WAKAS

| The sad part of this story is its resolution. |

Maingat ang mga hakbang ng paa ang ginagawa ni Dave. Iniiwasan pa sana niyang huwag madumihan ang black shoes na suot pero nadudumihan na ito sa pagtalsik ng mga putik. Kasunod s'ya at kasunod din niya ang iba pang pulis kasama nina Hana at Gerome habang binabaybay ang kasukalan ng kagubatan.

Maputik ang daanan, may mga dahong nagkakalaglagang nililipad ng malamig na simoy ng hangin at may mga patay na bulaklak ang nakakasalubong nila. Matatayog ang mga punong hinahampas ng malakas na hangin at medyo maitim din ang kulay ng kalangitan. Nagpatuloy lang s'ya sa paglalakad hanggang sa marating nila ang pinakagitna ng gubat. Ipinikit niya ang mga mata at inalala ang parte sa kung saan nakita niyang nakatayo't nakangiti si Ayorda.

"Ano ang palatandaan mo sa kinatatayuan niya, Mr. Dela Rosa?" tanong ni Gerome sa kanya. Maging ang binata ay nasasabik na makitang muli ang kapatid kahit pa alam niyang inaagnas na ito sa ngayon.

"Doon", turo niya ilang metro ang layo sa kanila. Mayroong puno roon, puno ng akasyang ang mga sanga ay nakayuko na. Sinundan ni Gerome ng tingin ang itinuro niya at ito pa ang naunang lumapit doon. Sinundan niya ito at tama nga s'ya. Dito niya nakitang nakatayo si Ayorda at kumakaway pa sa kanya.

"Chief!" tawag niya sa chief na kasama nila. Nagsilapitan na rin ang iba pa.

"Dito", turo niya sa parte ng lupang nakita niya sa panaginip niya. Palatandaan niya ang puno ng akasyang may yumuyuko nang sanga.

"Hukayin ninyo na ito", utos ng chief sa mga kasamang pulis na nagdala pa ng pala.

Sinimulang hukayin ang lupa at tinitingnan lamang ito nina Gerome, Dave at Hana. Inilagay ni Dave ang kanyang kamay sa bulsa habang naiisip na sa tinagal-tagal ng panahong iginugol nila para mahanap ang sagot sa kasong ito, ngayon ay mawawakasan na ito. Inilinga niya ang mga mata sa paligid at natatandaan na nga niya ito. Ito ang lugar na pinangyarihan ng krimen. Napag-alaman niyang ang mga bangkay ng lalakeng iniuwi ni Andrea sa kanyang bahay ay ang mga lalaking nakasama ni Pet sa paggawa ng krimen. Ang iba ay nadamay lamang at nadala lang sa tawag ng laman.

Nang matapos hukayin ang lupa ay sira-sira na ang sakong ginamit pambalot sa kanya. Napatakip sa kanyang bibig si Hana at napaiyak na lamang. Marahan nilang tinanggal ang sako at tumambad sa kanila ang isang naaagnas na bangkay. Hindi na ito makilala pero tiyak ni Dave na s'ya na ang kapatid ni Gerome. S'ya ang dalagang bumalik upang maghiganti at ngayon, gusto na niyang magpahinga.

Walang magawang tiningnan na lang ni Gerome ang kapatid, wala nang buhay at isa nang kalansay. Kailangan na lang niyang tanggapin na ngayon, makakapagpahinga na si Ayorda.

"Tapos na ang paghihirap ng kapatid ko", ani ni Gerome habang pinapagaan ang loob ng kaibigan ni Ayorda, si Hana.

"She can rest now", sang-ayon ni Dave na sinusundan ng tingin kung paanong buhatin ng mga pulis ang bangkay.

May bahid ng lungkot na sinulyapan ni Gerome si Dave. "Maraming salamat, sir Dave."

"Lahat ng nangyari ay magkakakonekta sa isa't isa. Lahat ng taong nakasalamuha ko, magkakakonekta sila, kayo", ani ni Dave. Blangko ang mukha ni Dave, hindi magawang ngumiti pero makikita sa kanyang mga mata ang lungkot. Hindi siya lumuluha pero sa loob-loob niya, nasasaktan siya nang sobra. Aalis na sana siya nang magsalita pa si Gerome.

"Nakikiramay rin ako sa kaibigan mo".

Matamlay, seryoso at kalmado ang kanyang mukhang  tumango na lang. Hindi niya kayang ngumiti sa ngayon at tanging tango na lang muna ang maibibigay niya.

"Nakikiramay rin ako sa pagkawala ng kapatid mo", ganti ni Dave at sinundan na ang iba pang pulis na nagsisialisan. Ang iba ay naroroon pa, kinukuhanan ng mga larawan ang paligid.

Bigla na lang may kamay na umakbay sa kanya  habang naglalakad siya at nang tingnan niya ito, si Pet ang nakikita niya. Napaatras siya at laking pagtataka ni chief sa inasta niya.

"Okay ka lang, Dave? Baka mabaliw ka diyan ah. Kanina ka pa tahimik", puna ng chief sa kanya.

Tumango na naman siya nang walang kabuhay-buhay. "Okay lang ako,chief", saad niya at pinilit na ngumiti. "Hindi ko lang matanggap", dugtong niya at umiwas ng tingin. Pakiramdam niya ay may mga luha ang gustong tumulo mula sa mga mata niya.

Hinawakan siya sa balikat nito. "Kaya mo 'yan", nakangiti na siya nitong iniwan. Naiwan siyang tahimik pa rin at bumuntong-hininga na lang.

Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad at hindi niya maiwasang maisip na sana ay mas nakasama pa niya ang kaibigan. Hindi niya magawang kamuhian ang kaibigan kahit pa gano'n ang ginawa nito. Alam niyang lahat ay nangyari dahil may dahilan, may mabuti at masamang nangyari.

Kung sana ay noon pa niya nalamang si Pet lang naman pala ang puno't dulo ng lahat, sana nakasama pa niya ito nang matagal.

         
MALUNGKOT na nakatunghay si Patrick sa harap ng kabaong ng kanyang mahal na ate. Hawak ang kamay ng kanyang inang nakatulalang tinititigan ang magandang larawan ng kanyang anak na dalaga. Sa ibabaw ng kabaong ay nakapatong ang larawan nito, bakas na bakas ang kasiyahan, katatagan ng loob nito bilang babaing may paninindigan at prinsipyo. Si Hana ay hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nakikita. Katabi ang kuya ng kanyang kaibigan ay hindi niya mapigilan ang sariling mga mata sa pagluha.

"Kuya--," nagsimula na siyang mapahikbi. "--nakasama ko s'ya bilang si Andrea pero bakit huli na nang malaman kong s'ya pala ang kaibigan ko?"

Tumingin sa kawalan si Gerome at bumuntong-hininga bago sumagot.

"Walang nakakaalam na nabuhay ulit siya pero hiram na katawan na lang. Hindi natin inakalang mangyayari lahat ng ito. Walang nag-akala pero ngayong nangyari na, tanggapin na lang natin".

Nasa ganoon silang pag-uusap nang dumating si aleng Eda. Matamlay din ang aura ng hitsura nito kagaya nila. Napayuko pa ang ginang pagkaharap kay Gerome at kanyang tinuran ", Nakikiramay ako, Gerome. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko noon".

Nginitian na lang ni Gerome ang babae kahit na mahirap para sa ngayon ang pagngiti.

"Kalimutan na po natin, 'yon, aling Eda. Magsisimula ulit kami".

"Pasensya na talaga", paumanhin ulit nito saka umalis.

Tiningnan s' ya ni Hana na namumugto ang mga mata.

"Ano'ng plano mo kay tita?" tanong niya at tiningnan ang ina ni Gerome na nasa harap pa rin ng kabaong ng anak. Tiningnan din ni Gerome ang ina. Hindi niya maiwasang maisip na mahirap ito para sa kanya pero wala s'yang magagawa lalo na at ang oportunidad na ang lumapit sa kanya.

"Ayoko man nito pero nagpresinta na si detective Dave dela Rosa na s'ya ang tutulong para maipagamot ko si mama. May kaibigan daw siyang psychiatrist na magtsitsek kay mama. Nangako na rin ako sa sarili kong kapag nakaipon na ako, lilipat kami ng bahay". Pagkatapos niyang sabihin ang mga ito ay tumingin siya kay Hana.

"Magsisimula ulit kami".

"Si detective Dave?" namangha ang dalaga sa narinig. "Bilib ako sa kanya. Nawalan din siya ng kaibigan pero nagagawa pa rin niyang tulungan ang iba. Bakit niya kaya ginagawa 'to".

Ngumiti si Gerome nang mapagtanto ang sinabi ni Hana. Totoo ngang may mga mabubuti pa ring tao ang natitira sa mundong ito. Kung sino pa ang mga taong nawalan, sila pa ang handang tumulong sa iba.

"Inalok niya rin ako ng trabaho", masaya pang dugtong niya.

Napangiti na rin si Hana. Makakampante na syang magiging maayos na ang buhay ng mag-iina kahit pa wala na ang kapatid nila. Kahit wala na ang kaibigan niya, alam niyang masaya na ito ngayon.

                       _______________________

                                               Dave

"Teka! Wala akong kasalanan!"

Sinundan ko na lang ng tingin ang ama ni Emalyn na ipinapasok ng mga pulis sa bilibid. Hawak pa rin ng bata ang kanyang manika at yakap-yakap s'ya ng kanyang ina. After the case of Ayorda, I just found out Emalyn's father abused her before too. This is why she's scared of touch or any physical contact. Her uncle abused her, her father also did. I can't imagine some fathers will do this in their own daughters.

LUMAPIT ako sa isa sa mga nakakulong dito. Nakahawak siya sa selda at malalim ang iniisip. Hindi pa nga niya yata napapansing nasa harap niya ako pero mayamaya, tiningnan niya rin ako.

"Dave, hindi ko sinasadya".

Umiling-iling lang ako at isinagot sa kanya ", Kayo ang gumagawa ng kapalaran ninyo. Sana pinag-isipan ninyo muna ang desisyon ninyo bago ninyo ginawa."

Lumapit pa ako lalo sa kanya at binalingan ang mga kasama niya sa loob. "Buti hindi niya kayo isinama", sabi ko pa. Magtatanong pa sana siya pero iniwanan ko na siya ng isang matalim na tingin.

"Goodluck, Tito Ronald", pamamaalam ko na lang sa kanya at umalis na.

HINDI totoo ang katawan ni Andrea. Panlilinlang lang ang nangyari at ang may kagagawan ng mga pagpatay ay hindi ang Ayorda na nakilala ng pamilya niya kundi ang Ayorda na nagpatalo sa galit at demonyong bumubulong sa kanya. Nang magkaroon ng lamay para kay Ayorda, tuluyan nang nawala si Andrea.

I have a thought that the demon who helped her is the demon Asmodeus. Asmodeus is one of the princes of hell in the seven deadly sins. Each sin has a prince and Asmodeus specializes spreading lust and revenge. Asmodeus is either the husband or son of  Lilith ( the mother of all succubi). A succubi, also known as succubus is a female demon that seduces men in their sleep and engages them in a sexual intercourse. Sa panaginip ko noon, may nakita akong isang nilalang na may tatlong ulo. Hindi ko na 'yon pinansin dahil akala ko ay guni-guni ko lang ang lahat. Si Asmodeus ay may tatlong ulo: isa kagaya ng sa tupa, isa kagaya ng sa ulo ng bull at ang isa ay ang ulo ng lalaki.

Asmodeus is a demon of lust and is therefore responsible for twisting people's sexual desire.

Akala ko noon, ang lahat ng mga misteryo ay may paliwanag pero sa ngayon, may mga misteryo palang hindi kailangan ng paliwanag kundi pagtanggap. Nalaman din naming walang pamilya ang Andrea dahil ang pamilya niya ay sina Gerome, kapatid at nanay nila. May kutob din akong hindi  iisang demon ang may gawa nito. Puwedeng marami sila at nagpatalo naman si Ayorda.

Pinasok din ng mga pulis ang opisina niya at natagpuan sa mga drawers niya ang mga drawings sa mga papel na puro X at paulit-ulit na nakasulat sa mga papel na 'yon ang katagang ", Kung oras mo nang mamatay, wala na akong magagawa ngunit kung hindi mo pa oras, ako na mismo ang gagawa".

Demons are unbelievable but they actually exist.

They help humans too but they want something in return. Hindi sila papayag na walang kapalit.

Evils are powerful. Sa oras na matalo ka nito, wala ka nang kawala. Sa galit ni Ayorda, pati mga lamang-loob ng taong kinamumuhian niya, kinuha niya sa mga katawan nila. Gumanti siya pero ang kapalit na gusto lang naman niya ay hustisya.

She's not a ghost. She's an evil. She's not the Ayorda they knew before.

Magmula nang patayin siya, hindi na siya si Ayorda.

She's the devil.

"SABING wala akong kasalanan e", pagpupumilit pa ng tatay ni Emalyn pero isinilid na s'ya sa kulungan.

Tiningnan ko ang mag-inang nakaupo. Hindi pa rin sila umaalis dito sa presinto. Niyayakap ng ina ang kanyang anak at naalala ko rito si mama. The reason why I'm kindhearted in these type of people is because my mom was abused too when she was just a child. Her stepfather abused her and she can't do anything those times but only to cry.

Emalyn's mother has her job and her husband is a househusband. She seldom goes home and doesn't have an idea her husband is abusing her daughter's innocence.

The day my mom told me she was sexually abused, I promised in myself I won't let it happen in other women, not even in my future girlfriend and wife. I wanted to be a doctor when I was just a child but I became a detective instead. I'm currently happily contented in my job. I am, especially everytime I will see the smiles on their faces, peace they granted and justice they have met but there's one thing bothering me--it's the sadness I've been hiding. Hindi ko pa rin matanggap na ang isa sa inspirasyon ko kung bakit tumutulong ako sa iba para makuha nila ang katarungan nila, wala na. Mom's already in heaven. She lost her breath while I was investigating a crime assigned for me. Ito rin ang dahilan kung bakit minsan ay sinisisi ko ang sarili ko. Inuuna ko ang iba pero pakiramdam ko, wala akong oras sa pamilya ko.

Another woman that has played her memorable role in my life is my girlfriend eight years ago. She suffered in a  mental disorder called schizophrenia.
Schizophrenia is a serious mental illness that affects how a person thinks, feels, and behaves. People with schizophrenia may seem like they have lost touch with reality, which causes significant distress for the individual, their family members, and friends. They experience severe hallucinations.

Ang simpleng kuwarto ay nakikita niya bilang isang impiyernong maraming nakapalibot sa kanya, ang isang simpleng tao ay nakikita niya bilang isang taong papatayin siya. Genetic ang naging dahilan ng pagkakaroon niya nito.

"Yvette, it's me, Dave, your boyfriend".

Nakatingin lang siya sa malayo at bigla siyang nagtakip ng tainga. Minsan ay bigla siyang tatawa o iiyak, may ituturo at tatakbo palayo.

"Sir Dave," narinig kong boses ng nurse niya sa likod ko. Tumayo ako at nilingon ko siya.

"How is she?"

"Ayokong sabihin 'to pero lumalala na ang schizophrenia niya. Sinabi na ba sa inyo ni Dr. Mendez na nahihirapan na rin siya?"

Kung nahihirapan sila, paano naman ako? Kapag nawala siya, susundan ko siya.
Napayuko ako. Sobrang sakit ng mga nararanasan ng girlfriend ko ngayon. Sobrang hirap tanggapin.

"Sinabi na niya sa'kin", sagot ko habang hinahabol ng tingin ang girlfriend kong nagtatago sa ilalim ng mesa yakap ang mga tuhod.

"Sabi niya ring dasal na lang ang makakaligtas sa kanya."

Hinarap ko ang nurse niya. "Kung iiwan niya ako at mawawala siya, walang magiging silbi ang dasal ko, 'di ba?"

"Sir Dave, prayers are powerful. May milagrong nagaganap minsan kapag nagdasal ka at pinakinggan ka niya".

Nagdasal naman ako sa Kanya. Humiling ako sa Kanyang huwag muna siyang kuhanin sa'kin pero kinuha pa rin siya.

Akala ng mga tao lalo na ng mga babae, malakas kaming mga lalaki. Akala lang nila 'yon dahil kaming mga lalaki, hindi namin madalas ipakita ang totoong emosyon namin. Akala lang nila pasimple-simple lang kami at kaya namin lahat. Hindi nila alam, nahihirapan din kami pero hindi namin ipinapakita dahil ang pagkakakilala ng lipunan sa mga lalaki, matatag at sinasabihan pang mahina at duwag kapag nagpapakita ng kahinaan: ang pagluha at pag-iyak.

Pumara na ako ng taxi dahil hindi ko dinala ang kotse ko. Nilingon ko ang presinto at ang paligid ko bago pumasok sa loob ng kotse.

Kinuha ko ang phone ko at nakita ang larawan namin ng bestfriend ko na naging kapatid na ang turing ko.

Pet, pasensya na.

I failed to save you but in other side, you deserve to accept your fate too.

Kaya pala medyo nagbago siya noon. Wala siyang kinukuwento tungkol sa utang sa kanila nina Gerome. Naging secretive din siya noon.

And about the dating sites stuff, kaya pala niya ginawa 'yon ay dahil gusto niya pa ring makipaglaro sa mga babae. Stupid me. Huli ko na nalaman. Buong buhay ko, hindi ko inasahang ganoon ang kaibigan ko. Akala ko kilala ko siya. Akala ko lang pala. Iba pala ang ipinakita niya sa akin at iba pala ang totoong siya. Kahit gano'n ang kaibigan ko, nasasaktan pa rin ako. Hindi ko pa matanggap.

Gusto kong umiyak pero hindi ko kaya.

Everything happens for reason.

I lost my 6-year girlfriend, my loving mother for 29 years and a bestfriend for 8 years. I'm in pain too but I still choose to help others who need it coz I know how painful it is to lose a person you love the most.

Justice is all we want. Helping others while I'm breathing is my goal. If Ayorda's last mission was to accomplish her mission, mine is to offer my help in others who need it.

                 
           

  

If Ayorda's destination is heaven or hell, the answer is unknown and it will remain a mystery.

This is Detective Dave dela Rosa, a man who lost two beloved women in his life, lost an 8-year bestfriend but still tries to continue life no matter how hard it is.

                                             WAKAS

                   

Ayorda:

Taos-pusong pasasalamat ang nais ipabatid ng may-akda sa kanyang mahal na mga mambabasa.

Nagpapasalamat din ako sa inyo sa pagsuporta ninyo sa akin bilang si Ayorda.

Nagmula lang ako sa malawak na imahinasyon ng manunulat na si Alex pero nagpapasalamat ako at nakarating kayo sa parteng ito. Sa parteng 'to kung saan ay kailangan ko nang magpahinga dahil tapos ko nang gawin ang misyon ko. Sana ay may natutunan  kayo at matandaan ninyo ang lahat ng aral na nakapaloob sa storya ko.

"Demons are real but don't let it own you. Minsan, ang taong akala mong kilala mo ay hindi mo pa pala kilala. Our world is surrounded by mysteries. Just open your eyes and see the other side of the world".

- detective Dave

"Kapag nawalan ka ng isang kaibigan o kahit sinong taong mahalaga sa'yo at alam mong hindi na siya babalik, isipin mo na lang na masaya na siya para sa'yo at masaya na rin siya kung nasaan siya."

- Hana


"If you think your ghost  from the past won't haunt you, you're wrong. Darating ka sa panahon na mumultuhin ka ng nakaraan mo at ang magagawa mo na lang ay pagsisihan 'yon. Mas mabuti pang pag-isipan mo muna ang isang bagay bago mo gawin".

-Detective Pet 


"Magpakatatag ka kahit gaano pa kahirap. Hindi sagot ang paggawa ng mali sa hirap na dinaranas mo. Balang araw, makakaahon ka. Kung ngayon ay nasasaktan ka at iniisip mong sumuko na lang, isipin mo kung paano ka nag-umpisa".

-Gerome

"Looks can be deceiving. Don't let it fool you. Trust is a precious thing you shouldn't give easily at anybody. Minsan, nakasalalay sa pagbigay mo ng tiwala ang buhay mo: kung mapapahamak ka o maliligtas ka pa."

-Alex

Naipamalas ng kuwentong Ayorda ang mga bagay na ito sa kabuuan ng storya:

1. KAHIRAPAN- Kapag mahirap ka, api-apihin ka.
2. LIPUNAN- Kapag namoblema ka, hindi lahat tutulungan ka. Ang iba, kukutyain ka pa.
3. HUSTISYA- Hindi lahat nabibigyan ng hustisyang kailangan nila.
4. SIKRETO- Walang lihim na hindi nabubunyag.
5. MISYON- May mga tao sa mundo na kung ano ang misyon nilang ginusto nilang gawin, gagawin nila dahil 'yon ang misyon nila.
6. KABUTIHAN- Kahit marami na sa mundo ang halang ang bituka, mayroon pa ring iilan ang handang tumulong sa iba kahit pa sila rin ay nawalan.
7. PAG-ASA- Pagkatapos ng pagdurusa, may panibagong pag-asa.
8. PAMILYA- Pamilya ang grupo ng mga taong magpaparamdam sa'yo ng totoong pagmamahal.
9. PANLABAS NA ANYO- Hindi lahat ng maganda sa paningin, maganda rin ang sa'yo ay gagawin.
10. KAIBIGAN- Ang totoong kaibigan ay mahirap kalimutan, hanapin at at bitiwan.
11. EMOSYON AT DAMDAMIN- Mas magaling magtago ng nararamdaman ang mga lalaki kaysa sa babae pero kapag ang babae ang nakaramdam ng emosyon, mahirap para sa kanyang kalimutan 'yon dahil habang nabubuhay siya, ramdam niya pa rin ang ipinaramdam sa kanya.
12. MALUNGKOT O MASAYANG WAKAS- Ito na ang wakas.

It's a pleasure to bring you different emotions, reactions and feelings in the entire  story: pity, love, concern, laughters, amaze, hate, anger, surprise, sadness and happiness. Thank you all for the wonderful efforts. Thank you: @itsmeabc1 ,VBomshell
ChaliceMoon     Toxic_Vixen
Hermana_Choda

I hope everyone's doing fine. Lovelots. 💙

   Love,
dixie_alexa

AYORDA

Written by: dixie_alexa

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Drafted in January 2019

Published in Wattpad March 2019
Ended in June 1 2021

                              All rights reserved 2021

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top