Chapter 41
"Oh, my god!" natutop ni Sasahh ang bibig ng dalawang palad nang muling ibalik ang paningin sa malaking tiyan ni Montana.
"You are pregnant," hindi makapaniwalang usal nito kasabay nang pag-angat ng tingin sa mukha ni Montana.
"Ano po ang ginagawa mo rito?"
"God!" bulalas ni Sasahh at muling bumagsak ang tingin sa tiyan ni Montana. Hindi nito pinansin ang tanong niya. Lumingon si Sasahh at noon niya lang napansin na may kasama pala ito. Si Clarito, nakatayo hindi kalayuan at katulad ni Sasahh ay matinding gulat ang nasa mukha habang nakatitig sa kanyang malaking tiyan. Puno ng iba't ibang emosyon habang ang mata ay nangingislap sa luha sa pagbalik ni Sasahh ng tingin kay Montana.
"Oh, my god!" Humakbang si Sasahh palapit kay Montana. Ang mga kamay naman ni Montana ay bumukang lalo na para bang matatakpan niyon ang kalakihan ng kanyang tiyan. Alam naman niyang wala sa panganib ang anak niya. Walang mananakit pero nakararamdam siya ng takot. Paano kung kunin nito ang anak niya? She's powerful and she can do whatever she wants. Pero hindi naman siguro. Sa panahon na nakasalamuha niya ito kabutihan lang ang nakikita niya sa babae at kahit sa asawa nitong si Wilson. Pero hindi pa rin mawala ang pangamba sa kanya.
Nang abutin ni Sasahh ang kanyang tiyan ay kusang bumaba ang kamay ni Montana para hayaan itong damhin iyon. Bumaha ang emosyon sa mukha ni Sasahh nang maglandas ang mga daliri sa malaking tiyan ni Montana. Umuklo ito. Inilapit ang mukha sa tiyan niya.
"Hello, baby! This is grandma. Oh, God!" Umalpas ang hikbi sa lalamunan ni Sasahh.
"Daddy will be very happy once he learns about you." She was so sure that her child was Soft's. Higit siyang nakaramdam ng pangamba. Hindi alam kung ano ang totoong pakay nito. Agad na umatras si Montana. Tumuwid ng tayo si Sasahh.
"Balak mong itago ang apo ko?" Umiling ito. Disappointed.
"You love my son, but you chose to hide dahil naniniwala kang dapat galit ang maramdaman mo sa anak ko."
"Please! Hayaan ninyo na po ako."
"Do you really think I would allow a member of the de la Fuente family to not be part of our clan?" Muling ibinalik ni Montana ang mga palad sa kanyang tiyan. Higit ang pagdaloy ng pangamba sa kanyang sistema dahil sa sinabi nito.
"You chose to bear the heir of Dela Fuente, Montana. So whether you like it or not, you will become part of the Dela Fuente family." Humakbang ito, nilagpasan siya. Napatingin naman siya kay Clarito na hanggang ngayon ay namamangha pa rin dahil sa pagbubuntis niya. Umikot siya para sundan ng tingin si Sasahh. Umupo ito sa buhangin, hindi inalintana kung madumihan ang mamahalaing bestida.
"Kung hindi pa kita pinahanap hindi ko malalaman na buntis ka pala. What is your plan? Let my grandchild grow up without a father?" Bumitaw ito ng nabibigong hininga. Bakit nga pa ba siya magtataka kung paano siya nitong nahanap sa kabila ng liblib na lugar na kinaroroonan niya? Ganoon nga rin kadaling nahanap ni Soft ang tinitirahan nilang mag-ama. They have a lot of connections. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung ano ang pakay nito sa kanya para ipahanap pa siya.
"Come here and let's talk. Let me help you clear your mind. Let me help you to decide." Nagtataka man sa sinabi nito ay walang nagawa si Montana kundi ang umupo sa tabi ni Sasahh. Hinawakan siya nito sa braso para alalayan sa pag-upo sa buhangin.
"Pinuntahan ko ang papa mo. Nang malaman ko ang tungkol sa 'yo...sa totoo mong pagkatao." Kumabog ang dibdib ni Montana sa narinig na sinabi nito.
"Nalinawan ako. You intentionally hurt my son to seek revenge for what happened to your family."
"Walang kinalaman si dad sa kung ano ang nagawa ko."
Mula sa dagat ay bumaling si Sasahh kay Montana. "Montana, you are seeking revenge on the wrong person. Both you and Dimitri were blaming my son for the things he never did." Of course. Ipagtatanggol nito ang anak. What happened to her family was not Soft's entire fault. She knew that. Pero dapa na ang kanyang papa ay inapak-apakan pa nito.
"It's my father's fault. Pero normal naman po ang pagkalugi sa kumanya hindi ba? Pero ang ginawa ni Soft ay hindi makatarungan. Nagmakaawa ang daddy ko. Nagmakaawa ang daddy ko na huwag kunin ang kumpanya. Susubukan niyang isalba iyon pero hindi siya pinakinggan ni Soft. Kinuha niya ang lahat kay dad, ang kumpanya, ang bahay at pati ang natitirang ibang properties. Ang sabi ni daddy...plano na daw talaga ni Soft iyon. Interesado siya sa kumpanya ni daddy noon pa man kaya nang magkaroon ng pagkakataon ay lalo siyang pinabagsak."
"Your father is such a liar. Talagang sinira pa niya ang anak ko sa kabila ng ginawa ng anak ko para sa inyo...para sa 'yo. Hindi talaga siya marunong umako ng kasalanan. He should thank my son for not letting him rot in jail. Baka sa kulungan na sana siya na bulok kung hindi nangialam si Soft."
Confused by what she said, her forehead knitted together. "What do you mean?"
"Patong-patong ang naging kaso ng papa mo. Kinuha niya ang natitirang pera ng kumpanya. He should have liquidated the company's assets to satisfy its creditors' financial claims, but instead he stole the money. May mga ebidensya na siya mismo ang kumuha. Desido ang mga investor na kasuhan siya, kasama ang anak ko. Ilang beses nagmakaawa ang papa mo pero desido si Soft na ituloy ang pagsampa ng kaso. Wala rin plano si Soft na i-take-over ang kumpanyang lubog na lubog na at hinahabol ng maraming pinagkakautangan. But one day, he changed his mind. Hindi niya lang inurong ang demanda kay Gary, kundi kinausap pa niya ang mga investor na nagsampa ng kaso kay Gary na iurong na lang ang demanda. Pumayag ang mga ito, sa pangakong bubuhayin ni Soft muli ang naluging kumpanya ni Gary. Nangako siyang maibabalik ang nawala sa mga ito. Naglabas ng malaking pera si Soft, sarili niyang pera, naghanap ng mga investor at maging ang pera ng kumpanya ng D' Fuente ay isinugal niya para lang sa Villarama Capital na kung tutuusin ay hopeless na. Pinalitan ni Soft ang pangalan, Clover Capital, na isinunod sa pangalan mo."
Mas lalo lamang nalito si Montana dahil sa mga pinagsasabi ni Sasahh. Kinuha ng kanyang papa ang pera ng sariling kumpanya? Imposible. Edi sana namumuhay sila ng marangya kung ang kanyang papa ang kumuha ng pera. Iyon ang sinasabi ng marami mula noon pero hindi iyon totoo. Na-bankrupt ang kumpanya pero walang ninakaw ang kanyang papa. At bakit gagawin ni Soft na iurong ang demanda. Ang sabi ng kanyang papa, ay na-dismis ang kaso dahil wala naman talaga itong kasalanan.
"Na-bankrupt ang kumpanya pero walang ninakaw si dad. E 'di sana po marangya kaming namumuhay if dad stole the money. Pera mula sa insurance ni mommy ang ginamit namin. At iyon naman talaga ang plano ni Soft. Ang kunin ang kumpanya ni dad."
"It's not true," giit ni Sasahh.
"Ginawa ni Soft ang mga bagay na iyon dahil sa 'yo, Klouber. Nang makilala ka niya, naawa siya sa 'yo lalo na nang mamatay pa ang mommy mo. Ang papa mo na lang ang natitira sa 'yo kaya kahit na malaki ang galit ni Soft sa papa mo ay nagawa niyang iurong ang demanda at buhayin muli ang kumpanya para sa 'yo."
"Imposibleng dahil sa akin."
"Ginawa niya, Klouber. Ikaw ang rason ng lahat ng ginagawa ni Soft para sa kumpanya. Ang kumpanya mo...inalagaan niya, pinatatag para kapag handa ka na, ibabalik niya sa 'yo ang kumpanyang kahit na kailan ay hindi niya kinuha sa 'yo. Ibinalik niya sa 'yo ang kumpanya mo hindi dahil mahal ka niya...hindi dahil sa paghihiganti mo. Sa 'yo ang kumpanya na iyon mula pa man noon, Klouber. Nakapangalan sa 'yo ang ilang porsyento ng buong kumpanya simula pa lang." Bahagyang napaawang ang bibig ni Montana. Higit ang kalituhan.
"A-ano...ano po ang ibig mong sabihin?"
"Kahit na kailan, Klouber. Hindi ka nakalimutan ng anak ko. Hindi niya nakalimutan ang batang nangutang sa kanya ng bente pesos para sa sorbetes." Nang marinig iyon ay agad na nag-init ang mga mata niya dahil sa luha.
"Ikaw ang dahilan kung bakit nilaban niyang ipagpatuloy ang kumpanya kahit maraming tumutol...dahil sa 'yo. Perhaps you are not aware that Soft has been providing for your and your father's financial needs. From your father's medical expenses, daily needs to your school fees, Soft has been supporting you. He has been sponsoring your education since your grade school since your mother's insurance claim wasn't substantial due to clauses in the policy concerning her planned death. Sa medical expenses palang ng daddy mo hindi na maco-cover lahat. And your father knew that, pero hindi niya nagawang sabihin sa 'yo ang bagay na iyon." Napatula na lang si Montana sa mga narinig mula kay Sasahh. Mayroon siyang scholarship sa Primrose na pinaghirapan niyang makuha dahil ang scholarship na natatanggap niya mula sa inakala niyang kaibigan ng kanyang papa ay ibinigay niya sa totoong Montana kapalit ng pagpapalit nila ng katauhan.
"Why would he do that?" pausal niyang tanong habang nagsisimulang mapuno ng maraming tanong ang isipan.
"And if dad stole the money where is it? Bakit kailangan mag-provide ni Soft sa amin ni dad kung may ninakaw naman palang pera si dad. It's not making sense." Mahirap paniwalan ang sinasabi nito dahil hindi tumutugma.
"Your father probably gave it to his mistress."
"What!?" Bulalas ni Montana sa mabigat na paratang nito. Parang gusto nitong sirain talaga ang daddy niya sa kanyang paningin.
"Sobra na po yata kayo sa mga sinasabi mo!"
"Ask your father, Klouber. Pero hindi ko alam kung aamin siya. Masakit man pero iyon ang totoo. Your father cheated on your mother with Clara...si Clara na pinagkakatiwalaan mo ngayon sa kumpanya mo kaya galit na galit si Soft at kaya ako ngayon nanghihimasok sa inyo. Hindi ako papayag na ang babaeng dahilan kung bakit namatay ang mommy mo ay papapasukin mo muli sa buhay mo."
Hindi nakapagsalita si Montana. Nakatitig lang siya kay Sasaah habang unti-unti ay may mga memoryang bumabalik sa kanya—mga eksena sa nakaraan kung saan nadatnan niya ang kanyang mommy na umiiyak sa silid pero nang tanungin niya ay sinabi nitong dahil nakakaiyak na pelikulang pinanood nito. May mga sandali na narinig niyang nagtatalo ang kanyang daddy at mommy pero si Nanang Olivia ay iniiwas siya hanggang sa mawala na iyon sa pansin niya.
"Plinano ng papa mong iwan kayo at sumama kay Clara. Iyon ang sinabi ng mommy nang minsan kaming magkausap. She begged your father to stay for you. I'm very sorry if I disclosed this sensitive information about your family's issue but I need to...if this is the only way to protect you."
Ang katotohanan na mahirap paniwalaan at tuluyang dumurog sa puso niya. Namalayan na lang niyang nanginginig ang mga kamay niya pati na rin ang kanyang mga labi dahil sa matinding emosyong nararamdaman habang tahimik na lumuluha.
"Oh, Klouber!" Mahinang kinabig ni Sasahh si Montana at niyakap. Mahinang humaplos ang malambot nitong kamay sa likod niya, umaalo.
"Let me and Soft take care of you, Klouber." Tuluyang umalpas ang hikbi sa lalamunan ni Montana. Ang mga natuklasan tungkol sa ama at pati na rin kay Soft ay nagpapabigat nang husto sa dibdib niya. Ang kanyang daddy na pinagkatiwalaan niya ay magsisinungaling sa kanya habang ang taong nagmalasakit sa kanya ay kinamuhian niya. Higit na napahagulhol si Montana habang patuloy naman siyang malumanay na hinaplos ni Sasahh.
Nagpaalam si Sasahh. Naiwan naman si Clarito para samahan si Montana. Kahit tumanggi ay hindi pumayag si Sasahh na maiwan siyang si Cleo lang ang kasama. Pinababantayan siya nito kay Clarito. Maraming bilin sa lalaki na para bang nasa panganib siya. Pinasasahaman din siya sa pagbalik sa bayan nila para makausap ang kanyang ama. Masang-masama ang kanyang loob sa kanyang daddy ngayon pero bibigyan niya ito ng pagkakataon para magpaliwanag. Umaasa siya na mali ang lahat ng sinabi ni Sasahh tungkol sa pakikiapid nito kay Clara. At umaasa naman siyang tama si Sasahh na nagsisinungaling ang kanyang daddy tungkol kay Soft. Na sana nga ay wala itong kasalanan.
"Ano'ng pinaglilihian mo?" narinig niyang tanong ni Clarito mula sa likuran. Saglit niya itong nilinga bago muling ipinagpatuloy ang paghahanda ng meryenda para rito.
"Tapos na ang paglilihi ko, Clarito." Agad na lumapit si Clarito nang buhatin ni Montana ang tray na naglalaman ng buko juice at kakanin. Agad nitong kinuha iyon mula kay Montana at sabay silang lumabas ng bahay para umupo sa cottage sa labas.
"Pero naglihi ka? Ano ang pinaglihian mo?" Nginitian niya si Clarito bago naupo sa mahabang upuan. Agad namang inilapag ni Clarito ang try sa kahoy na mesa bago ito naupo sa tabi niya.
"Oo. Buko," aniya na inabot niya ang isang baso ng buko juice.
"Pero napapansin kitang panay ang kain niyan?" Tumulis ang labi nito para ituro ang macapuno balls.
"Oo. I love eating that macapuno ball. Pero hindi na siguro paglilihi 'yon kasi kabuwanan ko na."
Tumango si Clarito. "Sabi nila kung ano raw ang pinaglilihian ganoon ang nagiging itsura ng anak." Napataas ang kilay ni Montana.
"Totoo nga. Sabi noong pinagbubuntis ako ng nanay ko gustong-gusto niyang tinitigan ang mukha ni Tom Cruise. Kaya tingnan mo, kasing guwapo ko si Tom Cruise." Marahang tumawa si Montana, napagaan nito ang bigat ng loob niya.
"Totoo nga. Hindi ba hawig ko?" Inanggulo pa nito ang mukha para makita niya. Guwapo ito. Ang kilay nitong makakapal ay medyo pataas ang mga dulo at katulad nga ng kay Tom Cruise. Mapanga. Malalim ang mga mata iyon nga lang maiitim ang mga mata nito. Matangos ang ilong at medyo manipis ang labi. Mestizo. Napangiti si Montana. Hawig nga.
"Pero hindi naman buko ang anak ko. Sa ultrasound tao naman sila at hindi buko." Malakas na humalakhak si Clarito pero na-excite sa ultrasound.
"Puwede ko bang makita ang ultrasound? Nakikita na ba ang mukha doon?"
Tumango si Montana. "Later. Mag-snack ka muna."
Kinuha naman nito ang buko juice. "Babae ba o lalaki?" sunod na tanong ni Clarito pero hindi na niya iyon na sagot nang mag-ring ang telepono na nakapatong sa mesa. Gumapang ang galit sa dibdib niya nang makita ang pangalang tumatawag. Tinitigan lang niya iyon at hindi dinampot. Kapag sinagot niya iyon tiyak na susumbatan niya ito. Bilin ni Sasahh na huwag niyang ipapaalam kay Clara na nagkita at nagkausap na sila.
"When do you plan to talk to your father?" tanong ni Clarito. "Para mawala ang duda mo."
"I don't know. I'm scared." tapat niya. Natatakot siya sa mga malalaman.
"How about boss?" Kumuha si Montana ng macapuno ball na nasa plastic container. Isinubo iyon. Hindi pa niya alam. Wala pa siyang lakas ng loob na harapin si Soft.
"Baka kung kailan handa ka nang kausapin si boss, too late na." Doon siya napabaling kay Clarito na kasalukuyang umiinom ng buko juice habang nakatitig sa kanya. Hindi nagsalita si Montana. Nagtatanong lang niyang tinitigan ito.
"Sa susunod na araw, darating dito sa Palawan ang buong angkan. Nasabi ba sa 'yo ni madame?" Umiling lang si Montana sa tanong ni Clarito at muling ibinaling ang tingin sa macapuno balls.
"Sa isang pribadong resort gaganapin ang kasal ni boss."
"What!?" Bulalas niya na hindi na natuloy ang pagkuha sa macapuno balls.
Tumango si Clarito. "Hopeless na 'yon sa 'yo. Kaya pumayag na sa arrange marriage."
"Ka—kanino?" utal at halos hindi mailabas ang isang salita.
"Sa apo ng kaibigan ni madame."
"No!" muling usal ni Montana. Ngumisi naman si Clarito na animo'y naaaliw sa pagkabahala niya.
"Yes. Everything has been arranged, but if you would like to stop the big day, let me know, and I will help you."
***
SINULYAPAN ni Soft ang mga bisitang dumalo sa kasal ni Andrite at Hector na nagkakasiyahan. He sighed, feeling guilty by not giving his full presence in the event as his mind wandered on something else—kay Montana. Muling ibinalik ang paningin sa dagat. Kunot-noo, ang isang kamay ay nasa baywang habang hawak ng isang kamay ang teleponong nakalapat sa tainga. Nauubusan na siya ng pasensiya dahil sa hindi pagsagot ni Clarito sa mga tawag niya. Halos isang linggo na niya itong hindi nakakausap o nakikita man lang. Hiniram ito ng kanyang mama dahil may importante raw itong ipapagawa.
Tinanong niya ang kanyang mama kung nasaan si Clarito dahil hindi niya ito naabutan sa isla na inaasahan niyang madaratnan. Ang sagot lang ng kanyang mama ay hindi nito alam. He's probably doing his job now. Sana. Inip na inip na siya sa report nito tungkol sa pagpapahanap niya kay Montana.
"Finally!" palatak ni Soft nang sa wakas ay matigil ang pag-ring ng kabilang linya at marinig ang boses ni Clarito.
"Where the hell are you?"
"Do you miss me, boss?"
"No! I need an update."
"Update for what, boss? Sa schedule mo ba? Si Tasha na—"
"God dammit, Clarito!" Marahas na ikinuskos ni Soft ang hintuturo sa sentido.
"About Klouber. Do you find her? What country is she in right now?" Inihawak ni Soft ang kamay sa katawan ng puno ng niyog at tiningala iyon habang hinihintay ang sagot ni Clarito na saglit na inalis ang atensiyon sa kanya. May kinakausap ito.
"Ubos na ang macapuno balls mo?" Iyon ang narinig niya na sinundan ng "mm" mula sa boses ng isang babae.
"Boss, marunong ka bang gumawa ng macapuno balls?"
"Dammit, Clarito! Ano'ng alam ko riyan? Just fucking tell me where Klouber is!" iritado niyang sabi.
Clarito chuckled, ignoring his irritation with his nonsense. "Init naman ng ulo, boss. Nagtatanong lang naman. Paborito kasi 'yan ng anak mo." Muli itong bumungisngis at lalo lang siyang nairita. Hindi na pinansin ang sinabi nito. Namaywang si Soft at bumaling sa karagatan.
"I'm serious, Clarito. Do you have any information about Klouber?" Pinatatag niya ang boses para ipaalam dito na nauubos na ang pasensiya niya.
"She's in the Caribbean."
"Caribbean?"
"Oo, boss. Mukhang masaya naman at mukhang for good na roon."
"Sino ang kasama niya roon?"
"Si Dimitri." Humigpit ang hawak ni Soft sa phone. Hindi na siya nakapagsalita pa. Pero isa lang ang sigurado niya, nasasaktan siya. Sobra siyang nasasaktan.
"Uncle Soft!" Niyuko niya ang pamangkin na yumakap sa kanyang hita. Napahinga siya nang malalim, ipinasok ang telepono sa bulsa bago binuhat si Forest, ang anak ni Frankus.
"Kuya," tawag sa kanya ni Frankus.
"Sali ka raw. Garter toss."
Humakbang si Soft. "Huwag na. Too old for that," aniya na nilagpasan si Frankus.
"Exactly. Sa lahat ikaw ang may pinakakailangan sumali," ani Frankus habang nakasunod kay Soft.
"Tanda mo noong kasal nina Kuya Ryke? Grabe ka makipag-agawan ng garter kay Kuya Thunder. Bakit hindi mo subukan ngayon?"
"Despite our effort sa paslit pa rin napunta." Tumawa si Frankus sa sinabi ni Soft. Naupo si Soft sa bakanteng silya habang kandong si Forest. Umupo naman si Frankus sa katabing silya.
"Sumali ka na, Kuya. Malay mo ikaw ang makakuha at magkatotoo."
"Huwag kang makulit, Frankus. Kung gusto mo ikaw ang sumali." Hindi na siya kinulit pa ni Frankus. Pinilit pa siya ni Hector na sumali at ibang kaibigan at kapamilya pero iling ang tinugon niya at hindi na rin naman namilit pa. Sinimulan nga ang pagpapaagaw ng garter. Halos mga kaibigan ni Hector ang naroon at lahat ay excited. Nang itapon nga ni Hector ang garter ay nag-agawan nga ang mga kabigan ni Hector. Tinalon ng mga ito ang garter, nahawakan naman iyon ni Rum pero hindi iyon tuluyang nakuha dahil natapik ni Joseph ang braso ni Rum dahilan para tumalsik ang garter. Napakunot noo siya sa hindi inaasahang pagtilapon ng garter sa direksyon niya. Lumanding iyon sa dulo ng hita niya, malapit sa tuhod. Kinuha iyon ni Forest at ibinigay sa kanya. Wala sa loob na kinuha iyon ni Soft. Tinitigan ang puting lace garter. Bumuntong-hininga kapagkuwan bago nag-angat ng tingin. Nakatitig ang lahat sa kanya, titig na hindi niya gusto. Agad siyang umiling habang nangingisi. No way!
"Alright!" si Frankus na tumayo mula sa kinauupuan. Agad nitong kinuha mula sa kanya si Forest. Ayaw niya sanang makisama sa gustong mangyari ng mga ito pero wala siyang nagawa nang pagtulungan siyang itayo ng mga kapatid at mga kaibigan.
"Huwag kang maarte, inuuban na bulbol mo." Si Thunder na sa lakas ng boses ay nagtawanan ang mga nakarinig. Hawak siya nito sa isang braso habang sa kabila ay si Ryke at hinihila siya patungo sa gitna kung saan meron isang upuan.
"Oo na! Bitawan niyo na ako!" Ipiniksi niya ang dalawang braso kaya nabitawan siya ng dalawa.
"God dammit! Ang kukulit ninyo." Napatingin siya sa babaeng may hawak ng bulaklak, bulaklak na ipinaagaw ni Andrite. Nakangiti ito habang nakatingin sa kaguluhan nila.
"I have no plan to get married. I'm perfectly fine living on my own. If I ever need assistance, I can always hire a caregiver to help me when my energy gives in. You all are so persistent!"
I can live alone. I can hire a caregiver to take care of me once my energy gives in. Ang kukulit ninyo!"
"Magsusuot ka lang ng garter. Hindi ka magpapakasal," ani Thunder na puwersahan siyan pinihit patalikod palapit sa silya. Walang nagawa si Soft kundi ang bumuntong-hininga na lang.
"Are you sure you don't want to get married?" Napakunot-noo si Soft nang marinig ang boses ni Clarito. Agad siyang pumihit. Nag-salute ito sa kanya bago naglakad patungo sa babaeng may hawak ng bridal bouquet.
"Hi, miss. Akin na lang muna ito, ah?" ani Clarito na kinuha ang bulaklak mula sa babae.
"Postpone muna natin ang tsansa mong makasal. Bata ka pa naman." Bukod sa nagtataka na nandito si Clarito na alam niya'y abala sa bagay na ipinapagawa ng kanyang mama ay nagtataka rin siya sa ginagawa nito. Sinundan ni Soft ng tingin si Clarito na nilagpasan siya. May nilapitan ito na hindi niya makilala dahil nahaharangan nito. Ibinigay ni Clarito ang bulaklak sa persona na kausap. Nilinga siya nito at nginitian bago humakbang pagilid. Mula kay Clarito ay lumipat ang tingin ni Soft sa kausap nito. Ang bahagyang naniningkit na mata dahil sa pagkakakunot ng noo ay nanglaki nang mapagsino ang persona na iyon.
"Montana," usal ni Soft. Mas rinig pa niya ang lakas ng tibok ng puso niya kaysa sa sariling boses niya. Si Montana nga ba ang nakikita niya o namamalikmata lang siya? Kinurap niya ang mata nang paulit-ulit. Hinawakan naman ni Clarito si Montana sa braso at iginiya ito palapit sa kanya. Nakatitig lang si Soft sa magandang mukha nito na tingin ay namilog. She was radiant, her natural wavy hair cascading over her shoulders. Nang bahagyang bumaba ang paningin ni Soft at makita ang malaking tiyan nito ay tila ba tumigil ang pagtibok ng puso niya at maging ang paghinga ay napigil niya.
He felt a rush of emotions: disbelief, confusion, and a deep-seated longing. She looked beautiful, but the sight of her—pregnant—was like a knife twisting in his gut as he thought of her being owned by another man now. As she approached, he couldn't help but notice how her hand instinctively rested on her belly. It was a protective gesture that ignited a storm of questions in his mind. Who was the father? Si Dimitri ba? Ano ang ginagawa ni Montana dito kung gayon?
"Boss," Clarito's voice broke through his spiraling thoughts like a lifeline thrown into turbulent waters. He gulped, tearing his eyes away from her belly. When their gazes locked, he felt torn between the urge to walk away to protect himself from the pain of the truth or pull her into his arms. God, he missed her so much.
He stayed. But no words came out.
"Boss, nandito na ang mag-ina mo." Iginiya ni Clarito si Klouber patungo sa silya. Si Soft ay hindi nakakilos. Umaalingawngaw ang huling mga salita mula kay Clarito. Narinig din niya ang kaguluhan sa paligid na mukhang nagulat din sa pagdating ni Montana.
"God dammit, Sofronio! Move!" Napukaw siya mula sa pagkakatigalgal nang hampasin siya ni Thunder sa likod ng balikat.
"Kapag iyan nawala pa talagang tatanda kang mag-isa." Itinulak siya nito palapit kay Monanta na ngayon ay nakaupo na sa silya. Nanglalaki ang mga mata nito na para bang naguguluhan at nagugulat din na narito ito.
"What...what should I do?" wala sa sariling tanong niya.
"Kuya, naman! Ikinasal na lahat ng barkada mo at lagi kang present imposibleng hindi mo alam ang ginagawa sa garte na 'yan?" Si Frankus na karga pa rin ang anak.
Niyuko niya ang hawak na garter. Lumulutang ang utak niya. Naguguluhan siya at pilit din bumabalik ang isip sa sinabi ni Clarito. "Mag-ina mo" Mag-ina ko?
"Hey, Soft! Wake up, bro!" Tinapik-tapik ni Ryke ang magkabilang pisngi ni Soft. Naramdaman naman niya ang isang kamay sa batok niya. Minasahe iyon.
"Fuck! Do you need amlodipine, fucker?" It's fucking Thunder who thought he might have hypertension.
"I'm healthy," angil niya rito. Bigla na lang siyang itinulak ni Thunder paluhod sa harapan ni Montana.
"Get on your knees and put that garter on your bebe girl's leg. Kung hindi mo kaya hahanap kami ng ibang gagawa."
"I...I can do it." Ang pagkakabuhol ng dila ni Soft ay nagpatawa sa mga kapatid at kaibigan. Hindi lang boses niya ang nanginginig kundi pati ang kamay. Kitang-kita niya iyon habang inaabot ang paa ni Montana. Masyado siyang nasorpresa ni Clarito. Hindi niya ito inaasahan. Inalis niya ang paa ni Montana mula sa flats na suot nito. Maingat ang hawak niya sa malambot nitong paa habang bahagya iyong inangat. Nahulog pa niya ang garter nang tangka niya iyong isusuot sa paa at sa pangalawang pagkakataon ay naipasok na niya iyon. Maingat niyang ipinatanong ang paa ni Montana sa ibabaw ng kanyang hita.
Habang marahan niyang itinaas ang garter sa makinis nitong binti ay hindi niya mapigil ang pag-init ng kanyang mata. Mariin niyang itinikom ang bibig, itiniim ang bagang at makailang ulit na ikinurap ang mata. He will embarrass himself in front of the guests. Perhaps later, he will let his emotions burst forth, but he can still maintain control for the time being. Pinigil niya ang sariling tingalain ang mukha ni Montana dahil tiyak sasabog talaga ang emosyon niya. Hindi rin niya magawang magtanong kahit gusto niya. He wanted to hear from her that it's her child. That he was the father. Na tama ang narinig niya mula kay Clarito.
Natigil ang pagsuot ni Soft sa garter nang nasa may tuhod na iyon nang maramdaman niya ang haplos sa kanyang pisngi. Tinitigan niya ang kamay ni Klouber na nakalapat sa kanyang pisngi kapagkuwa'y unti-unti niya itong tiningala. Katulad niya ay nangingislap ang luha nito sa mga mata.
"I'm sorry," usal nito at kapagkuwan ay dumaloy ang luha sa magkabilang pisngi.
"Is it mine?" halos pabulong niyang usal. Hindi na rin pa ni Soft makontrol pagtulo ng luha niya kahit ano'ng gawin niyang kontrol. Dumaloy iyon sa gilid ng kanyang mukha.
Gumitaw ang ngiti sa labi ni Klouber habang lumuluha. "Yes...ikaw lang."
Upon hearing Montana's confirmation that the child she carried was his, a wave of overwhelming emotion crashed over him, and he burst into sobs.
He gently lowered Montana's feet into the warm sand, grounding himself in the moment. Kneeling before her, he placed his hands reverently on her large belly.
"I'm sorry! I'm sorry!" Paulit-ulit niyang usal habang hinahalikan ang tiyan ni Montana. Tumayo si Soft, sinapo ang mukha ni Montana at hinalikan ito sa labi habang paulit-ulit na inuusal ang mga katagang "sorry". Maging kay Montana ay maririnig na rin ang mga hikbing kumakawala. He got on his knees on the sand again, pressing his lips against Motana's large belly, feeling the life within—a life that was undeniably theirs. Each heartbeat resonated with his own, echoing his hopes and fears. He felt the weight of the world lift as tears spilled down his cheeks like rain on parched earth. There, he embarrassed himself in front of the guests by showing how vulnerable he was, but it was all worth it.
***
Chapter 42 is now available on Haloreads! Don't worry tatapusin mo pa rin and Venomous Seduction dito sa Wattpad, but the special chapters will be exclusive to Haloreads. Haloreads is owned by Jonaxx, and I'm grateful to be among the writers invited to contribute to their platform. Currently, Haloreads is only accessible to iOS users, but an Android version is coming soon. I hope you'll support me there as well. Thank you so much!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top