IKALABINTATLONG KABANATA
"Sir, puwede po bang makabale ulit?"
Takang pinagtitinginan na sina Gerome at ang boss nito ngayon. Napabalita na sa buong bayan ang nangyari noong nakaraang linggo. Nakarating na rin ito sa among pinagtatrabahuhan niya. Ngayon ay umaasa siyang pahihiramin na naman s'ya nito ng perang magiging panggastos niya at magagamit niya para may maipakain sa mama at kapatid niya.
Tumawa muna ang kanyang amo at tiningnan sya.
"Wala na akong tiwala sa'yo, Gerome. Paano pa ako magtitiwala sa isang magnanakaw na kagaya mo?"
Maiinit ang mga mata ng katrabaho niyang nakatingin sa kanila habang pinagbubulungan ang panibagong isyu sa kanilang lugar.
Napayuko na lang si Gerome sa kahihiyan. Wala na s'yang mukhang maihaharap sa kanyang amo pero pinilit pa rin niyang lunukin ang hiya para sa kapakanan ng pamilya.
Pati amo niya ay matatalim ang titig na isinigaw sa kanya, "Sino ang sunod mong bibiktimahin ha?! Sino?" Napayuko na lamang si Gerome pero nag-angat din siya ng tingin sa kanya. "Pumayag na akong mangutang at mag-advance ka ng suweldo kahit bibihira ka naman magpakita sa'kin, naging mabuti ako sa'yo tapos malalaman ko," natawa pa ito, "nagtangka kang magnakaw?"
Bumalik sa pagtatrabaho ang iba pang trabahador na naaawa sa kalagayan niya. Alam nila kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ni Gerome dahil nakikita nila ang pagsusumikap nito sa kabila ng dinaranas. Wala na siyang masabi at nanahimik na lang. Gayunpaman ay alam niyang kailangan niyang tatagan ang loob dahil iyon ang kailangan.
"Hoy, Gerome!" dinuro siya ng kanyang amo. "Baka ikaw rin ang pumatay roon sa lalaking pinagtangkaan mo ah?" Nagawa pa nitong magbiro. "Baka ako na ang isunod mong patayin."
Napaangat si Gerome ng mukha at kahit anong pagtitimpi ay makikita na sa kanyang mukha ang galit sa ngayon.
"Hindi ko magagawang pumatay ng tao sir", may paninindigan niyang turan. "Siguro nga nagawa kong magnakaw pero ang kumitil ng buhay," umiwas siya ng tingin at pinukulan ng nagngangalit na tingin ang amo. "Hinding-hindi ko magagawa iyon".
Luminga-linga ang kanyang lalaki at bigla siyang kinuwelyuhan.
"Sa panahon ngayon-" Inilapit nito ang mukha sa kanya hanggang sa maging isang dangkal na lang ang agwat ng kanilang mga mukha. "-hindi mo alam ang kayang gawin ng kahit na sino kaya kung ako sa'yo, wag ka nang magtitiwala sa kahit na sino. Ako rin wala nang tiwala sa'yo kaya umalis ka na dahil sisante ka na." Pinanlakihan pa siya nito ng mga matang tila nagbabanta. "Naiiintindihan mo?"
Tinanggal nito ang kamay sa kanyang kuwelyo at pinanlakihan pa s'ya ng mga mata. Walang imik na inayos na lang ni Gerome ang suot at naglakad na palayo. Walang gustong tumulong sa kanya maliban kay Josefina. Kung nabubuhay lang sana ang kanyang kapatid, siguradong ibang-iba ang buhay niya ngayon kumpara sa noon. Kung nasa katinuan pa ang kanyang ina, sigurado s'yang hindi ito papayag na nagkakagano'n siya.
Napapikit na lang s'yang naglakad sa gilid ng kalsada. Tinitingnan ang mga batang naglalaro, dumadaan at nagsisigawan. May mga batang kasama ang kapatid at mga magulang.
Hindi niya dapat hayaan na hanggang ganito na lang. Hindi siya dapat sumuko. Hindi s'ya dapat panghinaan ng loob.
Naalala niya ang sinabi ni Aleng Eda sa kanya noon. Ipa-Mental Hospital na lang ang ina dahil doon, maaalagaan pa siya at mababawasan pa ang pasakit niya. Hindi niya alam kung ano ang pipiliin, ang hayaang mawalay sa ina at iasa na lang sa kapalaran ang mangyayari rito o magpakahirap para lang subukang iahon silang dalawa ni Patrick.
Bukod sa problema niya sa pagkain, isa pang problema niya ay kung mabubuhay pa ba sila sa ganitong kalagayan na lang. At ang isa pang naalala niya, ang misteryong nagaganap ngayon sa paligid nila. Tila masisiraan na s'ya ng bait. Pakiramdam niya ay may nagbabalik muli para maningil. Ito ang naiisip niya at kung hindi naman, baka nasisiraan na nga s'ya ng bait.
Napahinto s'ya sa likuran ng isang puting sasakyan. May naaalala s'ya sa kulay ng kotseng ito pero alam naman niyang maraming kotse ang ganitong may kulay. Bumukas ang pinto nito at bumaba ang isang binatang nakasuot ng itim na slacks, itim na sapatos, kulay gray na leather jacket at sa loob ay ang asul na t-shirt. Naka-barber's cut ang gupit nito at malaki rin ang pangangatawan. Sa mahihinuha niya, mukha s'yang pulis.
Luminga-linga ang binata habang may kinakausap sa telepono. Wala sa sariling lihim s'yang nakinig sa usapan ng taong nasa linya at ng taong malapit lang sa kanya.
"Yeah. My head is messed up bro, but I'm doing our plan. I'm here at...", tiningnan nito ang nakalagay na pangalan ng eskinita sa harap niya.
"S. Flor St, Brgy. San Jose".
Nangunot ang noo ni Gerome habang nakikinig sa usapan ng dalawa.
Ano'ng plano ang tinutukoy nito?
"Pauwi na rin ako", sabi pa nito. "Medyo sumasakit na rin ang batok ko", at hinimas-himas nito ang kanyang batok.
Pakiramdam ni Gerome na may koneksyon ang lalaki sa mga nangyayari sa paligid. Hindi niya masabi kung ano ang papel nito sa misteryo pero may kutob siyang parang may ginagampanang papel ang binata
Tumawa ang binata at napasabi ng ", Lol".
Hindi niya malaman kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa pero nanatili s'yang nakikinig sa sinasabi ng lalaking ito. Mali man pero nagiging interesado na siya sa mga sinasabi nito.
Luminga ang lalaki. "Sabi ko mag-ingat ka 'di ba?" Muntik pang makita si Gerome kaya mabilis s'yang nagtago sa likod ng kotse nito. Hindi s'ya puwedeng makita dahil baka ano ang isipin nito.
Pareho rin silang naguguluhan.
"I have to go", humina na ang boses nitong mukhang ibababa na ang cellphone. "Hit me up when you got a new information about the killing of men."
"I told you. I will find out the killer. Kung sana ay totoo ang magic para hilingin ko na lang na mahanap kung nasaan s'ya ".
Nagpatuloy lang s'ya sa pakikinig. Baka may iba pa itong sasabihing maaari s'yang matulungan o ang binata ang matulungan niya.
"Wish me luck bro not to have a nightmare again about a woman being killed in darkness and she's--"
Hindi na nakatiis si Gerome. Hindi maganda ang kutob niya pero alam niyang mananahimik lang s'ya sa oras na malaman kung-
"Sino ka?" Hinarap niya ang binata at gulat na gulat itong napatingin sa kanya.
Ibinaba na nito ang cellphone at inilagay sa bulsa. Ito naman ang nagtatakang tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Natawa ang binatang estranghero at ibinalik sa kanya ang tanong niya, "Ikaw ang sino? Bakit bigla ka na lang sumusulpot?"
"Isa kang pulis na nag-iimbestiga, tama ba?"
"That question is confidential. Hindi kita kilala", ani ng lalaki at papasok na sana sa kotse nito pero hindi niya hinayaang makapasok na lang ito nang hindi niya nalalaman kung ano ang pakay nito.
Dugtong ni Gerome, "Puwede kitang tulungan".
Pinasadahan s'ya ng tingin ng lalaki at muling tumawa. "Ano naman ang maitutulong mo sa lagay na 'yan?"
"Sino ang babaing binanggit mo kanina?" biglang tanong ni Gerome na hindi rin sinagot ang tanong ng estranghero. "Baka may alam ako tungkol sa kanya na makatutulong para mahanap mo ang hinahanap mo". Lumalakas lalo ang matagal na niyang kutob pero ipinagsasawalang-bahala niya dahil baka guni-guni niya lang ito.
Tinitigan siya ng binata at ganoon din siya sa kanya. Pareho silang nagtataka, hindi alam kung magtitiwala ba sa isa't isa dahil pareho silang estranghero.
"Sino ang babaing napanaginipan mo?" interesadong tanong ni Gerome sa binata. Hindi talaga maganda ang kutob niya sa lalaking ito.
Nagkibit-balikat lang ang lalaking inismiran siya. "I don't know her".
Niyugyog s'ya ni Gerome sa balikat at pinanlakihan ng mga mata. Nagsisinungaling ang lalaki, iyon ang hinala niya.
"May alam ka, hindi ba?"
Natahimik ang binata pero tumawa na rin sa sinabi niya. "Do you know who I am?"
Niyugyog ulit nito ang balikat niya at inulit ang tanong niya", Sino 'yong babae?"
Naiinis na ang binata sa inaasta niyang inalis ang kamay nito sa balikat niya. "Baka nagkakamali ka lang, dude. Thank me because I don't have time for you. Aalis na ako", akmang aalis na s'ya para iwan ang lalaki pero hindi pa ito tapos sa mga sinasabi.
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Sino 'yong babae?"
Tumawa lang ang lalaking estrangherong pinaghihinalaan niyang may kinalaman sa krimeng kumakalat sa kanila. Kunot ang noo nito nang mapagtantong nakikinig yata ang lalaking ito sa kausap niya kanina. "Who are you first? Alam mo bang puwede kang makulong sa ginagawa mong invasion of a person's privacy?"
Hindi na alam ni Gerome ang mga sunod niyang nasabi. "Isa ka sa mga lalaking iyon".
Nangunot lalo noo at naningkit ang mga mata ng guwapong binata.
"Who the hell are you to tell me that kind of accuse? Saka sinong mga lalaki?"
Napalunok si Gerome. Ayaw na niyang magkaroon ng tensiyon basta hindi maganda ang pakiramdam niya sa binatang ito. Iniwanan niya na lang ito ng seryosong tingin bago umalis. He was left clueless and confused of the things happenening.
Ngayon, nadagdagan na ang poproblemahin niya.
Sino ang binatang iyon? Ano ang koneksyon niya sa babaing napanaginipan niya?
Nagkakandabuhol-buhol na ang mga pangyayari.
___________
May mga matang nakamasid sa kanila. Lihim na napapangiti dahil nagmumukha silang mga tanga. Walang kaalam-alam. Naguguluhan at hindi pa rin mahanap ang mga kasagutan.
____________
Napabuntong-hininga at napahawak sa batok si Dave habang hawak ang kopita sa kaliwang kamay. Nilagok niya ang red wine na laman nito at napapikit. Hinayaan niyang maramdaman ng kanyang lalamunan ang init na dala nito at iniisip na sana sa pag-inom niya ay makapag-isip siya ng tamang gagawin.
Wala siyang damit pang-itaas dahil nakasanayan na niyang maghubad ng damit kapag nasa kuwarto siya mag-isa. Iniwan niya ring bukas ang laptop at hinayaang nakabukas ang kurtina para makapasok ang sariwang hangin. Humarap s'ya sa salamin at hinawakan ang kaliwang braso.
ang kaliwang braso niyang kung saan ay nakaukit ang tattoo ng isang bungo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top