IKATLONG KABANATA
Maririnig sa buong paligid ang ingay na nagmumula sa pagpapatugtog ng dj ng mga tugtog na puno ng sigla at sayang sinasamahan pa ng ingay ng mga tao sa kanilang pagkukuwentuhan at pagkakatuwaan.
"Saan mo gustong pumunta pagkagaling dito?" tanong sa kanya ng binatang katabi niya habang umiinom ng alak at pasimpleng tinitingnan ang binti ng magandang dalagang nasa harap niya ngayon.
Nakangisi at makahulugan siyang sinagot ng dalaga. "May inireserba akong lugar para sa atin."
"Mukhang gusto ko yan ah." Ngumisi na rin ang estranghero nang marinig ang sagot nito.
Itinaas ng dalaga ang kanyang kopita at ganoon din ang ginawa ng lalaki.
"Cheers?"
"Cheers."
Pagkatapos ng kanilang oras sa loob ng bar ay dinala niya ang binata sa kanyang kotse. Pasuray-suray na ito at pumipikit-pikit na ang mga mata subalit nagagawa pa ring hawakan ang kanyang dalawang hita at unti-unti pang sinasamsam ang init na umaakyat mula sa kanyang katawan na dumadaloy hanggang sa kanyang kaugat-ugatan.
Humalakhak ang dalaga't napangiti na lang. Ngayon ay panibagong pagkain ang kanyang matitikman, isang panibagong masarap na putahe.
~~~~~
"Kuya?"
Natigilan si Dave sa ginagawang pagpapakatatag ng mga mata at paglaban sa sariling antok sa harap ng monitor nang tawagin siya ng kanyang kapatid.
"Uy, nandyan ka pala. Bakit?" tanong niya ritong bigla na lang sumusulpot sa kalagitnaan ng gabi. Kung isa siyang matatakuting tao ay nagulat na siya o inatake sa puso kanina pa.
Abala siya ngayon sa pagko-convert ng codes na nahanap niya sa kanyang secret files. Iniunat niya ang dalawang kamay, pinatunog ang mga daliri at humikab-hikab na isinubsob ang ulo sa mesa.
"Bakit 'di ka pa natutulog?" tanong ng nakababatang kapatid na si Daryl at tiningnan pa ang kanyang monitor.
"Tingnan mo naman," tiningnan ni Dave ang monitor niya. "Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko saka binabasa ko rin 'yong online site na may na-research ako tungkol sa naranasan ko noong nakaraang gabi. Matagal na rin mula nang makapanaginip ako no'n e."
"Tungkol saan ba 'yan?" interesadong tanong ni Daryl. Sa edad na 15 nito ay marami na ring alam sa computer at may hilig din ito sa panonood ng mga documentaries at movies containing mysteries. Sa kanya nagmana ang batang ito sa pagiging curious sa mga bagay-bagay.
Napahikab na naman siya. Inaantok na siya pero nilalabanan niya ang antok na nararamdaman. Tuwing gabi mas gumagana ang isip niya. "About Incubus and Succubus."
"Hala ka kuya! Lagot ka diyan. Baka naman dinedemonyo ka na ng trabaho mo ah," tatawa-tawang biro ng kapatid. Sinusubukan pa niya siyang takutin, alam naman niyang sanay na ang kuya niya rito. Sadyang hindi lang siya matatahimik kapag may mga katanungan sa isip niya at hindi niya mahanap ang sagot.
"There are really things that cannot be explained by science."
Malalim ang pang-unawa ng Kuya Dave niya pagdating sa ganitong mga bagay kaya nga napadpad ito sa ganitong uri ng propesyon. Mahilig siya sa paghahanap ng mga sagot sa misteryo at kahit hindi pa niya nararanasan ang isang bagay, pinaniniwalaan na niya ito. Mayroon ding mga bagay na inia-apply niya ang katagang, "To see is to believe."
Umupo sa tabi niya ang kapatid at nakinig sa mga susunod niya pang sasabihin.
"Do you believe in demons, kuya?"
Ngumiti ang kanyang kuya. Sumilay sa labi nito ang isang matamis na ngiting nagpadagdag ng appeal nito bilang isang lalaking may kaguwapuhang ibubuga.
"Of course I do. Demons live inside us and sometimes they win--", malalim ang sagot nito pero nauunawan na niya ang lengguwahe ng kanyang kuya.
"--And demons are not only created by us. Sometimes, they are real especially when we let them to be."
¶___________________¶
"Nandito na tayo."
Bumaba na rin ang kasama niyang binata, kinukusot-kusot ang mga matang tiningnan kung nasaan sila nang mga oras na ito. Kanina lang ay nasa kotse sila at ngayon nagtatakang nandito na sila sa sinasabi nitong lugar.
"Nasaan tayo?"
"Hindi ba gusto mo akong masolo? Gagawin na natin iyon." Inilapit niya ang mukha sa mukha ng binata at nang-aakit na kinagat ang kanyang labi.
Hinila niya ang kamay nito at naglakad na sila papasok sa abandonadong bahay. Sa may geyt pa lang ay maaamoy na ang nabubulok na amoy ng pinaghalu-halong amoy ng alikabok, patay na daga, at mga makalumang kagamitan.
Pagkapasok ay palinga-linga pa rin ang binatang hindi makapaniwalang sa ganitong paraan at sa ganitong lugar niya maaangkin ang isang sexy na dalaga. Sabik na itinulak ng dalaga ang lalaki sa isang lumang sofang inaalikabok na.
Napahiga ito at hinintay siyang umibabaw sa kanya. Unti-unti na ring nakakaramdam ng paninigas sa pagkalalaki ang binata subalit hinihintay niya pang mas lumapit sa kanya ang dalaga. Dahan-dahan siya nitong ginapang at ang posisyon nila sa ngayon ay siya ang nasa ilalim at nakapaimbabaw sa kanya ang dalagang kanina pa niya pinapantasya.
Napapangising napadako ang kanyang mga mata sa malulusog na harapang parte ng babae. Kay sarap hawakan, kay sarap pisilin at paglaruan. Nasasabik na siya at nais na niyang sunggaban ito, angkinin at huwag nang pakawalan.
"Handa ka na ba?" mapang-akit ang malamyos na boses nito at napatangu-tango na lamang siya.
"Kanina pa," natatakam na hindi niya inaalis ang mga titig sa kabuuan ng katawan ng babae.
Sinimulan niyang hubarin ang suot na itim na t-shirt ng lalaki at isinunod ay ang pang-ibabang zipper nito. Kinakagat pa niya ang kanyang labi habang pinupukulan ng mapang-akit niyang mga titig ang kawawang binata.
"Ugh," napapaungol na ang lalaki habang hinahawakan nito ang kanyang tiyan pataas sa kanyang dibdib at leeg. Mariin ang bawat pagdampi ng kanyang mga kamay at nag-iinit pa lalo ang kanyang katawan.
Tumayo ang binata. Ipinagpalit nito ang kanilang posisyon at itinulak ang dalaga pahinga sa upuan. Nagulat ang dalaga sa ginawa ng lalaki subalit alam niyang sa ganitong paraan ay mas makakamtan niya ang kanyang ninanais. Ikinawit niya ang kamay sa leeg nito at ipinulupot ang dalawang paa sa beywang nito.
Init ang namamayani sa pagitan ng dalawa habang nagpapalitan ng maiinit na halik, paglalakbay ng mga kamay sa iba't ibang parte ng katawan at pagdikit ng labi sa pisngi, tenga at leeg. Nasisiyahang kinakagat-kagat ng binata ang kanyang tenga, dinidila-dilaan at halos lunukin na nang buo. Hindi pa ito nakuntento at masiglang pinisil-pisil ang kanyang beywang at dibdib. Sa bawat pagpisil ay ramdam niyang napapaso na siya sa sariling pagtawag ng laman.
Hinubad nito ang kanyang pulang dress kagaya ng lagi nitong suot na walang ibang kulay kundi pula. Habang inaalis ang kanyang suot ay hindi naaalis ang pagpapalitan nila ng nilalasap na mga halik ng bawat isa. Nalalasahan na nila ang laway ng isa't isa habang nilalaro at pinaiikot ang kanilang mga dila sa loob ng mga labi.
Malamig man ang pumapasok na hangin mula sa mga bukas na bintana ay mainit namang pagniniig ang kanilang pinagsasaluhan. Matagumpay na naialis ang kanyang suot at tumambad sa kanyang naglalaway na mga mata ang kanina niya pa pinagnanasaang langit.
Halos tumulo ang kanyang laway at malaglag ang panga sa kasalukuyang nakikita ng sariling mga mata. Ikinawit niya ulit ang mga kamay sa leeg ng binata at binulungan ito, "Magpakasaya ka ngayong gabi."
Takam na takam nitong pinisil ang malulusog niyang dibdib. Marubrob na sinisiil ng halik, hayok na sinisipsip pa ang dibdib at balay ng dalaga.Napapaungol pa silang dalawa sa kakaibang sayang dinaramdam. Sinunggaban siya ng dalaga at tila gusto na niyang lunukin ang buong pagkatao nito sa paraan ng mas malalalim pang mga halik. Isinubsob niya ang lalaki sa kanyang dibdib. Mas hinigpitan ang pagkapit ng kanyang mga paa sa beywang nito at nasasabunutan na niya ito.
Nagsimula namang maging itim ang kulay ng buong mata ng dalagang nasisinagan ng ilaw mula sa labas. Pati ang mga kuko nito ay nag-umpisa nang humaba at ikinalmot niya sa likod ng binata ngunit hindi ito natitinag sa pagpapaligaya ng sarili. Hindi pa niya nararamdaman ang hapdi sa kalmot nito.
Mayamaya pa ay hinalikan niyang muli ang leeg nito. Marahan sa umpisa subalit habang tumatagal ay nakakaramdam na ng sakit ang lalaki. Bigla ay kinagat nito nang mariin ang leeg niya at ang kanyang ginawa'y nag-iwan ng marka. Kinuha niya ang kamay ng lalaki, inilagay sa kanyang mga dibidb nang nakapikit.
Ngumisi siya sa binata. Kung alam lang nito kung ano ang panganib na tinahak niya.
Napatayo ang lalaki dahil humahapdi at sobrang sakit ng kanyang leeg na parang binabali ang kanyang buto roon. Naitulak niya ang dalaga sa takot. Nahihintakutan siyang nagtatakbo matapos rumehistro sa kanyang isip na maaaring katapusan na niya.
"Hindi! Huwag!"
Sinubukan niyang makaalis at makalabas pero nagsara na lang bigla ang lahat ng bintana at pinto.
Tumayo ang babae at hinabol siya habang nakangisi. Mabagal lang ang mga hakbang ng paa niya. Bawat pagtapak ng kanyang mga paa ay lumalagitngit ang sahig na pagiba na sa kalumaan nito pero pakiramdam ng binata ay tumatakbo ito palapit sa kanya. Nagsisigaw ng tulong ang kawawang binata subalit walang nakakarinig sa kanya. Malayo sa mga kapitbahay ang abandonadong bahay na ito.
Hindi niya rin alam na sa mga oras na ito, walang puwedeng makarinig sa kanya.
Pinipilit niyang buksan ang pinto pero wala na siyang magawa. Napaluhod siya sa pagmamakaawang huwag saktan ngunit nalagutan na siya ng hininga nang ibaon ng dalaga ang mga kuko nito sa leeg. Sumirit na parang sirang sirang gripo ang mga dugo nito sa kanyang mukha at dinilaan pa niya ang mga iyon. Nasasarapan niyang dinilaan ang mga kukong may dugo bago humiwalay ang ulo ng lalaki sa katawan nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top