Chapter 3
"WOAH!" Wilson applauded with joy and pride when Hector hit the ball into the target hole.
"Nice job, son! You are a fast learner." A huge smile drew on Hector's lips at the compliment he received from his father. His father looked so proud of him, and it filled his heart with joy.
"Noong kami ng dad mo ay nagsisimula pa lang mag-golf, it took a few months before we got the ball into the hole with a few shots," said Alford, who was preparing to hit the ball.
"Kayo lang," ani naman ni Tres matapos pumalo.
"It just only took me a month before I played like a pro," Tres added, putting a hand above his eyes while watching the ball rolling toward the green. He smiled proudly as the ball sunk into the hole.
"Fuck it!" Dock hissed irritatedly as the ball he was hitting missed the hole. Mula kaninang nagsimula sila ay hindi pa ito nakatama.
"Itong si Dock ang pulpol, e. Hanggang ngayon, hindi pa rin makasundo ang golf iron." Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Alford.
"Let's have a competition," Wilson suggested.
"Labanan mo 'yang mga uncle mo, Frankus. Kapag nanalo ka, bibilhan kita ng bagong sasakyan."
Malapad na napangiti si Hector. Malabo siyang manalo. Magagaling ito. Pero lalaban siya. Naaaliw siya sa laro lalo't kalaro niya ang kanyang ama.
"Hey you all!" Sabay-sabay na bumaling ang lahat kay Andrite na nakapamaywang. Nakasimangot ito habang nasa likod nito ang golf cart na sinakyan na ito mismo ang nagmaneho.
"I'm hungry! Let's eat na, Grandpas!"
Napailing si Alford. "Mainitin talaga ulo ng apo kong ito."
"Tara na muna. Gutom na rin ako," ani Wilson na ibinigay sa caddie ang golf iron.
Inakbayan ni Alford ang bata matapos itong lapitan. "Bakit ba ang init ng ulo?"
"Dada Lolo, kainis naman kasi! This place is boring. Why do I need to go here with... elders?"
"Hindi ba kami masayang kasama?" tanong ni Tres.
"No offense meant, Lolo Tres, pero hindi po." Nagtawanan ang lahat habang si Andrite ay lalong sumimangot.
"Ito ngang si Frankus nag-e-enjoy, e."
Masama ang titig na ipinukol ni Andrite kay Hector. "Plastic kasi." Umirap pa ito matapos iyong sabihin.
"Proud na proud kayo akala mo naman mabuti talaga." Tinalikuran silang lahat nito at muling sumakay sa golf cart.
"Ang batang 'yon talaga." Bumaling si Alford kay Hector.
"Pasensya na, hijo. Topakin lang talaga ang batang 'yan," hinging paumanhin ni Alford. Isang tipid na ngiti naman ang ibinigay ni Hector sa matanda.
Nagkanya-kanyang sakay ang lahat sa golf cart. May driver sina Tres at Dock habang si Alford ay sumakay sa dala ni Andrite at sina Hector at Wilson naman ang magkasama.
"Ano kaya ang nangyayari kay Andrite?" Wilson asked out of the blue while they were on their way to the clubhouse.
"Bakit mukhang mainit ang ulo sa 'yo?"
Tanging pagkibit ng balikat lang ang naging tugon ni Hector. Ayaw niyang magkomento at baka kung ano pa ang masabi niya sa halip ay inilayo na lang niya ang topic.
"Ang ganda ng lugar na 'to. Mukhang napakayaman ng may-ari." Napakalawak ng buong lugar ng golf course. May manmade lake pa rito. Nasa Batangas ito. Kung sa kabataan ay hindi talaga mati-trip-an ang lugar na ito. Pero kataka-taka na nagustuhan niya ang lugar pati na rin ang paglalaro ng golf.
Nang bumaling si Hector kay Wilson ay napansin niya ang tila naguguluhan nitong anyo. "Bakit ho?"
"Para kasing hindi mo alam kung sino ang may-ari nito." Hindi naman talaga niya alam. Sino nga ba?
"Alam po, siyempre," sabi na lang niya. Itinigil ni Hector ang golf cart sa tabi sa kung saan din ipinarada ng iba pa ang kanya-kanyang sasakyan saka sabay-sabay na pumasok sa clubhouse. Agad silang sinalubong ng tagapamahala ng golf course at iginiya sa kung saan nakahanda ang pananghalian. Nasa tagiliran ito ng clubhouse. Open lang iyon at tanaw mula rito ang manmade lake. Nagkanya-kanyang upo ang lahat. Napangisi si Hector nang irapan siya ni Andrite na kaharap niya sa mesa. Inalis nito ang Christian Dior transparent sun visor nito at ipinatong sa mesa.
"What time tayo uuwi, Dada Lolo?" nakasimangot nitong tanong sa lolo na katabi sa upuan.
"Mamaya pa. Maglalaro pa kami. Bakit hindi ka na lang sumali?"
"Ayoko nga!"
"Sayang naman 'yang get up mo, o? Mukhang pinaghandaan niyo pa naman ng mamita mo," ani ni Alford na hinagod ng tingin ang suot ng apo.
"Bagay sa 'yo ang ganyan pala, e. Sino ang pumili niyan?"
"Si Mamita Lyca saka si Mammy Tatiana pero hindi ko ito gusto. Mapilit lang sila. I'm not comfortable with this." Isang itim na fitted mini skirt at white sleeveless top habang may suot na mahabang medyas na aabot hanggang tuhod at puting sapatos. Ready na ready ang outfit, akala mo professional golfer.
"Are you ready to work here?" Alford asked.
"No!" tili ni Andrite na tumalbog pa sa kinauupuan.
"Masaya rito, Andrite. You can be a caddie or golf picker o kaya tagapayong ng player," suhestiyon ni Tres.
"No way!"
"Pero pasaway ka kasi kaya 'yan ang consequence sa 'yo ng magulang mo," ani Dock na nagsimula nang kumain.
"Kayo po ba hindi pasaway even once in your life?" Napangiti si Hector. Natatawa talaga siya sa kamalditahan ng batang ito. Pinandidilatan pa ang matanda.
"No. Mabait akong anak. Masunurin. Ako ang tumayong ama at ina ng mga kapatid ko when my father left us and when I'm mother wasn't able to do her job as a mother."
"E di wow!" Noon tuluyang natawa si Hector. Maging ang mga kasama ay napatawa na rin.
"Grabe! Manang-mana ka sa Lolo Alford mo," natatawang sabi ni Dock.
"Mag-e-enjoy ka rito, Andrite. Mamili ka ng trabahong gusto mo." Tinapik ni Alford ang balikat ng apo.
"No way!" Madaskol itong kumain.
"Bahala ka. Iga-grounded ka ng parents mo nang matagal."
Sumimangot ito lalo. "That's against the law. I'm still a minor."
"But in Canada, 16-year-olds are already working."
"Dada!" tili nito at muli ay nagtawanan ang lahat. Hector found himself chuckling while staring at Andrite. Nang mahuli siyang nakatitig at tumatawa ay inirapan siya nito.
***
Matapos mananghalian ay nagkuwentuhan ang magkakaibigan kasama si Hector. Noon niya napag-alaman na pag-aari pala ng magkakaibigan ang golf course na ito. Naging libangan ng mga ito ang paggo-golf hanggang maisipang gawing negosyo na lang din. Binili raw ito sa dating may-ari at pinaganda at ngayon ay isa na ito sa pinakamagandang golf course sa Pilipinas. The Wives Golf Club ang pangalan ng golf course na hango sa mga asawa nito.
While watching his father laughing while talking random things, the more he wanted to stay with him. Pero alam niyang hindi ito pupwede. Kapag nalaman ito ni Frankus, tiyak na magagalit iyon sa kanya. Pero gusto niya ang ganito. Hindi niya maintindihan pero parang napunan ang pagkatao niya. Masaya siya na kasama ito at kahit ang asawa nito. Ngayon niya lang nakasama ang mag-asawa pero mahal na niya ang mga ito. Kahit hindi pa niya kadugo ang babae.
"Are you okay?" Ikinurap ni Hector ang mata at pilit na ngumiti sa ama. Napansin ni Wilson ang matiim na pagtitig ni Hector.
"Opo." Ngumiti ito sa kanya.
Natanaw ni Hector si Andrite na nakatayo sa ilalim ng puno kaya nagpaalam muna siya sa mga kausap para puntahan ang bata. Abala ito sa phone nito. Nanatili siyang nakatayo sa likuran nito at pinagmasdan ang babae. Matangkad ang babae at may slim na katawan at mahubog. Pwedeng sumali sa beauty contest. Dark ang skin nito, unat ang buhok na sobrang itim. Maganda naman ang kulay ng mga mata nito. Kaparehas ng mata ng ama. Amber ang kulay.
Humakbang si Hector palapit kay Andrite. Tumikhim para kunin ang atensyon nito saka tumabi rito. Agad na nagsalubong ang mga kilay nito nang bumaling sa kanya na nginitian naman niya.
"Hindi ka nag-e-enjoy? Okay naman dito, a?"
"Pake mo!"
Marahan lang siyang natawa. "Salamat nga pala." Tumaas ang kilay nito. Nagtatanong.
"Hindi mo sinabi ang nakita mo." Lalong sumama ang ekspresyon nito.
"Hindi ko pa lang sinasabi dahil ayaw kong masaktan ang Tita-Ninang ko. Naghahanap lang ako ng tiyempo." Tinalikuran siya nito pero agad niyang nahawakan ang braso nito. Dumulas ang kamay niya pababa hanggang sa abutin niya ang kamay nito. Bumaba ang tingin nito sa kamay nito.
"Andrite, please. Maiintindihan mo rin balang araw." Bumalik ang tingin nito sa kanyang mukha. Mas lalong nagdikit ang mga kilay at ngayon ay nakatiim ang bibig.
"What do you mean? Are you trying to justify your mistake with whatever reason you have? Fuck you ka talaga!" Hinaltak nito ang kamay mula sa pagkakahawak niya saka naglakad palayo. Bumuntonghininga si Hector. Nang mapatingin siya sa kung nasaan ang kanyang ama at mga kaibigan nito ay nakita niyang nakatingin sa direksiyon niya si Alford. Seryoso ang anyo nito at hindi niya gustong pati ito ay maghinala.
***
"MAY PROBLEMA ba, Andrite?" tanong ni Alford kay Andrite habang magkatabing nakaupo sa backseat. Pabalik na sila ng Manila.
"Po?"
"Nakita ko kayong nagtatalo ni Frankus. May problema ba?"
Umiling si Andrite. "Wala po 'yon, Dada Lolo. Inaasar lang niya ako. Ayaw ko kasing magtrabo sa golf course."
Umusog si Andrite kay Alford at yumakap sa baywang nito. "Love mo naman ako, Dada Lolo, 'di ba?"
Inakbayan ito ni Alford at bumuntonghininga. Alam na nitong may hihilingin ang apo at ang problema ay baka mahirapan na naman siyang tumanggi. "Of course."
"Ayaw ko mag-work sa golf course, Dada Lolo. Please do something." Ngumiwi si Alford lalo na nang humigpit ang yakap ni Andrite sa katawan nito.
"Sige, susubukan kong kausapin ang mama mo."
"Yay! Thank you, Dada Lolo!" Bumitaw si Andrite mula sa pagkakayakap at hinalikan si Alford sa pisngi.
"Kaya love na love kita." Inabot ni Alford ang pisngi ni Andrite at kinurot.
"Inuuto mo na naman ako." Nagkatawanan ang dalawa. Si Alford ay napailing na lang. Naging masigla bigla ang mood ni Andrite. Ang problema nito ay mukhang malabo niyang makumbinsi si Lilac. Kay Air, walang problema. Pero si Lilac ay medyo istrikto sa pagpapalaki sa mga bata. Ilang beses na rin kasing sumuway si Andrite. Bahala na.
Naging masigla na si Andrite sa buong biyahe at wala nang ginawa kundi ang magdaldal. Ipinakuwento na naman nito sa kanya ang love story nila ni Lyca na ilang ulit na niyang naikuwento sa mga apo.
"That's so romantic. I think wala ng lalaking gagawa ng ginawa mo. 'Yong willing maghintay hanggang right time."
"Wala talaga. Nag-iisa lang ang katulad ko. Hard find." Nagkatawanan ang mag-lolo.
"Sa 'yo ba may gusto nang manligaw?"
"Meron. Madami. Pero binabasted ko kaagad."
Tumango si Alford. "Tama 'yan. Masyado ka pang bata. Gayahin mo ang Tita-Ninang Lavender mo. Matagal nag-asawa pero worth it naman."
Ang pagkakangiti ni Andrite ay biglang nawala. Humalukipkip ito at bumaling sa labas ng bintana. Si Alford ay marahang natawa at ginulo ang buhok ng apo.
"Biro lang. Pero huwag muna ngayon kasi masyado ka pang bata." Tumingin sa kanya si Andrite at tipid na ngumiti.
***
LUMABAS si Hector ng bahay para sagutin ang tawag ng ina. Mahirap na at baka may makarinig sa loob. Tumigil siya sa paglalakad nang marinig ang pag-iyak ng ina.
"Umiiyak ka ba?"
"Hindi naman. Nasaan ka ba? Isang linggo ka nang hindi umuuwi, Hector. Pinuntahan kita sa condo mo pero wala ka. Nasaan ka, anak?" Bahagyang napangiwi si Hector. Hindi siya sanay na tawagin nitong anak. Hindi siya sanay na malambing itong magsalita. Hindi rin siya sanay na marinig itong umiiyak. Na may problema.
"Nasa kaibigan lang ako." Dapat ay umalis na siya sa bahay ng kanyang ama pero hindi niya magawa. Gusto pa niyang manatili.
"Uwi ka naman dito. Dalawin mo ang mama."
"Bukas po... May problema ka ba?"
"Wala lang ito. Medyo malungkot lang dahil..." Tumigil ito sa pagsasalita at muling humikbi.
"'Ma, bakit?" Kahit naman hindi sila close ng kanyang nanay ay totoong nag-aalala siya.
"Iyong negosyo ko kasi. Alam mo naman na nag-pull out na si Lorraine ng shares niya. Ito ngayon... matagal-tagal na ring humaharap sa krisis itong negosyo ko. Mukhang hindi ko na kayang i-survive ito dahil pati si Daliah ay kumalas na sa partnership namin."
Mas lalo itong umiyak. Nakaramdam naman ng awa si Hector. Buong buhay nito ay ibinuhos nito ang panahon para palaguin ang negosyo. Ang negosyo nito ang dahilan kung bakit wala itong oras sa kanya. Dapat ay masaya siya. Kapag nawala ang negosyo nito, baka mas magpaka-ina ito sa kanya pero hindi naman niya kayang makitang unti-unting nawawala ang buong buhay nitong pinaghirapan.
"Ano ba ang kailangan para maging okay ulit ang negosyo?"
"Investors. Kaso malabo. Wala akong makuha."
"Ahm... pupuntahan kita bukas. Pag-usapan natin. Baka may maitulong ako. Ikukunsulta ko kay Alex. Baka pwede kitang mabigyan ng halagang kailangan mo."
"Naku! Hindi kailangan, anak. Ayaw kitang idamay rito. Baka kasi hindi maging okay tapos sayang lang ang perang ipapasok mo. Bigay 'yan sa 'yo ng lolo mo."
"Huwag mo nang isipin 'yon. Malaki ang ibinigay sa 'kin ni Lolo Robert. Hindi ko naman 'yon mauubos. Tutulungan kita. Huwag ka nang umiyak." Mas lalo lang itong humikbi sa kabilang linya.
"Salamat, Hector. Salamat, anak. Puntahan mo rito si Mama bukas, a?"
"Oho. Sige na. Bukas na lang. Pupunta ako."
"Okay. I love you." Natigilan si Hector sa narinig. Hindi niya alam ang mararamdaman sa narinig. Hindi niya iyon inaasahan. Hindi niya alam ang kahalagahan ng mga salitang iyon. Ilang babae na ang nagsabi n'on sa kanya pero para sa kanya ay wala iyong kwenta.
"Sige po," iyon na lang ang nasabi niya. Kahit gusto niyang sabihing mahal niya rin ito ay hindi niya magawa. Nahihiya siyang magsabi.
Tinapos niya ang tawag at inilagay sa bulsa ang phone. Humakbang siya para sana bumalik sa loob nang muling matigilan nang marinig ang pamilyar na boses. Bumaling si Hector sa nakabukas na gate na nasa kanyang likuran. Maliit na gate iyon na mukhang nakakonekta sa bahay ng Guevarra. Ganito pala talaga ka-close ang mga ito para magkaroon ng connected gate ang mga bahay.
Humakbang si Hector palapit sa gate. Sumilip siya. Agad naman niyang nakita ang taong naliligo sa swimming pool. Malapit lang sa gate ang swimming pool ng dalawang bahay. Si Andrite ang naroon, nakikipagharutan sa isa pang babae. Kung si Andrite ay may dark skin, itong isa naman ay mestiza pero pareho ang kulay ng mga mata. Unat na itim ang buhok ni Andrite habang ang isa ay kulot na kulay brown. Ito yata 'yong sikat na artista.
"Ate Peri, buhatin mo ako dali."
"Okay." Tumalikod ang babaeng tinawag na Peri. Peri ang pangalan nito. Purple ang pangalan ng artista na kilala niya na kamukha nito. Baka may kambal din o triplets. Pamilyang triplets ito.
Inilubog ni Peri ang sarili sa tubig at sumampa nga si Andrite. Nang makasampa ay muling umahon si Peri sa tubig. Hinawakan ni Peri sa hita si Andrite habang si Andrite ay tuwang-tuwa. Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere. Hector leaned against the frame of the gate and smiled at the sight of two having fun.
Bagay kay Andrite ang kulay ng balat. Mukha itong Latina kaysa sa African. Hindi kasi kulot ang buhok tapos ang mga kulay ng mata ay amber. Mula sa mukha ay bumaba ang mata nito Hector sa katawan nito, natigil sa dibdib. Bata pa pero maganda na ang porma ng dibdib. Maliit ang baywang at malapad ang balakang. Ano pa kaya ang mangyayari sa katawan nito kapag ganap nang dalaga? Agad na ibinalik ni Hector ang mata sa mukha ng babae nang mapagtanto ang ginagawa. Napapikit si Hector at iniling ang ulo.
Disisais pa lang 'yan, Hector. Paalala niya sa sarili sa inalis ang pagkakasandal ang katawan mula sa pader. Babalik na sana siya loob nang mahagip ng tingin niya ang isang babae na nakaupo sa swing. Agad niyang ibinalik ang tingin sa pool para tingnan si Peri. Kamukha ni Peri. Ibinalik niya ang tingin sa babae. Ito iyong artista, si Purple. Idol na idol ito ng kaibigan niyang si Joseph.
Tangina. Kapag nagpa-picture siya rito, tiyak maiingit ang kumag na 'yon. Kinuha niya ang phone mula sa kanyang bulsa. Binuksan ang camera at itinutok sa babae. I-zinoom-in iyon para mas malapit na makuhanan ang mukha. Nang makuha ang perpektong anggulo ay kinuhanan niya ito ng larawan. Pero mas maganda kung magkakaroon sila ng selfie. Sa halip na bumalik sa bahay ay humakbang siya palapit sa kinaroroonan nito pero napatigil nang makita ang pagpatak ng luha nito. Umiiyak.
Wrong timing. Itinaas niya ang kamay at hinaplos ang likod ng ulo. Humakbang siya paatras saka pumuhit para sana umalis na lang.
"Frankus." Napigil ang tangkang paghakbang ni Hector nang tawagin siya nito. Walang nagawa si Hector kundi ang pumihit paharap sa babae.
"Hi," bati niya. Pinahid nito ng palad ang basang pisngi. Ngumiti ito sa kanya.
"Nandito ka pala. Nasaan ang triplets?"
Umiling si Hector. "Hindi ko alam... Ibig kong sabihin nasa Malaga. "
Tumango ito. Bakit ang lungkot-lungkot ng mukha nito? Parang pasan nito ang daigdig. Niyuko nito ang dog tag na nakasabit sa leeg at inabot ng kamay. "Miss na miss ko na siya," anito habang hinahaplos ng hinlalaki ang dog tag.
"Sino?"
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Ang asawa ko. Si Bogs."
Sino naman 'yon? Nasaan? Tangina, ang hirap talaga ng sitwasyon niya. Ang dami niyang hindi alam.
"Magkuwento ka naman ng tungkol sa kanya, o." Patay. Mukhang kilala ni Frankus ang asawa nito. Hindi lang kilala kundi close para sa kanya pa magpakuwento. E, hindi nga niya kilala kung sino ang asawa nito at kung nasaan. Tinitigan ni Hector ang katabing swing, pinag-iisipan kung uupo ba o dapat nang umalis. Bumuntonghininga siya saka nagpasyang umupo na lang. Ibinalik niya sa bulsa ng short ang phone at humawak sa metal chain ng swing.
"Bakit ka umiiyak?" tanong niya rito.
"I missed him. I missed Bogs so much." Muli nitong tinitigan ang dog tag. May ganyan din si Frankus. Hindi kaya katrabaho ni Frankus ang asawa nito? Isang agent din. Patay na kaya?
"Siguro, kinuha siya ng Diyos sa akin nang ganoon kaaga kasi alam niyang hindi rin naman ako magtatagal sa mundo." Pinahid nito ang luhang naglandas sa pisngi.
"Pero minsan, hindi ko maiwasang magtampo sa kanya. Feeling ko ang unfair niya sa akin. I was shot when I was still a kid. I underwent a lung transplant. Dahil doon, hindi ako makapamuhay nang normal katulad ng iba. Tapos ito na naman... binigyan na naman niya ako ng pagsubok."
"Kasi hindi siya totoo. Walang Diyos! Kasi kung meron, bakit niya hahayaang may taong magdusa? Bakit hinahayaan niyang may mga batang nabababoy? Kung totoo man siya, ibig sabihin, wala siyang kwenta."
Hindi makapaniwala si Purple na napatitig kay Hector. May kalituhan ito sa mukha na para bang masyadong strange ang mga sinabi ng kausap.
"But I thought—" Tumigil ito sa kung ano sana ang itatanong.
"Hoy!" Nag-angat si Hector ng tingin kay Andrite na nakapaywang sa kanyang harapan. Nakataas ang kilay nito.
"Ano ang ginagawa mo sa ate ko? Bakit mo siya pinapaiyak? Gusto mo sapakin kita?"
"Andrite!" saway ni Purple sa kapatid.
"What's wrong with you?" Hindi pinansin ni Hector ang pagtataray nito. Nakatuon ang mata niya sa katawan nito. Hindi dapat pero bakit ba biglang gandang-ganda siya katawan nito? Agad na tumayo si Hector at mabilis na naglakad palayo. Nasa gate na siya nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Andrite.
"Hoy, Frankus!" Napilitan siyang harapain ito pero sa pagharap niya ay natalisod si Andrite kaya sumubsob sa kanya ang halos hubad nitong katawan. Sa pagkabigla ay nayakap niya ito. Their eyes locked, widened in shock. He was shocked when his heart suddenly gave a loud thud and more surprised when he felt the chills run down his arm. Ano ito?
Andrite was the one who took quick steps back away from him. Her expression appeared as if she was scared. Tila ba nararamdaman nito ang kakaiba niyang nararamdaman. He breathed, relieved by the space she just put between them.
Andrite cleared her throat before confronting him. "Bakit umiiyak ang kapatid ko?"
"Malungkot," he simply replied.
"Huwag ka ngang pilosopo!" She raised her voice.
"Na-miss niya ang asawa niya. Wala akong ginawa. Sige na." Tinalikuran niya ito pero nang nasa gate na ay muli niyang nilinga si Andrite.
"Bakit nga pala ang gaganda ng mga kapatid mo? Maputi tapos galaw babae. Bakit ikaw hindi? Iba pa ang kulay mo. Napulot ka lang siguro sa tae ng kalabaw." Natatawang iniwan ni Hector si Andrite. Hindi na niya hinayaang mabulyawan siya. Sa ekspresyon ng mukha nito ay alam niyang napikon ito.
***
KINUHA NIYA ang phone mula sa ibabaw ng bedside table, sinagot ang tawag ni Axel saka umupo sa kama. "Axel, kumusta?"
"Hey, dude. Nasaan ka?"
"Nasa bahay lang."
"When will you claim your prize?"
"Prize?"
"The pot money and the bonus you won from the race." Agad na napaangat si Hector mula sa pagkakasandal.
"Talaga? Tuloy pa rin 'yon?"
"Of course. Nasa akin na ang pera. About my chick, willing ka pa?"
Shit! He mentally cursed. Willing na willing pero nakakahiyang sabihin.
"Ayos lang ba 'yon sa 'yo?"
Tumawa si Axel sa kabilang linya. "Punta ka rito sa condo ko bukas. Claim your prize. I will send you the address." Matapos putulin ni Axel ang pag-uusap ay sunod-sunod na rumagasa sa imahinasyon niya ang maaari niyang gawin sa babae. Susulitin niya ang isang araw na ibibigay sa kanya.
"Yes!" palatak ni Hector na lumuhod pa sa kama. Sakto namang bumukas ang pinto, si Sasahh ang pumasok na may dalang gatas.
"Why do you look so happy?"
Napahiyang muling pumormal si Hector at nahihiyang ngumiti. Umikot ito sa kabilang bahagi ng kama kung saan siya naroon. Umupo ito sa gilid at inabot ang gatas sa kanya.
"Para po sa akin 'to?" hindi makapaniwalang tanong ni Hector.
"Bakit naman parang gulat na gulat ka? You are still my baby at kapag nandito ka, gagawin ko pa rin ang mga ginagawa ko. So, now drink up."
Agad namang sinunod ni Hector ang sinabi ng babae. Agad niyang naubos ang laman. Inabot ni Sasahh ang pisngi ni Hector at masuyong pinisil.
"Very good naman." Para siyang bata kung itrato pero nakakatuwa. Kung anong saya ang pumuno sa puso niya. Saya na kailanman ay hindi niya naramdaman sa tuwing dadalaw ang kanyang ina. Umusog si Hector at niyakap si Sasahh.
"Salamat." Kung sana lang ito na lang ang nanay niya. Kung sana lang ay ito na lang ang nag-alaga sa kanya. Hindi niya siguro naranasan ang mga naranasan niyang paghihirap noon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top