Chapter 38

Few more chapters na lang. Siguaro mga 3 or 4 na lang. Sorry for very slow updates. I'm currently working on a story that will be posted in VIP group. (Charle's story ng Fatal Attraction 6) Siguro kapag complete ko na saka ako mag-open ng VIP.

——
"What you did was wrong, Iolanthe. You shouldn't have done that to Montana," scolded Soft. Iolanthe crossed her arms, her face a mix of suspicion and irritation. She even raised an eyebrow at Soft while sitting on Soft's desk with her legs crossed.

Huminto si Soft sa harapan ng pamangkin. "I'm serious. Let me handle this." Ang kabilang kilay naman ni Iolanthe ang tumaas. Kinalas nito ang pagkakahalukipkip, ipinatong ang mga kamay sa desk at idinuyan ang paa.

"Hahayaan mo na lang siya? You have to be fair. May ginagawa ka para pahirapan ang lalaki niya and you spare your cheating fiancèe. C'mon, Uncle Soft! Sinabunutan ko lang naman siya, sinampal. I did not kill her."

"Still, sinaktan mo pa rin. Pinaalis mo pa sa eskwelahan. Hindi 'yon kailangan, Iolanthe."

"He hurt you, Uncle Soft." Ang sarkastiko na ekspresyon nito ay napalitan ng disappointment. Inalis nito ang hita mula sa pagkaka-cross at tuwid na umupo. Ang pagkakakuyom ng palad nito ay nagpapakita ng galit.

"I can't believe this. Despite what she did to you, you still care for her...you still protect her? That's so stupid, Uncle Soft!"

"Alam ko ang pinasok ko, Iolanthe. From the very beginning, I'm aware that she doesn't love me. I offered her...I offered her money, I offered her a better life in exchange for a chance. Ang mali ko, I expect that she'll love me back."

"No! That does not justify her infidelity. She accepted your offer. She had dealt with you. Respect. If she couldn't reciprocate your feelings, she could at least respect you. God, Uncle Soft. Stop defending that whore!" 

"Iolanthe!" Damn it! Marahas niyang hinilamos ang palad sa kanyang mukha. He couldn't stand hearing someone call Montana a whore. He should be angry. Dapat wala siyang pakialam. But that's not how he felt. His heart felt differently than it should. He still loved Montana despite what she did. He still cared for her even though she shattered him emotionally.

"Hayaan mo na siya. She needs her scholarship. She's a breadwinner, and she needs to be successful not just for herself but for her family. May maliliit siyang mga kapatid at matanda na si Nanang Olivia. Leave her alone, Iolanthe."

Nailing si Iolanthe matapos siyang titigan na matagal na sandali. Tumalon ito pababa sa desk. "You are so stupid, Uncle Soft!" she bluntly said before walking out. Napahinga na lang nang malalim si Soft. Yeah. He's stupid. A was fucking stupid.

***
AGAD NA tumuwid ng upo si Soft sa pool lounge chair na kinahihigaan nang lapitan siya ng kanyang mama. May dala itong egg pie. Agad siyang napangiti.

"Can I sit?"

"Yeah, Mom, sure." Umusog si Soft para bigyan ng espasyo ang kanyang mama.

"I baked an egg pie. Ipinagtabi kita. Muntik pang maubos ng mga kapatid mo." Kinuha nito ang tinidor na nasa plato at naghiwa ng egg pie. Nang dalhin nito iyon sa bibig ni Soft ay agad naman niyang isinubo.

"Kanina ka pa hinihintay ng mga kapatid mo." Gabi na siyang umuwi. Pagkatapos sa opisina ay dumiretso siya sa penthouse kaya gabi na siyang nakauwi sa bahay ng magulang.   Inilapag ni Soft ang hawak na basong naglalaman ng alak sa maliit na mesa sa tabi ng lounge chair. Tangka niyang kukunin ang plato sa ina pero inilayo iyon ni Sasahh.

"Ako na. Hayaan mong subuan kita."

"Ginagawa mo naman akong bata." Iniyakap ni Soft ang mga braso sa katawan ng ina. Isinubo niyang muli ang hiwa ng egg pie na nasa tinidor. Patuloy siyang sinubuan ng kanyang mama. Tahimik lang ito. Medyo nanibago si Soft dahil hindi ganito ang kanyang mama. Makulit itong makipag-usap. Maraming tanong. Nitong mga nakaraang araw, matapos ang nangyari sa kanila ni Montana ay ganito na ang kanyang mommy. Laging tahimik. Hindi na niya kailangan pang ikuwento ang nangyari sa engagement party dahil si Iolanthe na mismo ang nagkuwento sa kanyang pamilya. 

"I'm sorry," biglang sinabi ni Sasahh. Gumaralgal ang boses nito. Hinigpitan ni Soft ang yakap sa ina. Inilapat niya ang noo sa gilid ng ulo ng ina.

"Dapat hindi kita pinilit. Hindi ka sana na-pressure. Hindi ka sana magmamadali sa pagpapakasal. Hindi sana nagkaganito."

"Mom, stop blaming yourself." Marahang hinaplos ni Soft ang braso ng ina.

"I put so much pressure on you to settle down. Kung hindi ko ginawa 'yon hindi ka sana nagmadaling pakasalan ang babaeng kakikilala mo pa lang."

"Mom, no! I proposed to Montana because I love her. You know me. I will never ask a woman to marry me dahil sa pressure lang...dahil sinabi mo lang. I love her." Sa halip na mapanatag ay lalo lang bumigat ang loob ni Sasahh sa sinabing iyon ni Soft. Tuluyan itong napaiyak.

"Oh, Mom! I'm okay. I'm deeply hurt, but I'll be okay. I promise that." Kinuha ni Soft ang plato sa ina at inilapag iyon sa espasyo sa kinauupuan. Mahigpit na yumakap si Sasahh kay Soft. Hinaplos naman ni Soft ang likod ng ina na patuloy sa paghikbi.

"Okay na. Huwag ka nang mag-asawa. Nandiyan naman ang mga kapatid mo. Marami kang pamangkin na mahal na mahal ka. Lalo na si Iolanthe. Mahal na mahal ka ng batang iyon kahit lagi kang inaasar."

"I know, Mom. I know. Kaya huwag ka nang malungkot. Magiging ayos rin ako." Kumalas ng yakap ang mag-ina. Masuyo niyang ikinulong ang mukha ng ina sa mga palad at pinahid ang luha gamit ang hinlalaki.

"Ayan, nadagdagan ang wrinkles mo." Agad na hinaplos ni Sasahh ang noo kung saan nakatuon ang paningin ni Soft. Marahang tumawa si Soft at muling niyakap ang ina.

"I love you so much, Soft!"

"I love you, too, Mom."

Habang yakap ang ina ay natanaw niya si Clarito na lumabas ng pinto patungo sa kanila. Kumalas siya ng yakap sa ina.

"Boss, Madame, magandang gabi."

"What are you doing here, Clarito? It's late."

"May ibibigay lang po ako kay Boss Soft."

"Gaano ba iyan kaimportante at hindi mo na ipinagpabukas?"

"Ah?" Mabilis na naibalik ni Clarito ang paningin kay Sasahh pero muli nitong sinulyapan ang egg pie bago sinagot si Sasahh.

"Importante po kasi, Madame. Pasensiya na po kung nakaistorbo ako sa pag-uusap ninyo," ani Clarito na muling sinulyapan ang egg pie.

"Egg pie ho ba 'yan? Gawa mo ho, madame?"

Marahang tumawa si Soft. Mahilig sa mga ganyang pagkain si Clarito. Sarap na sarap din ito sa egg pie na gawa mismo ng kanyang mama.

"I know you love egg pie. May isang slice pang natira. Kukunin ko." Tumayo si Sasahh.

"Naku, nakakahiya naman po, madame. Pero hindi po ako tatanggi. Egg pie na gawa mo ang pinakamasarap na egg pie na natikman ko."

"Thank you, Clarito. Thanks to the chef who shared her recipe with me. Maiwan ko muna kayo." Nang makaalis si Sasahh ay natuon muli ang paningin ni Clarito sa egg pie sa halip na sabihin kay Soft ang pakay.

"Go get it. Mukhang takam na takam ka na."

"Sure?"

Ikinumpas niya ang kamay bilang tugon. "Pero sabihin mo muna kung ano ang pakay mo. Dis oras na."

"Oo nga pala." Inabot nito ang hawak na envelope kay Soft bago kinuha ang egg pie.

"Is this so important that you couldn't have waited until tomorrow?" tanong ni Soft na inilalabas ang dokumento sa envelope. Hindi agad nakatugon si Clarito sa pagsubo nito ng egg pie. Napapikit pa ito bago muling sumubo ng egg pie. Hinayaan na lang ito ni Soft. Unang nahuli ng kanyang mata ay ang two by two na larawan ni Klouber na nakaimprinta sa bandang taas ng papel. Bumaba ang kanyang paningin hanggang sa mapakunot ang kanyang noo nang makitang sa halip na Klouber Villarama ay Montana Vidal ang pangalang nabasa. Pinasadahan niya iyon ng tingin. Biodata iyon ni Montana.  Dala ng kuryosidad tiningnan pa niya ang ibang papel na napapatungan niyon. Profile naman iyon ni Klouber Villarama pero ang larawan na naroon ay kay Montana. Ang isa naman ay ang kay Dimitri.

Tiningala niya si Clarito na sarap na sarap pa rin sa pagkain ng egg pie. "Ano 'to, Clarito?" Mabilis na sinubo ni Clarito ang huling hiwa ng egg pie. Bumalik ang diwa nito na tila namasyal sandali. Ibinalik ni Clarito ang wala ng lamang plato sa lounge chair. Ibinalik naman ni Soft ang atensyon sa hawak. Tiningnan pa niya ang ibang papel na naroon. Report ito tungkol kay Dimitri. Higit lang na kumunot ang kanyang noo habang binabasa ang nilalaman ng report.

Unti-unti ang paglaki ng mata ni Soft nang unti-unting mahantad ang laman ng report. Tiningala niya si Clarito. Tumango naman ito. "Dimitri Galveste, the son of Cedrick Galveste who was a vice president of Clover Capital."

"Si Montana," usal ni Soft. Walang pakialam sa kung sino si Dimitri.

"Klouber Villarama. Siya ang totoong Klouber Villarama, boss. Base sa imbestigasyon na ginawa ng tauhan ko...I mean...a person I hired. Mukhang planado ang paglapit ni Montana sa 'yo."

"Why?"

"Revenge. Dimitri and Klouber believed that you were the reason behind their parents' downfall by taking their company. Planado ang pagtatagpo ninyo ni Montana. Mukhang matagal nilang pinagplanuhan. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit parang ang babaw ng ganitong ginawa nila sa 'yo...paibigin ka at saktan...'yon na 'yon?" Bumagsak ang paningin ni Soft sa hawak na papel, sa larawan ni Montana. Klouber Villarama. Si Montana ay si Klouber Villarama.

"Totoo ba 'to?" hindi makapaniwalang usal ni Soft.

"Siya 'yong bata," usal niya habang matiim na nakatitig sa larawan.

"Siya iyong bata, Clarito. Iyong batang nangutang sa akin ng bente pesos para sa sorbetes." Ang nakakatuwang tagpo na iyon ay hinding-hindi niya makakalimutan katulad  nang hindi niya pagkalimot sa nakita niyang matinding galit sa mukha ng batang iyon habang nakaluhod sa kanyang harapan ang ama nito. She probably harbored hatred toward him for her whole life.

"Oh, god!" Tumayo si Soft, nagpalakad-lakad habang hindi iniiwanan ng pagtitig ang larawan ni Montana. Natutuliro dahil sa mga nalaman. Sumabunot ang isang kamay niya sa kanyang buhok, tumigil siya sa harapan ni Clarito.

"Nasaan siya? Nasaan si Klouber?" 

"Sa probinsiya, kasama niya ngayon ang kanyang ama. Si Gary Villarama."

***
"ARE you tired, Dad?" She locked the wheelchair before walking around the table.

"I'm not tired, Klouber. I have full energy when I'm with you."

Malawak na napangiti si Montana sa tinuran ng ama. Naupo siya sa silyang malapit sa puwesto ng kanyang daddy. Galing sila sa ospital para sa therapy nito at check up na rin. Maayos ang lagay ng kanyang papa. Walang problema. Normal lahat ng test. Ang blood pressure ay normal din. Thank God!

"Gusto mo sumama pa akong mamalengke."

"Huwag na. Bawal kang mapagod. Bukas na kami mamamalengke."

"Nga pala. Kailan ka babalik ng Manila?" Ang mga ganitong tanong ng ama ang iniiwasan niya.

Hindi niya alam kung hanggang kailan maitatago ang kinahaharap na problema. Siguro sasabihin na lang niya ritong bumagsak siya. Mas maigi iyon kaysa sabihin ang totoong dahilan nang pagtigil niya sa pag-aaral. Mas matatanggap iyon ng kanyang papa. Hindi iyon big deal dito. Kahit naman kailan ay hindi siya nito prinessure pagdating sa pag-aaral. Lagi nitong pinapaalala na kung hindi kaya ay huwag ipilit. Pero kapag nalaman nito ang totoo na expulsion ang dahilan nang pagtigil niya ay malulungkot ito, lalo na sa posibilidad na walang kahit ano'ng eskwelahan ang tatanggap sa kanya. At mas malala ang puwedeng mangyari kung malalaman pa ng kanyang papa kung sino ang nasa likod ng pagkakaalis niya sa eskwelahan. Lalo itong namumuhi kay Soft.

"Parang gusto mo na yata akong paalisin, ah? Nakakasama ka ng loob, Dad." Tumawa ang kanyang ama sa kunwaring pagtatampo niya. Tawa na bibihira niyang marinig sa ama mula nang trahedyang nangyari sa kanilang pamilya. It made her heart happy.

"Hindi naman. Nagtatanong lang naman."

"Wala pa kaming pasok," sabi na lang niya.

"Si Trey kumusta? At si Olivia? Bakit hindi mo na lang kasi sila isama rito?"

"Nag-aaral ang mga bata, Dad. Matagal nang hinihiling ng kanyang papa na palipatin na lang dito sina Nanang Olivia para makasama na nito ang kapatid na si Tatang Oscar. Gusto nga nitong isama na rin ang mga bata pero hindi iyon gusto ni Trey dahil tiyak raw na masisira ang mga plano nila. Ang alam lang ng kanyang papa ay paminsan-minsan niyang dinadalaw ang mga bata bilang kapatid ng mga ito. Hindi pa nito nakikilala ang mga bata. Hindi iyon gusto ni Trey dahil baka raw makasira lang sa plano. Ni hindi nga nito alam na nasa kabilang bayan lang nakatira sina Nanang Olivia. Kapag nalaman kasi nito tiyak na mas lalo lang siyang kukulitin. Naging dalawa ang katauhan niya. Bilang Klouber para sa kanyang papa at Montana para sa kanyang mga kapatid at sa ibang tao.

Walang alam ang kanyang papa sa totoong dahilan nang pagpapalit niya ng katauhan at wala itong malalaman. Okay na, na alam lang nito na dahil sa natatanggap niyang pambu-bully kaya iyon ang naging pasya niya.

Bumaling si Montana sa labas ng fast food chain na kanilang kinaroroonan nang marinig ang ingay sa labas. Dumaan ang isang grupo na nagpe-perform ng street dance. Naka-costume ito ng katulad sa ati-atihan. Nagsasayaw habang bumubuga ng apoy. Kapag ganitong malapit na ang fiestival ay may ganitong mga parade na talaga rito. Nang lumagpas ang tingin ni Montana sa kabilang kalsada ay mabilis na kumabog ang puso niya nang makita ang pamilyar na bulto. Bahagya siyang nag-adjust mula sa pagkakaupo nang maharangan iyon ng tao. Nasilip naman niya ang pamilyar na lalaki na kasalukuyang ibinaba ang sombrero kaya hindi niya nakita ang mukha. Natakpan iyon muli nang bumuga ng apoy ang isa sa grupo at nang mawala ang apoy ay wala na iyon sa kinatatayuan nito. Itim na kotse na lang ang naroon.

"Soft," mahina niyang usal. Guni-guni lang ba niya iyon o talagang nakita niya si Soft. O baka naman kasing katawan lang.

"Here's your food." Kumurap si Montana nang marinig ang masiglang boses ni Clara. Ibinaling niya ang atensiyon sa babae na minanduhan  ang service crew kung saan ilalapag ang tray. Ibinaba naman ni Tatang Oscar ang isa pang tray. Sinimulang ayusin ni Clara ang pagkain na para kay Gary.

Muling tumanaw si Montana sa labas kung saan niya nakita ang inakala niyang si Soft. Ang puso niya. Mabilis ang tibok ng puso niya. Marahan niyang kinapa ang tapat ng puso. Agad na nag-init ang kanyang mata nang makaramdaman ng pangungulila.

"Are you alright, Klouber?" Marahang dampi ng kamay ni Clara sa kanyang likod ang pumutol sa muntik niyang pagluha. Ikinurap niya ang kanyang mata. Pilit siyang ngumiti sa babae at marahang tumango. Naupo ito sa kabilang bahagi, sa tapat niya habang si Tatang Oscar ay sa katapat naman ng kanyang papa. Habang inihahanda ang pagkaing nasa harapan ay patingin-tingin siya sa labas. Nakakahiya mang aminin pero may parte ng puso niyang inasam na sana nga ay naroon si Soft. Pero agad niyang sinaway ang sarili. Hindi iyon tama. Walang magandang maidudulot kung magkikita pa sila.

"Hija, napag-isipan mo na ba ang alok kung pag-aralin ka abroad?" bukas ni Clara sa usapan.

"Clara, matatapos na si Montana. Kaunting panahon na lang tapos na siya. Hindi na kailangan mag-abroad. Kung ako lang mas gusto ko siyang dumito na lang sa probinsiya. Tahimik."

"Tahimik? Tahimik para sa 'yo, Garry, but not for Montana. Nakaligtas lang siya sa pambu-bully dahil nag-iba siya ng katauhan," paala ni Clara sa kanyang ama. Hindi na nagbigay pa ng komento si Montana. Nagsimula na lang siyang kumain at hinayaang mag-usap si Clara at ang kanyang papa. Pilit na kinukumbinsi ni Clara na mangibang bansa na lamang sila. Kung siya lang ayaw niya pero gusto na lang niya ng tahimik na buhay. Noon desidido siya sa paghihinganti lalo na tuwing nakikita niya kung gaano nahihirapan ang kanyang papa na makalimot sa mga nangyari. Ngayon, parang napagod siyang bigla. Gusto na lang niya ng katahimikan.

Ngumiti si Montana sa babaeng nakatingin sa kanya o sa kanila dahil palipat-lipat ang tingin nito sa bawat isa sa kanila. Napansin na niya itong nakamasid sa kanila pagpasok palang nila ng fast food restaurant. Hindi nito sinuklian ang pagngiti niya. Nagyuko ito nang bumaling si Clara sa direksiyon ng babae.

Kinuha ni Clara ang phone nito mula sa bag nang mag-ring iyon. Bahagyang kumunot ang banat na banat nitong noo sa pagtitig nito sa screen ng phone. Tumingin si Clara sa Montana, bahagyang ngumiti bago sinagot ang tawag.

"Hello?" pormal nitong bati sa kabilang linya.

"What?" Kasabay nang pagbulalas nito ay muli itong napatingin sa kanya. Ang mga mata ay bahagya pang nanglaki. Hindi maitatago ang gulat sa anyo nito.

"May problema, Clara?" tanong ni Gary.

"Okay. We'll talk later. Nasa labas lang ako." Napahaplos ito sa noo. Para itong kinakabahan. Tinapos nito ang tawag at ibinalik ang phone sa bag.

"It's Hanny. Nakabangga pero hindi naman malala. She's not hurt. I need to go back to Manila. I cannot spend the night here."

"Okay," ani Gary.

***
Mula sa malayo ay pinagmasdan ni Soft si Montana. Nanatili siya sa loob ng sasakyan hanggang sa makalabas ito ng fast food restaurant. Tulak nito ang amang nakaupo sa wheelchair. Tumigil ito sa gilid ng kalye. Inalis ni Soft ang sombrero, umanggulo para mas klarong makita si Montana. Gusto niyang ibaba ang salaming bintana ng sasakyan pero nababahala siyang baka makita siya nito. Lumabas si Clara mula sa establisyemento at tumabi ito kay Montana.

Literal na natigil sa paghinga si Soft nang biglang tumingin si Montana sa direksiyon ng kanyang sasakyan. Direkta itong nakatingin sa parte ng sasakyan kung saan siya naroon. Para silang nakatitig sa mata ng isa't isa sa pagitan ng tented na salamin. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Montana. Malungkot ang mga mata. Wala sa loob na tumaas ang kamay ni Soft at hinaplos ang salaming bintana na para bang mararamdaman iyon ni Montana.

"God, I missed her so much!" usal niya. Naputol ang pagtitig ni Montana nang yumuko ito sa ama na kinausap ito. Ang malungkot na mga mata ay napuno ng kaligayahan sa kung ano man ang sinabi ng ama nito. Parang kaya niyong pawiin ang lahat ng lungkot na nararamdaman ni Montana. Umuklo si Montana at hinalikan ang ama sa ulo. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa ama. Lahat ng ginawa nito ay para sa sariling ama.

Tuluyang nawala sa kanyang paningin si Montana ang humarang ang itim na sasakyan. Sa muling pag-usad niyon ay wala na si Montana. Napasunod ang kanyang tingin sa sasakyang sinakyan ng mga ito.

"Susundan na ba natin, Boss?" Kumurap si Soft, bumaling kay Clarito na nasa front seat.

"Tingin mo kakuntsaba si Clara sa mga plano nila?" tanong ni Soft kay Clarito. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Clara sa pagparito niya. Wala siyang ideya na magkakilala ang dalawa.

"Wala naman nasabi ang imbestigador tungkol kay Clara. Klinaro niyang, ang driver, ang isang nurse at si Montana lang ang madalas na nakakahalubilo ni Mr. Villarama sa mahabang panahon...at si Dimitri ay paminsan-minsang dumadalaw."

Tumango si Soft. "Sige na. Puntahan natin sa kanila." Agad namang pinausad ni Martin ang sasakyan nang tanguan ito ni Clarito. Umamin si Klouber na hindi nga ito ang totoong Klouber pero wala itong alam sa kung ano man ang plano nina Montana at Dimitri na mas nakasanayang tawagin nito sa palayaw na Trey. Pinag-aaral ito ni Dimitri, binibigyan ng allowance at sagot din ni Dimitri ang lahat ng gastusin sa mga kapatid nito mamuhay lang ito sa katauhan ni Klouber. Ang alam nito ay para maiwas sa pambu-bully si Montana dahil sa ginawa ng ama nito.

Nag-antay si Soft na makaalis si Clara bago tuluyang bumaba ng sasakyan para kausapin si Montana. Pakalat na ang dilim nang umalis ang babae. Nanglaki sa gulat ang mata ni Oscar, ang driver ng pamilya Villarama mula pa man noon, nang makita si Soft. Hindi alam kung tatakbo ba papasok ng bahay o kakausapin siya.

"Magandang hapon ho." Ang magalang niyang pagbati sa lalaki ang nakapagpadesisyon dito na harapan siya.

"Mr...Mr. Dela Fuente?" Marahang tumango si Soft para kumpirmahin ang hindi siguradong tanong nito.

"Ano ang ginagawa mo rito? Ano ang kailangan mo kay Sir Gary? Kung may atraso pa siya sa 'yo...kung may pagkakautang pa siya baka naman puwedeng palagpasin mo na. Napakamayan mo na. Ang kumpanya niya na sa 'yo na."

"Gusto kong makausap si Klouber," diretso niyang sinabi ang pakay. Binaliwala ang mga sinabi nito.

"Ano ang kailangan mo sa kanya? Wala si Klouber dito."

"Si Montana. Let me talk to her."

Umiling ang lalaki. Luminga ito sa paligid. Bigla na lang itong tumakbo at kinuha ang putol na kahoy na nakasandal sa dingding sa gilid ng patio. Itinaas nito iyon.

"Walang Montana na nakatira rito. Umalis ka na! Nananahimik na ang mag-ama tapos guguluhin mo pa."

Itinaas ni Soft ang dalawang kamay, hawak sa kanang kamay ang itim na envelope. "Sir, hindi ako manggugulo."

"Umalis ka!" Nang sumigaw ang lalaki ay alertong lumapit si Clarito at Martin. Nailabas agad ni Martin ang baril. Iniharang naman ni Soft ang braso para pigilan ang dalawa.

"Tatang Oscar, ano po ang nang—" Si Montana na nagmamadali sa paglabas ay hindi na natapos ang itinatanong nang makita si Soft. Katulad ng sa lalaki ay bumaha ang matinding gulat sa magandang mukha nito.

"Soft," mahinang sambit nito.

"Gusto lang kitang makausap. Hindi ako manggugulo. Please...Klouber." Kapansin-pansin ang marahas na paghigit ng hininga ni Montana. Higit na bumaha ang gulat at takot sa mukha nito.

"Let's talk," pakiusap niya sa mababang boses na halos nanunuyo ang tono.

"Sinabing umalis ka na!" Tangkang susugod ang matanda sa kanya pero agad itong pinigil ni Montana.

"Tatang Oscar, hayaan mo na po siya. Mag-uusap lang kami."

"Pero—"

"Okay lang po." Tinitigan ni Montana si Soft nang ilang sandali bago ito tumalikod para pumasok sa loob. Mabagal siyang humakbang. Humigpit naman ang hawak ni Oscar sa kahoy na mukhang handang hambalusin si Soft sa kaunting pagkakamali niya. Nakahanda naman ang dalawa niyang kasama. Nakahanda ang baril ni Martin. 

"Hide your gun," utos niya kay Martin. Sinunod naman nito. Agad nito iyong isinuksok sa tagiliran pero matigas ang anyo nitong nakatitig sa matandang lalaki. Marahan siyang yumukod sa lalaki bago ito nilagpasan. Nang nasa pinto na ay natigil siya sa pagpasok nang makita si Montana na nakaupo sa maliit na sala ng bahay. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ilang sandali rin silang nakatitig sa isa't isa bago ito nag-iwas ng tingin. Tuluyang pumasok si Soft. Tahimik ang bawat hakbang niya patungo sa pang-isahang sofa na malapit sa kinauupuan ni Montana. Sa pinakadulo ng mahabang sofa ito nakaupo. Tahimik siyang naupo roon habang si Montana ay nakapiling ang mukha sa kaliwa at nakatitig sa kung saan.

God, he wanted to grab her and cage her in his arms. "How are you?" basag ni Soft sa katahimikan. Kumuyom ang kamay ni Montana na nakapatong sa armrest habang ang isa ay nakapatong naman sa hita nito. Nanatiling tahimik si Montana. Kahit ang sulyapan siya ay hindi nito ginawa.

"Tell me what you need. Kung susumbatan mo ako gawin mo na!" She's really good at masking her true emotions. He remained stoic. He couldn't read what she truly felt. When it comes to Montana, his judgement was flawed.

"You hate me that much?" mahina niyang usal habang nakatitig sa mukha ni Montana. Umaasa siyang kahit katiting man lang may makita siyang pananabik o kahit ano'ng positibong emosyon.

"Does seeking revenge make you feel better? Does it help to ease your burdens. Does seeing me hurt lessen your anger towards me? I hope it does."  Bumagsak ang talukap ng mata ni Montana pasara. Mariin itong pumikit habang nanatiling nakakuyom ang mga palad.

"I understand what you did. I understand where you're coming from. I'm sorry. I'm sorry if I hurt you. I'm sorry, baby." Kumibot ang labi ni Montana, ikiniling nito nang bahagya ang ulo na para bang ayaw nitong marinig ang pagsusumamo ni Soft.

"Can you forgive me? Can you forget everything? Can we still get married?" Nagmulat ng mata si Montana at marahas na bumaling kay Soft. Gulat. Kahit siya, nagugulat sa mga ginagawa niya.

"I still love you. I could feel that you love me, too. Nararamdaman ko ang pagmamahal mo na hindi pagkukunwari lang. Montana, baby, please." Itinaas ni Soft ang hawak na envelope. Inilapag niya iyon sa espasyo ng upuan sa tabi ni Montana.

"Ibabalik ko sa 'yo ang kumpanya ninyo. Ang bahay. You can finish your studies and eventually assume control of your company. I can mentor you. I can provide you with more than what your family has lost. I can offer you everything you need. Let's put the past behind us and begin anew. Let's get married." Sabay silang napabaling ni Montana nang may marinig na ingay. Si Gary Villarama ang naroon sa pinto ng silid. Nakaupo ito silyang de-gulong habang gulat na nakatitig kay Soft. Hindi lang gulat ang makikita sa mukha nito kundi takot. Ilang buti ng gamot naman ang nasa sahig na nabitawan nito.

"Umalis ka na, Mr. Dela Fuente." Ang boses ni Montana ang nagpabalik ng atensiyon ni Soft kay Montana. Hindi ito nakatingin sa kanya. Nakapaling ang mukha nito sa kung nasaan ang ama nito.

"Your offer is impossible," she said without glancing at him.

"Montana," nakikiusap niyang usal sa pangalan nito.

"Nakikita mo naman ang lagay ni dad, hindi ba? Ikaw ang may gawa niyan. How can I marry the man responsible for disrupting our lives? How can I marry the man who was the cause of my mother's death? How can I marry a man whom I do not love?" Each word was emphasized and it stabbed into his heart like a sharp dagger. He wanted to protest, to defend himself against her accusations, to explain the circumstances that led to those tragic events. But her words had already built a wall between them, a wall made of hurt, blame, and sorrow that seemed impossible to break through.

She finally faced him. "You are so stupid!" As he looked into her eyes, he saw the pain and anger reflected in them, and he knew that he had lost her—that he had lost the one person he loved more than anything in the world.

"Kahit kaunti, hindi mo ba ako minahal?" Tama ito, nagpapakatanga na siya at nagmumukha na siyang desperado pero wala siyang pakialam. Gusto niyang marinig na kahit kaunti ay pinahalagahan siya ni Montana. Na kahit paano ay may kalakip na totoong damdamin ang pagpapanggap nito.

"Hindi kita...hindi kita mahal. Hindi kita minahal. At hinding-hindi kita magagawang mahalin at pakasalan." The realization that she did not love him, that she could not bear the thought of marrying him, felt like a physical blow, knocking the breath out of him.

"Si Trey...siya ang totoo kong mahal." Tuluyang napayuko si Soft. The pain of her rejection and the truth of her words tore at his heart, leaving him feeling hollow.

"Now, leave, Mr. Dela Fuente, and don't come back again," taboy sa kanya ni Montana. Tuluyang nawasak ang kakaunting pag-asa na dala niya. Ang huling mga salita ay tuluyang nagtulak sa kanya para sumuko. Dahan-dahan siyang tumayo. Tahimik na tinungo ang pinto. Inabot niya ang hamba ng pinto para humawak doon. Nanatili muna siyang nakatayo roon. Pilit kinalma ang sarili. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Parang manhid ang lahat ng parte ng kanyang katawan. Ilang beses siyang humugot ng hininga pero hindi iyon nakatulong para ibsan ang bigat sa dibdib niya. Dahan-dahan siyang pumuhit para sa huling pagkakataon ay makita si Montana.

Malambot ang ekspresyon nito sa pagkakataon na iyon na ipinagpasalamat niya. Para kahit naman sa huling pagkakataon ay wala siyang makitang galit sa mukha nito. Iyon ang babaunin niya.

"I hope that the pain you have inflicted upon me has brought you enough satisfaction to make it worth the pain that I have endured." Tuluyang nag-init ang mata ni Soft. Ramdam niya ang tuluyang pagkalat ng luha sa mata niya.

"I don't regret meeting you." His voice was filled with sincerity and vulnerability.

"You showed me a side of life that I never knew existed— a world of love and emotions that I never thought could be so profound. Falling in love with you has been the most painful yet beautiful experience of my life, and I will always treasure the memories we shared together."

His voice trembled with emotion as he continued, "I love you...and I don't know when to stop." Tuluyang bumagsak ang luha mula sa mata ni Soft. Tumiim ang nanginginig na labi ni Montana. Sinulyapan ni Soft si Gary. Tahimik na nakamasid. Nasa mukha ang kalituhan at gulat. Tuluyan siyang tumalikod pero natigil sa paghakbang nang makita roon ang matandang lalaki. Nakamasid ito sa kanya habang nasa mukha rin ang kalituhan. Hinilamos niya ang dalawang palad sa mukha bago ito tuluyang nilagpasan.

"Give me a minute," aniya kay Clarito na pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.

"Yes, boss." Nang makasakay at maisara ni Clarito ang pinto ay lumayo ito at si Martin. Tumayo ang dalawa na may distansiya sa sasakyan. Isinandal ni Soft ang likod ng ulo sa sandalan. Tumitig siya sa kisame. Sunod-sunod na dumaloy ang luha mula sa mata niya. Hindi niya mapigil hanggang sa mapahikbi siya. Itinukod niya ang kamay sa likod ng sandalan ng driver's seat at yumuko habang hinayaang pakawalan ang lahat ng bigat sa dibdib.

Damn! This is the most excruciating moment he has ever endured. Hindi niya akalain na darating ang panahon na magmamakaawa siya para sa pagmamahal ng isang babae. He never thought he would cry over a woman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top