntong hininga nalamang,saka napahilot sakanyang sintido.
"Ako naman po si----"
Hindi na pinatapos ni Saph magsalita ito ay pinutol nya na ang sasabihin ng maid.
"Ano abnormal din ba pangalan mo?"
Kunot noong tanong niya na agad na nagpailing sa maid.
"Ah hindi po, normal naman po pangalan ko."
Ngiti nito sakaniya.
"Abbie po ang pangalan ko."
Pagpapakilala nitong nagpatango tango sakaniya at ngumiti.
"Abbie Birdey po hehe."
Saph groaned in annoyance habang si Kristine ay kanina pa nagpipigil ng tawa sa itsura ni Saphire.
"Asan mga magulang ng mga to? usap nga kami, usap lang."
Inis na sabi nya hanggang sa tuluyan ng humagalpak sa katatawa si Kristine.
"Yung totoo Kristine mga pasyente mo tong mga to noh?"
Kunot noong sabi nya sa kaibigang halos malagutan na ng hininga sa katatawa.
"Isa pa Kristine ako mismo sasakal sayo"
Inis na sabi nya.
"Wait----"
Hindi na nito napagpatuloy ang sasabihin ay tumawa uli ang loka. Napailing nalamang si saphire sa tinotoyong kaibigan.
"Wala na, nabaliw na"
Sabi nya pa, ilang sandali lang itong tumawa habang lahat sila tahimik lang na pinanonood sya at hinihintay syang matapos, nang sawakas ay tumigil rin ito.
"Actually galing ng rehab yang mga yan nung gumaling na walang mahanap na trabaho kaya kinuha ko sila dito hihi ^^"
Humagikhik pa ito sa sinabi.
"Ewan ko sayo Tin"
Iling iling na sabi nalang ni Saphire, saka nagpahatid na sa isa sa mga maids na naroroon papuntang kwarto nya.
Nalaman rin nyang may sariling bahay ang mga trabahador na nakakonekta lang sa mansyon kaya sila lang ni zaffiro ang naroroon hanggang sa makahanap sya ng trabaho at matitirahan, magpapalamig muna sila ngayon mula sa mga taong humahabol sakanila.
Dahan dahan nitong inihiga si Zaffiro sa malambot na kama habang akap akap nito ang pusa nya. Napangiti nalang itong hinaplos haplos ang buhok nya saka dahan dahang tinanggal ang sapatos at medyas nito saka tumabi na rito para matulog.
"Sorry Zaff, for giving you a dangerous life, you don't deserve."
She whispered.
"You're supposed to live like a normal kid normally does. Pero heto ka at nadadamay sa panganib na dala ng buhay ko."
Hindi maiwasang maiyak ni Saphire habang nakatitig sa anak. She's feel awful for giving that kind of life to her son.
Tinatanong niya sa sarili, kung sakaling hindi siya umalis nang araw na iyon o hinanap niya ang ama ni Zaffiro ay ganito parin ba ang magiging buhay nila?
Nasasaktan siya, pagod na pagod na kakatakbo at kakatago at ang tanging nagbibigay nalamang ng lakas sakaniya ay si Zaffiro.
"I love you nak."
Bulong niya saka masuyong hinalikan siya sa noo at niyakap ito.
***
A/n: Btw Kristine is face blind, so uhh yeah 😂 🤷
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top