IKALIMANG KABANATA

Dave

Teka? Magkaibang tao ito ah.

Ini-zoom ko ang nakuhang footage at tama nga ang hinala ko. Ang lalaking naunang pumasok ay kapareho lang ng suot no'ng sumunod pero nakakapagtaka, ibig sabihin--

Ipinasuot ng isang lalaki ang damit niya para 'yon ang pagbasehan namin at isipin naming iisa lang ang may gawa nito at wala nang iba pang involve. Tiningnan ko rin sa drawer ko ang mga litrato ng biktima.

Ngayon, naiiintindihan ko na.

I'm in the middle of my job hour when I realize I'm not yet eating anything. Naramdaman ko na lang bigla na nagugutom na ang tiyan ko.

Tumayo na ako para iwan muna saglit ang computer na nasa harap ko para bumili ng pagkain sa labas. Nakakalimutan ko na pala ang sarili ko kaka-focus sa trabaho ko. Nakita ko rin ang iba pang nagsisilabasan pero ang iba ko pang kasama ay hindi natitinag sa mga ginagawa nila.

Ibang kaso ang hawak ko sa ngayon pero ginugulo pa rin ako ng aksidente or should I say incident na naganap noong nakaraan. I can't imagine na ako mismo ang ginawan ng paraan ng pagpatay nang ganoon o kahit pa isa sa mga kaibigan kong lalaki.

I can't imagine.

"Dave," rinig kong tawag sa'kin ni Pet.

Sumasabay na s'ya sa'kin ngayon hanggang sa elevator, kasama ko s'ya.

"I met a woman last Tuesday. She's so beautiful," nasisiyahan niyang kuwento.

Napabuntong-hininga ako at seryoso s'yang tiningnan.

Uunahan ko na siya tutal alam ko naman kung saan niya nakilala ang babaing iyon.

"I know where you met her. Dating site?"

Kilala ko ang kaibigan ko, torpe siya pagdating sa personal sa mga babae kaya't sa dating site s'ya bumabawi. The truth is, he really has something to be proud of but he's such a coward when the woman is in his front.

"Ini-update ko lang naman 'yong app na
'yon. Ilang buwan ko na 'yong' di nabubuksan, 'no?"

Bumukas na ang elevator at nauna akong lumabas kasunod siya.

"So ano na namang nakita mo? Nagagandahang mga babae?" pang-aasar ko sa kanya.

"Hmm of course. Hahaha ako pa ba? Nagmana lang ako sa' yo".

At talagang dinamay pa ako sa kaharutan niya.

"Anong minana mo sa'kin, ah? Mata?" ganti ko at sinundan ko ng tingin ang isang babaing naglalakad sa gilid na may mga bitbit na folders at may kausap din sa cellphone.

Her sexy body figure is a coca-cola like and her long straight hair is freaking flowing pati na ang paraan ng paglakad niyang pang-model. Tiningnan na rin s'ya ni Pet at ako naman ay dire-diretso nang naglakad nang makalayo na rin ang babae.

"See?" tiningnan niya ako at tumawa. "That's a real evidence to stand up the truth. You're just like me," and then he giggles again.

"I'm just attracted in beauty at first sight but if I find out how ugly her attitude is, Pet, that's a turn off," pagkasabi ko niyon ay tuluy-tuloy na akong naglakad kasabay s'ya.

Appearance and beauty is just a bullshit trap. I met a woman before who has pretended that she's innocent but she's really not.  She just played with me and used my weakness, attraction in beauty.

Pet is literally shy in front of girls but that's only in the first time meeting. I've seen how close he is in his past women. They met online, hangout, get to close together and his shyness fades when they get along for a long time. He's also interested about everything in women. Hindi ko nga alam kung balak ba niyang maging gynecologist noon dahil sa dami ng alam niya sa katawan ng babae. Somehow, Pet loves to hide things and do it on his own.

And that's his personal life already.


Know what's interesting about Pet? I don't know too.

Naniniwala akong lahat ng tao ay may interesting sides. 'Yong iba ay interesting naman talaga. Samantalang ang iba, sa sobra-sobrang interesting, di mo na gugustuhing alamin at pag-aralan pa.





HANA POV

Bitbit ko na ngayon ang kapeng ipinatimpla ng boss kong masungit, walang iba kundi sino pa ba?

Si ma'am Andrea.

Medyo may nakakainis sa kanya kahit bago pa lang ako sa trabaho. Ramdam ko 'yon. Ang bigat kasi ng aura niya pag katabi mo siya.

Kung may bagay mang mas pinakaiinisan ko pa, yon ay nandito lang ako sa labas ng pinto at hinihintay na lumabas s'ya. Kabilin-bilinan niyang hindi ako puwedeng pumasok hangga't hindi niya sinasabi kahit pa may importante akong dala para sa kanya. Hawak ko na ang mainit niyang kape, kasing init ng ulo niya.

Tumikhim ako at kumatok na.

"Tok. Tok."

"Ma'am, nandito na po ang kape ninyo."
Kainis to ah, para akong maid dito. May pakape-kape pa siyang nalalaman. Walang sumasagot kaya dahan-dahan kong ipinihit ang doorknob. Bumukas naman ito at sumilip muna ako nang konti. Mahirap na nandyan lang pala s'ya nakaabang sa loob tapos gugulatin ako bigla.

Ang tahimik sa loob pero wala si ma'am. Saan naman kaya pumunta iyon?

Mabagal pa akong naglakad papasok habang lumilinga-linga sa paligid. Napakalinis ng office niya.

Infernes kay ma'am ah? Ang ayos ng pagkakasalansan ng mga gamit niya. May mga librong nakalagay sa bookshelves pero kakaunti lang, nangingintab sa linis ang tiles at organized ang arrangement ng drawers. Halatang propesyonal ang taong nagtatrabaho dito.

Marahan kong inilapag ang kape sa mesa niya. Luminga-linga muna ako at pinagmasdan ang kabuuan ng opisina niya. Ano naman kayang meron at ayaw niyang magpapasok dito nang walang permit muna sa kanya? Weirdo siya ah. Nakakapagtaka. Nakakaloka talaga 'pag may tanong ka tapos 'di mo alam ang sagot pero makalabas na nga lang, baka sisantehin pa ako nang wala sa oras e.

Paalis na ako nang liparin ang isang papel na nakapatong sa mesa dahilan para malaglag ito sa sahig. Hays. Wala namang bintana dahil glass window ang mayroon. Imposible ring magkaroon ng malakas na hangin dito sa loob. Kukunin ko pa ba o hindi na?

Isa lang naman 'yon kaya pupulutin ko na. Pagkapulot at pagtayo ko ay-- halos atakehin ako sa puso sa bigla niyang pagsalita.

"Hindi ba sinabi kong hindi ka puwedeng pumasok nang walang permiso muna sa akin?"

Bakit ang lalim niya magsalita? Nakakalunod.

Nagsimula na akong kabahan at bumibilis na ang tibok ng puso ko ngayon. Hana, patay na!

Nakatayo s'ya sa harap ko ngayon, kalmaro lang naman ang ekspresyon ng mukha niya pero parang galit na galit. Hindi ko maintindihan bakit parang may naaalala ako sa kanya. Salubong ang kanyang dalawang kilay na tinatarayan ako ngayon.

Ano ba'ng problema niya?

"M--ma'am--" nauutal na tiningnan ko ang kape niya. Pahamak na kape ito pati na rin ang papel na nalaglag. "--hinatid ko lang po 'yong kape ninyo. L-lalabas na po ako. Ma'am, 'di na po mauulit. Sorry po talaga," sunud-sunod kong paumanhin at yumuko pa ako nang ilang ulit.

Saan naman kaya s'ya nanggaling at' di ko man lang narinig ang yabag niya?

Sa natatandaan ko, lalo na noong isang araw, naririnig ko ang bawat hakbang ng takong niya.

Saka kanina lang sigurado ako bago malaglag 'yong papel, wala s'ya sa loob ng opisina. . .

At paanong nasa harap ko agad s'ya nang gano'n kabilis?

Natigilan ako nang bigla na naman siya nag-utos na para bang isang donya.

"Labas," madiin niyang utos. Ang boses niya ay boses ng isang taong may malalim na pinanggagalingan ng galit. Weird niya naman o baka weird na rin ako. Kahit natatakot akong tingnan siya nang diretso, tiningnan ko pa rin s'ya saglit. Kulit ko talaga.

May sugat s'ya sa kaliwang pisngi't natatakpan pa ng band aid.


Napa'no kaya siya?


O baka namalikmata lang ako.


To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top