Kabanata 5

[ VIANA ]

Oras ng pagkain ng mga handa sa mesa ay  tahimik lamang ako sa aking pwesto habang kumakain.

Hindi ko maiwasan ang hindi ngumiti habang sumusubo dahil sa napakasarap ng mga pagkaing nakahain. Isa ito sa pribilihiyo na maging bahagi ng palasyo, ang makakain ng mga mahahalin at masarap na pagkain.

Dumako ang tingin ko sa panghimagas na tinatawag na Leche Flan. Unang subo ko ay dumikit sa dila ko ang linanamnam nito kung kaya't naging tuloy-tuloy ang pagsubo ko hanggang sa napuno ang bibig.

"Hindi ganyan kumain ang babaeng may delikadesa. Ang asal mo ay hindi kaaya-ayang tingnan."

Umangat ang tingin ko kay Thalia habang dahan dahang ngumunguya. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi rin naman ako makapagsalita pa.

"Hindi ka ba tinuruan ng tamang pagkilos sa harap ng pagkain?" Ang katabi nito ang nagsalita.

Nang maubos ang nginunguya ko ay sumubo ako at ngunuya habang nakatingin lang sa kanila. Nakita ko naman ang pagkaasar sa kanilang mga mukha.

Sinulyapan ko ang kanilang mga pinggan at kaunti lamang ang mga bawas nito hindi gaya ng akin na ubos na. Medyo nahiya ako roon pero tapos na, busog na ako.

"Nakakahiya ka!" May asar sa tonong pahayag ni Thalia. Malakas ito kaya napalingon sa kanya ang mga nasa mesa namin.

Hindi ko siya pinansin at uminom lang ng tubig. Kung papansinin ko siya ay mas marami pa siyang sasabihin. Hindi ko akalain na may ganyan siyang ugali, pareho sila ni ate na lahat ng kilos ko ay binibigyan ng komento.

Muling nagsalita ang Mahal na Hari at umalis na ito kasama ang Mahal na Reyna. Napuno ng iba't ibang ingay ang bulwagan mula sa musika, sa pag-uusap ng mga nagtitipon na panauhin at estudyante.

Tumayo ako at luminga. Humahanap ng parte kung saan kaunti lamang ang tao. Gusto ko rin umalis dahil sa pinag-iinitan ako ni Thalia. Natigil ako nang may maghiyawan sa kabilang lamesa.

Sa harap ng nag-uusap na grupo ng Mahal na Prinsipe ay nakatayo ang isang magandang babae. Nakaharap ito sa prinsipe kung kaya't hindi ko rin makita ang ekspresyon nito ngunit ang prinsipe ay seryoso lamang. Ang mga kasama ng magandang babae ang kaninang naghiyawan.

"Si Miss Zenthia!"

"Napakaganda niya talaga."

"Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may gusto ito sa Mahal na Prinsipe kung kaya't inaasahan na ang paglapit nito."

"Wala kang laban sa kaniya, Amerson." Bumaling ang tingin ko kay Thalia.

"Wala namang laban sa pagitan namin. Hindi naman ako nakikipagkompetinsya sa kanya. Maganda siya. Mas maganda kesa sayo." Sambit ko at lumayo na sa pwesto namin.

Napaiwas ako ng tingin sa harapan ko nang makita si Darem na pasalubong sa akin. Saan kaya siya galing at wala siya sa pwesto ng prinsipe.

"Via!" Tawag niya bago pa ako makaliko.

"Halika don sa pwesto namin. Alam kong wala kang ibang kaibigan rito maliban sa akin kaya sumama ka sa akin." Hinawakan niya ako sa braso na tatangalin ko sana pero hinila na niya ako.

"Darem, ayaw ko. Bitawan mo ako."

Palapit na kami sa pwesto na pinagtitinginan. Nakikita ko na kinakausap ni Zenthia ang Mahal na Prinsipe. Nakangiti ito ngunit ganun pa rin ang prinsipe. Hindi ito nagsasalita pero lumilingon kina Rohan na kausap ang dalawang lalaking kasama nila.

"Darem!" Pansin sa kanya ng isang lalaki. Napatingin naman sa kanya ang kaninang mga nanonood sa prinsipe at kay Zenthia. Pagkatapos ay sa akin na nabaling.

"Kasintahan mo, Darem?" Tanong ng isang babae na kasama ni Zenthia. Pinagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa at bumalik sa aking mukha.

"Siya iyon yung huling tinawag kanina na nakapasa sa pagsubok. Mas maganda siya sa malapitan." Komento ng isang lalaki. Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng maliit. Natulala naman ito kaya agad kong binawi at umiwas ng tingin.

"Bakit mo sinasabi iyan sa harap ni Miss Zenthia, siya ang pinakamaganda sa lahat ng nanditong mga estudyante." Puna ng kasama ni Zenthia.

Hindi ko na pinansin ang komento nito at inalis ang pagkakahawak ni Darem sa braso ko.

"Hindi ko siya kasintahan, kaibigan ko siya. Halika, Via. May Leche Flan akong itinabi para sayo. Nakita ko kanina ang magana mong pagkain kaya kinuhaan kita."

Namula ang mga pisnge ko at hindi mapigilang hindi ngumiti nang ilahad sa akin ni Darem ang platito na may Leche Flan.

"Ang ganda niya!"

Pinaupo ako ni Darem sa upuan niya. Sumunod ako at ang mata ko ay nasa Leche Flan lang na nasa harap ko. Pakiramdam ko kasi kapag umangat ako ng tingin makakasalubong ko ng tingin ang mga mata nilang ramdam kong nakatingin sa akin.

May umupo sa katabing upuan at nabaling rito ang tingin ko. Ang Mahal na Prinsipe. Nang tumingin siya sa akin ay yumuko ako bilang paggalang.

Dumako ang tingin ko kay Zenthia na nagulat sa ginawa ng prinsipe. Nakatalikod na sa kanya ang prinsipe. Bumaling siya sa akin at sumama ang tingin.

"Kain na, Via." Tumango ako.

"Bakit hindi mo pinansin na si Zenthia, kamahalan?" Tanong ni Darem. Nilingon ko ang prinsipe.

"Kung gusto mo ay ikaw na lang." Ani nito at uminom ng tubig.

Lumipat ang tingin ko sa katabi nitong si Rohan. Nakatingin ito sa akin kaya ngumiti ako rito at tumango. Ngumiti ito na nagpagulat sa akin. Ang gwapo niya!

"Sa akin ka tumingin, mas gwapo ako kesa kay Rohan." Nakangusong sambit ni Darem. Tumawa naman ang dalawa nilang kasama pa at si Rohan kaya napatingin ako ulit sa kanya. Agaw-pansin talaga ang kanyang olandes na buhok.

"Kaibigan ka ni Darem ibig sabihin kaibigan mo na rin kami, ako si Kiyoh." Ngumiti ako kay Kiyoh, mula siya sa angkan ng Ordiheja.

"Ako naman si Renz." Siya naman ay sa Nucefira.

"Magandang tiyansa ito na humanap ng magagandang babae di ba Kiyoh." Tuwang pahayag ni Darem. Tumayo ito sa upuan at pumagitna kina Kiyoh at Renz habang lumilinga ang paningin at nakangiti.

Napailing na lang ako sa turan nito. Isa rin ito sa dahilan kaya lumalayo ako rito pero ngayong dineklara niya na magkaibigan kami, di na ako makakaiwas.

"Yung Thalia Remiro?"

Napangiwi ako nang marinig ang pangalang iyon.

"Via, yung kaharap mo kanina sa mesa nyo, si Thalia Remiro. Ayos lang ba siya?"

Umangat ako ng tingin sa kanya ngunit hindi makapagsalita kasi puno na naman ang aking bibig. Natawa naman sila sa akin.

"Pakurot sa pisnge, Via." Akmang lalapit na sa akin si Darem ng samaan ko siya ng tingin.

"Ampunin na lang kita, matutuwa sa iyo si ina." Aniya at tumawa.

"Sa amin na lang." Si Kiyoh

"Sa amin na lang Via." Si Renz

Napakunot-noo ako.

"Sa amin." Napalingon kaming apat kay Rohan. Nakangiti ito.

"Di ka kasali, Rohan." Asar sa kanya ni Darem.

Umingay silang apat. Nakaramdam na rin talaga ako ng pagkabusog kaya uminom na ako ng tubig pero nagulat ako nang may maglapag sa harap ko ng isang platitong may lamang Leche Flan.

Umangat ang tingin ko sa Mahal na Prinsipe. Seryoso itong nakatingin sa akin.

"Gusto mo din ampunin kamahalan si Via?" Asar ni Darem at nag-ingay na naman ang silang apat kasama si Rohan na mapang-asar ang tingin sa prinsipe.

"Magtatampo sa iyo si Zenthia kapag nalaman niyang binigyan mo si Via ng pagkain." Asar ni Kiyoh.

Sinamaan niya ng tingin ang apat ngunit tumawa lamang sina Darem. Bumaling siya sa akin.


"Kainin mo." Utos nito.

"Mahal na Prinsipe---"

Napalingon kaming lahat kay Zenthia na nakatayo sa likod ng prinsipe. May bitbit itong platito na may ibang panghimagas na pagkain.

Bumaba ang tingin nito sa kamay ng prinsipe na nakahawak sa platitong inilapit sa akin. Nawala ang ngiti nito pero muling ibinalik.

"Mahal na Prinsipe, tanggapin mo itong panghimagas. Niluto ko ito para sa iyo." Ani nito. Kaya pala hindi pamilyar sa akin ay dahil sa wala ito sa mga nakahanda kanina.

"Hindi ako mahilig sa matamis." Seryosong sambit ng prinsipe. Napansin ko ang panginginig ng kamay ni Zenthia.

"Ilagay mo sa mesa." Ani ng prinsipe na nagpangiti kay Zenthia. Lumapit sya sa pagitan namin ng prinsipe at inilagay sa mesa. Nang alisin niya ang kamay ay nasagi ang kamay ko na nakapating sa mesa ng polseras na suot niya.

Nakaramdam ako ng hapdi kaya napatingin ako rito. Nasugatan. May dugo. Naibaba ko ang kamay.

"Maraming salamat, Mahal na Prinsipe sa pagtanggap." Ani nito at umalis na masaya.

"Ang lakas talaga ng tama niya sayo, Mahal na Prinsipe." Tumawa sila Darem.

"Kainin mo na ang Leche Flan." Nagulat ako sa pagsalita ng prinsipe. Kaya naangat ko ang kanang kamay ko at kinuha ang kutsara.

"May dugo ang kamay mo, Via!" Pansin ni Rohan kaya nabitawan ko ang kutsara. Napangiwi ako sa hapdi.

"Napano iyan, Via?" Nag-aalalang tanong ni Darem.

"Nasagi ng polseras na suot ni Zenthia." Sagot ko at bago ko pa mapunasan ng kabilang kamay ay may panyo nang ipinunas ang Mahal na Prinsipe.

Hawak niya ang kamay ko at nakaramdam ako ng pamumula ng pisnge. Nabigla ako ng makaramdam ng malamig sa pagdikit ng palad niya at pag-alis nito ay wala na ang sugat ko.

Kayang magpagaling ng sugat ang Mahal na Prinsipe?

"Maraming salamat po, Mahal na Prinsipe."

Hindi ako nagtagal sa kanilang mesa dahil tinawag na kaming mga bago upang ilibot sa aming silid-aralan kaya umalis na kami sa bulwagan. Nakapila kami ulit at ako ang nasa huli. 

Sa unahan namin si Lady Veronn. Huminto kami sa isang silid at nang binuksan niya ito ay tumambad sa amin ang malawak na silid.

"Ito ang inyong opisyal na silid. Sa oras ng klase ay narapat na narito kayo. Ang mahuhuling wala sa silid lalo na't walang pahintulot ng guro ay papatawan ng parusa."

Pumasok kami at nanatili sa harap. May pagitan ang bawat mesa at upuan. Ang isang mesa at upuan ay sakto lamang para sa isang tao kaya't walang magkatabi.

"Maari na kayong humanap ng inyong upuan. Sa napili no ay ilapat nyo ang inyong kamay sa mesa at magpalabas ng kunting kapangyarihan. Sa pamamagitan nito ay lalabas ang inyong pangalan sa mesa. Ibig sabihin ay iyon na ang permanente nyong upuan."

Dahil sa likod ako ay nahuli ako at ang sa likod na bahagi lamang ang may bakante pa. Napili ko ang upuang malapit sa bintana.

Tulad ng sabi ni Lady Veronn ay nagkaroon nga ng pangalan ang mesa.

Napangiti naman ako. Nagsasaya ang loob ko sa mga nangyayari. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko. Yung pakiramdam na parte ako ng isang bagay. Na nakuha ko dahil may potensyal ako, na kaya ako narito kasi ito yung kapalaran ko.

"Ang pagpapatuloy nyo sa pag-aaral dito sa Palasyo ay nakadepende sa inyong mga marka sa bawat asignatura. Kapag bumagsak kayo ay may isang tiyansa kayong bumawi pero kapag bumagsak kayo sa pangalawang ulit ay maari kayong paalisin."

Napalunok ako. Kung gusto kong manatili rito ay dapat kong maipasa ang mga asignatura. Bihira ang ganitong oportunidad na makapag-aral sa Palasyo ang mahirap na katulad ko kaya hindi ko sasayangin at pagbubutihin ko.

*****
-btgkoorin

Happy New Year, everyone!
2024🫶

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top