Chapter 20
NAKUHA agad ni Soft ang loob ng kanyang mga kapatid. May mangilanngilang manliligaw si Montana na bumibisita kapag umuuwi siya rito sa bahay nila sa probinsya pero hindi niya nakitaan ang mga kapatid ng matinding pagkagiliw sa mga iyon. Siguro natuwa sa mga dalang pasalubong ni Soft. Namili kasi si Soft ng laruan at mga damit para sa mga kapatid niya kahapon at nag-grocery na rin at dinala nga nila sa pagpunta nila rito ngayon. Madilim pa nang umalis sila ng Manila para hindi nga sila tanghaliin. Alas otso naman ay dumating sila. Ngayon ay masayang nagtutulong-tulong ang tatlo niyang kapatid na nag-iihaw ng liempo at telapia kasama si Soft para sa kanilang pananghalian, habang siya ay tinulungan si Nanang Olivia sa pagluluto ng gulay at pagsaing.
"Hindi kaya ikaw ang masaktan sa halip na ang taong gusto mong gantihan sa ginagawa mong ito, Anak." Humigpit ang kamay niya sa pagkakahawak sa kahoy na balustre ng kusina sa labas dahil sa sinabing iyon ni Nanang Olivia.
"Mukhang mabait ang batang iyan."
Umismid si Montana pero hindi hinarap si Nanang Olivia na nakatayo sa kanyang bandang likuran.
"Hindi na po 'yan bata," katwiran niya. "At baka po nakakalimutan mo ang ginawa niya sa pamilya ko." Kung hindi niya alam ang ginawa nitong pagkamkam sa kanilang kumpanya noon, kahit siya ay iisiping mabait talaga ito. Wala siyang makitang kapintasan. Ganoon naman talaga ang nanliligaw. Pulos kabutihan lang ang ipinapakita. Ganitong-ganito ang ginawa nito sa kanyang papa at iba pa...kinuha ang loob pero trinaydor din bandang huli. Mga ganitong klase ng tao ang nakakatakot.
"Ano man ang edad niya," ganting ismid ni Nanang Olivia.
"Hay, Montana! Sana lang ay sigurado ka sa ginagawa mong ito. Pero natitiyak kong masasaktan ang puso mo ng labis dahil sa ginagawa mong ito." Kunot-noo niyang nilinga si Nanang Olivia na tinungo ang mesa para ayusin ang nakalatag ng dahon ng saging. Nagugulumihanan siya sa sinasabi nito. Paano naman nitong nasabing siya ang masasaktan? Pero sabagay, tama ito. Kung hindi siya magtatagumpay sa plano niya tiyak na masasaktan nga siya dahil hindi niya mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang pamilya.
"Sa tingin ninyo po ba hindi ako magtatagumpay sa plano ko, Nanang?"
"Maaaring magtagumpay ka. Pero magiging masaya ka kaya pagkatapos nito, Klouber?"
"Nanang Olivia! Don't call me by that name," pabulong niyang sita rito kahit pa hindi naman siya maririnig ni Soft dahil medyo madistansiya sila sa isa't isa. Agad niyang tinanaw ang kinaroroonan ni Soft sa pag-alalang baka marinig sila nito. Sumikdo ang puso niya nang madiskubreng nakatanaw ito sa kinaroroonan nila. Kung sa takot sa posibleng pagkakarinig nito sa usapan nila kahit imposible ay hindi niya alam. Basta ang alam niya ay dumuble ang tibok ng puso niya nang kindatan siya nito.
"Ate Montana, malapit na kaming matapos!" masayang sabi ng anim na taong gulang niyang kapatid na si Tolits.
"Halika, Ate, samahan mo kami rito," pagyaya naman ng walong taong gulang niyang kapatid na si Petra.
"Huling salang na lang ba 'yan? Maghahain na ako," tanong ni Nanang Olivia.
"Go na po, Nanang. Last na ito," tugon ng siyam na taong gulang na si Tanzania, ang pinakamatanda sa tatlong kapatid ng totoong Montana Vidal.
Nagpasyang lapitan ni Montana ang mga kapatid at si Soft na mukhang nag-e-enjoy sa pakikipagkulitan sa mga kapatid. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay nakataas na ang braso ni Soft para sa kanya, at parang normal na ba iyon sa kanila dahil agad naman niyang isiniksik ang katawan sa gilid ng katawan ni Soft. Umakbay sa kanya si Soft at binigyan siya ng halik sa gilid ng ulo. Tumili ang kanyang mga kapatid kaya napatawa siya. Kay babata pa marunong ng kiligin.
"Masarap ba 'to?" Kumurot siya sa liempo pero napaso siya nang mainit ang mahawakan niya. Agad na inalis ni Soft ang kamay sa balikat niya at ito na ang naghiwa ng liempo at isinubo na nito iyon sa kanya. Muli na namang tumili ang mga bata kaya pinaningkitan na niya.
"Haharot nito!" Nagsibungisngisan ang mga bata.
"Your siblings are adorable. Ang daming kuwento. At maraming tanong." Ganyan naman talaga ang mga kapatid niya kaya masayang kasama. Hindi nauubusan ng kuwento at mga tanong.
Nang maluto ang huling nakasalang sa ihawan ay dinala na ng mga bata ang lutong liempo patungo sa outdoor kitchen kung saan naroon na rin ang hapagkainan. Nauna na ng naluto telapia at nakalatag na nga sa dahon ng saging kasama ang kanin, sugpo at gulay.
"I think they like me," ani Soft na muli siyang inakbayan.
"Oo nga, eh. Hindi sila ganyan sa mga manliligaw ko."
"Mga manliligaw? May mga manliligaw ka?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Mukhang hindi ba ako ligawin?"
"No! I mean...of course you are very beautiful. Wala kang naging boyfriend sa mga iyon?"
"Wala. Wala akong na-type-an, eh." Unti-unting pinunit ng ngiti ang labi ni Soft.
"Mataas ang standard. Ako lang ang pumasa." Inikutan niya ito ng mata at inalis ang kamay mula sa pagkakaakbay sa kanya.
"Masyado ka lang mapilit at sayang ang 100M plus no limit credit card." Nagpatiuna na siya sa pagsunod sa mga bata. Malakas namang humalakhak si Soft dahilan para mapabaling sa kanila ang mga bata at si Nanang Olivia na nag-aayos sa mesa. Humabol si Soft kay Montana, inakbayan siyang muli at ang mga daliri nito ay nilaro ang ilalim ng kanyang baba.
"Boyfriend mo palang ako niyan. Ano pa kapag naging asawa mo ako. Baka buong universe na ang ibigay ko sa 'yo."
Tiningala niya ito. "Talaga? Kaya mong ibigay ang buong universe?"
"Mm. Kaso kailangan mo muna akong maging asawa." Matamis lang siyang ngumiti kay Soft bago muling inalis ang pagkakaakbay nito sa kanya at patakbomg tinungo hapagkainan.
"Wow! Daming prutas," aniya na kumuha ng maliit na hiniwang pakwan at kumagat. Naupo siya sa mahabang kahoy na silya, sa tabi ni Tolits. Si Tanzania at Petra ay nakatayo sa kabilang bahagi ng mesa. Ang mahabang kahoy na mesa ay nilatagan ng dahon ng saging at doon ay inilagay ang kanin, tatlong klase ng ulam—inihaw na liempo, inihaw na tilapia at sugpo. Mayroon din mga prutas tulad ng pakwan, pinya at hinog mangga.
"Tumayo ka muna riyan at maghugas ka ng kamay na bata ka," saway sa kanya ni Nanang Olivia na kanyang ikinabungisngis.
"Maghugas ka ng kamay, Soft, para makakain na," ani naman nito kay Soft. Sabay na nilang tinungo ang lababo na gawa sa kawayan. Soft pumped enough liquid dishwashing on his palm. Akala niya ay gagamitin nito sa sariling kamay pero hindi pala...sa kamay pala nilang dalawa. Maharot nitong nilamutak ang kamay niya, minasahe ang bawat daliri hanggang sa ginaya niya ang ginawa nito sa kamay nito. Nakangiti habang panaka-nakang titig sa mata ng isa't isa habang sinasabon ang mga kamay hanggang sa magkawing kanilang mga daliri at ang mga mata ay pinanatili sa mata ng bawat isa.
"I love you." Mahina pero malinaw niyang narinig at naunawaan ng puso dahilan para tumibok iyon nang malakas.
"I love you, too." Sabay na bumaling si Montana at Soft sa kanilang tagiliran dahil sa pagtugon ni Nanang Olivia. Naroon na ito sa kanilang tabi at parang naaalibadbaran sa kanilang ginagawa.
"Kakain ba kayo o magsasabunan na lang." Mabilis na hinila ni Montana ang kamay mula sa pagkakahawak ni Soft. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi at isinahod ang kamay sa gripo. Pigil ang ngiting iniwan si Soft at bumalik sa mesa na agad din namang sinundan ni Soft matapos mabanlawan ang kamay na may sabon, malapad ang ngiti nito na tumabi sa kanya.
"Kuya Soft, ang pogi-pogi mo talaga! Para kang si Captain America. Mukha kang afam." Napatawa si Soft sa papuri ni Tanzania.
"Oo nga po. Ang swerte ni Ate Montana. Guwapo at mayaman ang mapapangasawa. Akala namin matandang mayaman madaling mamatay ang mabibitwit niya sa Manila," pagdaldal ni Petra.
"Hay salamat sa Poong maykapal. Hindi mahihirapan si ate sa pag-aalaga sa asawa," dagdag pa ni Tanzania. Hindi mapigil si Montana at Soft ang matawa sa mga sinasabi ng kapatid.
"Tumigil na nga kayo sa kakadaldal ninyo. Magdasal na at makakain na," sita ni Nanang Olivia sa mga bata. Pinangunahan ni Nanang Olivia ang pagdarasal at masayang sinimulan ng mga bata ang pagkain.
"Okay lang ba sa 'yo ang ganito? Wala kaming food gloves dito. Kung gusto mo magkutsara ka na lang."
"Tingin mo ba maselan ako? I eat with my bare hands." Kumuha ito ng isang buong liempo at kumagat at pagkatapos ay sumubo ng kanin gamit ang kamay. Kumuha ito ng sapat ng kanin at nilagyan ng maliit na hiwa ng liempo saka kinuha ng kamay. Akala niya ay isusubong muli pero in-offer nito iyon sa kanya. Bahagya nitong tinango ang ulo nang hindi siya kumilos. Wala siyang nagawa kundi ang isubo iyon. Tumili ang dalawang batang babae. Pinandilatan niya ang mga ito.
"Madalas namin gawin ang ganito kapag nasa Malaga kami. Picnic kasama ang buong ang angkan." Malaga. Dalawang oras lang ang byahe patungo roon mula rito sa kanila.
"Ang saya ng pamilya mo. Napakalaki ng pamilya mo." Dumampot siya ng sugpo at binalatan iyon.
"Punta tayo sa Malaga minsan. It was a nice place. Magugustuhan mo. There is a lakeshouse." Tipid lang siyang ngumiti at sinubuan ito ng sugpong kanyang binalatan. Hindi pa nito agad iyon isinubo. Mukhang nagulat dahil natigilan at syempre ang mahaharot niyang kapatid ay nagsitilian na naman.
"Ate, kapag ba nagpakasal na kayo ni Kuya Soft isasama mo na kami sa Manila? Gusto naming magkakasama na tayo. Bibihira mo kasi kaming dalawin." Nakaramdam siya ng lungkot sa tinuran ni Petra. Matagal ng naglalambing ang kanyang mga kapatid na magsama-sama na lang sila sa Manila pero hindi naman niya maaaring gawin. Hindi pa sa ngayon. Mas mahirap ang buhay sa Manila at ayaw naman niyang maging pabigat pa sila kay Trey. Mas okay na nandito muna ito.
"Bakit nga ba hindi mo na lang sila isama sa Manila, Montana?" tanong ni Soft. Nilinga nito ang paligid.
"Maganda naman ang lugar ninyo. Tahimik. Pero hindi ba rito delikado? Walang kapitbahay. Medyo malayo sa bayan. Paano ba silang pumapasok sa eskwelahan?"
"May service na tricycle kami, Kuya Soft. Si Mang Temyong. Ligaw ni Nanang Olivia."
"Hoy! Magtigil ka ngang bata ka! Hesus maryosep! Kilabutan ka nga!" Tila nandidiri si Nanang Olivia sa pinagsasabi ni Tanzania.
"Totoo naman po. Lagi ka ngang pinapasalubungan ng kakanin tapos iyon na ang ipapameryenda mo sa amin at almusal. Mapupurga na kami. Mabuti na lang madaming dalang pagkain sina ate. Makakapagpahinga rin sa wakas ang tiyan ko sa kakanin." Napatawa si Montana sa pagkukwento ni Tanzania at sinundan pa ni Petra. Ang daldal talaga ng mga kapatid niyang ito. Sa lahat ng pagpapanggap...sa pakikipagpalit niya ng pagkatao ay ang mga kapatid niya ang magandang kapalit.
Mga bata palang ang mga ito nang makasama niya. Nang masunog ang bahay, nakaligtas ang mga ito pero hindi ang mga magulang. Namatay ang mga magulang nito sa pagliligtas sa mga ito at kasama ang isa pang kapatid na namatay—ang huling kapatid na tangkang ililigtas sana ng ama ay hindi na nagawang mailigtas pa. Hindi na ito nakalabas pa. Kasama ang ina ng mga bata na na-trap sa loob dahil sa sumunod pa ito sa asawa sa pag-aalala, kasama ang sampung taong gulang na anak na nasunog. Si Montana, ang totoong Montana ay labing anim na taong gulang ng mga panahon na iyon at ang mga batang ito ay tatlo, dalawa at si Tolits ay ilang buwan palang.
Nagtatrabaho sa isang pabrika ang mag-asawang Vidal. Ipinagkatiwala ang pag-aalaga sa mga bata kay Montana pero umalis ito nang gabing mangyari ang trahedya. Sinamantala ni Trey ang pagkakataon. Bago pa kunin ang mga bata ng DSWD ay kinausap nito si Montana at in-offer ang pakikipagpalit ng tauhan sa kanya. Isa sa offer ni Trey ay hindi mahihiwalay ang mga kapatid kay Montana. Mananatili nitong mabibisita ang mga kapatid at ang buong akala nila ay iyon ang dahilan sa pagpayag ni Montana pero hindi pala. Matapos ang pakikipagpalit ng katauhan ay hindi na nito pinasyalan pa ang mga kapatid at namuhay na nga bilang siya...bilang Klouber Villarama, pinag-aaral ito ni Trey sa Manila, binibigyan ng allowance. Naging madali naman ang pagkuha nila sa mga bata dahil kay Nanang Olivia, na siyang kadugo ng mga bata. Kapatid ni Nanang Olivia ang lola ng mga bata, ang magulang ng nanay ng mga ito. Inilipat naman nila ng lugar ang mga kapatid ni Montana. Sa lugar nga na ito na mga tatlong bayan mula sa dating bayan kung saan din sila nakatira ng kanyang ama. Si Nanang Olivia ang naging kasama ng mga bata habang siya ay sa Manila na nag-aral at pinapasyalan na lang ang mga kapatid.
"Kuya Soft, kailan kayo ikakasal ni ate?" tanong ni Tolits. Nakasimangot niya itong niyuko sa tabi. Si Soft ay sinilip ang bata.
"Gusto mo ba ikaw ang ring bearer?" sakay naman ni Soft.
"Opo!" excited nitong sabi.
"Ako flower girl, ah!" si Tanzania.
"Ako rin! Yehey! Ikakasal na si ate sa afam!" Malakas na tumawa si Soft at Montana.
"Sino ang ikakasal at kanino?" Natigil sa masayang pagtawa si Montana sa biglang pagsulpot ni Cleo.
"Oh! May afam," anito na pinaningkit ang mata nang matuon kay Soft.
"Ate Cleo!" Humalik ang mga bata sa babae. Nilipatin si Nanang Olivia para sana magmano pero hindi na ito pinagmano pa dahil nga kumakain ito at nadumihan na ang kamay.
"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi, Cleo?" himig nagtatampo si Nanang Olivia.
"Hmm. Tampo yarn?" Yumakap ito sa tagiliran ng matanda at humalik sa pisngi.
"Mukhang may bisita tayo, ah?"
"Si Soft...nobyo ni Montana," si Nanang Olivia ang nagpakilala. Si Montana ay nakatitig lang kay Cleo. Hindi nagustuhan ang presensiya nito dahil nga nandito rin sa Soft. Wala silang usapang tutungo ito rito.
"Hi," bati ni Soft kay Cleo na tinugon nito ng isang tango.
"Ate Cleo, mauunahan ka na ni Ate Montana mag-asawa ng afam," pagdaldal ni Petra.
"Diba pangarap mo 'yan. Sabi mo ang pag-aasawa ng afam ang aahon sa atin sa kahirapan."
"Edi si Ate Montana ang aahon sa atin sa kahirapan. Hindi ko na kailangan mambugaw." Tinungo nito ang labo at naghugas ng kamay.
"Oo nga mahirap mambugaw ng mga bangaw sa karinderya." Bumungisngis si Cleo sa tinuran ni Petra. Tumabi ito sa dalawang bata at sinimulang magbalat ng sugpo.
"Kuya Soft, malaki ba ang bahay mo. Isasama mo ba kami kapag kinasal na kayo ni Ate Montana?"
"Kung gusto ninyo. Kung puwede nga isama ko na kayo pagbalik namin ng Manila. Malaki ang bahay ko. Kahit tag-iisang kwarto pa kayo."
"Wow! Gusto ko 'yon! Sama na kami, please!" Matinding excitement ang nakita niya sa mga kapatid niya.
"Tanong ninyo sa ate ninyo."
"Ate?" pagkapanabay na sabi ng dalawang batang babae.
"Nag-aaral pa kayo. Saka na. Huwag ninyo akong i-pressure." Sumimangot ang dalawang bata habang si Cleo ay ngumisi.
***
ANG balak na pagbalik sa Manila ay hindi na nangyari. Ayaw siyang pauwiin ng mga kapatid kaya pinagbigyan na lang niya. Gusto rin naman ni Soft na mag-overnight.
"Tama nga si Trey na sumunod ako rito. Mag-o-overnight talaga kayo rito," ani Cleo na nakahiga sa kama. Handa na sa pagtulog. Naupo si Montana sa kabilang bahagi ng kama. Kinuha ang suklay sa tukador at sinuklay ang buhok. Hinila ni Cleo ang kanyang buhok mula sa likod.
"Ikaw nga umamin ka. Baka naman may nangyari na sa inyo!" Marahas na napalunok si Montana sa sinabing iyon ni Cleo.
"Wala. Paano mo namang naisip?"
"Ang sabi sa 'kin ni Caramel, halos magdamag kang nasa kwarto kasama ang Soft na 'yon noong nagprisinta kang maging strip dancer."
"Sinayawan ko lang siya. Nag-inuman ng kaunti at nagkuwentuhan hanggang sa makatulog siya at umalis na ako. Paulit-ulit, Cleo?" Naikuwento na niya ang bagay na iyon sa babae na pulos kasinungalingan. Hindi siya maaaring umamin kay Cleo kundi malalagot siya kay Trey. Tiyak na magsusumbong ito kay Trey.
"Ikaw, bakit ka nagpunta rito? Nagtatanong tuloy nang nagtatanong tungkol sa 'yo si Soft. Baka mamaya magpaimbestiga 'yon lalo't sinabi mong bugaw ka. Nagtatanong kung ikaw raw ba ang nagbigay ng raket sa akin para magsayaw sa birthday niya."
"Edi sana sinabi mong ikaw ang nagpumilit dahil kinakapos tayo. Na wala na akong masyadong asim sa mga lalaki sa club kaya kailangan mo ng gamitin ang ganda mo." Na hindi naman totoo. Maraming nagkakagusto kay Cleo. Nasa early thirties palang ito at napakaganda at mahubog ang katawan. Sadyang tumigil na nga lang sa pagtanggap ng customer at naging manager na lang sa club.
Malaki ang utang na loob niya kay Cleo at Trey. Ang dalawa ang nagtagayud sa pamilya nila noong panahong walang-wala pa sila. Kahit ang pagbenta ng katawan at pangloloko ay ginawa ng dalawa para lang kumita ng pera. Nang magkaroon ng sapat na pera ay nagtayo ng sariling club si Cleo at Trey. Si Cleo ay apo ni Nanang Veronica sa nag-iisang anak nito sa pagkadalaga. Namatay nang mag-abroad dahil sa pagmamaltrato ng amo. Bata palang siya ay kasama na niya si Cleo sa mansiyon nila sa Manila dahil si Nanang Olivia na ang nag-alaga rito. Matapos kasing mamatay ng ina ni Cleo ay nalulong naman sa alak ang ama nito at namatay sa sakit. Si Nanang Olivia ay kanyang yaya mula pagkabata niya. Edad sitenta na ito.
Nang mawala sa kanila ang lahat-lahat isa si Nanang Olivia at kapatid nitong si Tatang Oscar ang nanatili sa kanila. Isinama sila nito sa probinsya nito at doon na nanirahan. Nakabalik lang siya ng Manila dahil kay Trey na pinuntahan siya sa probinsya at nagplano para tuparin ang nais niyang paghihiganti kay Soft. Ang kanyang papa ay nanatili sa bayan ng San Mateo sa Silangan habang sila ay kinailangan lumayo dahil nga sa pakikipagpalit niya ng katauhan kay Montana. Madalas niyang dalawin ang ama pero nitong mga nakaraan ay naging matumal. Pero nakaplano niya itong dalawin sa susunod na linggo.
Nabaling ang tingin ni Montana at Cleo sa bintana nang may marinig na tugtog ng instrumento—gitara at kapagkuwa'y boses ng isang lalaking kumakanta. Si Cleo ang unang tumayo at tinungo ang bintana, binuksan nito ang capiz na bintana. Bahagyang namilog ang mata ni Cleo na nilingon siya. Dala ng kuryosidad ay tumayo siya at sinamahan si Cleo sa pagdungaw sa bintana. Parehas ang kanyang naging reakisyon ng kay Cleo. Napaawang ang kanyang labi nang makita si Soft sa labas kasama ang tatlo niyang kapatid. He carried a guitar, strumming the strings while his smooth voice resonated through the night. He's wearing faded jeans, a plain white V-neck shirt and a black sports jacket. He radiated with an aura of romance while he's telling a tale of their shared moments, whispered secrets, and the love that lies in him through his melodic words of the song entitled Having You Near Me by Air Supply.
Tonight we'll touch until it's time to go
Then I'm leaving it up to you
Even a fool would know that I'm not through
I can do so much for you
I want you
Wala sa loob na gumapang ang kamay niya patungo sa dibdib. The surrounding appeared faded and Soft is the only thing that was clear in her vision; the only person she saw.
Having you near me, holding you near me
I want you to stay and never go away
It's so right
Having you near me, holding you near me
I'll love you tonight, it feels so right
Feels so right...
She listened intenly with a suble smile on her lips, feeling the emotions in his voice reverberate within her soul. His words seemed spoke directly to her, affirming the connection they shared and the depth of his affection.
They locked gazes as he continued to sing, their connection seemed fiercely unbreakable, despite the physical distance between them. The notes of the guitar blended with Soft's soulful voice. Maganda ang boses nito. Hindi lang basta may boses kundi para bang expert ito sa pagkanta.
He strummed the guitar with renewed vigor in the grand finale of the song, pouring his whole heart into every note. A final crescendo of emotions filled the air, leaving Montana breathless and awe.
The kids applauded for Soft as though they were very proud of him. Soft handed the guitar to Tanzania before walking toward her. Kusang pumaikot ang mga bisig niya sa leeg ni Soft nang iyakap nito ang mga bisig sa kanyang katawan. Hindi naging hadlang ang hanggang baywang na dingding para magdikit ang kanilang katawan at maramdaman niya ang init ng katawan nito.
"Ang ganda pala ng boses mo. Bakit hindi ka nag-singer?" Marahang ikiniskis ni Soft ang ilong sa kanyang ilong.
"Akala ko rin magsi-singer ako. Kaso naisip ko baka mawalan ako ng privacy sa buhay. Alam mo na, maganda na boses guwapo pa." Malapad na napangiti si Montana sa pagyayabang nito.
"I like the song."
"I like the lyrics. I meant it." Humigpit ang pagkakahapit ni Soft sa kanyang katawan habang ang sariling noo ay inilapat sa kanya.
"I want you, having you near me, holding you near me. I want you to stay and never go away," binigkas nito ang likiro sa kanta ng mahina at mabagal.
"Loving you feels so right. I have a strong sense of certainty in my life. I knew I wanted you in my life the instant I saw you...and there was no doubt in my mind when I found you in the store. And now, I'm certain that I wanna hold you in my arms, and experience things with you...not just for the meantime...but forever."
Malumanay na humaplos ang kanyang mga daliri sa pisngi ni Soft. "Ano ba ang sinasabi mo?" Nalilito siya pero hindi niya maipagkaila na naliligayahan ang puso niya sa mga naririnig mula rito. Lumuwag ang pagkakayakap ni Soft sa kanyang katawan. Inilayo ng bahagya ang mukha sa kanya. Inabot nito ang kanyang kamay at ibinaba iyon.
"I want to spend the rest of my life with you." Napayuko si Montana nang bumaba ang tingin ni Soft sa pagitan ng kanilang katawan. Isang singhap kumawala sa kanya nang makita ang hawak nitong pulang kahon, nakabukas iyon at sa loob ay isang singsing na may malaking diyamante.
"Will you marry me, Montana." Higit pa ang pag-awang ng kanyang labi sa narinig mula rito. Totoong hindi niya ito inaasahan. Walang salitang ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Soft.
"I know it's so fast. Pero diba kapag nagmamahal, kapag sigurado wala naman 'yan sa haba ng panahon? Mahal kita. Sigurado ako sa bagay na ito. Hindi ako sigurado kung ganoon ka rin sa akin...but I'll be doomed if don't seize this chance. Montana, I love you and I want you to be my wife. I want to marry you—"
"Yes!" mabilis na putol ni Montana kay Soft.
"Magpapakasal ako sa 'yo."
Ito naman ang mukhang nagulat dahil hindi agad nakapagsalita. "Totoo? Tinatanggap mo ang alok kong kasal?"
Tumango siya, bumaba ang tingin sa mga kamay at inilahad ang kamay para tanggapin ang singsing.
"Oh, God! Thank you!" Mabilis ang naging kilos ni Soft. Kinuha ang singsing sa lalagyan at isinuot sa daliri ni Montana na para bang natatakot itong magbago pa ang kanyang isip.
Ikinulong ni Soft ang mukha ni Montana sa mga palad nito at mariin siyang hinalikan sa labi at paulit-ulit na sinabi ang mga salitang. "I love you."
"I love you, too, Soft!" bulong niya pabalik dito. Nakalimot na sa paligid. Sa taong naroon, sa mga kapatid na totoong masaya at sa bantay niyang si Cleo na hindi makapaniwala sa nasasaksihan sa mismong harapan.
"Oh, God, Montana! I promise to be the best husband." Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi, tinanggap at tinugon ang halik na ibinigay sa kanya ni Soft.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top