Chapter 11
"MONTANA, pinapupunta ka ni Madam Barbara sa VIP room. Dalhin mo raw ang pinakamagagandang klase ng alahas," ani Feliz sa kanya habang kinukuha niya ang alahas na ipapakita sa costumer na in-assist niya.
"Ikaw ang request ng customer. Ikaw raw ang mag-assist." Napairap si Montana nang maisip na si Soft marahil iyon pero deep within she's happy as she tasted the advance victory.
"Ako na ang bahala sa mga 'yan." Kinuha nito ang kahon ng alahas sa kanya.
"Kunin mo nga bagong collection. Iyong mga bongga at mamahalin. Bigatin ang costumer."
"Sige, Ate Feliz, ako na po ang bahala," aniya sa babae. Kinuha niya ang tatlong kahon ng mga mamahaling alahas sa isang storage cabinet saka tinungo ang VIP room. Hindi siya agad pumasok ng silid nang bigla siyang makaramdam ng abnormal na pagtahip ng dibdib. She was nervous, and she suddenly felt excited, which she shouldn't have. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit na kinalma ang sarili. She's excited...yes. She's been waiting for this. Ang makaharap si Sofronio dela Fuente. Ang masimulan ang mga plano sa taong sumira sa pamilya niya. Iyon lang iyon.
Humugot siya ng malalim na paghinga bago binuksan ang pinto ng silid. Ang tatlong babaeng naroon ay napabaling sa kanya. Napatigil siya sa pinto nang ibang tao ang naroon sa kanyang inaasahan. Hindi si Sofronio dela Fuente ang naroon kundi si Sasahh Rodriguez-dela Fuente at Alexandrite De Ortouste ang dalawa sa tatlong babae at ang isa ay ang may-ari ng shop na si Barbara Tanaka, isang Pinay na nakapangasawa ng Hapon.
"Come here, Montana. Put that here," utos ni Barbara. Mahigpit siyang napahawak sa kahon na dala nang makita ang pagbulong ni Sasahh sa kasama na bumulong naman pabalik habang nakatingin sa kanya. Siya ang ni-request na mag-assist nito. Ano ang ibig sabihin nito? Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa mga ito. Nakatitig ang mga ito sa kanya na para bang inoobserbahan ang bawat kilos niya. Alam na marahil nito ang pangungursunada sa kanya ng anak nito kaya siya ang ni-request na mag assist.
"Good afternoon, Ma'am," magalang niyang bati sa dalawa bago inilapag ang kahon sa mesa. Hinila ni Alexandrite ang plato na may macaron para bigyan ng espasyo ang mga kahon. Tinulungan ni Barbara si Montana sa pagbukas ng kahon na naglalaman ng iba't ibang klase ng mamahaling alahas.
"Madam Dela Fuente requested you to assist them," ani Barbara. Kunwari'y gulat siyang napatingin kay Sasahh.
"Ahm... someone recommended you. Mahusay ka raw mag-assist. Can you help me choose jewelry for my granddaughters, hija?"
Pinagsalikop ni Montana ang mga kamay sa harapan ng mga hita nito habang nanatiling nakatayo. Sasahh Rodriguez has a calm and sweet voice. Parang walang masamang agenda. Tumango si Montana. "Opo. Trabaho ko po 'yon."
"Good. Upo ka." Ginawa naman niya ang ipinag-utos nito o mas tamang sabihing ipinakiusap kung ibabase sa napakabait na tono ng boses nito. Si Barbara ay nagpaalam saglit nang tawagin ng staff.
"Andrite, sweetie, ikaw ba hindi ka titingin ng wedding ring niyo ni Hector?"
"Sabi po ni Hector sabay kaming maghahanap. Gusto niya yata sa shop mo na lang."
"Oh, okay. Pero baka may magustuhan ka rito."
Kumuha si Alexandrite ng isang singsing. Pinagmasdan iyon. Mukhang hindi ito impress sa singsing na hawak. Para bang kumikilatis lang ito ng isang ordinaryong singsing. Malayong-malayo ang reaksyon nito sa mga babaeng na-assist na niya na nagniningning ang mga mata sa tuwing makakakita ng diyamante. Marahil dahil ubod ng yaman ang mga magulang at kahit ito mismo ay mayaman—self-made millionaire kumbaga. Maganda ang career nito bilang isang international racer. Milyones ang kinikita. Ordinaryo na lang marahil ang mga ganitong bagay para rito. Ganyan din siguro siya kung hindi pinabagsak ang kanilang kabuhayan ng masamang tao.
"Ilang taon ka na, hija?" Bahagyang napapitlag si Montana nang magtanong si Sasahh habang nakatingin sa kanya. Hindi talaga ito nandito para bumili ng alahas. May sariling shop ito. Mas magaganda pa nga yata ang alahas na ibinibenta nito sa sariling shop kaysa rito. Tumuwid ng upo si Montana at matapang na sinalubong ang titig ni Sasahh. Ayaw niya ng paliguygoy.
"Ahm...Ma'am, nandito po ba kayo dahil sa anak niyo? Kay Sofronio dela Fuente?" Nagkatinginan sina Sasahh at Andrite. Hindi inaasahan ang diretsong tanong ni Montana. Gusto niyang matawa sa reaksiyon ng mga ito.
"Aalukin niyo ho ba ako ng pera?" Muling ibinalik ni Sasahh ang tingin kay Montana.
"Sampung milyon sabay sabing layuan mo ang anak ko." Natutop ni Sasahh ang sariling bibig at kapakuwa'y hindi mapigil ang matawa na bahagyang ikinakunot ng kanyang noo. May nakakatawa ba sa sinabi niya? Ganoon naman ang mayayaman. Ang asawa ng mga anak nito ay mayayaman, galing sa isang prominenteng pamilya at ngayon iyong Hector ay mayaman din ang fiancèe. Kaya siguradong balak nitong palayuin siya kay Soft. Baka nga iyong Hanny ang gusto nito para sa anak.
"You are straightforward. Do you think I'll do that?" natatawang tanong ni Sasahh.
Nagkibit si Montana. "Siguro ho. Pero hindi niyo naman kailangan gawin. Hindi naman ako um-oo sa mga gustong mangyari ng anak niyo. Hindi ko gustong idikit ang sarili ko sa mayayaman." Inabot niya ang isang kuwintas mula sa kahon at itinaas iyon sa harapan ng mukha, pinagmasdan ang love pendant. Bilog iyon at may naka-engrave na love, ang "o" sa love ay diyamante.
"Mahirap makisama. Mahirap makibagay." Mula sa pendant ay tumingin siya kay Sasahh.
"Ito po maganda." Inabot ni Montana ang kuwintas kay Sasahh. Kinuha naman iyon ni Sasahh pero ang tingin ay nanatili kay Montana.
"Madali kaming pakibagayan." Bumakas ang gulat sa mukha ni Montana. Hindi iyon peke. Hindi niya inaasahang maririnig iyon sa babae.
"What if I offer you twenty million just to give my Soft a chance?"
Bahagyang umawang ang kanyang bibig. Hindi lang siya ang ang nagulat kundi pati na rin si Andrite. "Mamita! Magagalit si Uncle Soft sa ginagawa mo."
"Chance lang naman. Ayaw kasing makipag-date ni Soft sa mga inirereto ko. Malay mo, magustuhan mo ang anak ko. Kilalanin mo muna siya." Gusto niyang matawa. Ang layo sa inaasahan niya ang mga nangyayari.
"Iba rin po kayo. Akala ko aalukin niyo ako ng sampung milyon para layuan ang anak niyo. Twenty million para bigyan ng chance?"
Marahan siyang tumawa. "Too good to be true po. Baka scam," pagbibiro niya. Totong pakikipagbiruan. Hindi peke. Ang bigat sa dibdib. Ang kaba. Ang galit ay biglang naglaho at naging magaan ang pakikipag-usap niya na para bang wala siyang hinanakit na kinikimkim sa mahabang panahon.
Marahang iwinasiwas ni Sasahh ang kamay sa ere at bumuntonghininga. "Don't mind me." Niyuko nito ang kuwintas na nasa palad.
"Magugustuhan 'to ng mga apo ko, pero si Iolanthe, hindi ako sigurado. Mapili ang batang 'yon. She always wants to be distinctive in all ways."
"Maarte," ani Andrite.
"Nagmana sa Mamita Lyca," dagdag ni Sasahh na ikinatawa rin nito.
"Hindi po ba sa inyong dalawa?" Muli lang natawa si Sasahh sa pagdududa ni Andrite.
Muling pumasok si Barbara. Magiliw. "May napili ka na, Madam?" Muli itong naupo. Ipinakita naman ni Sasahh ang kuwintas.
"Montana chose this. I'll get five pieces of this." Grabe! Parang bumibili lang ng manika para sa mga apo. Bumalik bigla ang pait sa dibdib niya.
"Oh. Your granddaughters are so lucky to have a grandma like you," puri ni Barbara.
"I am more than lucky to be their grandma... Oh, anyway, there will be a gathering this coming Sunday at our house. Maybe you want to go... Isama mo ang staff mo... Isama mo si Montana." Bahagyang napataas ang dalawang kilay ni Montana sa pagkabigla sa imbitasyon.
"Oh. I love that! Ano ang okasyon?"
"Thanksgiving. Nakasanayan na kasi namin ang pag-celebrate ng thanksgiving noong nasa Baltimore kami and we want to continue to celebrate it here."
"Pupunta ako. Friends na ba tayo?" Kitang-kita ang excitement sa mukha ni Barbara.
"Let's see...Kung papaunlakan mo ang imbitasyon ko, then we're friends."
"I'll go. I'll go". Tumalbog pa ito sa kinauupuan sa sobrang katuwaan.
"Isama mo si Montana... and some of your staff, too," Sasahh chirped like an excited kid.
"Oh, sure!"
Bumaling is Barbara kay Montana. "Ayusin natin ang alahas na kukunin ni Madam Dela Fuente." Tumango si Montana bago tumayo. Kinuha ni Montana ang hawak ni Sasahh na kuwintas. Ibinigay na rin ni Sasahh ang credit card nito. Nagpaalam muna siya sa dalawang babae at lumabas na. Tinulungan na siya ni Barbara na ayusin ang alahas na binili ni Sasahh Rodriguez.
"Alam mo, Montana, parang swerte ka sa shop ko. You attracted billionaire clients."
Nahihiya siyang ngumiti kay Barbara. "Hindi naman po."
"So, totoo na kursunada ka ni Mr. Dela Fuente kaya laging nagpupunta rito?" Muli lang siyang ngumiti rito. Nalaman din nito ang ginawang eksena ni Soft na paghatak sa kanya palabas ng shop.
"Hay naku! Huwag mo na 'yang pakawalan pa, ah. Sayang. Si Sasahh Rodriguez kilalang mabait 'yan. Ano ba ang sabi sa 'yo kanina?"
"Inaalok ho ako ng 20M para bigyan ng chance ang anak niya." Malakas itong napasinghap at natutup ang bibig.
"O.M.G! For real?" Nagkibit lang si Montana at inilagay sa paper bag ang huling kahon ng alahas.
"Sinasabi ko sa 'yo. Tanga ka na lang kapag pinakawalan mo pa 'yan. Age doesn't matter na ngayon, hija. Jusko! Ako nga senior na ang naging jowa pero madatong naman. Nakaalis ako sa pagsasayaw sa club sa Japan at namuhay na parang reyna. Maging wais ka. Age doesn't matter, but net worth does. At saka isa pa, ang guwapo naman ni Sofronio dela Fuente. Hindi ka na lugi. Go ka na riyan."
Hindi siya nagbigay ng komento. Inilagay niya ang lahat ng maliliit na paper bag sa isang malaking paper bag.
"Pupunta tayo sa gathering. Sasama ka. Tiyak na inimbenta ako ni Mrs. Dela Fuente dahil sa 'yo kaya sasama ka. Please, hija, huwag ka ng tumanggi. Pagkakataon ko na para magkaroon ng amiga na totoong mayaman. Iyong to the highest level ang estado sa buhay." Kinuha nito ang paper bag at ito na ang nagpresenta na magbigay kay Sasahh.
Agad namang sumimangot si Montana nang makita ang pagpasok ni Hanny sa shop. Itong babaeng ito ginagawang coffee shop itong jewerly shop. Panay ang bili ng alahas. Nakataas agad ang kilay nito nang makita siya. Humakbang ito palapit sa kanya.
"Good afternoon, Ma'am." Kahit irita ay nagawa niyang batiin ito ng magalang.
"Ano ang relasyon mo kay Soft?" Iyon ang bungad nito sa kanya. Mahina ang boses. Poise kahit parang gusto na siyang sabunutan. Sabi na nga ba at gulo ito matapos ang ginawang eksena ni Soft noong nakaraang araw.
"Gagawin ka lang niyang past time, dear. Maniwala ka sa 'kin. At isa pa. Hindi ka magugustuhan ng mama niya!" Sa pagkakataon na iyon ay pinandilatan na siya nito. Sarap tusukin ng mata.
"Montana, hija." Sabay na napabaling si Montana at Hanny kay Sasahh na lumabas ng VIP room kasama si Andrite at Barbara.
"Tita!" gulat na bati ni Hanny sa babae pero hindi ito pinansin ni Sasahh. Na kay Montana ang atensiyon nito. Lumapit ito sa kanila o mas tamang sabihing sa kanya.
"Thank you for assisting me, Hija. Aasahan kita sa bahay, ah?" Inabot nito ang kanyang mukha. Medyo napapitlag siya sa pagkabigla nang maingat na lumapat sa pisngi niya ang malambot nitong kamay.
"Soft will be surprised once he sees you there. Hihintayin kita sa bahay." Napilitan siyang ngumiti sa mabait na babae. Nagpaalam na ito. Nginitian nito si Hanny na shocked sa nasaksihan bago tuluyang umalis. She grinned comically at Hanny who seemed to be very shocked. Mukhang matatagalan pa itong maka-recover.
***
NAABUTAN ni Soft ang kanyang mama na abalang-abala sa pag-aasikaso para sa gathering. Nagmamando sa mga staff na nag-aayos ng buffet table. Kanina pa rin siya nito tinatawagan. Maya't maya ay tumawag sa kanya habang nasa opisina at nagpapaalala na umuwi sa oras. "Be home before or exactly six, Sofronio. Don't be late. No excuses. I'll be mad." his mother's exact words. Bago siya umalis ng bahay ay paulit-ulit na itong nagpaalala. Ang dami niyang ginawa kaya kahit Linggo ay kinailangan niyang magtrabaho. Nadagdagan ang trabaho niya dahil sa Swift Holding. Masyadong traffic kaya hindi rin niya nagawang umabot ng alas sais kaya tadtad siya ng text message mula sa ina. Naroon ang mga kapatid niya at kanya-kanyang pamilya nito pati na rin ang ilan sa kaibigan ng kanyang papa.
Thanksgiving. Iyon ang dahilan pagtitipon nilang lahat ngayon. His mother suddenly wanted to keep alive the Thanksgiving they used to celebrate when they were in Baltimore.
"Mom," kuha niya sa atensiyon ng ina. Mabilis itong pumihit, malapad na nangiti nang makita siya.
"Oh, my dear son!" nakabuka ang mga braso na lumapit si Sasahh kay Soft. Sinalubong niya ito at mahigpit na niyakap.
Pinalo siya nito sa braso matapos bumitaw sa yakap. Napatawang hinawakan ni Soft ang braso hinampas nito. "Why?"
"Ang sabi ko six nandito ka na. Magsi-seven na, Sofronio!"
"Heavy traffic, Mom. City. You know."
"Hay naku!" Muling tumawa si Soft. Her mother was so cute while saying that.
"Huwag ka nang magalit, nandito na ako."
"Ano pa ba? Sige na. Mag-ayos ka na ng sarili mo. Refresh yourself, and be good looking. Paparating na ang mga bisita."
"May bisita? Sino?" Hindi na siya sinagot ng ina nang may kumuha sa atensiyon nito. Lumagpas ang tingin nito sa kanya.
"She's here." Pumihit si Soft sa direksiyon kung saan nakatingin ang ina para sinuhin ang tinutukoy nito. Ang kalmado niyang isip at puso ay naligalig nang makita ang isa sa limang bisita.
"Amiga!" Ang pinakamatandang babae ay ang unang lumapit at bumeso sa kanyang mama.
"I'm glad you came, Barbara, my friend."
"Oh, my God! Friend na talaga tayo?" tuwang-tuwa ito sa pag-acknowledge ni Sasahh bilang kaibigan.
"Of course!"
"Anyway, kasama ko si Montana as you requested. Pinilit ko pa 'yan."
"Thank you so much, Barbara! I appreciated it."
"Anything for you." Nilapitan ni Sasahh si Montana na tahimik na nakatitig kay Soft.
"Hello, Hija!" Mahigpit na niyakap ni Sasahh ang dalaga.
"Thank you for coming...at sainyo rin. Salamat sa pagpapaunlak," ani nito sa tatlo pang kasama nina Montana na nagpasalamat din sa imbistasyon.
"Halika, Hija." Iginaya ni Sasahh si Montana patungo kay Soft—kay Soft na nakatulala at hindi pa rin makapaniwala sa nakikita at nangyayari sa paligid.
"Soft, son. Look who's here. Your future wife," Sasahh chuckled at her own teasing.
"Hi...hey!" tanging nasabi ni Soft. Tipid na ngumiti si Montana.
"Sabi ko sa 'yo umuwi ka nang maaga kasi. Bilis na, pumanhik ka na at mag-ayos. Ako na muna ang bahala kay Montana," pagtaboy ni Sasahh sa anak.
"O e 'di naman samahan mo na lang kaya si Soft." Tumawa si Sasahh. "I'm just kidding, Hija." Maya-maya pa ay nakapalibot na kay Montana ang mga kapamilya. Naitulak na si Soft palayo. Lahat ay nakiusyo na.
"You are so pretty!" manghang sabi ni Iolanthe habang pinagmamasdan si Montana na panay ang ngiti lang.
"And you are so young. Parang hindi kayo bagay ni Uncle Soft."
"Iolanthe!" saway ni Sasahh sa apo, hinila ito palayo.
"Ikaw talaga manang-mana ka sa lola mo!" Tumulis ang labi ni Iolanthe.
"You are so beautiful. Bagay kayo ni Uncle Soft," si Peri naman na puro maganda ang lumabas sa bibig hindi katulad ni Iolanthe. Kung hindi talaga siya magkakaasawa si Peri ang gagawin niyang isa sa kanyang mga tagapagmana at itong si Iolanhte na kadugo niya wala talagang makukuha kahit barya.
Pero sandali nga! Ano ang ginagawa ni Montana rito at parang kalat na sa lahat ang tungkol sa nararamdaman niya para rito? Sino na naman ang tsismosong may pasimuno nito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top