Ang simula ng kalokohan 101

Nag-reply sa aking form ang admin tungkol sa fb name ko dahil isasali niya raw sa group chat. So, need pala iyon for this contest?

At dahil mabait at maganda naman akong bata ay binigay ko ang fb name ko.

Maya-maya pa ay may biglang nag-request sa akin. Iyon pala ay si admin ng contest na sinalihan ko. In-accept ko siya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay may biglang nag-pop out na group chat sa aking messenger. I decided to open it at tumambad naman sa akin ang gc ng contest na sinalihan namin. Noong una ay kaunti pa lang kaming nandoon kaya medyo tahimik pa.

Ngunit pagkaraan lamang ng isang oras ay biglang nag-ingay ang mga members. At dahil friendly at mabait akong author ay naki-chika rin ako sa kanila.

Puro jokes at tawanan ang mga pinagsasabi namin sa gc na iyon kahit hindi naman namin kilala ang isa't isa.

Kaso may biglang isang bruhang babae ang nakisali at nag-reply sa akin doon, saying na ako raw iyong poser picture sa mukha niya.

Watdapak?! At kailan pa naging fake ang profile ko? Sa ganda kong ito?! Nah!

I decided to stalk his account. Bunsong Makulit ang name niya kaso wala namang ibang picture maliban sa spongebob!

Anak ka ng tipaklong! Pero dahil alam ko namang nagbibiro lang siya ay sinakyan ko na lang ang trip niya. Kawawa naman, baka kulang sa aruga ng ina. Nyahahahaha! Pero dahil sa gc nga pala kami nag-uusap ay napuno ng laughter emoji ang mga convo naming dalawa. May iba pang nakikipaglokohan din sa amin. Kaya mukha kaming tangang lahat doon.

Maya-maya pa ay in-add ako ni Bunsong Makulit. In-accept ko naman agad siya. Saktong bigla siyang nag-message sa akin.

July 5 at 8:48 AM

Bunsong makulit
Uy! Joki joki lang mga ngawa ko ha?


Magandang empress
Hahahaha alam ko.😂


Bunsong makulit
👍

Magandang empress
Takot ka baka totoo? HAHAHA

Magandang empress
Sandali, alin ba doon?


Bunsong makulit
Wala. wala.



July 5 at 12:58 PM


Bunsong makulit
Babae! Inistalk po kita sa IG. Para prends tayo. Nafollow na rin kita. Nakakahiya naman po e. Poser pa ng picture ko.😂

Magandang empress
HAHAHA!

Magandang empress
Sige followback kita later.

Magandang empress
Kain muna ako hahaha


July at 1:00 PM

Bunsong makulit
Babae! May WriCon dito sa fb. Sali ka!

Magandang empress

Talaga? Sige sige Hahaha!

Magandang empress
Hala! Maximum of 2000 words daw e! Lagpas 2000 words yung sakin. Pwede kaya yun?


Bunsong makulit
Bawasan mo! Ma-disqualify yan e.


Magandang empress
Awit ka! Di ko nga mabawasan e no time to edit HAHAHAHA. Ikaw na lang muna. Support na lang kita. Sana all diba? 2000 lang words?


Bunsong makulit
😂😂😂 bahala ka diyan.

Magandang empress
Bahala na talaga! Support na lang ako senyo haha.


Bunsong makulit
Suportahan mo ko?

Bunsong makulit
Talaga?

Magandang empress
Oo nga!

Magandang empress
Ayaw mo pa?

Bunsong makulit
Talaga?

Bunsong makulit
Truth? false?

Magandang empress
Ay putek 'tong babaeng ito paulit-ulit?!😂😂

Bunsong makulit
Serious?

Magandang empress
You replied to Bunsong makulit
Truth? false?
Both charottssss!

Magandang empress
trueee

Magandang empress
You replied to Bunsong makulit
Serious?
Ay letse HAHAHA!

Magandang empress
Ano palang entry isasali mo?


Bunsong makulit
Sige nga? Pang-isip mo ko ng pangalan ng contest na about painting. Seryoso ha? Iyong maganda ang gusto ko.

Bunsong makulit
😂

Bunsong makulit
Bunsong makulit replied to you
Ano palang entry isasali mo?
Chanak!😂

Magandang empress
Putsang gala yan😂😂
tikbalang nalang!😂

Magandang empress
Mm... paint my love?

Bunsong makulit
Sige! Sige! Basta kapangalan mo ha? Walang angal yan.

Bunsong makulit
💓

Magandang empress
Bala ka diyan.😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top