Chapter 27

NAGULAT si Montana nang sa paglabas niya ng classroom ay naroon si Soft at nakaabang. May dala pa itong bulaklak. Si Chin at Astrid ay napatili at siyang unang nag-unahan kay Soft.

"Hi, Papi Soft," sabay na bati ni Chin at Astrid.

"Hello, Chin, Astrid. Kumusta fiancèe ko?"

"Okay na okay. Ang galing niya sa case study niya. Ang husay niyang mag-report," pagbalita ni Chin. Maayos nga siyang nakapag-report at na depensahan ang lahat ng batong tanong sa kanya ng professor.

Humakbang si Soft palapit kay Montana. "Congratulations." Hinalikan siya ni Soft sa pisngi bago inabot sa kanya ang bulaklak. Napakaganda ng bouquet. Iba't ibang klase ng bulaklak ang naroon kaya makulay iyon.

"Thank you." Hinawakan niya ito sa kamay at hinila medyo palayo sa classroom nila dahil kahit pati ang professor ay nakikiusyoso na sa kanila.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Sinusundo ka."

"Ang lakas mo talaga dito sa school 'no? Labas-pasok."

Nagkibit si Soft. "Family friend ang may-ari nito. Anyway, are you going home now?"

"Sa trabaho. I'm working, remember?"

"Huwag ka ng pumasok. Samahan mo na lang ako."

"Saan?"

"Sa mall. May bibilhin lang ako."

"Sige. Doon na lang sa mall kung saan ang Bijoux para makapasok pa rin ako."

"Kulit. Ako na bahala. Tawagan ko si Jassy." Pinaikot ni Montana ang mga mata. Idinadaan talaga nito lahat sa impluwensiya. Inabot ni Soft ang kamay niya saka ibinaling kina Chin ang atensiyon.

"Girls, do you want to go with us? Mag-malling lang."

"Of course!" Tili ng dalawa na sinabayan pa ng lundag.

"Ikaw, Harold, gusto mo bang sumama?" Hindi nakasagot si Harold sa hindi inaasahang pagyaya ni Soft. Nanahimik ito habang nakasandal sa poste sa pasilyo.

"Yes! Sasama siya." Hinila ni Chin si Harold, ikinawit ng dalawang babae ang braso sa braso ni Harold. Binantaan ng dalawa ang lalaki kaya hindi na kumontra pa.

Sasakyan ni Soft ang ginamit nila. Ang tatlong kaklase ay umupo sa likuran habang siya sa frontseat. "Soft, sana tinawagan mo na lang ako or tinext para nagkita na lang tayo sa mall. Nakakahiya kasi kapag sinusundo mo ako. Pinag-uusapan na nga ako sa school dahil sa pagpunta mo rito noong isang araw."

"Uy, girl! Bakit ka mahihiya? Nakaka-proud kaya ang ganyan. Ang gwapo ng fiancè mo," pagkontra ni Astrid.

"Mabuti pa ang mga kaibigan mo hindi ako ikinahihiya," himig itong nagtatampo.

"Hindi kita ikinahihiya. Nakakahiya lang makakuha ng atensiyon."

"I have been attempting to contact you since earlier, but it seems that your phone was unavailable."

"Nagloko na naman siguro phone ko. Minsan nawawalan ng signal." Inabot ni Soft ang kamay ni Montana at dinala iyon sa labi nito para gawaran ng halik. Muli na naman tuloy tumili ang dalawa na binulyawan na ni Harold.

"Iingay ninyo."

"Sungit naman nito," bungisngis ni Chin.

"Ikaw ba naman broken hearted tapos gagawin ka pang chaperone sa date ng crush niya." Malakas na naghalakhakan ang dalawa. Si Montana ay napahaplos sa sariling noo. She suddenly felt bad for Harold even though she had not yet confirm his feeling for her.

Nagtungo nga sila sa isang mall kumain muna bago pumasok sa Apple store. Agad na in-assist si Soft ng babaeng staff.

"I'm interested in buying new laptop and phone. Can you show us the latest laptop and phone?"

"Of course! I'd be more happy ro assist you, Ma'am, Sir." Iginiya sila nito patungo sa display ng laptop habang ang mga kaibigan ay tumingin-tingin sa mga display. Magkahawak sila ng kamay ni Soft. Ayaw nitong bitawan ang kamay niya.

"This is the latest MacBook Pro, it comes in two sizes, 16-inch and 14-inch, both with M3 chips. And the latest iPhone is available in multiple variations, including the standard, iPhone, iPhone Mini, iPhone Pro and iPhone Pro Max. Which size and specification are you interested in, Sir?"

Pinisil ni Soft ang kamay ni Montana. "Ano sa tingin mo ang okay, the 14-inch or 16-inch?"

Nagkibit si Montana. "Kung ako, siguro iyong 14-inch pero since ikaw ang gagamit dapat 'yong bet mo."

"Gray or black?" sunod na tanong nito.

"Black suits on you."

Malapad na napangiti si Soft bago bumaling sa staff. "I'll go with 14-inch, gray and iPhone Pro Max natural titanium. Parang mas bagay yata sa kanya 'yon. Please, pakiayos na."

"Oh, great! Para po pala kay, Ma'am. Nice choice of colors." Nagpaalam ang babae para kumuha ng stock.

"Soft, hindi kailangan."

"Kailangan mo 'yon. Ako ang nahihirapan sa laptop mo at sa phone mong laging walang signal."

"Pero, Soft—"

"Sige. Hindi ako bibili pero sasama ka na sa bahay ko ngayon mismo."

"Soft, naman, eh."

"Then please stop preventing me from indulging you." Pinakawalan ni Soft ang kamay niya para sapuhin ang kanyang mukha at mabilis siyang dinampian ng halik sa labi. Nag-init ang mukha niya. May mga taong nakakita. Lalo siyang nahiya sa reaksiyon ng mga kaibigan niya. Parang sinilihan na uod na naman kung namilipit at parang kinurot sa tagiliran kung makatili.

"Papi Soft, kung ayaw ni Montana kami na lang ang bilhan mo nito." Itinaas ni Astrid ang latest iPhone na katulad ng binili ni Soft para sa kanya.

"Sige. Kumuha kayo ng gusto ninyo."

"For real?" Namilog ang mga mata ni Chin at Astrid. Nakangiting tumango si Soft kaya muling napatili ang dalawa sa katuwaan. Nalibre pa nga.

"Ikaw, Harold, may gusto ka ba?" tanong ni Soft sa lalaki na nakatayo lang sa tabi nina Astrid.

"Wala po, Sir."

Sumimangot si Soft. "Soft na lang. Wag ng sir."

"Sige po."

"Drop the po," yamot nitong sabi kay Harold. Marahang napabungingis si Montana kaya nilinga siya ni Soft.

"Sir suits you. Look at your style. So formal." Nakaitim na trouser pa ito at collared shirt na navy blue, itinupi hanggang siko ang mahabang manggas.

"Nakakatanda," ani sa matigas na boses.

"Matanda ka naman na." Mas natawa si Montana nang sumama ang mukha ni Soft.

"I love older men, lalo na kung ikaw." Ang mukhang parang langit na natatabunan ng madilim na ulap ay biglang lumiwanag. Malapad itong ngumiti, humakbang para mas lalong lumapit sa kanya. Mabilis siyang umatras nang mapagtanto ang gagawin nito sa kanya.

"Soft, nasa public tayo. Tumigil ka sa kalandian mo."

Humalakhak si Soft na para bang walang ibang tao sa store. "Yakap lang, eh."

Tuwang-tuwa si Astrid at Chin sa bagong phone na binili ni Soft para sa dalawa. Alam niyang gustong-gusto ng mga ito iyon kasi laging napapag-usapan ang bagong labas na gadget ng sikat na brand. Pero ayaw raw bilhan ng parents dahil nga bago pa mga phone nito. Inihatid naman siya ni Soft sa apartment at ito sila ngayon sa tapat ng pinto. Ayaw siyang pakawalan ni Soft. Nakayapos ito sa kanya at kung anu-anong pang-uuto ang ginagawa sa kanya para lang mapapayag siyang tumira na kasama nito.

"Baka pwede akong mag-overnight dito."

"Hindi pwede. Uuwi si Cleo."

Idinikit ni Soft ang noo sa noo ni Montana. "Mami-miss na naman kita. Kapag malayo ka sa 'kin lagi kitang naiisip. God, Montana, I'm so in love with you. I am."

Tumingkayad si Montana at ikiniskis ang ilong sa ilong ni Soft. "I...I love you." Natigilan ito. Unti-unting inilayo ang noo sa pagkakadikit sa kanyang noo.

"For real?" Halos hindi iyon lumabas sa bibig nito. "Mahal mo na ako?"

"I guess. I'm happy when I'm with you."

"Oh, God!" Mahigpit siya nitong niyakap. "Thank, God! Thank, God!" Sinapo nito ang kanyang mukha at paulit-ulit siyang hinalikan sa labi hanggang sa mapabungisngis siya.

"You will never regret for loving me. I promise, I will love you more."

"I know. I know, Soft."

"Mahal mo ako, mahal kita. Then, bakit ayaw mo pang sumama na lang sa akin sa bahay. I have a penthouse if you don't want to live in my parents' house. Do you want me to buy a new house? Tell me, bukas na bukas din magpapahanap ako."

Napatawa siya. Natutuwa siya sa nakikitang aksiyon ni Soft. Sa mga ginagawa nito para sa kanya. "Hindi na. Hindi kailangan. Kahit saan mo ako itira okay lang sa akin."

"Ano ang pumipigil sw 'yo? Si Cleo ba kakausapin ko siya. Kung gusto mo isana natin siya, pati na rin ang mga kapatid mo."

"After engagement. Sasama na ako sa 'yo."

"Promise?"

"I promise. For now, umuwi ka na muna at gagabihin ka na nang husto. Rush hour na."

"Fine." Muli siyang niyakap ni Soft. Paulit-ulit na hinalikan at niyakap na naman na parang ayaw na talaga siyang pakawalan. Pinilit na niya at tinakot na hindi siya titira sa bahay nito kung hindi pa aalis kaya napilitan na itong umalis kahit mukhang ayaw pa. Pumasok siya ng apartment na may ngiti sa labi bitbit ang pinamili sa kanya ni Soft gadget.

"Mukhang masaya tayo, ah. Lapad ng ngiti, abot tainga," bungad sa kanya ni Cleo na nasa sala, umiinom ng beer.

"Nandito ka na pala," aniya na inilapag ang bitbit sa pang-isahang sofa kasama ang kanyang bag. Tinungo niya ang kusina, kumuha ng baso, at kinuha ang pitsel sa ref saka nagsalin ng tubig.

"Grabe! Binili ka ng laptop at smartphone ng sugar daddy mo?"

Narinig niyang sabi ni Cleo habang umiinom siya ng tubig. Nilingon niya ito. Sinisilip nito ang paper bag.

"Mapilit. Sira na raw kasi laptop ko at ang phone laging walang signal."

"Bulok naman na talaga laptop mo. 48 years bago mag-loading." Tumawa si Montana, inubos ang laman ng baso.

"Grabe! In love na in love na talaga sa 'yo si Dela Fuente. Mga ganyan ang masarap na saktan, eh. Hindi lang masusugatan ang puso niya kapag iniwan mo 'yan sa altar. Madudurog na tiyak." Humigpit ang hawak niya sa baso. Ang magaan na pakiramdam ay biglang nag-iba. Ang bilis mabago sa isang iglap dahil sa mga sinasabi ni Cleo.

"Mahusay talaga ang mga plano mo. Iba kang mang-akit, Montana. Makamandag. At kawawang Sofronio, hindi niya alam na ang makamandag mong pang-aakit ay siyang unti-unting dudurog sa kanya." Ipinatong niya ang baso sa mesa saka bumalik sa sala. Kinuha niya ang bag at paper bag na inilapag niya sa sofa.

"Papasok na muna ako sa kwarto. Matulog na ka na kaya, mukhang lasing ka na." Medyo namumungay na ang mga mata nito. Humakbang si Montana patungo sa silid, pinihit niya ang seradura nang muling magsalita si Cleo kaya muli siyang natig.

"Narinig ko ang ka-corny-han niyo kanina riyan sa labas. Eme lang ba 'yong sinabi mong "I love you" o totoo na?" Nilinga niyang muli si Cleo na kasalukuyang umiinom ng beer sa lata.

"Dalawin mo ang daddy mo. Baka maalala mo kung bakit mo ito ginagawa?" Itinulak niya ang pinto at isinara. Isinandal ang likod sa nakapinid na pinto.

"GISING NA mahal na prinsesa." Antok na antok pa siya. Hi

"Mag-almusal ka na mahal na prinsesa." Ano bang pinagsasabi ni Cleo? Bakit siya tinatawag na mahal na prinsesa?

"Hindi ka ba papasok?" Hinanap ng kanyang paningin ang digital clock na nasa bedside table. 9 am na pala pero ito't antok na antok pa rin siya. Hindi kasi siya nakatulog agad kagabi kakaisip sa mga nangyayari sa kanila ni Soft—ang mga ginagawa nito para sa kanya. Hindi rin mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Cleo. Nalulunod siya sa kakaisip sa mga bagay na parang nagbubuhol-buhol na. Umaayon ang lahat sa plano na dapat ikinasasaya niya pero hindi iyon ang nangyayari. Naguguluhan na siya.

"Tumayo ka na. Ipinagluto ka na ng personal chef mo."

"Ano ba ang sinasabi mo?" Bumangon siya. Isinuklay ang mga daliri sa buhok.

"May chef sa labas, pinadala raw siya ni Soft, marami ring pagkain dala. Ayon, halos ayaw ng maisara ang fridge. Huwag ka raw masyadong kumain ng processed food."

"Nagpadala siya ng chef? Nasa labas ngayon? Si Tryke ba?" sunod-sunod niyang tanong.

"Tryke?" tanong nito.

"Hmm. Iyong guwapong chef?"

Nagkibit ito. "Hindi ko natanong ang pangalan, eh. Chef ang tawag ko." Bumaba si Montana sa kama saka lumabas ng silid para tingnan ang chef na sinasabi ni Cleo. Pero hindi si Tryke ang nandoon, medyo may edad ng lalaki, probably in his 50s.

"Good morning po." Nag-angat ito ng tingin mula sa mga pagkaing pina-pack sa container.

"Montana?" patanong nitong tanong.

Marahan siyang tumango. "Opo."

"Ako si Chef Chino. Pinadala ako ni Soft para ipagluto ka. Kumain ka na." He made a motion toward the food on the table.

"Mayroon, beef tapa, itlog at tinapa rice for Filipino dishes, may bread, egg, hotdog, ham, ang bacon, and pancake for American dishes, and there are croissants that you can pair with coffee or thick chocolate for Italian breakfast dishes. Kung may gusto kang wala riyan sabihin mo lang at iluluto ko."

"Naku okay na po 'yan. Napakarami na po." Maliliit na portion lang bawat putahi pero tiyak mabubusog na sila ni Cleo ng husto."

"Ano po 'yan pina-pack ninyo?" tukoy niya sa pagkaing inilalagay sa food container.

"Snacks. Ilalagay ko sa fridge para kapag nagutom ka pwede mong initin na lang. Walang processed food dito. Kahit ang mga bacon ay sarili kong gawa." Si Soft talaga.

"Ano ang gusto niyang inumin? Chocolate, tea, or coffee?"

"Coffee na lang po. Pero ako na po ang gagawa."

"Ako na trabaho ko 'to." Agad na kumilos si chef Chino para gumawa ng kape. Naka-uniform pa talaga ito. Si Soft talaga masyado siyang ini-spoil. Hindi niya maiwasang mangiti. Naa-appreciate niya ang ginagawa nito para sa kanya at ang totoo nabubusog ang puso niya.

"Gising na siya, Soft." Napalingon siya kay Cleo na mukhang kausap sa phone si Soft.

"Pero hinahanap niyang chef iyong guwapo raw. Tryke ang pangalan."

"Cleo!" Mabilis niyang sita sa babae. Pinanlaki nito ang mga mata sa pagtataka sa kinakabahan niyang reaksyon. Biglang napangiwi si Cleo at nailayo ang phone mula sa tainga. Sa lakas ng boses ni Soft ay narinig niya iyon kahit hindi naka-loudspeaker. Sabi na, eh. Alam niyang selos na selos ito kay Tryke. Matapos ngang magluto ni Tryke ay pinapaalis na ni Soft pero ang isa ay ayaw umalis. Naupo ito sa sofa at nanood ng palabas sa telebisyon. Napagod daw ito at magpapahinga muna. Kahit ilang beses nang pinagtabuyan ni Soft ay hindi talaga umalis. Para bang wala itong kinikilalang boss. Sabi pa nga kay Soft, hindi nito papagurin ang sarili at hindi nito hahayaang maipit sa traffic ng ilang oras dahil lang sa pagseselos ni Soft. Hindi na raw nito iyon problema at lalong hindi na raw nito kasalanan kung maguwapuhan siya. Kaya ang ending ay sabay ng umuwi ang dalawa.

"Oh, nagface-time."

Kinuha niya ang phone at dahan-dahang iniharap sa kanya ang screen. "Hi," medyo alangan niyang bati dahil bumangad sa kanya ang nakasalubong nitong makapal na kilay na isa sa nagbibigay rito ng guwapong anyo.

"Really? Guwapong chef?" Marahang napatawa si Montana. Hinila niya ang upuang nasa harapan ng mesa kung saan nakalatag ang mga pagkain. Tumulis ang labi ni Montana.

"Nagtanong lang ako kung si Tryke ang chef na sinasabi ni Cleo. Eh, hindi niya kilala kaya diniscribe ko na guwapong chef. Nagseselos ka ba, guwapong CEO?" Naalis ang pagkakakunot ng noo nito, itinikom nang mariin ang labi at kapagkuwa'y kinagat iyon para pigilan ang ngiti.

"Hmm? Nagseselos ba ang mahal kong fiancè?" Sa pagkakataon na iyon ay hindi na napigil ni Soft ang tumawa. Iyong tawa na pilit pinipigil habang ang mga labi ay napupunit sa napakalawak na ngiti. He's so cute while giggling like a kid.

"Why are you giggling, my handsome fiancè?" Lalo pa itong bumungisngis nang bumungisngis.

"Montana, stop it!" He tried to regain his composure, wiping away a tear of joy that had escaped the corner of his eye.

"Hay, Montana! Your words tug at my heartstrings in the most delightful way." Inilapat pa nito ang kamay sa tapat ng puso.

"Kilig na kilig ka, Soft," puna ng chef na naglapag ng kape sa mesa.

"Chef Chino," natatawang bati ni Soft sa lalaki.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top