Chapter 7
PUWEDE BA KITANG I-GROCERY? Damn it! Fuck it! Sa dami ng gusto niyang gawin para kay Montana. I-bahay. I-date. I-grocery talaga ang nasabi niya. He was fucked-up!
"Thanks, but no thanks, Mr. Dela Fuente. I still have a budget for that. Salamat sa malaking tip mo."
Tawang-tawa si Clarito nang ikuwento niya rito ang katangahan niya. Kay Clarito lang niya kayang ikuwento ang bagay na ito. Kung si Clarito ay tawang-tawa na sa pinaggagawa niya ano pa ang mga kaibigan niya lalo na ang mga kapatid niya. Katakot-takot na kantiyaw ang aabutin niya sa mga iyon. Ang yayabang pa naman ng mga iyon.
"Stop laughing, Clarito! Hindi ako marunong manligaw alam mo 'yon!" Marahan niyang inuntog ang likod ng ulo sa swivel na kanyang kinauupuan. Frustrated. Hindi niya alam ngayon kung paano pang lalapitan si Montana nito. Parang hindi siya gusto. Wala siyang karanasan kung paanong susuyuin ang babae para magustuhan siya. Eh, siya ang nililigawan ng mga babae. Sa dami ng babaeng nagpakita ng interes para makipagrelasyon sa kanya ay wala siyang pinagbigyan. Date. Fuck. Date. Fuck. Ganyan lang. Walang commitment. Mas madali kasi ang ganoon. Walang demand. Walang obligasyon. Pero sa unang pagkakataon parang gusto niyang maranasan ang tinatawag nilang commitment sa isang relasyon. Gusto niyang subukan pero gusto niya sana si Montana ang problema naman ay mukhang hindi sa kanya interesado.
Bakit kaya? Guwapo naman siya. Mayaman. Dahil kaya sa edad?
"Maestorbo lang kita, boss, sa pagdi-daydream mo." Hinugot siya mula sa pag-iisip ng kung ano-ano nang magsalita si Clarito.
"Si Klouber Villarama."
Pumormal ng upo si Soft sa sinabi ni Clarito. "Did you talk to her?"
"Mm. Sinabi ko na gusto mo siyang makausap at pupunta siya rito ngayon." Sinipat ni Clarito ang orasang pambisig. "Tingin ko parating na 'yon."
"Good." Sabay na napatingin ang dalawa nang may kumatok sa pinto ng opisina at kapagkuwan ay bumukas iyon. Sumilip si Tasha, ang kanyang babaeng sekretarya.
"Sir, Klouber Villarama is here."
"Speaking," Clarito said.
"Please, send her in, Tash," utos ni Soft sa sekretarya.
"Okay po, sir." Hindi inalis ni Soft at Clarito ang paningin sa pinto hanggang sa pumasok doon ang isang babae. Tall, with sand-colored complexion and a slim frame. Her caramel balayage hair color looks natural as if the hair has slightly burned out in the sun. When Tash told the woman to approach them, he and Clarito got to their feet. She looked confused and hesitant as she took timid steps toward them.
Inilahad ni Soft ang kamay hustong makalapit ang babae at ipinakilala ang sarili. "Sofronio dela Fuente." Bumaba ang tingin ng babae sa kamay ni Soft at dahan-dahan nitong inabot iyon.
"Klouber Villarama."
"It's nice to see you again, Ms. Villarama. Please, have a seat." She is even more bewildered now, but she did as she was told. Nagpaalam naman si Clarito. Naupong muli si Soft. Pinakatitigan niya ang nahihiyang babae. Tipid itong ngumiti sa kanya. Conscious na inipit ang buhok sa likod ng tainga.
"You grew up differently," komento niya.
"Ano po ang ibig ninyong sabihin?"
"Bata ka pa kasi nang makita kita. Probably eight years old. You still have curly hair at that time." Inabot ng babae ang unat na buhok at marahang hinaplos ng daliri.
"Rebond," tipid nitong tugon.
Tumango si Soft. "And a bit tan." Hinaplos naman nito ang sariling braso pero hindi na tumugon pa.
"Maybe you are wondering why you are here?"
"Definitely," tugon nito.
"Are you aware that your father owned the Clover Capital before?"
Bumakas ang pangamba sa mukha ng babae. "May...may mga utang pa ba siya na sa akin isisingil? Sandali naman po! Wala akong alam sa bagay na 'yan!" Tuluyan itong nataranta.
Marahang natawa si Soft sa naging reaksyon nito. "Hindi. Wala. Your father is debt free now."
"Oh, thank God!" She splayed her hand across her chest, relieved.
"Kumusta na pala ang daddy mo?" Muli na namang bumalik ang kaba sa anyo ng babae.
"Ahm. He's fine...yeah. He's fine." She smiled awkwardly. Her speech sounded uncertain.
"I wonder why you invited me to visit your office, Mr. Dela Fuente. Ang sabi ng assistant mo may mahalaga kang sasabihin. Wala akong ideya kung tungkol saan. Mas inaasahan ko pa na baka singilin mo ako sa posibleng utang ng..." She sighed before she could finish her words. "Dad ko."
Ipinatong ni Soft ang mga braso sa ibabaw ng desk. "You are at the right age now. Twenty-two, right?
Tumango ito para kumpirmahin ang tanong niya. "You are graduating this year."
"Yes. Fashion Design and Marketing. I'm a scholar. Kung hindi dahil sa nagpapaaral sa 'kin hindi ako makakapag-aral sa dream university ng marami."
"Scholar," usal niya.
"My dad's friends helped me to get a scholarship. Pagkatapos ng lahat ng kamalasan na nangyari sa buhay namin may mga tumulong naman para makapag-aral ako."
"Your dad's friend," usal niya at bahagyang tumango si Soft.
"Do you want to work here?"
"Pardon?"
Soft smiled. "You can be a part of this company while still pursuing your dream career. I'll be here to guide you."
Her eyes slowly squinted. She's baffled yet amazed. "Why?" she asked.
"Because you belong here," he declared.
****
HINDI mawala sa isip ni Montana ang tagpo sa shop sa pagitan nila ni Sofronio dela Fuente. Madalas ay napapangiti siya at napapatawa pa nga kapag naaalala niya ang sagot nito sa kanya na "pwede ba kitang i-grocery?" katulad na lang ngayon. Habang kumakain siya ng waffle in stick habang nakaupo sa isang bench sa ilalim ng Mahogany tree ay bigla na lang siyang napapangiti habang naalala si Soft. She found him cute. Hindi dapat. Hindi dapat siya naaaliw sa lalaking iyon. Hindi dapat siya napapangiti. She hates what she feels.
Dinala niya sa kanyang bibig ang waffle at kumagat nang bigla naman siyang matigilan nang makita si Klouber. Nakatayo sa kanyang harapan hindi kalayuan habang seryosong nakatitig sa kanya. Ngumiti ito saka naglakad palapit sa kanya.
"Hi," she greeted her, sitting beside her.
"Kumusta?" tanong nito.
"Mabuti naman."
"How's your dad?" Tumaas ang kilay niya sa tanong nito. Ilang milyong beses na ba silang nagkasalubong nito pero ni isang beses ay hindi man lang nito nagawang kumustahin ang kanyang papa.
"He's fine," tipid niyang tugon.
"Nakakalakad na ba siya?"
"Hindi, eh. But he's still undergoing therapy."
"Sana makalakad pa rin siya." She sounded sincere.
M
"Sana nga."
Tumingin sa malayo si Klouber. Tumahimik ito. Parang nahulog sa malalim na pag-iisip. "Your mom died when you were eight, right?" kapagkuwa'y tanong nito.
"Mm," tugon niya habang kumakagat ng waffle.
"Naalala mo pa ba kung paano siyang namatay?" Ang magana niyang pagnguya ay bumagal. Parang biglang may bumara sa kanyang lalamunan at hirap na niyang lunukin ang pagkaing nasa kanyang bibig. Hindi lang ang lagusan ng hininga ang tila sumikip kundi pati ang dibdib niya nang manariwa ang malagim na trahedya na nangyari sa kanyang mama.
"Naglaslas siya hindi ba?" patuloy na tanong nito. Pilit siyang tumango. Dugo. Maraming dugo sa marmol na sahig ng kuwarto. Iyon ang bumungad sa kanya pagpasok niya sa silid ng kanyang mama. Nakahandusay. Umaagos ang dugo mula sa palapulsuhan na may malaking hiwa. Sa tabi, ay may kutsilyo na siyang ginamit nito sa paglaslas. Bata pa siya. Ang murang isip na dapat ay magagandang alaala ang dala sa paglaki at puso na dapat ay pagmamahal at kaligayahan ang nararamdaman ay namulat agad sa trahedya. Dugo. Patalim. Kamatayan. Muhi. Sakit at paghihiganti ang dinala niya hanggang sa paglaki. Hindi humihilom. Hindi nakakalimot.
"I'm sorry for asking." Kumurap si Montana, agad na pinahid ang luhang hindi namalayang sunod-sunod na dumaloy.
Tumayo si Klouber. "I have to go. Bye." Naglakad na ito palayo pero natigil muli nang magsalita siya.
"Si daddy lang ang kukumustahin mo?"
Nakangiti itong pumihit paharap sa kanya. "I know they are okay. You promised me." Pagkasabi niyon ay naglakad na ito palayo. Sinundan niya ng tingin ang babae. Napapailing. Disappointed. Wala talaga itong pakialam sa mga kapatid nito pero sa kabilang banda ay pabor na rin iyon sa kanya.
Nang maubos ang kinakain ay tumayo na siya. Isinukbit ang backpack sa isang balikat. Rest day niya ngayon sa trabaho. Makakapag-general cleaning siya sa apartment niya. Sa gate two siya dumaan kung saan daanan ng mga jeep. Patawid na sana siya nang hindi maituloy ang paghakbang nang marinig ang pamilyar na boses na tinawag ang pangalan niya.
Sa pagpihit ay nahigit niya ang kanyang paghinga nang makita si Sofronio dela Fuente. Kagalang-galang ito sa suot na business attire minus coat and tie. Burgundy na long-sleeve dress shirt at itim na trouser. Napahawak siya nang mahigpit sa strap ng kanyang backpack.
"Hi," bati nito.
"Mr. Dela Fuente, ano ang ginagawa mo rito?"
"You told me to talk to you again once I knew exactly what I wanted.
"Then?" she cocked her eyebrows.
"Can I drive you home?"
"Ibig sabihin gusto mong maging driver ko?"
Dinala ni Soft ang kamay sa batok at marahan iyong pinisil. Ayan na naman ang cute na ekspresyon sa mukha nito. "Kung pwede sana."
"Mr. Dela Fuente, kaya kong umuwi. Saka hindi ako sanay na may naghahatid. Sige na. Mauna na ako."
"Montana, please!" Mabilis nitong nahawakan ang kanyang kamay, pinigil siya sa tangkang pag-alis. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong mahigpit na hawak ang kanyang kamay.
"Gusto kitang makausap. Please!" Marahan nitong pinisil ang kanyang kamay. Nilinga ni Montana ang paligid at nang makitang nakakakuha na sila ng atensyon ay wala sa loob na kumuyom ang kanyang palad dahilan para mapisil niya ang kamay ni Soft.
Nakatingin na sa kanila ang bawat estudyanteng lumalabas at pumapasok ng eskwelahan. Sa hindi naman kalayuan ay nakita niya si Klouber na kung ibabase niya sa reaksiyon ay mukhang shock itong makita siyang kausap si Sofronio dela Fuente. Hinila niya ang kamay na hawak ni Soft at mabilis itong nilagpasan, tinungo niya ang sasakyan nitong nakaparada. Tumayo siya sa tapat ng pinto ng passenger seat. Tinaasan niya ng kilay ang lalaki nang hindi ito kumilos. Nakamaang ito sa kanya na para bang nakakagulat ang kanyang ginagawa.
"What?" she hissed at him irritatedly. Unti-unting ngumiti si Soft bago tumakbo malapit kay Montana. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Agad siyang sumakay at si Soft ay tumakbo paikot sa driver seat saka lumulan
"Sumama lang ako dahil ayaw ko ng atensyon. Pinagtitinginan tayo. Mamaya mapagkamalan ka pang sugar daddy ko or worst mabuko ako sa pagiging stripper ko."
"I'm sorry," tanging nasabi nito bago binuhay ang makina ng sasakyan.
"Can we go to resto—"
"Bahay!" putol niya sa lalaki.
"Maglilinis ako. Ngayon lang ako may bakanteng oras at ayaw kong sayangin."
"Do you need helps? I'll hire a cleaner to clean and cook for you."
Tuluyang napaawang ang bibig ni Montana sa suhesyon nito. "Balak mo talagang maging sugar daddy ko, Mr. Dela Fuente?"
Nagkibit ito. Ngumisi. "I'm single."
"Single with lots of flings? Pati si Girlie nilalandi mo. Ano naman ang offer mo kay Girlie?"
Malakas na humalakhak si Soft. "Mali ang iniisip mo. May mga bagay lang akong tinatanong kay Girlie tungkol sa 'yo."
Mabilis na ipinaling ni Montana ang tingin sa unahan ng sasakyan. Niyakap niya ang backpack na ipinatong niya sa kanyang hita. She hates his laugh. It's so good to hear. She hates every good thing about him. Alam niyang peke iyon. He only displayed these admirable qualities to entice weak individuals, specially women. She knew his kind.
"What do you need from me, Mr. Dela Fuente?" tanong niya habang nanatili ang tingin sa unahan. Nang walang makuhang sagot ay binalingan niya ito. Seryosong nakatitig lang ito sa unahan.
"Do you want to hire me to do dirty dancing again?"
Kumurap ito at sumulyap sa kanya. "No!"
"Then what?"
"I...ahm...I like you. Gusto sana kitang ligawan." Higit pa ang paghigpit ng yakap niya sa kanyang bag.
"You like me? Katulad kung gaano mo kagusto ang mga babaeng dinadala mo sa shop katulad ni Ms. Hanny?" Even if it wasn't her intention, she came across as spiteful. Sana hindi iyon napansin nito. Baka isipin pa nitong nagseselos siya. She simply detests the notion of him being attracted to her while dating other women concurrently. Fucking womanizer.
"Hindi ko intensyon isama sila sa shop. Nagkakataon lang na bigla na lang sumusulpot si Hanny. Ang sabi ni Girlie, sinasabi raw ni Jazzy kay Hanny na nandoon ako." Wow! Hindi niya alam ang bagay na iyon.
"So, ano ang plano mo? Gawin mo akong babae?"
"Girlfriend if you will allow me."
"Hmm. Gagawin mo nga akong babae. Ikakama at kapag nagsawa na papalitan. Gusto mo lang ng libreng sex. I'm so sorry, Mr. Dela Fuente, pero wala akong planong makipag-boyfriend. Makikipag-sex ng libre? No way! I can use my body to earn more money." Bigla na lang nitong itinigil ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Mukhang sisipain na siya pababa.
"Hindi ganoon ang nasa isip ko. I really like you. A lot." Ang boses nito. Para bang nagmamakaawa na paniwalaan niya ito.
"Alam mo bang ikaw ang first kiss ko? Never akong nagka-boyfriend. Hindi ako nagpapaligaw. I gave you my virginity in exchange for a large sum of money. At mananatiling ganoon iyon. If men like me, if men want to bed me hindi nila iyon makukuha ng libre."
Hindi ito nagsalita. Muling pinaandar ang sasakyan hanggang sa marating ang apartment niya. Hindi na siya magtataka pa kung bakit alam nito kung saan siya nakatira. She should be frightened that he knew where she lived, but oddly enough, she isn't.
"Salamat sa paghatid, Mr. dela Fuente," aniya bago binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba. Diretso niyang tinungo ang hagdan sa tagiliran ng isang apartment complex kung saan paakyat sa second floor kung saan naroon ang apartment niya.
"Montana!" Unang baitang palang ay natigil na si Montana nang tawagin siya ni Soft. Pumihit siya paharap.
"I...I like you. A lot. I don't know why I suddenly felt this way toward a woman. The chemistry was palpable, it pulled me in. I want to date you. Well, okay I admit it. If given a chance I want to...I want to make love to you again."
"Fuck, you mean," pagtatama niya.
"I prefer to call it make-love." Is that his way to lure women?
"But you are right, bakit mo nga naman ibibigay ng libre."
"Bumaba ang tingin ni Montana ng may iabot si Soft sa kanya.
"Take it. I want to pay you...not to bed you. It's a payment to at least give me a chance. Let me court you."
Inabot niya iyon. Isang tseke.
"Blank cheque?" usal niya.
"Mm. Fill in any amount you desire," he said before stepping back and turning his back on her. Sinundan niya ng tingin si Soft na tinungo ang sasakyan hanggang makaalis at mawala sa kanyang paningin.
She looked down at the blank cheque she's holding. Tumaas ang sulok ng kanyang labi. She couldn't believe this. A brilliant business mogul is easy to manipulate. Virgin pussy is his weakness, ah? Magkano kaya ang kaya nitong ibayad para lang pumayag siya sa relasyon na gusto nito? Napapailing na umakyat ng hagdan si Montana.
Katulad ng kanyang plano ay naglinis nga siya ng bahay. Iyon ang agad niyang ginawa pagkabihis. Inipon niya ang mga gamit na hindi na kailangan para mabawasan ang kalat. Habang abala sa paglagay sa kahon ng mga kalat ay may kumatok sa pinto.
"Trey, ikaw ba 'yan?" tanong niya habang inilalagay ang mga lumang libro sa kahon. Tumayo siya at tinungo ang pinto. Nakangiti niya iyong binuksan sa pag-aakalang si Trey iyon pero ang ngiti ay nabura ring agad nang ibang tao ang makita roon.
"Mr. Dela Fuente?" Itinaas nito ang paper bag na hawak.
"Dinalhan lang kita ng pagkain. I was sensing that you'll starve yourself."
Inikutan niya ito ng mata saka nilakihan ang bukas ng pinto. "I sense too that you are still not eating," aniya. Malapad na napangiti si Soft.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top