Chapter 25

"Six hundred thousand para sa isang bag? Seriously, Cleo?" Tumigil si Cleo sa pagbusisi sa itim na bag na binili nito gamit ang kanyang credit card. She's fucking pissed off. Walang paalam nitong ginamit ang credit card na ibinigay ni Soft na siya mismo ay hindi pa man lang nagagamit kahit sa pagbili lang ng paboritong kape. Pero itong si Cleo, ginamit pambili ng Chanel bag na nagkakahalaga ng kulang-kulang six hundred thousand.

"Galit ka?" taas-kilay nitong tanong.

Namaywang si Montana.  "What do you think?"

"Bakit ka nagagalit? Montana, si Dela Fuente ang magbabayad niyon."

"Exactly! It's not your money."

"Pera mo rin 'yon. Pera rin iyon ni Trey. Alam ito ni Trey at sabi niya gawin ko ang gusto ko. Wala kang ginagawa para bawiin ang pera kahit si Dela Fuente na mismo ang nagbibigay sa 'yo. Ano ba ang balak mo? Hindi galawin ang laman ng credit card pati na rin ang perang ibinigay sa 'yo?" Ipinatong ni Cleo ang bag sa espasyo ng sofang kinauupuan nito.

Kumuha ito ng isang sigarilyo sa paketeng nakapatong sa center table at nagsindi.  "Isipin mo na lang na bayad niya 'yon sa serbisyo mo sa kanya sa kama." Bahagyang nanglaki ang mga mata ni Montana sa hindi inaasahang maririnig mula kay Cleo.

Humithit ito at dahan-dahang ibinuga ang usok.  "Hindi kami ipinanganak lang kahapon, Montana. Alam namin ni Trey ang nangyayari sa inyo ni Dela Fuente." Sa pagkakataon na iyon ay kumabog nang malakas ang dibdib niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

"Sabagay. Hindi kita masisisi. Jusko! Ang yummy ng taong 'yon. Titig palang parang kaya nang magbigay ng multiple orgasms. Lahat ng babae tiyak gugustuhin magpabayo sa lalaking 'yon. Hindi nga ako nagkamali, dahil kahit na ikaw na pihikan sa lalaki ay nagpaubaya."

Marahas na napalunok si Montana. "Ano ba ang sinasabi?

"Huwag ka nang magmaang-maangan. Hindi 'yon magbibigay ng ganito sa 'yo kung walang kapalit, Montana. Isipin mo na lang na bayad niya ito sa pagpapakasa sa katawan mo."

"Tumahimik ka na nga, Cleo!" angil niya rito. Masyado na itong bastos magsalita. Hindi naman ito ganito sa kanya. May respeto at laging mahinahon magsalita sa kanya. 

"Pasensiya na." Mariin nitong ipinikit ang mga mata na tila kinakalma ang sarili.

"Gusto mo bang isuli?" Sinulyapan nito ang bag na nasa tabi nito.

"Hindi na. Nakakahiya naman sa 'yo. Deserve mo 'yan," sarkastiko niyang sabi. Hinablot niya ang kanyang bag mula sa ibabaw ng sofa saka walang paalam na iniwan si Cleo. Naiirita siya nang sobra. Ano na lang ang iisipin ni Soft? Nanamantala siya? Na napakuluho niya? Napatigil si Montana sa kalagitnaan ng hagdan nang mapagtanto ang mga naiisip. Seriously, ang pinaka concern niya ngayon ay ang iisipin ni Soft.

"Argh!" Irita niyang pinagsasampal ang sarili baka sakaling matauhan siya. Patakbo siyang bumaba ng hagdan at tumigil din nang mag-ring ang phone na hawak. Si Soft ang tumatawag. Ito na, baka magtatanong na ito tungkol sa nagastos sa credit card nito. Kainis! Nagpasya siyang hindi na lang iyon sagutin. Hindi niya alam ang sasabihin.

Iritadong pumasok sa eskwelahan si Montana at para naman ma-divert ang atensiyon ay nagpakaladkad na lang siya sa kaklaseng si Chin at Astrid kasama si Harold na tumambay. Wala raw klase dahil sa inter college sports fest at dito gaganapin ang game 3 sa university para sa championship. Kaysa tumambay sa library ay sumama siya kila Chin na tumambay sa Mahogany Garden, ang kadalasang tambayan ng mga estudyante. Inubos ng dalawa ang oras sa pag-rate sa mga lalaki at dinamay na rin si Harold na pinag-rate rin sa mga babae. Nang magsawa ay nagtungo sila court para manood ng laro.

"Auntie Montana!" tili ni Iolanthe ang nagpatigil sa kanya sa pagpasok sa gym. Patakbo itong lumapit sa kanila. Marahan siyang tumawa nang yakapin siya nitong bigla.

"Manonood kayo ng basketball?"

"Kaya nga kami nandito," si Harold ang tumugon. Agad itong sinamaan ng tingin ni Iolanthe.

"Ikaw na naman. I told you to stay away from Auntie Montana!" Pinangdilatan nito si Harold.

"Sungit talaga ng babaeng 'to."

Umismid si Iolanthe bago muling itinuon ang atensiyon kay Montana. "We will just go to the cafe to grab a bite. I'm so hungry na, eh." Nagbeso ito kay Montana. "See you around, Auntie." Napapangiting sinundan ni Montana ng tingin si Iolanthe. Nakakaaliw talaga si Iolanthe. Maarte pero mabait naman.

"Arte nun," komento ni Harold.

"May K naman mag-inarte. Ang ganda ano?" segundang komento naman ni Astrid.

"Yeah. And have you, guys, noticed her OOTD? Gosh! Luxury from head to toe," si Chin. 

"Yeah. Nakakainggit," nakalabing saad ni Astrid.

"My mom just allowed me to have luxury bags and shoes but not clothes. Hindi raw wise lalo sa tulad ko na ayaw ulitin ang damit," si Chin na mula rin sa mayamang pamilya pero mabait. Kaklase niya ito mula second year. Nag-shift ng kurso mula Biology. Gusto ng magulang nito na mag-doktor pero hindi raw talaga gusto ni Chin iyon.  

"At least afford mo ang supreme luxury. Ako nga accessible luxury lang ang afford," ani naman ni Astrid.

"Okay lang 'yon, luxury pa naman. Ako nga Jansport lang, oh," tukoy ni Montana sa backpack niya. Nagkatawanan ang dalawang kaklase.

"Pero matibay 'to. Gamit ko pa 'to mula first year ako." May ilang may brand na bag din naman siya na regalo ni Trey pero hindi niya ginagamit sa school. Okay na sa kanya ang ganito.

"Halika na nga." Ikinawit ni Chin ang braso sa braso ni Montana at ganoon din ang ginawa ni Astrid saka sila sabay-sabay na pumasok. Punong-puno ang court pero may napuwestuhan naman. Si Harold ay nagpaiwan muna sa labas. May bibilhin lang daw muna ito.

"OMG! The game is so close!" Kinakabahang sambit ni Chin. 

"40-42," anas niya. Second quarter palang. Leading ang university nila. 

"So, totoo talaga na ikakasal kayo ng uncle ni Iolanthe?" tanong ni Chin na katabi niyang nakaupo.

"Hindi ba masyadong matanda na?" Sumilip sa kanya si Astrid na katabi namang nakaupo ni Chin.

"Matanda na," bungisngis niya.

"Is it worth it?" tila nangdidiring tanong ni Chin. Tumawa si Montana.

"Kung rich naman okay na 'yon. Dela Fuente ba o Guevarra? Ilang taon na ba?" 

"Times two ng age natin," sagot niya sa tanong ni Astrid.

"Oh! Hindi pa naman ganoon katanda. Kasing gwapo ba 'yan ni Ian Veneracion?  Kung kasing gwapo niya pwede na," pigil na tumili si Chin. Pinisil pa nito ang kanyang braso. Nilinga niya si Harold na umupo sa tabi niya at nag-abot ng iced-coffee sa kanilang tatlo.b

"Thanks, Harold."

"Wow! You are so generous, Harold. Sayang, wala ka ng chance kay Montana." Itinusok ni Chin ang straw sa takip ng iced-coffee.

Sinilip niya si Harold sa gilid ng kanyang mga mata habang sumisipsip ng malamig na kape. Kita niya sa mukha nito ang lungkot. May gusto ba talaga ito sa kanya? Eh, hindi naman ito nagtapat man lang sa kanya o kinumpirma ang panunukso ng mga kaklase nila. Pangitingiti lang ito. Tuluyan siyang bumaling kay Harold, agad na ngumiti ang lalaki.

"Masarap? Paborito mo 'yan. Banana milk coffee."

"Do you like me?" tanong niya rito. Kitang-kita niya ang pagka-tense sa mukha nito. Inabot nito ang likod ng ulo at hinaplos.

"Ahm—" Hindi na niya naantay ang sagot ni Harold nang mag-ring ang kanyang phone na nasa bulsa ng kanyang trouser. Kinuha niya iyon. Napabuntong-hininga siya nang makitang si Soft iyon. Kanina pa ito tawag nang tawag pero hindi niya masagot dahil inaalala niya nga ang ginastos ni Cleo. Hindi niya alam kung ano'ng sasabihin.

Nagpasya siyang sagutin iyon. "Hello!"

"I'm jealous." Iyon ang agad niyang narinig.

"What?"

"That man likes you."

Napakunot-noo siya. "Si Harold?"

"Ang panget ng pangalan. Young but I'm hotter than him."

"What the fuck!" Bulalas niya saka inlibot ang tingin sa paligid. Nanglaki ang mata niya nang paglingon niya sa kanyang likuran ay makita si Soft na nakaupo roon. Nasa likuran lang nila mismo. Hawak ang telepono sa tainga. Kininditan siya nito. Mariin niyang itinikop ang bibig at pinigil ang mangiti.

"Hay! Ang ganda-ganda mo talaga." Mabilis siyang pumihit muli para itago kay Soft ang  paglapad ng kanyang ngiti. Wala sa loob na kinapa niya ang dibdib. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya.

"Do you see, Montana? Creed is here with his team." Muling napabaling si Montana sa likuran kung saan naroon si Soft. Muling nanglaki ang mga mata niya nang makita ang mga kapatid nito, si Ryker, si Frankus at Hector kasama ang isang pang lalaking ngayon lang niya nakita.

"Oh, nandito si Montana!" palatak ni Frankus.

"We've been looking for you, Montana. Nagpunta kami sa class room mo pero wala ka," sabi naman ni Ryke na para bang na-relieve nang makita siya.

"Bakit hindi mo kasi sinasagot ang tawag ni Kuya Soft? Akala namin nawawala ka na. Tumawag na kami ng pulis para hanapin ka," si Hector naman.

"OMG! Mga tito ni Iolanthe 'yan hindi ba?"

"Iyang isa dad ni Iolanthe," sagot ni Chin kay Astrid.

"Sino ang fiancé mo sa kanila?"  Mabilis na nagtaas ng kamay si Soft para sagutin ang tanong ni Astrid.

"OMG! He looks like Chris Evans," tili ni Chin at Astrid.

"Level up! Hindi lang Ian Veneracion." Dahan-dahang pumihit paharap sa mga naglalaro si Montana. Hindi siya maka-reak sa pagkabigla. Nandito si Soft kasama ang mga kapatid para hanapin siya at tumawag pa ng pulis. Hindi lang naman siya nakasagot sa tawag nito daig pa niya ang 24 hours na nawawala.

Pinaalis ni Astrid at Chin si Harold sa tabi ni Montana at pinalipat doon si Soft at nagsimulang mag-usisa ang dalawa niyang kaklase kay Soft.

"I'm Astrid," pagpapakilala ni Astrid, nakipagkamay at sinundan naman ni Chin. Naiilang siya dahil sa mga taong nakatingin sa kanila. Hindi na sa laro nakatuon ang atensiyon ng karamihan sa estudyanteng malapit sa kanila kundi nasa kanila. Nagpasya siyang hindi na lang tapusin ang laro. Nagyaya na lang din kumain si Soft dahil gutom na gutom na raw ang magkakapatid kakahanap sa kanya. Lumabas sila na kasama ang mga kaklase. Higit lang na nailang si Montana dahil kahit sa labas ay pinagtitinginan sila habang naglalakad. Paano ba naman magkapanabay silang naglalakad ni Soft habang nasa likuran nila ang mga kapatid nito, nakasunod sa kanila pati na rin ang tatlo niyang kaklase.

Nahigit ni Montana ang kanyang paghinga nang biglang hawakan ni Soft ang kanyang kamay. Nanatili siyang nakatingin sa dinaraanan. Higit pa siyang nahiya dahil sa impit na pagtili ni Astrid at Chin.

"I'm sorry. Nag-panic ako. Hindi ka kasi sumasagot sa mga tawag at text ko." Pinisil ni Soft ang kamay niya.

"Bakit ka ba hindi sumasagot?"

Nagyuko siya. "Nahihiya kasi ako. Hindi ko alam kung paanong sasabihin."

"Saan? May problema ba?"  Napahinto si Montana sa paglalakad nang tumigil si Soft. Ramdam din niya ang kaba sa boses nito kung hindi siya nagkakamali. Ang mga nakasunod sa dalawa ay pawang nagsitigil din sa paghakbang na para bang mga bodyguard. 

"Hindi ko alam kung nakita mo na. Iyong credit card mo...ang laki ng purchase. Pasensiya na talaga. Nabigla ako, pero susubukan kong ipa-refund. Ibabalik ko ang item kung pwede pa."

"Fuck! Akala ko kung ano na." Biglang sinapo ni Soft ang kanyang mukha at inangat hanggang sa pagtagpo ang mata nila.

"Montana, bakit ka mahihiya? Ibinigay ko 'yon sa 'yo. It's a limitless card, splurge on luxury clothes, shoes, bags, jeweleries...on everything that can make you happy and don't feel sorry.  Mas gusto ko 'yon kaysa hindi mo ginagalaw."

"Pero—"

"Sshh! Don't argue. Hahalikan kita." Mariin niyang itinikom ang bibig.

"Okay. Pero puwede bang bitiwan mo na ako. Everyone is watching us as though we are characters in a movie doing a romantic scene." Sabay sila ni Soft na bumaling sa mga kasama. Ang magkakapatid ay nakahilera habang nakaakbay at pinapanood sila. Si Chin at Astrid ay nakaangla ang mga braso sa braso ni Harold na nasa pagitan ng dalawa at tila nagdi-daydream na nakatitig sa kanila. Maging ang tatlong pulis at iyong Creed ay nakikinood din sa kanila. Pati na rin ang mga estudyanteng nasa paligid nila.

Humalakhak si Soft. Muling kinuha ang kanyang kamay matamos pakawalan ang kanyang mukha at nagpatuloy sa paglalakad.

"Iyan pala ang paborito mo."

Bahagya niyang itinaas ang hawak na iced-coffee. "Banana iced coffee."

"He knows your favorite." Hindi niya na kailangan itanong pa kung sino ang tinutukoy nito. Sa pagsimangot palang ng mukha alam niyang inis ito.

"Isasama pa natin si Harold?" tanong niya.

"Of course. I want to know him. Dapat kinikilala ang karibal." Napapailing na nangingiti na lang si Montana. Ang tanda-tanda na seloso pa rin.

Sa isang kainan sila sa loob ng mall nagpunta. Ang daldal ni Chin at Astrid habang si Harold ay tahimik lang na panay ang tingin kay Soft. Magkatabi sila ni Soft sa kabilang bahagi ng mesa habang sina Harold ay sa kabila. Kasama rin nila ang mga kapatid ni Soft pero si Frankus pati na rin ang isang pulis na si Creed ay hindi sumama sa restuarant dahil dadaan daw sa bookstore. Ang tatlong pulis ay nagpaalam na dahil kailangan daw bumalik sa presinto.

"Mr. Dela Fuente—"

"Just call me Soft," putol ni Soft kay Chin.

"Okay. Soft...gosh! Parang hindi sa 'yo bagay ang name mo. Everything about you looks hard...so hard. Rawr!"

Pinalo ni Chin si Astrid. "Stop it!"

Si Montana ay napahaplos sa sariling noo. Bakit ba kasi pumayag siya na sumama sa dalawang ito? Sinasamahan lang niya ang dalawang ito sa loob ng school pero sa paglabas-labas ay hindi talaga kahit na ano'ng pagyaya pa nito sa kanya. Ayaw niyang i-involve ang sarili kahit kanina dahil sa lihim niya. Pero ito't ipinakilala pa niya kay Soft.

"Since fiancé ka na ni Montana, ibig sabihin nagpropose ka sa kanya?"

"Definitely." 

"Oh!" Maarteng pagsabay ng dalawa.

"Kailan ang wedding?"

"Wala pang date. We will be having an engagement party first next month. Nasabi na ba sa inyo ni Montana?"

"No! Not yet. Invited ba kami?"

"Yes of course you can come...Ikaw rin, Harold." Napabuntong-hininga na lang si Montana. Wala na siyang magagawa pa. Mukhang mas magiging kumplikado ang lahat.

Saktong pag-serve ng pagkain ay dumating din sina Frankus at Creed. May inilapag si Frankus sa mesa, sa harapan ni Soft na isang pink na slambook na Hello Kitty ang design. Kapagkuwan ay umupo ito sa dulo ng mesa habang si Creed ay sa kabilang dulo malapit kina Ryke at Hector.

"Hello Kitty talaga?"

"Nag-iisa lang 'yan. Puwede na 'yan. Babae naman si Montana." Nilinga siya ni Soft at medyo alanganin itong ngumiti. Ipinatong nito ang kamay sa slambook saka itinulak iyon patungo sa kanya.

"Sagutan mo lahat ng question."

"For what?"

"Para mas makilala kita. Gusto kong malaman kung ano ang paborito mong kulay, pagkain, ano ang ayaw mo, ano ang motto mo at sino ang first crush mo, sino ang current boyfriend mo."

Umawang ang kanyang bibig. "Seryoso?"

"Yes. I want to know more about you." Hindi makapaniwalang napatitig siya kay Soft. Dahil ba ito sa alam ni Harold na Creamy Banana iced-coffee ang gusto niya.

Nagpasya siyang sagutan na iyon habang kumakain na mukhang maling desisyon dahil gusto tuloy siyang subuan ni Soft para hindi siya maabala sa pagsagot.

"Seriously, Soft?" natatawa niyang saway rito.

"C'mon, take it." Isinubo niya ang pasta na nasa dulo ng tinidor bago nagpatuloy sa pagsagot sa slambook. Kumakain si Soft at patuloy rin siyang sinubuan nito.

"Lahat ba kayo taken na?" tanong ni Chin.

"Yeah. May asawa na kami, si Hector may fianceé. They are just waiting for their baby to come out before they push the wedding kaya mauunang ikakasal si Kuya Soft at Montana," si Frankus ang nagpaliwanag.

"Oh! Sayang naman. Wala na kayong ibang kapatid na pwedeng ligawan or pinsan o kahit sino sa pamilya ninyo?" Namilog ang mga mata ni Montana sa tanong ni Chin.

"Ang guguwapo ninyo kasi."

Tumawa si Frankus. "I have triplets, all boys."

Nangislap ang mga mata ni Chin sa katuwaan. "How old are they?"

"Four years old."

Bumagsak ang mga balikat nito. "Goodness! I'll be 36 years old before they reach the legal age."

"Triplets ni Kuya Ryke, kaedad niyo lang."

"OMG! Oo nga. Sina Triton. Ahh!" Napatili si Astrid at Chin.

"Dad, pwede po mine na si Triton. She's the cutest among the three." Napaubo si Harold sa sinabi ni Chin.

"Dad-in-law, mine naman po si Ciro. Katulad niya iyong mga type ko. Parang pa-mysterious type. Tahimik pero iyong smirk niya ang hot. Parang-maze-zero ang oxygen ko kapag sexy time." Tuluyang siniko ni Harold si Astrid nang hindi na kayanin ang mga sinasabi.

"Nakakahiya kayo!" mahinang angil ni Harold.

"I'll tell them mga, hija," nakangiting tugon ni Ryke.

"Kuya, penge nga niyan?" si Frankus na ang tinutukoy ay ang mais con yelo ni Ryke.

"Hii! Um-order ka rin."

"Pasubo lang." Tumayo ito at nilapitan ang kapatid pero itinulak ito ni Ryke palayo.

"Bakit kasi hindi niyo ko in-order?" Napatingin ito sa kinakain ni dessert ni Hector at Creed. Agad na prinutekhan ng dalawa ang kinakain.

"Bakit si Creed meron?"

"Siya nag-text sa 'kin, masarap daw mais con yelo rito at i-order siya," ani Hector na sumubo ng mais con yelo.

"Penge!"

"No way!" sabay ng dalawa.

"Fuckers! Ang dadamot ninyo!" Inis na bumalik sa kinauupuan si Frankus.

"Um-order ka na lang, Frankus," ani Soft. Inabot ni Montana kay Soft ang slambook matapos sagutan. Kinuha niya ang hawak nitong tinidor at ipinagpatuloy ang pagkain.

"First boyfriend Sofronio dela Fuente, current boyfriend Sofronio dela Fuente, first kiss, Sofronio dela Fuente. Haha!" Malakas na halakhak matapos basahin ang mga sagot ni Montana.

"I'm her first. Her everything and will be the last." He chuckled like a little boy. Inagaw ni Frankus ang slam book at nakibasa na rin.

"Hindi ikaw ang first crush, si Mayor Villar. Wala rin siyang inilagay na first love. Shit! Ibig sabihin hindi ka pa niya mahal. Namilit ka lang talaga para pakasalan ni Montana." Muling inagaw ni Soft ang slambook kay Frankus.

"Pakialamiro ka!" Ang katuwaan ni Soft ay nawalang bigla nang mapagtanto ang mga sinabi ni Frankus.

"Mayor Villar. Who is fucking Mayor Villar?" mahinang usal nito.

"Baka Manny Villar. Error lang." Nagkatawanan ang lahat sa sinabi ni Frankus pero hindi si Soft. He looks curious.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top