Chapter 3

The sensation left an indelible impact on his mind, heart, and soul. Fuck it! He remembered every detail. Every emotion he felt, how the sensation arose, increased, and how and when it subsided—the kind of sensation that nearly killed him on the spot last night. The kind of sensation that re-alive just thinking about this woman. All the plans he was supposed to do to the man woman last night are not given a chance. The main reason is she's a virgin and he did not want to be rough to her an untouched flower. He couldn't do a second round because again she's a virgin and her core might still sore from him devirginizing it.

He invited her to stay. He offered to sleep in his arms until the sun rose. Have breakfast early in the morning and drive her home after but she refused. She followed the terms of the agreement. Other women last night tried to throw themselves at him but he rejected them. He only wanted that virgin woman. Godammit. He needs to see her again. He exhaled, his gaze fixed on the mirror that had been erected in the ceiling. He did notice it last night. He could see his own frustration in the ceiling mirror. Pinapanood kaya ng babaeng iyon ang ginagawa nila kagabi? Nakamulat kaya ito. Naliligayahan sa nakikita? He wanted to bed her again in this type of room—mirror ceiling. He wanted to watch their naked reflections while she's riding him. Niyuko niya ang sarili nang, namukukol ang kanyang pagkalalaki sa ilalim ng makapal na comforter.

"Damn it!" He sat up and yanked the duvet off him. He ran his hands over his face, trying to shake off the last remnants of the wild scene that was swarming in his head. Hindi siya makakabangon kung hindi niya iyon aalisin sa utak pansamantala. He glanced at the clock on the bedside table and saw that it was 8 a.m. He breathed out. 8 a.m is already late for him. He used to get up as early as 6 a.m., with or without work. He started his day with a dose of endorphins. He enjoyed going for a morning run around the village and soaking up the morning sun.

He swung his legs over the side of the bed and stood up and walked to the bathroom. Lumabas siya ng silid kapagkuwan na suot ang roba. Disaster. Napakakalat ng sala. The Saavedra brothers, Flavius and Flovio are on the round bed, naked with three naked women. Si Ruselle ay nasa couch hubo't hubad na nakahiga roon habang nakapatong dito ang hubo't hubad din na babae. Ang iba pa ay nakahiga sa sahig, at sa single couch.

"Soft!" Bumaling siya kay Severu na tumawag sa kanya. He was having breakfast right next to floor-to-ceiling windows that afforded unobstructed views of the city's skyscraper structures. Humakbang siya palapit sa lalaki at naupo sa tapat nito sa bilog na mesa.

"Coffee?" tanong nito. Hindi na hinintay ang pagtugon niya. Tumayo ito at tinungo coffee area sa malapit.

"Hindi ka umuwi?" tanong niya na pinanood ang paglagay nito ng nespresso pod sa coffee machine.

"Umuwi na. Nagpaiwan lang ang kaluluwa ko. Kaluluwa lang 'to, brother." Napailing na tumawa si Soft. Lumapit muli si Severu dala ang tasa ng kape, inilapag nito iyon sa kanyang harapan. Umusal siya ng pasasalamat sa kaibigan.

"Okay ba 'yong babae kagabi? Parang ayaw mo ng paalisin, ah?" nanunukso nitong tanong.

"Have you realized that you were begging like a desperate lover last night?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Severu.

Gumalaw ang kilay nito. "Please, bebe girl. Stay with me. I'll double your payment. Or just give me your contact...your name," panggagaya ni Severu sa pinagsasabi niya kagabi. Ganoon pala siya kadisido kagabi.
Humigop si Soft ng kape at tumanaw sa labas.

"I want her. I wanna know her!" may diin niyang sinabi. Ibinalik niya ang tingin kay Severu habang dinala naman ang kape sa bibig na hindi niya agad natuloy higupin dahil sa shock na ekspresyon nito. Muli siyang napatawa saka ipinagpatuloy ang paghigop ng kape.

Sumipol si Severu. Ipinalo ng salitan ang mga palad sa mesa na animo'y isa iyong drum. "Ito na 'yon. Ito na ang pinakahihintay nating lahat."

"Pinakahihintay?" takang tanong ni Soft na inilapag ang tasa platito.

"Matatapos na rin ang pagiging matandang binata mo."

Malakas siyang tumawa. "I'm just Forty. Ano'ng matandang binata."

"Pero type mo nga? It's unusual. Ngayon lang nangyari 'to, ah? Kahit supermodel hindi kita nakitaan ng ganyang eagerness. Magaling bang gumiling?" Bahagyang nagdikit ang kanyang mga kilay kasabay ng pagtiim ng kanyang bagang sa huling mga salitang narinig mula kay Severu. Ang mga ganitong pagbibiro tungkol sa babae ay pinagtatawanan lang niya at hindi siya nagbibigay ng kahit ano'ng detalye ng nangyayari sa kanila ng babaeng nagdaan sa kanya. Respeto. Pero ngayon, naiinis siyang marinig ang ganoon kay Severu.

Nilinga niya ang mga kasama nang may marinig na nagising sa mga iyon. Si Flavius na nagtatanong ng oras. Ibinalik niya ang tingin kay Severu.

"Hindi ka ba hinahanap ng asawa mo? Isang buwan palang kayong kasal pero mukhang ayaw mo na agad tumino?"

"Hindi lang naman ako ang may asawang nandito. Saka naki-celebrate lang naman ako. Hindi ako gumalaw ng babae," rason nito.

"Kahit na." Dati kasama niya sa mga ganito sina Thunder pero nang magsiasawa na hindi na talaga dumalo sa mga ganitong kasiyahan kung may mga stippers na kasama. Kaya nagdu-double celebrate na siya. Iyon ang gusto ng mga pamilya niya at barkada. He celebrated his birthday in advance with his colleagues in a wild way, whilst he spent his birthday with his family in a formal theme—the type of event he was accustomed to growing up.

"How's the life of a married man?" Dumampot si Severu ng bacon at kinain iyon. Nagkibit ito. Hindi sinagot ang tanong niya.

Sabay na bumaling si Soft at Severu kay Flavius na lumapit sa kanilang hubo't-hubad. Dumampot ito ng bacon sa plato. Mula mukha nito ay sabay na bumaba ang tingin ni Soft at Severu sa katawan ni Flavius hanggang bumagsak ang tingin nila sa bagay na nakapatong sa mesa. Ang ari nito na walang pakundangang ipinatong sa mesa kung saan kumakain.

"Napakababoy! Buhusan ko kaya ng kape 'yan," asik ni Severu.

Napatingin naman sa kanyang ari si Flavius. He took it in his hand. "Inaano ka ng ibon ko? He just wants to say hello. Hello, Ninong Severu!" He wiggled it like a fish. Sumimangot si Severu. Binitawan ni Flavius ang ari at kumuha muli ng bacon gamit ang kamay na pinanghawak sa pagkalalaki nito.

"Puta!" malutong na mura ni Severu. Tumakbo palayo si Flavius na tumatawa nang tumayo si Severu at naghabulan na ang dalawa. Napapailing na ipinagpatuloy ni Soft ang paghigop ng kape. Halos isang dekada ang tanda niya sa mga ito. Halos ang mga kaedad niya ay nagsipag-asawa na nga lalo ang talagang malalapit niyang kaibigan. Naunahan pa siya ng bunso sa pamilya at mukhang mauunahawan pa siya ng mga pamangkin niya nito. Muntik na nga siyang maunahan pa ni Esmeralda, hindi lang natuloy ang kasal nito kay Jacobo.

His mother was right. He should settle down. Kailangan na talaga niyang makahanap ng mapapangasawa. Ang problema wala siyang matipuhan kahit sa mga inirereto sa kanya ng kanyang mama. Akala niya talaga si Lavender na nga ang makakatuluyan niya. Willing na siyang patulan ang suhestiyon ng mga magulang nila pero mantakin mong nadali pa ng bunso nila. Ayaw naman kasi niyang magpakasal na hindi niya tipo ang babae. Baka kakakasal palang nila eh sa hiwalayan agad ang bagsak.

Soft rose up and walked back into the room. He inhaled deeply as his eyes settled on the bed and his thoughts returned to the night before, and immediately his briefs he wore were suddenly growing a little too tight. He shook his head to dismiss the wild memories for the time being. Humakbang siya patungo sa paanan ng kama kung saan naroon ang kanyang pantalon. Pinulot niya iyon mula sa sahig. Sinilip niya ang sahig nang may mahulog doon sa pag-angat niya ng pantalon. Isang card. Identification card? Pinulot niya iyon at binaliktad para makita impormasyon ng may-ari.

Pagkakita palang niya sa mukha ng babae ay agad nang tumibok ng mabilis ang puso niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Bijoux Jewelry Store," he silently read the words printed on it. His gaze drifted down the employee's information.

"Montana Vidal. Sales associate." Siya 'to sigurado siya. Bago umalis ang babae ay pumasok pa ito sa silid, nakasuot na ng black hoodie para magpaalam sa kanya. Dala na rin nito ang bag at posibleng nahulog nito ang ID. Kung titingnan ang hugis ng mukha, labi at ilong ay magkatulad.

His lips slowly curved into triumphant grin. "I got ya, bebe girl." Hinalikan niya ang larawan sa ID bago kumilos para mag-ayos.

Umalis na rin agad siya ng hotel at ang plano sana na pagtungo sa naturang shop ay hindi na nagawa nang tawagan siya ng kanyang mama. Mukhang nagtatampo sa hindi niya pag-uwi na naman. May usapan silang sasamahan niya ito para mamili ng isusuot niya sa kaarawan niya. Kaya wala siyang choice kundi magpunta ng shop ng ina, ang Wardrobe Boutique, kung saan ito naghihintay. Nawala naman agad ang tampo ng ina ng lambingin niya at hinayaan na lang niya itong pumili ng isusuot niya. Ito naman madalas ang stylist nilang magkakapatid kapag ganitong may mga event, maliban syempre kay Frankus na matigas ang ulo.

"Oh, this really looks good on you." Agad na nilapitan ni Sasahh ang anak na si Soft pagkalabas ng fitting room. Inayos nito ang necktie.

"Do you like it?"

"Yes, Mom. It has a comfortable fit. Maganda ang texture ng fabric. Cool. Smooth touch." Niyuko niya ang coat. He liked the color—brighter-than the midnight blue with a subtle pattern. He's not a connoisseur but he appreciated the suit for being extremely delicate and luxurious.

"Of course. It is made from ultra-fine Super 200's virgin wool that was gathered from a rare breed of sheep. It is also totally handcrafted. Brioni is renowned for its exquisite craftsmanship and outstanding perfectionism." Sasahh stretched her hands on Soft's chest and gently moved her palms across the suit, feeling the luxuriousness of the fine wool fabric.

"You are so handsome, Son." She sighed with hints of boredom and disappointment. "I can't wait for someone else to fix your suit."

Malakas na tumawa si Soft. "Nagsasawa ka na bang maging stylist ko?"

"Of course not. But I want to see someone else...aside from me taking care of you. A wife perhaps."

Hinawakan niya sa magkabilang mukha ng ina at hinalikan ito sa noo. "Darating tayo diyan. Kaunting-kaunti na lang."

Nangislap ang mata ni Sasahh sa narinig sa ina. "For real?" Isang ngiti lang ang isinagot ni Soft habang sinimulang kalasin ang necktie.

Biglang nawala ang pagkakangiti ni Sasahh na para bang may napagtanto. "Huwag lang si Hanny, ah?" Muling natawa si Soft sa pagkadisgutong nakita sa mukha ng ina.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo sa kanya? Mukha naman siyang mabait."

"Basta. Hindi ko gustong maging balae ang nanay niyon. A gold digger." Isinabit ni Soft ang necktie sa leeg ng ina.

"Judgemental ka. That's bad."

"Soft, my judgement is always correct. Saka iyong Hanny. I swear, hindi siya magiging mabuting asawa at ina sa inyo ng mga anak mo. She's self centred you know."

"Don't worry, Mom. She's not my girlfriend. Wala pa akong girlfriend sa ngayon. Wala pa akong matipuhan."

"Gosh! Why don't you let me find you a suitable wife? Wala ng anak at apo si Alford na puwede mong makatuluyan." Napuno ng malakas na halakhak ni Soft ang buong shop na maging ang mga staff ay napapangiti habang pinapanood ang binata.

"Kung kasi niligawan mo si Lilac noon."

"Mom, kung ginawa ko 'yon edi walang HectoxAndrite love team." Marahan niyang hinila ang ina at niyakap ito.

"Sabagay." Iniyakap ni Sasahh ang bisig sa katawan ng anak.

"I want apo from you."

Muling tumawa si Soft. "Kay Ryke pa lang quotang-quota ka na. Gusto mo pa rin ng apo."

Marahan niyang isinayaw ang ina habang yakap ito. "Kung gusto mo ng apo puwede naman kitang bigyan. Maraming willing."

"Tumigil ka Sofronio! I want a grandchild and a daughter in law."

"Then you have to wait."

"Hmp!" Soft chuckled at her mother's response, kissing her on the head.

***
HINDI NIYA alam kung ilang ulit na siyang humugot at nagpakawala ng hininga habang nakatayo sa labas ng Bijoux. Dinaga na siya. Ano bang nangyayari sa kanya? Isa pang malalim na paghinga bago siya tuluyang naglakas ng loob na humakbang para pumasok sa shop. Upon entering, a gay approached him and heartily greeted him.

"Good afternoon, Mr. Dela Fuente!"

"Good afternoon," bati niya rito. He was not surprised that he knew him. Ilang beses na rin siyang nagku-cover hindi lang sa business magazine kundi pati na rin sa mga fashion and lifestyle magazine. At kahit sa mga sexy magazine for women and gays ay nakatanggap siya ng offer pero hindi niya tinanggap kahit wholesome pa rin ang theme. Wala siyang planong ikuwento ang sexlife niya sa publiko.

"'I'm Jazzy, a manager of Bijoux. What can I help you, Mr. Dela Fuente?"

"Ahm..." nilinga niya ang buong jewelry shop pero, wala ang taong hinahanap.

"Look for jewellery for my mom."

"What kind of jewellery, Sir?"

"Anything." Iginiya siya ng manager sa isang seating area at doon naupo. Agad niya muling nilinga ang paligid.

"I'll show our fine jewellery collection, Sir."

"Please, thank you," tugon niya habang patuloy sa paglinga sa paligid. Umalis ang manager. Patuloy siya paglinga sa paligid hanggang ma-spot-an niya ang babaeng hinahanap. May matamis na ngiti sa labi. Nakapusod ng malinis ang itim na itim na buhok. She is dressed in a white blouse that is nicely tucked into a black pencil skirt and a black black kitten heels. She was walking toward his direction with a jewellery box in her hands. Agad na itinakip ni Soft ang kamay sa mukha nang tumingin ang babae sa direksiyon niya. Ibinuka niya ang mga daliri na nakalapat sa kanyang noo at palihim na sinilip ang babae na nilapitan ang customer sa kabilang upuan sa mismong katabi lang din kinauupuan niya.

Fuck! She's gorgeous and captivating. Her eyes...she has the eyes that are shaped like almonds, with a slightly pointed outer corner and a rounded inner corner. They set slightly deeper into her eye sockets, giving her a mysterious and alluring look. Her almond-shaped eyes were framed by long, thick lashes, which enhanced the shape of her eyes. Damn! She has almond-shaped eyes. Very beautiful.

Bumalik ang manager at inilapag ang dalawang kahapon sa harapan niya. Nanatili ang kamay niyang nakatakip sa kanyang mukha. Nagkunwaring hinahaplos niya ang kanyang noo.

"Oh, my God, Soft!"

"Fuck it!" mahina niyang pagmumura ng marinig niya ang boses ni Hanny. Sa halip na ang babae ang tingnan ay agad niyang sinuri si bebe girl sa pamamagitan ng siwang sa kanyang mga daliri. Nakatingin na ito sa kanya ngayon. Medyo nanliliit ang mga mata na para bang sinisipat siya sa malayo. Iyong puso niya, parang lalabas sa ribcage sa lakas tibok dahil sa sobrang kaba. Tang-ina! Ano ba ang nangyayari sa kanya?

Nagbeso ang manager at si Hanny na mukhang matagal ng magkakilala bago naupo sa tabi niya. "You are here!" Yumakap ito sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"What are you doing here? I'm trying to call you but you ignore my call."

"Meeting," tipid niyang tugon.

Hinila nitong bigla ang kamay niyang pilit niyang ipinangtatakip sa kanyang mukha. "Why are you covering your face?" Hanny chuckled. He merely gave an odd smile.

"I'm here to get myself a necklace to wear on your birthday," anito na bumaling sa mga alahas na nasa harapan. Nagningning ang mga mata ng babae nang makita ang mga alahas na halos lahat ay may dyamante. "Wow! New collection?" Hanny asked the manager.

"Yes, Ms. Hanny," the manager responded with a high pitched tone.

"And look at this one. Bagay ito sa 'yo." Binuksan nito ang isang kahon. Napasinghap ang babae nang humantad ang laman niyon.

"I'm glad you already have the Bulgari Serpenti collection of Bulgari." Hinaplos nito ang rose gold na kwintas na ang disenyo ay ahas. May dyamante sa ulo at buntot.

"I want another variation of this. The white gold, set with full pavé diamonds."

"Oh, I'm so sorry, Ms. Hanny. Iyan palang kasi ang dumating. Pero bakit hindi mo na lang muna kunin ito, and I'll reserve the diamond one for you once it arrives. In that case you'll have a different variation of the Bulgari Serpenti collection. Ang taray 'di ba?"

"I like that. But are bracelet and earrings available?"

"Oh, yes...wait." Luminga ang manager. "Montana, halika muna rito."

Ang kaba ay lalong nadagdagan nang tawagin pa ito ng manager at tuluyang siyang nanigas nang lumapit nga ang babae. Hindi niya magawang tumingin ng diretso. Nakababa ang kanyang tingin pero mula gilid ng mata ay pilit niya itong tinitingnan.

"Kunin mo nga bracelet at singsing nito," utos ng manager dito.

"What's wrong? Are you sick? Nanlalamig ka." Pinisil ni Hanny ang kamay ni Soft na napansin ang kanyang pagkabalisa.

"Mm. I'm okay," mahina niyang tugon.

Ikinawit ni Hanny ang braso kay Soft habang ang ulo ay inihilig sa balikat. "Soft, babe, can you buy this one for me?" lambing ni Hanny. Wala sa loob na tumango si Soft habang ang buong kamalayan ay nasa presensiya ng babaeng pinapantasya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top