IKALAWANG KABANATA
Maayos niyang nilagyan ng lipstick ang labi, maingat niya ring sinisiguradong pantay ang kulay nito at magiging kaakit-akit sa mga mata ng kung sinumang makakakita.
Sumunod naman ay ang kanyang makeup.
Ang foundation, eyeliner, eyebrows, lahat ng nasa mukha niya ay sinisiguro niyang maghahasik ng isang magandang atraksiyon. Nakabibighaning ganda, karisma at aura ang dadalhin niya sa oras na matapos sya sa orasyong kanyang ginagawa.
Nakangisi siya sa sarili sa harap ng salamin matapos na masiguro ang kanyang kagandahan. Nasa ganoong sitwasyon s'ya nang tumunog ang kanyang cellphone na agad naman niyang sinagot.
"I'll be there in half an hour," sagot niya sa kausap at binabaan na ito ng telepono.
Marahan siyang tumayo, umikot sa kanyang malaking salamin para tingnan ang hubog ng kanyang balingkinitang katawan. She wears a red pants paired with white polo red office jacket attire and in her feet is a pair of 4-inch black heels. Ang kanyang mahabang kayumangging buhok ang lalong nagpapatingkad sa kanya sa pagiging tuwid na tuwid ito at mabilis pang liparin ng hangin.
"Simula ng panibagong ligaya," bulong niya sa sarili at marahang kinagat ang pang-ibabang labi.
Sumunod nito ay ang pagdampot niya sa bag at nagsimulang maglakad palabas ng kanyang bahay. Bawat lakad na ginagawa niya ay napakaganda niyang tingnan. Nagmimistula siyang isang magandang modelong katangi-tangi ang tinataglay na lakas ng loob at kagandahan.
Nakataas ang kanyang kilay na naglakad na hanggang sa makapasok sa loob ng kotse. Pagkapasok ay mabilis niya iyong pinaandar paalis. Nang marating niya ang kanyang destinasyon, ang building na kanyang pagmamay-ari, agad siyang bumaba mula sa kotse.
Masigla s'yang sinalubong ng kanyang mga empleyado at binati pa ng magandang umaga. Ang pagbati sa kanya ng magandang umaga ng mga ito ay hindi na bago sa kanya. Araw-araw nila siyang binabati pero hindi naman niya sinasagot ito ng kahit isang salita kundi ngiti lang ang kanyang tugon.
"Napakagandang babae," rinig niyang bulong ng isang binatang isa kanyang mga empleyado. Napakahina ng pagkakasabi nitong halos bulong lang sa hangin ngunit narinig niya iyon.
Nilingon niya ang binata at nakahahalinang nginitian. Naging dahilan ito upang pagtinginan nilang lahat ang binatang iyon at pinagbulungan pa. Nagtataka silang sa kanya lang siya ngumiti nang ganoon. Isang ngiting may kislap pa sa mga matang kasama.
Nakabuntot sa kanya ang kanyang bagong sekretaryang si Hana hanggang sa marating niya ang opisina. Bago na naman ang sekretarya niya dahil pinaalis na niya ang nauna. Hindi nagtatagal sa kanya ang mga sekretarya niya at kung tatanungin kung bakit, hindi sila makasagot. Sinasabi ni Hana sa kanya ang mga updates tungkol sa kanilang kompanya. Walang tigil ito sa pagpapaalala sa kanya ng mga dapat niyang gawin at puntahang meetings at iba pang business proposals.
Nang nasa pinto na sila ng kanyang opisina, hinarang niya ang sekretarya gamit ang kanyang kanang kamay, hinarap ito at tinaasan ng kanyang mataray na kilay.
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa'yo? Walang puwedeng pumasok sa opisina ko nang walang permiso mula sa akin. Naiiintindihan mo?" nanggagalaiti sa inis na tanong nitong parang isang malaking kasalanan ang pagtapak ni Hana sa loob ng opisina niya.
Tiningnan ng sekretarya ang bag na hawak niya. "Ma'am? K-kasi," nauutal na pahiwatig niya, nakalimutan yata ng boss niyang ipinahawak nito ang itim na bag sa kanya.
Walang emosyon ang mukhang kinuha niya ang bag sa pagkakahawak ni Hana at binuksan ang pinto. Padabog din niya kaagad na isinara ang pinto na siyang ikinagulat ni Hana. Napahawak siya sa dibdib sa lakas ng kalabog na nilikha ng pagsara nito ng pinto. Para bang may galit ang boss niya sa kanya nang hindi niya alam.
Ngunot ang noong napatanong si Hana sa sarili. "Weird niya talaga 'no? Makaalis na nga," napaismid na lang siyang pumunta sa kanyang assigned cubicle.
~~~~~~~~~
"Ito ang mga pictures na nakuhanan noong naganap ang aksidente," iniabot ni Chief Cruz ang mga larawan sa imbestigador na nakatoka sa kasong inilaan sa kanya.
Isa-isang binusisi ni Pet ang mga ito at nagtataka pa rin talaga siya kahit nasa harap na niya ang mga larawan.
"Tagal-tagal ko nang pulis pero ngayon lang ako nakaengkuwentro ng ganitong kaso," simula ni Chief na nagtataka na rin. Hindi normal na tao ang gagawa ng ganoong bagay.
Napatingin si Pet sa kanya at muling tiningnan ang mga larawan.
"Isa lang ang sigurado ko. Hindi tao ang may gawa nito," desididong ani ni Pet na hindi pa rin binibitawan ang mga larawan.
Natawa ang pulis na kausap at umayos ng upo.
"Tingin mo naman ano?"
"Chief, hindi kaya aswang?"
Lalong humalakhak ang kanyang kausap.
Tinapik nito ang kanyang balikat at tinuran, "Ang isang pulis, private investigator o kung sino pa mang nag-aaral sa mga kaso, hindi naniniwala sa mga aswang."
Hindi naging kumbinsido ang mukha ni Pet sa sinabi ng Chief.
"Pero totoo ang aswang sa probinsiya namin," protesta niya. Ayaw niyang makipagtalo pero malaya siyang makapagbigay ng opinyon.
"Pet, wala tayo sa probinsiya ninyo. Hahaha. Ingat ka sa sinasabi mo ah, baka ikaw ang sunod na biktima nito."
Nag-aala't naiinis na tiningnan ni Pet ang pulis. "Chief, hindi magandang biro yan."
"Pet, balik ka na lang sa sunod na araw. Gawin na lang natin trabaho natin ah," malumanay ang boses na bilin nito saka siya iniwang naguguluhan pa rin.
Nang mag-isa na lang siya, kung anu-ano pa ring mga bagay ang pumapasok sa isip niya kagaya na lang ng kung sino ba ang may kakayahang gawin ito at ano ang motibo nito.
Sa lahat ng naging kaso niya, ito ang pinakanakakapagtaka para sa kanya.
"Don't worry, killer. I will find you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top