IKAPITONG KABANATA
Gerome
Naramdaman ko na lang na may malalakas na puwersa ng mga kamay at paa ang tumatama sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Masakit, mahapdi at sari-saring pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon.
"Ayan, sige. Bugbugin ninyo pa yan para tumanda," narinig kong utos ng isang boses habang pinipilit kong protektahan ang sarili gamit ang mga kamay pero pati kamay ko ay nasasaktan na rin.
Matapos ang ilang minutong pagpapakahirap ko sa kanila ay iniwan nila akong nakahiga sa kalsada, nanghihina at wala nang kalakas-lakas para tumayo pa. Pinilit kong tumayo pero nanghihina na talaga ako at ang huli kong natatandaan ay may anino ng isang babae akong nakita. Hindi ko naaninag ang mukha niya basta alam ko isa syang babae.
Dave
"Isa pa nga po," ani ko sa tindera pero nagbago isip ko.
"Gawin ninyo na po palang lima. Limang mentos."
Agad siyang kumuha ng limang mentos, ibinigay sa akin at inilapag ko rin ang limampiso upang bayaran siya.
"Hijo," mahina niyang sambit na para bang may ikukuwento. Na-curious naman ako at nakinig sa sasabihin niya.
"Bakit po?"
Nagtaka na naman ako sa sunod niyang sinabi. "Mag-iingat ka ah."
"Saan naman po?" taka kong tanong. Ano bang sinasabi niya?
"Hindi mo pa ba alam? Halos lahat ng tagadito alam na ang tungkol doon."
"Wala pa po kayong sinasabi e pero 'pag binanggit ninyo baka alam ko," sagot ko habang binubuksan ang isang mentos para makain ko na ito.
"May mamamatay-taong gumugulo ngayon sa mga tao at alam mo naman siguro ang mga biktima, hindi ba? Mga lalaki," dugtong niya. Sa tono ng boses niya ay tila natatakot siya. Sino ba namang hindi matatakot sa ganitong usaping nagaganap? So, Ibig sabihin totoo ngang laganap na ito ngayon hindi lang sa iisang lugar kundi pati sa ibang lugar din.
Kinakabahan ako para sa mga kapwa ko lalake.
"Mag-iingat ka. Walang pinipili ang pumapatay. Magugulat ka na lang kinabukasan ikaw na ang biktima. Kaya nga yung dalawa kong binatang anak? Hindi ko na pinapalabas. Mahirap na at sila pa ang sunod na biktimahin," sunud-sunod na kuwento ng tindera.
Ito na naman ako sa kasong gusto kong imbestigahan. Ano kayang dahilan at hindi nahuhuli ang gumagawa nito.
Lalong nabubuhay ang interes ko sa kasing ito. I want to know her/his intention why he/she's doing this stuff. "Sino po 'yong latest na nabalitaan ninyong pinatay? May ideya po ba kayo kung ano'ng klase ng tao ang gagawa nito?"
Sinenyasan niya pa akong lumapit at ginawa ko naman. Kinikilabutan ako sa takbo ng usapan at sa atmosphere ng paligid dito.
"Hindi tao ang gumagawa nito. Demonyo," bulong niyang mas lalong nagpadagdag sa kabang tinatago ko.
Natahimik na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Naniniwala naman akong may pumapatay talaga pero ang isiping isang demonyo ang gagawa nito? I believe in demons but I haven't seen one.
"Tulon---" Nahintakutan ako nang makarinig ng isang boses. Pinakiramdaman kung saan ito nanggagaling. Luminga-linga ako at hinanap ito ng mga mata ko pero wala naman akong makita.
"May narinig po ba kayong sumigaw?" tanong ko sa tindera habang nginunguya ang isa pa sa mga mentos na binili ko.
Nagtataka syang umiling. "Wala naman."
"Tul---" Ayun na naman at nakakarinig din ako ng mahihinang yabag ng paa at kaluskos. May mali sa mga nangyayari.
Umalis na ako sa tindahan na iyon at naglakad-lakad para hanapin kung saan nagmumula ang tunog na narinig ko. This place is like a maze, maraming pasikot-sikot. Mabuti na lang at madalas naman akong mapadaan dito kaya medyo kabisado ko na ito.
Gawa sa semento ang mga pader at may iilan akong nakikitang sirang mga kahoy na nakakalat. May mga pako pang nakakabit sa mga sirang kahoy na iyon at kung sinuman ang hindi maingat na magagawi rito ay siguradong masusugatan. This is a perfect place for criminals to hide and run lalo na kung kabisado na nila ito at alam ang lagusan pati na lahat ng pasikot-sikot sa daan.
I continued walking kahit hindi ko alam kung saan na ako dadalhin ng mga paa ko.
Nawala na ang sinusundan kong tunog pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung ano iyon. Nakarating ako sa daanang may dalawang direksiyon, sa kaliwa at kanan. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang tamang daan pero may naalala ako, kahit wala itong koneksyon sa ginagawa ko, pinili ko ang kaliwang direksiyon dahil kaliwete ako.
Medyo madilim na sa bahaging ito kaya kinuha ko ang cellphone at ginamit na flashlight sa daan. Why am I doing this? I'm risking myself for the sake of answers. This has been my life since I became a detective who finds answers in different cases.
Sa paglalakad ko sa madilim na bahagi ng daan ay bigla na lang ako napasandal sa pader nang may mapansin akong bulto ng babaing naglalakad palapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko at inilawan kung sinuman s'ya pero sa halip na s'ya ang masilaw ay ako pa ang nasilaw sa liwanag na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Ilang segundo lang ang nakalipas at dadaan na s'ya sa akin. Hindi s'ya nag-iisa dahil may kasama pa siyang isang batang babae. Parang hindi nila ako nakita at dire-diretso lang sila. Sobrang nakakapagtaka ang mga nangyayari. Hawak niya sa kamay ang bata at inaakay ito palabas.
Hinabol ko silang dalawa para makasiguro. "Sandali!"
Ang tagal bago lumingon ng babae at sa paglingon niya, doon ko nakita kung gaano sya kaganda. Nakamamangha ang kanyang hitsura lalo na ang hugis ng kanyang katawan, ito ang katawang pagpapantasyahan ng mga lalaki.
She's wearing a dress in red, her heels are colored red and her necklace is also red. I guess I'll call her a lady in red. The little child is expressionless, a girl about 6-8 years old and she's holding a small barbie doll.
Napalunok ako dahil nangingilatis ang kanyang mga titig na para bang inaalam kung isa ba akong kriminal or suspect.
"May kasama pa ba kayo?" tanong ko at nilingon ang daan kung saan sila nanggaling.
"Bakit mo inaalam?" tanong ng dalaga at napangiti na lang ako.
"Wala po kuya," sagot ng bata at lumiwanag pa ang ekspresyon ng mukha.
Sinamaan niya ako ng tingin na para bang hindi ko maipaliwanag na nag-aapoy ang mga mata niya.
"Ikaw? Gusto mo ba ng kasama?" a lady in red asks but I don't know what she's talking about.
"I'm fine alone," I answered while watching how they walk and leave me behind here.
End. Kayo na gumawa ng ending HAHAHAHA. Joke. See ya in next update, next year na ud. Pagkatapos na nilang mamatay lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top