Chapter 19
Sorry sa tagal ng update!!! Na-busy lang ng sobra!
***
"BAKIT?" tanong ni Soft kay Montana pagbalik niya ng opisina mula da private chamber nito. Wala naman siyang ideya sa kung bakit siya nito tinatanong ng ganoon.
"Bakit?" balik niyang tanong at lalong kumunot ang dati na niyang nakakunot na noo. Marahan siya nitong hinila paupo sa sofa, tumabi ito sa kanya.
"Parang wala ka sa mood. Nakasimangot ka." Wala sa loob na napahaplos si Montana sa kanyang mukha. Noon niya napagtanto na mukha ngang nasira ang mood niya na kung tutuusin ay hindi naman dapat.
"Hindi naman. Akala mo lang 'yon." Itinuon niya ang atensyon sa pagkaing nasa mesang nasa harap. Kinuha niya ang lasagna na nasa plato kasama ang garlic bread at sunod niyang inabot ang kutsarang nakapatong sa tissue.
"Mukhang masarap 'to, ah?" Agad niya iyong tinikman at hindi lang nga mukhang masarap kundi masarap talaga. Pero mas masarap pa rin ang recipe ng kanyang mommy.
"Mmm...Masarap." Napangiti naman si Soft dahil sa pag-aliwalas ng mukha ni Montana. Napapagaan talaga ang loob niya ng pagkain na ito. Umabot si Soft ng isang Pepperoni pizza at sinubuan si Montana na tinanggap naman niya. Masarap iyon.
"Usual routine mo ba 'to?" tanong niya kay Soft na kasalukuyang kumakagat ng pizza.
"Ang alin?"
"Ito. Food trip after sex. Ang dami mong damit pambabae sa cabinet, ah? Mukhang araw-araw kang may dinadala rito para mag-stock ka ng damit." Bumalik ang simangot sa mukha ni Montana at maging ang iritasyon na nararamdaman dahil sa mga damit na nakalagay sa isang buong kabinet. Matapos maligo ay sinabi ni Soft na huwag na niyang isuot ang damit niya at itinuro nga nito ang isang kabinet na pawang damit at underwear na pambabae. Pawang bago iyon. Kairita lang! Mukhang maraming babaeng dinadala ito rito kaya nag-stock na nga ng mga damit.
"Siguro ganoon din sa bahay mo o kaya sa penthouse mo." Patuloy siyang naiirita sa isipang iyon. Padabog niyang isinubo ang lasagna na nasa kutsara pero natigilan nang mapuna ang pagngisi ni Soft. Tinaasan niya ito ng kilay. Inilagay ni Soft sa platito ang kinagatan ng pizza. Pinusan ang kamay ng tissue.
"Iyon ang ikinaiinis mo? That's the reason for the frown on your face?"
"What?" Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Montana sa sinabi ni Soft. Lalo namang lumapad ang ngisi sa labi ni Soft sa reaksiyon ni Montana. Hinawakan ni Soft ang baba ni Montana.
"You are pissed because of the clothes in the cabinet. Understandable." He gently squeezed her chin.
"I used to bring women here...random women visit me here...honestly, sex is sort of my relaxation after loads of work. I stock clothes for them...pero noon 'yon...after I met you, no more women I bring here. I've never engaged in sex with anyone after that night, Montana. At wala na akong babaeng dadalhin dito. Ikaw lang, you'll be the one who can set foot in my private chamber here in the office, in my penthouse and even in my parent's home. Pangako. Ikaw lang."
Hinagkan siya nito ng pinong halik sa labi. Hindi niya alam kung paanong magre-reak sa paliwanag nito. Nakatitig lang siya kay Soft. Namamangha. Niyuko nito ang hawak niyang kutsara at isinubo nito ang lasagna na naroon.
"Mmm. Sarap." Nagbaba ng tingin si Montana sa hawak na plato, tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain at iniwasan na lang na mapatitig pa sa mukha ni Soft. She experienced some peculiar emotion every time she glanced at his face. Bagay na ayaw niyang pagtuon ng pansin.
"Gusto kong makilala ang mga kapatid mo." Napabaling siya rito.
"Sabihin natin ang relasyon sa kanila. Gusto ko sa kanila ko muna ipapaalam bago sa pamilya ko. Okay sa 'yo?"
Bigla siyang kinabahan sa nais na mangyari ni Soft. Hanggat maaari...kung puwede lang sana ay hindi niya ito gustong ipakilala pa sa mga kapatid.
"Sige," nasabi niya na lang.
"Good. Sa weekend." Marahan siyang tumango. May ngiti sa labing ipinagpatuloy nito ang pagkain. Bahala na. Hindi niya ito maiiwasan. Wala naman siyang dapat ikabahala dahil natitiyak niyang hindi siya nito makikilala. Ang inaalala niya ay si Nana Olivia. Mag-aalalang tiyak ito sa kanya kapag nalaman na ipinagpapatuloy pa rin nila ni Trey ang mga plano.
Habang kumakain si Soft ay hindi maiwasan ni Montana ang mapatitig na naman kay Soft. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman nito ang totoo niyang pagkatao? Naalala pa kaya siya nito? Naalala pa kaya nito ang naging encounter nila labing-apat na nagkalipas.
Napatigil si Soft sa tangkang pagsubo ng lasagna nang mapansin ang pagtitig ni Montana. Malapad itong ngumiti. "Bakit?"
Marahan siyang umiling. "You remind me of someone."
"Sino?" Tuluyan na nitong hindi isinubo ang nasa kutsara. Ibinalik nito ang kutsara sa plato.
"May nakilala kasi ako noon. He was older than me. Doble ang edad sa 'kin, parang ikaw. Sabi niya sa akin noong bata pa ako gusto niya akong maging anak. We met again after several years. Hindi na niya ako gustong maging anak, gusto na niya akong anakan." Marahan siyang natawa sa sariling kwento pero hindi si Soft na mukhang hindi natutuwa sa nakakaaliw na kwentong iyon.
"Who the fuck is him? Kinikita ka pa rin niya hanggang ngayon? Hindi ba siya kinikilabutan?" Malakas na napatawa si Montana sa galit na nakikita sa mukha ni Soft at sa mga sinasabi nito.
"Hindi ko nga alam. Nakakakilabot ba 'yon?"
"Oo. Wala siyang hiya. Makapal ang mukha niya. Nakakadiri. Fucking dirty old man." Higit lang siyang natawa sa pinagsasabi nito.
"Nothing is funny, Montana. That man is creepy. Tell me who he is." Ibinaba nito ang hawak na plato sa mesa. Lalo pang dumilim ang mukha. He's mad.
"Oh, my god, relax. That was years ago. Hindi ko na siya nakikita." Patuloy siyang natatawa. Sa pagkabigla niya nang sapuhin ni Soft ang kanyang mukha at mariin siyang hinalikan sa labi dahilan para matigil siya sa pagtawa.
"Tawa ka nang tawa," anito at kapagkuwa'y niyakap siya.
"It's creepy, Montana. It's not funny. But I love hearing you laugh." Humigpit ang yakap ni Soft sa kanya, naipit na ng katawan nila ang platong hawak niya.
"Love na love kita." Noon natigil sa pagbungisngis si Montana. Ang puso niya ay agad na nagwala. Gusto niyang gantihan ito ng yakap pero agad niyang sinaway ang sarili. Sa halip na yakapin ay agad niya na lang itong itinulak.
"Nadumihan ka na." Kinuha niya ang tissue sa mesa at pinunasan ang sauce na dumikit light blue na T-shirt nito.
"Nga pala." May kinuha si Soft mula sa mesa at inabot sa kanya. Nagpalitan ang mata niya sa hawak nito at sa mukha nito, nanghihingi ng paliwanag kung ano ang bagay na iyon.
Binuklat ni Soft ang hawak na noon lang niya napagtanto na isang bank book holder nang tumambad sa kanyang paningin ang bank book. Sa card slot ay may itim na card na nakaipit.
"It's your bank book, and a supplementary card. It's under my credit card account. So you don't need to worry about your bill. I'm in charge of paying it off."
"C'mon, Montana. Take it. Bigay ko 'to sa 'yo. May one hundred million ng laman ito. The card doesn't have a pre-set spending limit, so you can spend as much as you want." Hindi siya kumilos para kunin ang bagay na hawak ni Soft. Nanatili lang siyang nakatitig doon.
"Kunin mo na. You need this card for your convenience. Para kapag lalabas ka at may gusto kang bilhin madali na lang." Dapat masaya siya. Dapat tagtatalon siya sa kaligayahan pero bakit parang hindi. Bakit parang hindi niya kailangan?
***
"Mr. Dela Fuente? May usapan ba kayo ni Aleck?" si Dimitri na hindi naman nagulat sa bigla niyang pagdating sa circuite club. Sinalubong siya nito ng kamay na nakalahad. Tinitigan niya ang kamay nito pero hindi niya iyon tinanggap. Lumagpas ang tingin ni Soft kay Dimitri patungo sa gusali na pinagtutulong-tulungan buuin ng mga skilled construction worker.
"May progress na," ani Dimitri na ibinaba ang nakalahad na kamay.
"Matutuloy kaya ang proyektong ito kapag nag-pull-out ako bilang investor?" Nawala ang ngiti sa labi ni Dimitri kahit ang kay Mikel na siyang sumama kay Soft patungo sa construction site ng itinatayong hotel sa Bachelor's Inferno Motorsports Club.
"Hindi mo naman siguro gagawin, Mr. Dela Fuente. Wala namang dahilan," si Mikel na pilit ngumiti.
"Wala nga bang dahilan, Dimitri?" naghahamong tanong ni Soft kay Dimitri sa halip na si Mikel ang sagutin. Nanglalaki ang mga matang napatitig si Mikel kay Dimitri na mukhang naguguluhan sa sinasabi ni Soft.
"I warned you to stay away from Montana. Are you trying to convince her to still work in the club?" walang paliguygoy niyang tanong.
"Mr. Dela Fuente, hindi," si Mikel na biglang humarang sa pagitan ni Dimitri at Soft. Bahagya pa nitong tinapik ng likod ng palad ang tiyan ni Dimitri para segundahan ito ng paliwanag.
"We already fired that woman."
"Montana!" matigas niyang bigkas, ang tigas ng boses ay tinapatan ng pagtiim ng kanyang bagang.
"Don't call her that woman. She has a name."
"Pasensya na," ani Mikel na lalong nabahala.
"Nakita kita sa eskwelahan kung saan nag-aaral si Montana, Dimitri. Nakita kong kausap mo siya." Matalim ang titig na nilingon ni Mikel si Dimitri na kapareho ni Soft ay nakatiim din ang mukha. Bumuntong-hininga si Mikel saka umalis. Hinugot ang phone mula sa bulsa habang naglalakad palayo sa dalawa.
Humugot at nagpakawala ng hininga si Dimitri at sa kalmadong boses ay nagpaliwanag ito. "Kung iniisip mo na nire-recruit ko siya, nagkakamali ka, Mr. Dela Fuente. Nagkataon lang ang pagkikita namin. Nandoon ako para mag-enroll. I'm getting a master's degree."
"Before that, I saw you at the pub with her."
"Alecksander told me about that. Nasabi niya sa 'kin na tinawagan mo siya at binalaan. Ipinaliwanag ko na sa kanya ang tungkol doon. Montana followed me there to convince me to hire her. Malalim na ang gabi kaya nag-offer na akong ihatid siya, dahil nga ayaw umalis hanggat hindi ko siya ibinabalik sa trabahong dapat sana para sa kanya pero dahil sa utos niyo nga na alisin siya ay hindi ko napagbigyan kahit naaawa ako."
"Salamat sa awa pero hindi kailangan. Mas nakakaawa siya kung magtatrabaho siya sa club na gusto niyong itayo."
Bahagyang ngumisi si Dimitri. "Ang sabi ni Montana ay hindi naman kayo magkaanu-ano kaya huwag daw kitang sundin sa gusto mo."
"Girlfriend ko na siya."
"Too young for you," komento nito. Nanatili ang pagkakatiim ng mukha ni Soft.
"She's of legal age. I love her."
"Oh!" Tumaas ang mukha nito.
"Mahal ka?" Nagtagis ang ngipin ni Soft dahil sa tila nang-iinsulto nitong tono. Umiinit ang ulo niya sa lalaking ito. Ugong ng motorsiklo ang kumontrol sa kung ano pa man ang sasabihin niya sa lalaki.
Si Alecksander ang dumating na nagmamadali sa pagbaba sa motorsiklo nito. Nasa anyo ang matinding pagkabahala.
"Soft," bati nito sa kanya at inilahad ang kamay hustong makalapit. Tinanggap naman niya iyon.
"Napasyal ka? Bakit hindi ka nagpasabi?"
"May gusto lang akong linawin tungkol sa ginagawa ng isa mong business partner."
"About Montana? Soft, tulad ng gusto mo hindi na namin kinuha ang babae."
"Montana. Call her by her name and not that woman o babae lang."
"I'm sorry," hinging paumanhin ni Alecksander na tinapunan ng masamang titig si Dimitri.
"What? Wala akong ginagawa. Hindi ko siya nire-recruit. Nagkita lang kami sa eskwelahan. Alam mo naman na kukuha ako ng master's degree at nagpaalam pa ako sa 'yo kahapon na pupunta ako." Naroon ang gigil sa boses ni Dimitri pero nagtitimpi.
"Totoo nga ang sinabi niya. Makakaasa ka na hindi magtatrabaho rito si Montana," si Aleck.
Tumango si Soft. "Mabuting malinaw. I don't want to come here to discuss my intention to withdraw my investment. Mas maganda kung ang mga susunod na pagpunta ko rito ay pag-uusapan ang mga plano para sa ikatatagumpay ng proyekto mo na ito, hindi ba?"
"Yes. I'd love that. Tinitiyak kong mangyayari ang positibo at hindi ang negatibo, Soft," paniniguro ni Alecksander.
Tumango si Soft. "Then we are on good terms." Bahagyang tumagilid ang tingin ni Soft para saglit na sulyapan si Dimitri na nanatiling nasa likod niya at ibinalik din agad ang buong atensiyon kay Alecksander.
"Iyon lang ang ipinunta ko rito. Hindi na ako magtatagal. Just remind your friend to stay away from Montana." Inabot ni Soft ang balikat ni Alecksander at bahagyang pinisil bago ito nilagpasan. Agad namang sinundan ni Mikel si Soft para muling mag-drive ng golf cart patungo sa chopper na siyang sinakyan niya sa pagpunta ng Laguna.
Nangkakastigong titig ang ipinukol ni Alecksander kay Dimitri. "What?" untag nito.
"Type mo ba ang babae ni Soft?"
"Pinagsasabi mo. Nagkita lang kami sa Primrose at nagkakuwentuhan. I just found out na magkababayan pala kami. Same province. Kaya niyaya ko siya sa cafe sa loob lang mismo ng eskwelahan. Napahaba ang kuwentuhan namin. That's it!"
"Siguraduhin mo lang, Dimitri. Malaki na ang hirap ko para mapatayo lang ito. Hindi ako magdadalawang isip na alisin ka sa proyektong ito o sa grupo kapag naging banta ka."
Itinaas ni Dimitri ang dalawang kamay. "Your dream is safe with me, Alecksander Urquijo."
"Mabuti. Maraming babae, Dimitri. Huwag kang makipag-agawan sa tigre ng kapirasong laman kung alam mong dehado ka. Huwag kang mandamay. We are all fukcing dogs compared to Sofronio dela Fuente." Isang sarkastikong ngisi lang ang naging tugon ni Dimitri sa sinabi ni Aleck. Napailing ito kapagkuwan at tinalikuran si Aleck.
"Masyado kang takot, Aleck. Parehas lang kayo ni Mr. Dela Fuente. Ikaw sa proyektong ito habang ang isa ay takot na takot maagawan ng babae. Ibig sabihin lang hindi kayo sigurado sa pinapasok ninyo," anito habang papalayo.
Tumiim ang bagang ni Alecksander habang nakatitig sa papalayong si Dimitri. Of course! He's scared. Mauubos siya at mababaon pa sa pagkakautang kung hindi magiging matagumpay ang proyektong ito.
***
"HEY, Cleo!" bati ni Montana kay Cleo na abala sa bar counter, ang manager ng club at ang nakakaalam sa totoong pagkatao at mga plano nila ni Trey. Inilapag niya ang bag sa bar counter at naupo sa high stool.
Itinaas ni Cleo ang kamay, pumitik sa ere. "Snack para sa prinsesa." Napabungingis si Montana.
"Ngayon ka lang?" tanong nito na ipinatong ang mga braso counter.
"Busy sa school." Binuksan niya ang kanyang bag at inilabas doon ang notebook at ballpen.
"Alam mo na graduating." Binuklat ang notebook sa pahina na kailangan.
"What is double taxation and how does it work?" she just asked randomly while studying her notes. Nag-angat siya ng tingin kay Cleo nang hindi ito tumugon sa tanong niya. Nakasimangot ito.
"Sex position ang itanong mo sa akin at kayang-kaya kong sagutin." Malakas na tumawa si Montana, pinalo ito ng ballpen sa kamay. Napaigik ito sa sakit ng tamaan niya ang buto sa daliri nito.
"Sorry! Sorry!" Hinila niya ang kamay ni Cleo at inihipan ang agad na namulang daliri.
"Ang brutal naman!" Inagaw ni Cleo ang kamay sa pagkakahawak ni Montana at hinaplos ang nasaktang daliri.
"Sex brutality lang ang tinatanggap ko, Montana." Muli siya malakas na tumawa.
"Ang bastos mo! Nasaan pala si Trey?" Nilinga niya ang paligid pero wala siyang makita kundi ang mga mesa at upuan ng club, na mamayang gabi ay tiyak na puno na naman ng mga parokyanong pulis, pulitiko, mga negosyante at mayayamang lalaki na naghahanap ng panandaliang aliw.
"Nasa opisina. Mainit ulo ng isang iyon. Nag-offer na nga ako ng blow job para ma-release ang init ng ulo, nabulyawan pa ako. Edi don't!" Muling tumawa si Montana, hahampasin niya sana uli ito ng hawak na ballpen pero naiharang nito agad ang kamay at binantaan siya.
"Mainit lalo ang ulo niyon kasi kailangan niya ng malaking pera para sa investment daw. May gustong pasuking investment kaso maliit ang pera." Trey loves entering into new businesses. Sometimes, he turned his love for sport and hobbies into a business venture. Malaki ang tyansa na maging business mogul si Trey mabigyan lang talaga ng pagkakataon. Hindi lang sapat ang resources. Siguro isa rin ang galit nito kay Soft kaya mas nagpupursige itong maging matagumpay sa larangan ng pagnenegosyo.
"Ano 'to?" Hinila ni Cleo ang bank book na lumabas sa bag niya. Huli na para mabawi iyon. Nabuklat na nito iyon.
"Putcha! Kanino 'to?" Agad nitong sinuri ang unang pahina at muling nagmura nang makita ang pangalan niya roon. Nanglalaki ang matang napatingin sa kanya si Cleo.
"100 million? Sa 'yo 'to? Saan mo nakuha?"
"Bigay ni Soft."
"Ni Dela Fuente?" untag nito. Tumango siya.
"Shit! In love talaga sa 'yo?" Ang gulat ay napalitan ng pagkamangha.
"Ibang klase! Pwede na itong magamit ni Trey."
"Magamit ang alin?" Sabay na napabaling si Cleo at Montana kay Trey. Sa bukas palang ng mukha alam na agad ni Montana na wala ito sa mood. Nakasalubong ang mga kilay at halatang iritable.
"Trey, si Sofronio dela Fuente binigyan si Montana ng 100M at ito pa may credit card pa," pagbibida ni Cleo na hinugot mula sa card slot ang credit card. Nilapitan nito si Trey. Lalong dumilim ang anyo ni Trey habang nakatitig sa kanya, humihingi ng kumpirmasyon. Marahang tumango si Montana.
"Ano ang plano mo sa pera?" tanong nito, nanatili ang dilim sa mukha nito.
"Edi ano pa ba? Gastusin! Gamitin mo sa binabalak mong investment, Trey."
"Si Klouber ang magde-desisyon sa bagay na iyan." Hindi makapagsalita si Montana. Ang totoo ay ayaw niyang galawin ang pera na 'yan. Hindi niya alam...hindi niya maintindihan. Para bang napakalaking kasalanan at panlilinlang kay Soft kapag nagpakasasa siya sa salapi nito. Nakakatawa na siya. Nakakabwesit na ang takbo ng isip niya.
"Montana!" untag ni Cleo.
"You can use it, Trey," napipilitang niya sabi. Pero deserve rin naman ni Trey ang pera na 'yan.
"Good!" palatak ni Cleo.
"Iyon naman ang dapat. Kulang pa nga 'yan sa kinuha nila sa inyo! Ang Clover Capital ang isa sa lalong nagpayaman sa Dela Fuente. Nakita niyo naman siguro ang annual report ng kumpanya. Ang laki ng itinataas ng revenue taon-taon ng Clover Capital. Hindi ako magaling sa rules, policy at batas pinansiyal pero magaling naman ako sa numero, at alam ko naman ang kaibahan ng pagbaba sa pagtaas ng kinikita...at ito." Itinaas ni Cleo ang credit card na nakaipit sa pagitan ng daliri nito. Unti-unting gumuhit ang malapad na ngiti sa labi nito.
"Waldasin natin. Tara, Montana, mag-shopping tayo."
"Hindi!" mabilis niyang kontra. Sumampa siya sa counter at hinablot ang credit card mula kay Cleo.
"Huwag na 'to. Baka ma-turn off na si Soft kapag gumastos ako nang gumastos masira pa ang plano," pagdadahilan niya. Muli siyang naupo nang maayos sa high-stool.
"Anyway, uuwi ako ng probinsiya. Sa mga kapatid ko. Ahm..." Hindi niya matuloy agad ang sasabihin. Nanantiya muna siya sa reaksiyon ng dalawa lalo na ni Trey.
Humugot at nagpakawala muna siya ng maluwag na paghinga bago itinuloy ang sasabihin. "Kasama ko si Soft. Gusto niyang makilala ang mga kapatid ko. Maaga kaming aalis bukas para hindi namin kailangan mag-overnight."
Kumuyom ang isang kamay niya na nasa ibabaw ng kanyang hita nang makita ang pagtiim ng bagang ni Trey.
"Wow! Grabe! Mukha talagang in love na sa 'yo ang Dela Fuente na 'yon 'no?" ani Cleo.
"Tama 'yan, Montana. Huthutan mo ang lalaking 'yan. Kailangan makasal ka sa kanya. Ubusin mo ang pera niya. Samantalahin mo ang pagmamahal at tiwala niya sa 'yo. Dapat hindi ka rin pipirma ng pre-nup agreement."
Niyuko niya ang bag kung saan nakapatong ang kanyang braso nang maramdaman niya ang vibration mula sa kanyang phone. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng bag para sinuhin ang tumatawag. Hindi niya mapigil ang mangiti nang makitang si Soft iyon. Agad niyang sinagot ang tawag at pormal na tumugon.
"Hello."
"Hearing your voice after all this laborious work is very soothing." Ang ngiting nagbabadyang gumuhit sa kanyang labi ay nabitin ng mapansin ang seryosong pagtitig ng dalawa sa kanya.
"You are the boss. Mas maraming trabaho ang staff mo," pormal niyang saad.
"Sa penthouse ka na lang matulog para bukas diretso na tayong aalis papuntang probinsya."
"Hindi pwede," halos pabulong niyang sinabi iyon.
"Kakainin kita ng mga one hour." Natutop niya ang bibig nang hindi niya mapigil ang matawa. Agad niyang nakuha ang ibig nitong sinabi. Agad niyang pinaikot ang stool para talikuran ang dalawang nagdududang nakatingin sa kanya.
"Magtigil ka!" saway niya habang pilit na pinipigil ang bungisngis.
"Having multiple orgasms can help you get a better night's rest. Ayaw mo?" nang-aakit nitong sabi. She loved that, and damn! She'll do everything to have his mouth on her pussy again and experience multiple orgasms.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top