UNANG KABANATA

Dave POV

Ibinaba ko ang hawak kong dyaryo. Ininom ko ang binili kong Sprite kanina sa labas bago ako pumasok ng opisina. Hindi na ito malamig kagaya ng kanina pero pagtitiyagaan ko na. Abala rin kase ako sa pag-type kanina sa laptop at napahinto lang nang makaramdam ng uhaw.

Napapikit ako at ipinagpahinga muna ang mga daliri at kamay kong namamanhid at nangininig na rin sa pagiging pasmado. I can't deny that my job is really tiring and consumes most of my energy. Hindi lang ito basta trabaho dahil kailangan maging mabusisi at maayos ang lahat ng ginagawa ko. Dito rin naman ako masaya kahit pa ayaw ito nina mom and dad para sa akin.

"Uy!" saad ng taong nasa likuran ko at tinapik pa ang balikat ko.

Naiinis na nilingon ko ang boses na iyon. Si Pet lang naman pala, ang workmate at bestfriend ko since highschool at siya rin ang maituturing kong bestfriend dito sa Secrecy Investigators' Office Department.

Umupo siya sa tabi ko at mabilis niyang kinuha ang Sprite ko. Walang pakundangan na ininom niya iyon. "Busy masyado ah?"

"Ano pa nga ba. May kaso pa 'kong inaasikaso eh," walang buhay na sagot ko habang sinasamaan siya ng tingin. Halos ubusin na niya ang Sprite na ako naman ang bumili. Kahit kailan talaga, napakahilig niyang kumuha ng hindi sa kanya.

Umusod siya sa' kin at eksayted na nagsimulang magkuwento. "Malupit 'yong nabalitaan ko, Dave."

"Ano na naman?"

"Alam mo na ba ang nangyari sa East Crossing sa San Riewo? May dalawang sasakyan ang nagbanggaan. It's frightening, Dave," pabulong na dugtong niya habang nililinga-linga ang reaksyon ng mga kasamahan namin.

"Hindi ka pa ba sanay, Pet?" walang ekspresyon lang ang mukha kong pinapakinggan siya habang tinitingnan ang phone ko.

"Kung ako sa'yo, asikasuhin mo na ang trabaho mo. Marami pa akong gagawin. Bukas nga mangangalap pa ako ng mga evidences na magagamit ko."

"Dave," humina ang boses ni Pet na kanina lang ay puno ng excitement.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Mga busy sila, may nagta-type, may kausap sa telephone at may mga inaayos. At si Pet--

Ipinatong niya ang dalawang kamay sa table ko at kukuhanin pa sana ang Sprite ko para ubusin iyon pero inunahan ko na siya. Hinablot ko sa kanya ang Sprite ko at ako naman ang lumagok. Para hindi na siya makainom pa, inubos ko na ito.

"Hindi lang 'yon basta kaso ng banggaan, bro. Pareho silang lalaki na may iisang paraan ng pagkamatay."

"Of course, Pet. As what you've said, it's a case of death because of the accident happened on them. The two vehicles made a strong impact kaya hindi sila naka-survive," sagot ko na lang dahil pangkaraniwan naman ang ganitong kaso. Nabalitaan ko rin ang nangyari kaya alam ko.

"It's not," giit niyang makikipagtalo pa sa'kin.

"How would you explain the bites on their necks? Dave, ako yung nando'n kasama ng mga pulis sa crime scene. I swear, hindi ito ordinaryong kaso lang. I need to investigate this. I need to prove na hindi tao ang may gawa niyon," determinadong magkasalubong ang kilay niyang saad.

Kilala ko siya. Kapag ganito ang hitsura niya tungkol sa isang bagay, I'm sure gagawa at gagawa siya ng paraan para mangyari iyon. If he says he will investigate it, he really will.

"Ano pa ba ang ibang ebidensya na hindi tao ang may gawa niyon?" maotoridad kong tanong. Mukhang nakakaramdam na rin ako ng interes sa kasong ito. Parang kakaiba ang isang ito.

"Yong mga kagat sa leeg nila, masyadong malalim. We found them dead for about 4 hours."

Natahimik ako sa sinabi niya. Mukhang mabigat at mahirap ang isang' to.

"Then?" I ask curiously looking into his eyes.

"Maraming dugo ang nawala sa kanila dahil na rin sa mga kalmot na nasa katawan nila," he continues while his face is still asking, asking for answers. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso nang sinabi niya ang mga iyon.

Napakunot-noo ako. Nakakapagtaka kung ganoon.

Ano kamo?

I heard it in the news. Ang sabi lang, namatay sila dahil sa aksidente pero walang nabanggit na ganito. "Is that true? Pero bakit hindi 'yan nabanggit noong ibinalita?"

"Listen first. They are both tragically murdered. Alam mo sa totoo lang, no' ng nakita ko 'yon, it's a kind of unordinary death!"

I creepily stare at my curious bestfriend . He looks like a child who badly wants to satisfy his needs in curiosity. He has huge muscles and broad shoulders but based on what I'm seeing right now, he's scared.  Nanahimik siya pagkatapos ng mga sinabi niya at ako naman ang nagtatakang napatanong.

"What do you mean tragically murdered? Is it kind of killing just how killers in Wrong Turn killed their victims?" pagbibiro ko pa.

It's my hobby sometimes to have a joke in serious moments. I don't know why but I think my head and conscience are reversed.

Sumeryoso ang mukha niya, hindi na siya ngumingiti at nararamdaman ko na ang climax sa kinukuwento niya. "Dave--" pagputol niya sa sinasabi niya.

???

Kunot ang noo kong sumeryoso na rin ang mga tingin sa kanya.

"They are both naked."

Nanlaki ang mga mata ko. Ang gulo naman ng kasong 'to. Pakiramdam ko'y nai-imagine ko ang mukha ng dalawang victims dito. I feel sorry for them.

Bakit pa kailangang hubaran?

Baliw na ba ang may gawa nito?

"And their manhoods were amputated."

"It was a bloody manhood amputation!" napasigaw pa siya sa pagkakasabi ng bloody amputation. Lahat ng iba pang detectives ay gulat na rin ang mga mukhang napalingon sa kanya.

"What the heck?!" It just hit me there. His words amazed me and my interest.

Napatingin ako sa pagkalalaki kong nasa pagitan ng dalawang hita ko. All my life as an investigator/detective and being a man, I know at some point na may pagkakapareho ang nararanasan ng mga babae at we; men when it comes in abuse, harassment and death.

I think I'm curious in this weird case. I want to know who the hell is the one who did it.

What's his/her goal? Why did he/she did it?

I'll find you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top