Kabanata 2

[ VIANA ]

"Ang layunin ng unang pagsubok ay malaman kung magdadala ba kayo ng banta sa Palasyo. Sa likod ng pader na iyan ay hardin ng mga rosas, kung ang prisensya o kapangyarihan na ginamit mo ay hindi maganda para rito, hindika hahayaang makapasok ng ganun kadali."

Napatingin ako sa hawak na rosas. Maswerte lang siguro ako na nalampasan ko ang unang pagsubok.

"Para sa ikalawang pagsubok, ang lahat ng natira ay gumawa ng isang pantay na linya. Magiging basehan ng pagpili rin ang inyong itsura, kaayusan sa katawan, kalinisan, at kaaya-aya sa paningin dahil hindi mga ordinaryong tao ang makakasalamuha nyo sa loob ng palasyo."

Nanlamig ako. Nasuot ko na nung kaarawan ko ang pinakamaganda kong kasuotan. Presentable ang suot ko na kulay mapusyaw na kalimbahin pero mas ordinaryo ang disenyo.

Kung ikukumpara ay halos sa natira na mga kasama ko ay mas maayos ang kasuotan nila kahit na halo ang anak ng ilang maharlika at nasa mababang antas ng pamumuhay.

Napunta ako sa pinakadulong linya dahil sa natutulak ako pagillid ng mga sumiksik. Napabuntong-hininga na lamang ako at dinagdagan ko ang espasyo sa pagitan namin ng katabi ko.

Pinaglaruan ko sa kamay ang rosas habang sinusundan ng tingin ang namamahala sa pilian na pumunta sa harap ng nasa pinakaunahan sa kabilang dulo. Seryoso ang mukha nito at mababakasan ng mapanuring tingin sa madapuan ng mga mata nito.

Tumuwid ako ng tayo at hindi na tiningnan ang ginagawa ng tagapamahala.

Kung mapili ako rito sa ikalawang pagsubok, maniniwala akong nadala lang iyon ng itsura ko dahil bagsak ako sa kasuotan. At kung hindi naman ay hindi talaga ako pinanganak para makisalamuha sa matataas ang kinabibilangan sa aming bayan.

Kapag napili nga pala ako ay ibibigay ko kay ate. Maganda naman at mas presentableng manuot si ate dahil na rin sa marami siyang magagandang kasuotan. Paborito talaga siya ng aming ina. Paborito rin naman ako ni ama pero kay ate kasi napupunta ang regalo nito kapag nagugustuhan niya.

Wala rin naman akong magagawa dahil sa pinapaboran sa ate dahil sa kalusugan niya. Pinagbibigyan ko na lang.

Kahit na minsan ay nakakasama talaga ng loob ay hinahayaan ko na lamang. Mas mabigat kasi sa puso yung may hinanakit ako kaya nagpapatawad ako agad. Hindi naman sila iba sa akin dahil sila lang ang pamilya ko.

Natigil sa pag-mumuni-muni ko nang may tumigil sa harap ko. Ang tagapamahala!

"Magandang araw po." Bati ko, ngumiti at yumuko. Pag-angat ay sinalubong ko ang tingin niya.

"Anong pangalan mo?"

"Viana Amerson po." Sagot ko at hindi kinalimutan ang ngumiti. Inalis ko ang ngiti ko nang makitang seryoso niyang tinitingnan ang ulo ko at pababa.

Kinabahan ako nang mangunot ang noo niya ng saglit nang mapunta sa kasuotan ko.

"Pakilahad ang mga kamay." Sinunod ko ang utos niya. Hawak ko pa rin sa kanang kamay ang rosas. Nang sumenyas siya na ibaba ang kamay ko ay mabilis ko itong ibinaba.

"Wala ka bang mas maayos na kasuotan maliban sa suot mo?"

"Po?"

Wala na akong narinig pa. Umalis siya sa harap ko at bumalik sa pinakagitna. Doble doble na ang kabog ng dibdib ko. Palagay ko ay namanmanhid ang kamay at pang-ibabang katawan ko.

"Ang lahat ng may hawak na rosas ay umabante paharap. Kayo ay napili. Ang walang hawak o naglaho ang hawak na rosas ay maari nang umalis."

Nanlaki ang mga mata ko. Inangat ko ang kanang kamay ko na may hawak ng rosas ngunit ganun na lamang ang kaba ko nang wala na akong hawak. Nawala?

Napatingin ako sa katabi ko na umabante paharap at may hawak na rosas.

Hindi ko namalayan na wala na akong hawak na rosas. Ibig sabihin nun ay hindi ako nakapasa sa pangalawang pagsubok.

Laglag ang balikat na tumalikod ako. Habang palayo ay binabanggit na ang mga apelyido ng nakapasok sa ikalawang pagsubok.

"Saan ka pupunta, Miss Amerson?"

Natigilan ako. Boses iyon ng tagapamahala kaya lumingon ako. Nakaramdam ako ng hiya nang lahat ng tingin ay nasa akin. Palagay ko ay namula ako.

"T-tanggal na po ako. Wala po akong hawak na rosas."

Nanlamig ako nang humangin.

"Miss Servano ibalik mo ang rosas na kinuha mo."

Servano? Napaatras ang babaeng katabi ko kanina at humigpit ang hawak sa rosas. Kinuha niya ang rosas na hawak ko kanina? Paano? Bakit hindi ko naramdaman?

"Tinatanggal na kita sa pilian Miss Servano. Hindi ko papayagan ang ginawa mong pandaraya at pagkuha sa bagay na hindi dapat sa iyo na makapasok sa palasyo. Maari ka nang umalis." Seryosong anunsyo ng tagapamahala.

Bakas ang takot sa itsura ni Servano. Binitawan niya ang rosas at patakbong umalis.

"Miss Amerson luminya ka na. Alam kong matutuwa ang tagapagsilbi na mapupunta sayo."

Napangiti ako at masaya ang kalooban na sumunod sa sinabi ng tagapamahala.

"Para sa ikatlo at huling pagsubok ng pilian ay ang pagtukoy sa inyong linya ng kapangyarihan."

Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Pagdating sa paggamit ng kapangyarihan ay alam kong hindi ako makakapasa.

Sa tabi ng tagapamahala ay may lumitaw na isang malaking salamin na napapalibutan ng liwanag.

"Ang salaming ito ang tutukoy. Ilalapat nyo ang inyong kamay sa salamin at magbabago ito ng disenyo. Ang maaring linya ng kapangyarihan na mapapabilangan niyo ay pagkontrol ng bulaklak, halaman, puno, bato, lupa, at hayop. Ang may kapangyarihang komontrol ng hayop ay bihira lamang sa ating bayan. Sa ngayon ay tatlo lamang ang may ganitong kapangyarihan, isa na roon ang ating Mahal na Prinsipe."

Dumako ang tingin ko sa Mahal na Prinsipe. Sa palagay ko ay hindi talagang karaniwan ang ganung kapangyarihan dahil sa likas sa hayop ang pagiging mabangis, malaya, at kumilos ayon sa natural nitong katangian. Ang pagkontrol sa kanila ay maituturing na taliwas sa likas ng pagkakalikha sa kanila.

"Kapag walang nangyari sa loob ng sampong minuto ng paglapat ng inyong kamay sa salamin ay kinokonsidera ko itong tanggal na sa pilian. Ibig sabihin lamang nun ay hindi nararapat sayo ang pagkakaroon o pagkatoto ng paggamit ng kapangyarihan sa alin mang nabanggit ko."

Ito na talaga ang magdidikta kung nararapat talaga ako rito. Na kung hindi man ako makakapasa ay talagang sinwerte lang ako sa dalawang naunang pagsubok.

Ang pagkabigo sa huling pagsubok na ito ay siguradong magdadala sa kahihiyan ng sino man at sa pamilya nito.

"Punong tagapamahala may nais lamang po ako linawin."

Napatingin lahat sa isang babaeng kasama namin. Nakataas ang kamay nito seryosong nakating sa tagapamahala. Nabibilang ito sa angkan ng Orhideja.

"Ano iyon Miss Remiro?"

"Hindi po ba dapat na mas nauna itong ikatlong pagsubok sa ikalawang pagsubok? Para po sa akin, mas mahalaga ang kakayahan namin sa paggamit ng kapangyarihan kesa sa aming panlabas na kaayusan at kagandahan."

Umingay ang paligid dahil sa sinabi nito at kumuha iyon ng suporta sa mga nanonood. Ang ilang kasama namin ay sumang-ayon.

"Paano po kung ang mga natanggal sa ikalawang pagsubok po ay may potensyal at nararapat na matuto ng paggamit ng kapangyarihan? Hindi po ba malaking kasayangan iyon?"

Napatingin ang lahat sa tagapamahala. Nakaabang sa sagot nito. Seryoso lamang ito.

"Hindi." Sagot nito at ngumisi.

Marami ang napasinghap at natahimik nang sumenyas ito na tumahimik.

"Hindi iyon malaking kasayangan dahil ang ikalawang pagsubok ay nagtakda rin sa inyo kung nararapat ba kayong manatili sa natira pang pagsubok. Ang hawak nyong rosas ay tulad ng salaming nasa harap nyo. Mas mahina ngunit kaya nitong tukuyin kung may potensyal kayo pero kaakibat ng potensyal na ito ay kung nararapat ba sa inyo ang potensyal na ito at iyon ang layunin ng ikatlo at huling pagsubok."

"Hindi mas mahalaga ang kakayahan nyo sa paggamit ng kapangyarihan, at hindi rin mas mahalaga ang inyong panlabas na kaayusan at kagandahan. Pantay lamang ito at iyon ang mas malalim na dahilan ng ikalawang pagsubok."

"Nawa'y malinaw na sa inyo ang kahalagahan ng pagkakasunod-sunod ng pagsubok sa piliang ito."

Malinaw sa akin sa paarang naging mali ang paniniwala ng babaeng kasama namin. Napakatalino ng tagapamahala para gumawa ng pagsubok sa piliang ito. Pinag-isipan at pinaghandaang mabuti.

Mas naunawaan kong hindi ganun kadali ang makapasok at mabigyan ng oportunidad na mapili upang makapag-aral sa palasyo. Na kaya ang mga nakapag-aral rito ay may mataas na tungkulin sa bayan ay dahil sa sinubok na ang kanilang potensyal.

Ang kaisipang iyon ay nagpabuhay sa aking kagustuhan na maging karapatdapat na mapili rito. Gusto kong malaman kung hanggang saan ang aking potensyal.

"Maari na nating simulan ang huling pagsubok."

Ang una sa pila ay lumapit sa salamin at inilagay ang kamay sa gitnang bahagi. Lumiwanag ang salamin at iba't ibang halaman ang lumabas at gumapang sa iba't ibang bahagi nito.

"Miss Fuegerra, ikaw ay nakapasa. Maari ka nang pumunta sa bahaging iyon."

Napalakpak kami at sinundan ito hanggang sa makapunta sa pwesto na malapit sa kinaroroonan nang mga taong bahagi ng palasyo, tabi ng tarangkahan ng palasyo.

Kinabahan ako sa ikatlong sumubok. Limang minuto na siyang nakatayo at naghihintay sa mangyayari. Pinagpapawisan na siya at limang minuto pa ulit ang lumipas ay sumuko na siya. Natanggal siya.

Ang kaninang nagtanong na si Miss Remiro ay nakapasa at kabilang siya sa kayang kontrolin ang bulaklak.

Hindi na nasundan ulit ang katulad na kapangyarihan kay Miss Remiro. Halaman, puno, bato at lupa. Wala ring kayang kumontrol ng hayop. Ilan na rin ang natanggal.

Nung katabi ko na ang susunod ay matinding kaba na ang nararamdaman ko. Nang pumunta na siya sa harap ng salamin ay ako na lamang ang natira.

Walang nangyari sa buong sampong minuto niya kaya natanggal siya. Nagulat pa ako nang tumingin siya sa akin ng masama. Hindi ko maalalang may nagawa ako sa kanya kaya bakit ganun na lamang ang ginawa niya.

Huminga ako ng malalim at lumapit na sa salamin. Akmang ilalapat ko na ang aking kamay sa gitnang bahagi nang matigil ito dahil sa isang pamilyar na sigaw.

"Viana anong ginagawa mo? Umalis ka riyan!"

Napapikit ako at hindi nilingon ito. Si ina iyon. May sinigaw pa ito pero hindi ko na pinakinggan.

Tinuloy ko ang paglapat ng kamay sa salamin. Pinagmasdan ko ang sarili at ganun na lamang ang gulat ko nang umilaw ito at maraming kalimbahin na bulaklak ang lumabas.

Nakikita ko pa rin sa salamin ang sarili na may malaking ngiti at may luha sa magkabilang mata. Hindi ako makapaniwala pero ito ang totoo, nasa harap ko.

Bago ko inalis ang kamay ay napansin ko ang nag-iisang bulaklak na nasa likod ko mula sa repleksyon ko sa salamin. Kulay kalimbahin rin ito ngunit naiiba ang itsura kesa sa mga bulaklak na lumabas sa salamin. Nilingon ko ang likod ko at pagbalik sa salamin ay wala na ito.

"Miss Amerson, ikaw ay nakapasa."

Napalingon ako sa tagapamahala at ngumiti. Ngumiti ito ng saglit at naging seryoso ulit. Nakatingin lang ito sa akin at tumagal na ikinataka ko. Bumuka ang bibig nito at may sinabi sa walang boses saka inalis na ang tingin sa akin.

"Azalea..."

*****
- btgkoorin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top