Chapter 16
14 Years Ago.
In the backseat of the car, Klouber sat patiently, her small frame barely visible beneath the seatbelt. Her eyes wandered aimlessly, searching for something to capture her attention. Outside, the world buzzed with activity, but inside the car, time seemed to stand still.
As minutes turned into what felt like hours, a yawn escaped her lips, betraying her growing weariness. Her eyelids grew heavy, and she fought to keep them open. The monotony of waiting began to take its toll, as her boredom settled in like a heavy fog.
"Inaantok ka na, señorita?" asked their family driver, Tatang Oscar.
"A bit po, Tatang Oscar. Matagal pa ba si daddy? Can I go inside that building?" tanong ni Klouber na sinulyapan ang matayog na gusali. Sinundo siya ng kanyang daddy sa eskwelahan at kapagkuwan nga ay dumaan sila rito. Saglit lang daw pero ilang sandali na ang lumipas ay wala pa rin.
"Hindi maaari, Señorita. Bilin ng daddy mo na dito lang tayo."
Pouting, she rested her forehead against the glass window, and she watched the world outside blur into a hazy backdrop. Wala siyang nagawa kundi ang maghintay sa pagbalik ng kanyang daddy. The rhythmic hum of the car's engine provided a lullaby, coaxing her even more into a state of drowsiness. Her eyelashes fluttered, but before she could even succumb to the embrace of sleep, the dirty ice cream vendor stopped on the sidewalk where their car parked. Nawala nang tuluyan ang kanyang antok at pagkainip.
Nilinga ni Klouber si Tatang Oscar para sana magpaalam na kung puwede siyang bumili ng ice cream pero may kausap ito sa phone nito. "Sandali, hindi kita marinig. Napuputol," anito na binuksan ang pinto sa driverseat kung saan ito nakaupo.
"Diyan ka lang, Señorita," bilin nito sa kanya bago tuluyang lumabas. Ibinalik ni Klouber ang tingin sa vendor. Kasalukuyan itong naglalagay ng kulay dilaw na ice cream sa brown na apa. Lalo siyang natakam sa isip na mangga ang flavor niyon. Nilinga niya si Tatang Oscar, kasaluyan itong tumatawid sa kalsada. Bumuntong-hininga si Klouber na ibinalik ang tingin sa nagtitinda ng sorbetes. Natapos na nitong bigyan ng ice cream ang dalawang bumibili. Nagpasya siyang bumaba. Bitbit si Rebecca, ang kanyang manika ay bumaba siya ng sasakyan at nilapitan ang vendor.
"Hello, Mamang Sorbetero?" bati ni Klouber sa lalaki.
"Hello!" bati naman nito pabalik.
"I want ice cream."
"Baso ba o apa?" Ipinakita nito ang baso at apa. Itinuro niya ang apa.
"Bente lang."
"Bente? You mean twenty-pesos?"
"Mm."
"I don't have money. Nasa loob pa kasi si daddy." Tinanaw niya si Tatang Oscar pero nasa kabilang kalsada pa ito. May kausap pa rin sa telepono habang bumibili sa isang food stall doon.
"Aalis na ako. Hinahabol ko ang labasan ng mga estudyante diyan sa malapit na eskwelahan. Matagal pa ba ang daddy mo?"
Nagkibit siya. "No idea." May lumapit na mag-ina at bumili kaya iyon ulit ang inasikaso ng lalaki. Muli niyang tinanaw si Tatang Oscar. Hindi siya pwedeng tumawid sa kabilang kalsada. Iyon ang laging bilin sa kanya ng kanyang mommy. Ang paglabas lang ng sasakyan ay pagbali na sa rules at ayaw na niyang dagdagan pa. Delikado na ang tumawid lalo't marami na ang sasakyan na dumadaan.
Pumihit siya paharap sa building na pinasukan ng kanyang papa. Bigong bumuntong-hininga nang hindi pa rin makita ang kanyang daddy na lumabas mula roon. Nakuha ang atensiyon ni Klouber ng lalaking bumaba sa kotse na huminto sa harapan ng building. May kausap ito sa telepono. Nasa loob ng itim na trouser ang isang kamay. Naka-shade ito kaya hindi niya matukoy kung galit nga ba ito dahil parang matigas ang tono ng pananalita nito pati na rin ang bibig nito ay nakatiim. Tingin niya ay employee ito sa building na ito.
"Bata," tawag sa kanya ng ice cream vendor.
"Aalis na ako."
"Wait po." Ibinalik niya ang tingin sa lalaki. Maybe she can lend money to him. Kung nagwo-work naman ito sa company na ito—-nilinga niyang muli ang tila aabot sa langit na building—D'Fuente. Pwede siyang manghiram ng pera at babayaran na lang ng daddy niya. Nagpasya si Klouber na lapitan ang lalaki.
"Fuck!" sambit nito sa galit na tono dahilan para manigas siya sa gulat. The word is foreign to her. Ang timbre ng boses nito ang nagbigay ng takot sa kanya. Hinugot nito ang kamay mula sa bulsa at inilagay sa balakang nito. Pumisil doon ang kamay. Parang doon ibinubuhos ang galit. Pumihit itong paharap sa kanya. "Damn—" Natigil ito sa pagsasalita nang mabalingan siya. Itinaas ni Klouber ang kanyang kamay at marahang kumaway rito.
"Hello, Sir!" Ibinaba nito ang pagkakalapat ng phone sa tainga. Matamis naman na ngumiti si Klouber.
"Puwede po pautang ng bente?" Ang pagkakatiim ng panga nito ay unti-unting kumalma. Nawala ang tensiyon sa mukha. Inalis ng lalaki ang salamin. Nahantad sa mga mata ni Klouber ang maitim nitong mga mata. Ang makapal nitong mga kilay ay halos magdikit na sa pagkakakunot ng noo.
"Ano?" mahinahon pero matigas ang timbre.
Itinuro niya ang sorbetes. Napasunod naman ang tingin ng lalaki. "I want an ice cream kaso wala akong money. Wala pa kasi si daddy. Please, Sir!" Muli itong tumingin kay Klouber at kapagkuwa'y tipid na ngumiti at sinabayan ng pagtango.
Nang humakbang ito patungo sa vendor ay agad na sumunod si Klouber. "Thank you, Sir," aniya. Saglit siyang nilinga nito at hinarap din agad ang sorbetero.
"Dalawa nga."
"Cone po sa 'kin, Mamang Sorbetero," mabilis na paalala ni Kloubet.
"Ako rin," ani ng lalaki. Nang iabot sa kanya ng sorbetero ang sorbetes na nasa apa ay hindi niya mapigil ang mapa-wow. Agad niya iyong tinikman at tama nga siya. Mangga ang flavor niyon at totoong napakasarap. Ang manggo ice cream na nabibili sa supermarket ay hindi niya gusto. Huling inabot ng sorbetero ang ice cream sa lalaki. Nagbayad ito. Naglakad ang lalaki patungo sa pinakagilid ng daan at naupo sa elevated pavement. Sumunod naman si Klouber at naupo sa tabi ng lalaki habang patuloy na kinakain ang sorbetes.
"This is so delicious," aniya na dinilaan ang tumulong ice cream sa gilid ng apa.
"Nasaan ang daddy mo? Sino ang kasama mo rito sa labas?"
"Si Tatang Oscar." Itinuro niya ang driver na nasa kabilang kalye. Umiinom ito ng softdrinks.
"Let's wait daddy here, ah, so he can pay you."
"Bakit ang daddy mo ang magbabayad, eh, ikaw ang umutang. You must be accountable for your debt obligations. Ikaw ang umutang, dapat ikaw ang magbabayad. Don't pass the burden on others, especially on your loved ones."
Natigil si Klouber sa pagkain ng ice cream dahil sa pangangaral nito. "Grabe naman! Fine! I have piggy bank in our house. Babayaran kita. Babalik na lang kami rito. Ang dami mo namang sinabi." Napahalakhak ang lalaki dahil sa sinabi ni Klouber.
"I'm a responsible person. My mom and dad taught me to be responsible, you know. They always remind me because someday I will take over my dad's company and I'll be a lady boss."
"Hmm." Impress na tumango ang lalaki.
"Diyan ka ba nagwo-work?" Sinulyapan niya ang gusali na nasa likuran lang nila. Tumango ang lalaki habang kumakain ng sorbetes.
"Ano'ng pangalan ang hahanapin ko kapag bumalik ako rito? Kapag nagbayad ako ng utang."
Malapad na ngumiti ang lalaki. Iba na ang anyo nito sa anyo nito kanina. Mas lalo itong naging guwapo. "Soft," pakilala nito saka inilahad ang kamay.
"My name is Klouber. Nice to meet you, Sir Soft."
"May 10 percent interest pala 'to, ah. 10 percent every day."
Suminghap si Klouber. "How much is that per day?"
"Two pesos bawat araw kaya bumalik ka kaagad at bayaran ako kundi lalaki ang utang mo."
"Okay lang. Babalik ako rito bukas." Kinapa ni Soft ang bulsa. Inilabas doon ang wallet at ballpen naman sa inner pocket ng coat. Kumuha ito ng calling card sa wallet, ipinatong nito sa hita ang papel at sa likod niyo ay nagsulat. Ibinigay nito kay Klouber iyon.
"Sign it. It's our debt contract." Lalo siyang namangha sa ipinapagawa nito. Alam niya ang mga ganitong bagay dahil nakikita niya itong ginagawa ng kanyang daddy. Pero ang kaibahan ay abogado ng kanyang papa ang gumagawa.
Binasa niya ang nakasulat doon. Halos hindi na nga niya iyon mabasa kasi masyadong maliliit ang letra. Pinagkasya sa maliit na papel. "This Debt Contract is entered into between Soft, hereinafter referred to as the "Lender," and Klouber, hereinafter referred to as the "Borrower". If Klouber fails to pay her debt, Soft will take Klouber as a collateral. And she'll be his daughter." Bumuntong-hininga si Klouber at ibinigay kay Soft ang manika na hawak.
"Hold mo," utos niya sa lalaki na hawakan ang maliit na papel na ipinatong niya sa hita. Kinuha niya ang ballpen mula rito at nilagdaan iyon.
"Okay na." Tumatawa itong isinilid iyon sa wallet at ibinalik sa bulsa ng traousel, ang ballpen kasama ang sunglasses ay sa inner pocket bg coat.
"Ang ganda nitong doll mo, ah."
Mabilis niyang inagaw ang manika mula rito. "Don't ask me to pay you with this. This is my new favorite doll."
Tumawa lang muli ang lalaki. "Sabi ko lang maganda. Hindi ko naman kukunin na collateral. Ikaw ang collateral. Wala akong anak kaya ikaw ang magiging anak ko kapag hindi ka nagbayad."
"I'll pay," paniniyak niya,
"May pangalan ba 'yan?" tukoy nito sa manikang hawal niya.
"She's Rebecca Rubin, she's the latest doll and the first Jewish historical character in the American Girl Doll collection. Rebecca represents a jewish girl living in New York during the early 20th century. Rebecca's story revolves around her experiences as a young Jewish girl growing up in a New York City apartment with her Russian immigrant family. The story explores her struggles, dreams, and the challenges she faces during a time when cultural differences were prominent. Rebecca faces obstacles such as trying to balance her family's traditions and expectations with her desire to pursue her own dreams and ambitions," she explained. She has a complete set of American Girl Dolls. Kilala niya at alam niya ang bawat backstory ng manika.
"Hmm. Interesting." Paikot nitong dinilaan ang kinakain na ice cream. Pinanood naman ni Klouber ang lalaki hanggang tila nainip na ito at kumagat na ng malaki.
"I'm curious with something," aniya ng may maalala. Patagilid siya nitong tinitigan. Ipinapatuloy muna niya ang pagkain dahil natutunaw na ang hawak niyang ice cream bago dinugtungan ang sasabihin.
"I overheard you while you were on the phone. What's fuck? It's new to my ears."
Kumunot ang noo nito. "Kailangan mo talagang itanong ang mga bagay na wala namang kinalaman sa 'yo?"
"Ang sabi ni mommy ko. If I want to be knowledgeable, don't fear or hesitate to ask. Fear of social embarrassment and hesitancy can prevent you from gaining valuable knowledge. So, Sir, what is fuck?"
His shoulders began to rock due to his suppressed laughter. "Handsome. Slang word for handsome." He chuckled.
"Hmm. You are fuck."
Tumaas ang kilay ng lalaki sa sinabi ni Klouber. "Handsome...you... fuck you." Sa pagkakataon na iyon ay humagalpak ito sa tawa. Sumimangot si Klouber dahil wala naman siyang nakikitang nakakatawa sa sinabi niya. He's really handsome. Para itong si Chris Evans, her mom's ultimate crush.
"What's funny? You are fuck. As in very fuck." Higit pa itong tumawa nang tumawa. Bumagsak ang paningin ni Klouber sa hita nito. Natuluan na ang trouser ng natunaw na ice cream dahil sa pagtawa. Tumayo siya, hinawakan ang laylayan ng suot na palda at pinunasan ang sorbetes na nagmantsa sa pantalon nito. Natigil ito sa pagtawa pero hindi lubusan. Namumula na ang mukha nito.
"Oh, Klouber, you are so adorable. Sino pala ang daddy mo? I think I should meet him. Aampunin na lang kita sa kanya."
Hindi na nakatugon pa si Klouber nang lumapit ang isang lalaki sa kanila.
"Boss, nasa loob Villarama. Gumagawa ng eksena sa loob. Gusto ka raw makausap." Ang maaliwalas na mukha ni Soft ay bumalik sa galit na anyo sa isang iglap.
"Ano ang ginagawa ng tarantandong 'yan rito." Itinapon na lang nito basta ang sorbetes at tumayo saka mabilis na naglakad patungo sa entrance ng building. Patakbong sumunod ang lalaking nag-imporma kay Soft. Si Klouber ay tulalang sinundan ng tingin si Soft pero ang tibok ng puso niya bumilis, nabahala dahil sa sinabing pangalan ng lalaki na siyang nagpagalit kay Soft. Villarama. It's her surname. His father!
Present:
Kumuyom ang mga palad ni Montana habang nakatitig sa mismong spot kung saan ang unang encounter nila si Sofronio dela Fuente. Ang ngiti na pilit gumigitaw dahil sa magandang alaala ng first encounter nila ni Soft 14 years ago na ang lumipas ay napigil nang muling dumaloy sa isipan ang alaala sa nakaraan. Montana looked up into the endless height of the building. She felt so tiny as she stood beneath the towering structure. It stood tall amidst the bustling cityscape, its sleek glass exterior reflecting the vibrancy of the streets below. It dominated the skyline with its grandeur. It symbolized more than just a building; it stood as a testament to the company's vision, determination, and unrelenting pursuit of power. Her gaze slid down until it settled on the company's name shone brightly in polished stainless letters, a constant reminder of the success that awaited those who crossed the threshold as well as for her of the tragedy she witnessed after leaving this building that day. Bumaba ang kanyang paningin sa entrance ng building. Humakbang si Montana patungo sa entrance. Higit pang kumuyom ang kanyang mga kamay habang papasok siya. Nahigit niya ang kanyang paghinga nang bumungad sa kanyang mga mata ang lugar kung saan nangyari ang isa sa masasamang alaala na kanyang binaon sa kanyang paglaki. Nanginginig ang kanyang kalamnan habang papalapit sa mismong lugar kung saan siya nakatayo at pinapanood ang kanyang papa maraming taon na ang nakakalipas.
Years ago...
Hindi na nagdalawang isip pa si Klouber. Patakbo siyang sumunod kay Soft na nawala na sa kanyang paningin nang makapasok sa building.
"Señorita Klouber!" Ang nababahalang boses ni Tatang Oscar ang kanyang narinig pero hindi na niya nagawang balingan pa. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng building. Napatigil siya at para siyang napako sa kinatatayuan nang makita ang kanyang papa na nakaluhod sa sahig, sa harapan ni Soft. Nagmamakaawa.
Hinaklit ni Soft sa kwelyo ang kanyang daddy. "You will suffer. Do you understand?" Malakas nitong itinulak ang ama ni Klouber dahilan para masubsob ito sa sahig. Nabitawan ni Klouber ang hawak na manika at ice cream.
"Daddy!" Hiyaw ni Klouber, hintakot. Tinakbo niya ang ama at lumuhod sa gilid nito. Galit na binalingan si Soft.
"Why did you hurt my daddy? I hate you!" Hiyaw ni Klouber kay Soft na nagulat sa pagsulpot ng bata. Dumating si Tatang Oscar, tinulungan nitong makatayo ang among lalaki na ngayon ay umiiyak.
"Dad!" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Klouber dahil sa nakakaawang anyo ng ama. Hawak ni Klouber sa kamay ang kanyang papa habang nakaalalay naman si Tatang Oscar sa kabila.
"Mabuti pa umalis na kayo." Itinulak ni Klouber ang security guard na nagtangkang lapitan ang kanyang papa.
"Don't touch him!" Pinigil ni Soft ang guwardiya. Sinabihan na hayaan sila. Inalalayan ni Klouber at Tatang Oscar ang kanyang daddy papalabas ng building. Nang nasa pinto na ay muli niyang binalingan si Soft at tinapunan ng matalim na titig. Ipinakita niya sa pamamagitan ng kanyang mga mata kung gaano siya kagalit dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top