IKALABINGWALONG KABANATA

                     | Konektado |                            


                                  Dave

"Batang babae ba kamo?" tanong ng tinderang binilhan ko ng mentos noong bandang unang linggo ng Hunyo.

"Opo."

"Maraming batang babae rito hijo. Ano ba ang hitsura ng batang hinahanap mo?" 

Itinuro ko ang beywang ko dahil hanggang beywang ko lang ang batang iyon. "Ganito po kalaki".

"May hawak po siyang manika noon. Mga nasa 6-8 taong gulang at maikli ang kanyang buhok na kulay itim," dugtong ko rin.

"Batang may hawak na manika." Napahawak s'ya sa kanyang baba at nag-isip nang malalim.

"Alam ko na kung sino ang hinahanap mo," natutuwa niyang pahayag at mukhang eksayted siya.

"Si Emalyn 'yon. Madalas talaga 'yong may bitbit na manika kahit saan pumunta."

Ngayon nabubuhayan na ako ng pag-asa.

"Saan po s'ya nakatira?" tanong ko pero napansin ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya. Siguro iniisip niyang may masama akong balak sa batang  'yon.

"Huwag po kayong mag-alala". Kinuha ko ang I. D. ko at ipinakita sa kanya.

"Detective Dave dela Rosa po. Isang imbestigador sa Secrecy Investigator's Office at may ", nakangiti kong pakilala sa sarili ko para maalis ang pag-aalinlangan niya.

Napatangu-tango siya. "Ahh. Hindi mo naman sinabi kaagad pero ano'ng kaso ang mayro'n kay Emalyn?" usisa na naman niya.

"Wala naman po. May aalamin lang ako", sabi ko na lang kasi mahirap na magtiwala sa  ngayon. Hindi ko alam kung sino ang totoong kaaway. Baka hindi ko alam nasa paligid lang pala siya at hindi ko nakikita.

"Sige. Nakikita mo ang eskinitang iyon?" turo niya sa eskinitang nasa likuran ko. Napatingin ako sa itinuturo niya.

Baritono kong sagot, "Opo."

"Diretsuhin mo iyon tapos kumanan ka. May eskinita ulit doon at may madadaanan kang mga taong nagkukumpulan sa tapat ng isang tindahan na may kulay pulang bubong. Magtanong ka roon kung saan ang eksaktong bahay ng batang hinahanap mo. Sabihin mo lang Emalyn", pagbibigay niya ng direksiyong may pag-arko pa at pagtaas-baba ng kamay niya.

Nginitian ko ang tindera at nagpasalamat na. "Maraming salamat po".

Marami nga talagang pasikot-sikot dito. Sinunod ko ang mga sinabi niya at ngayon ay nasa tapat na ako ng tindahang may kulay pulang bubong. Tama s'ya. May mga nagkukumpulang tao nga rito, mga lalaki silang nag-iinuman at parang ang saya-saya.

Tumikhim muna ako at magalang na bumati, "Magandang araw ho".

Pinagtinginan nila ako at pinag-aralan ang hitsura ko. For others, it is uncomfortable but I have to stand confidently. It's my job.

"Anong kailangan mo?" tanong ng isa sa kanila. Isa s'yang lalaking medyo may katandaan na, may manipis na itim na bigote at nakasuot ng itim na t-shirt.

"Saan po rito ang bahay ni Emalyn? 'Yong batang babaing laging may hawak na manika po", simula ko sa magalang na tono ng boses ko.

Tiningnan ako ng lalaki mula ulo hanggang paa, pinag-aralan ang suot ko at pati iniisip ko parang gusto na niyang aralin dahil sa talim ng mga titig niya.

"Anak ko s'ya. Bakit mo hinahanap ang anak ko? Anong kailangan mo?"

Kagaya ng ginawa ko kanina, ipinakita ko rin sa kanya ang id ko.

"Importanteng mga katanungan lang po ang kailangan ko sa anak ninyo. Pero huwag po kayong mag-alala, mga simpleng tanong lang naman po
Related lang sa naganap na insidente noong Hunyo 14".

Nagdududa pa ang mga mata niya nang tingnan ulit ako pero nakita ko siyang nilingon ang nasa likuran ko at sinundan ko 'to ng tingin. Si Emalyn. Naglalaro kasama ang iba pang bata.

"Hoy!" pagtawag niya ng atensiyon sa'kin. "Siguraduhin mo lang na tanong lang ang gagawin mo ah?" may pananakot at pagbabanta sa boses niya akong sinabihan. Bumuntong-hininga ako at tiningnan din siya. Sa pagtama ng mga mata namin, may kakaiba akong nakikita. Something weird na lagi kong nararamdaman tuwing may nakakasalamuha akong... suspect.

Natigil ako sa mga iniisip ko nang magsalita ulit siya. "Bilis na. Bago pa magbago ang isip ko".

Inihakbang ko ang mga paa ko palayo sa kanya at  para lapitan si Emalyn pero bigla na lang s'ya nagtatakbo pagkakita sa'kin.

"Sandali! Emalyn!"

Dahan-dahan s'yang lumingon at bitbit pa rin niya ang manikang bitbit niya noon. Lumapit na ako sa kanya, yumuko para maging kasingtaas ko na siya.

"Magandang hapon sa'yo. May mga itatanong lang sana ako sa'yo," mahinahon ko s'yang kinausap para makuha ang loob niya. Sana naman may patunguhan ang gagawin kong ito, sana makakuha ako ng mga sagot.

Tumikhim muna ako at nagdasal sa isipan ko. "Sino ang babaing kasama mo noon? 'Yong babaing akay-akay ka palabas sa madilim na parte ng eskinita?"

Hindi s'ya nagsasalita at parang ayaw niyang magsalita. Bumuntong-hininga akong tiningnan s'ya. Pinaamo ko ang hitsura ko. I may be look stressed at hindi makapagkakatiwalaan sa ngayon kaya kailangan kong paamuin ang mukha ko.

"Wala akong gagawing masama sa'yo. Mapagkakatiwalaan mo ako", ngumiti ako sa kanya baka sakaling magsalita na s'ya ng nalalaman niya.

"Hindi ko po alam ang pangalan niya". Naghintay lang ako ng sunod niya pang sasabihin.

"Hindi ko po alam kung saan s'ya nanggaling noon", dugtong na naman niya.

How is it possible?

"Tapos?"

"Tinulungan po ako ni ate". Tumingin s'ya sa tatay niyang nakikipag-inuman pa at nagsasaya.

Tiningnan ko rin ang tatay niya. How could he enjoy like this kung alam niyang may problemang kinakaharap ang anak niya?

"Saan? Bakit ka niya tinulungan?"

Napayakap siya nang mahigpit sa manika niya. "Gusto po kasi ni mang Arnold na kuhanin ako. Hindi ko po alam kung saan niya ako dadalhin". Hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa kanyang tatay.

"Sino si mang Arnold?" sunod ko pang tanong.

"Siya po 'yong namatay, kuya. Tito ko po s'ya. Kapatid po s'ya ni papa pero kuya, hindi po ako pinaniwalaan ni papa noong sinabi kong gusto akong kuhanin ni Tito Arnold."

Sinenyasan kong hinaan niya ang boses niya at ginawa naman niya. Napatingin ako sa tatay niyang nagsasaya pa rin.

What kind of father is this?

What kind of man is he?

"Kuya, hindi ko po alam kung ano'ng ginawa ni ate kay Tito Arnold pero iniligtas niya po ako. Noong inihatid niya po ako dito sa bahay, bigla na lang po s'ya nawala at wala po silang nakitang kasama ko pero kasama ko lang po siya noon. Sabi nila, mag-isa lang daw akong umuwi", sunud-sunod pa niyang salaysay.

I'm trying to connect every detail and now I think everything and everyone is connected in one another. Napatingin ako sa bato habang malalim na nag-iisip. Nang mahimasmasan ay tumingin ulit ako sa kanya.

"Ano pa?"

"May sinabi si ate sa akin, kuya".

"Ano'ng sinabi niya?"

Tumulo ang mga luha niya habang s'ya ay nakatitig sa mga mata ko. Napatitig na rin ako sa mga mata niya. Ang mga mata niya, kaparehong-kapareho sa emosyon ng mga mata ng babaing nakita ko sa panaginip ko. Her eyes are hiding pain and seeking for justice. Ipinilig ko ang ulo ko at inisip na mali ang hinala ko. Hangga't hindi ko pa naiintindihan ang lahat, hindi ako maniniwala sa iniisip ng imahinasyon ko.

"Huwag ko raw hahayaang mangyari ulit iyon sa akin. Dapat ko raw lakasan ang loob ko at lumaban kung kailangan".

Napahawak ako sa tuhod ko. Nanghihina ako.

Nasasaktan ako, pero bakit? Bakit ako nakakaramdam ng ganito?

Anong koneksyon niya sa akin? Bakit pakiramdam ko kalahati ng pagkatao ko ay nasasaktan?

Napatingin ulit ako sa kanya. Alam kong mali ang maghinala pero tingin ko ay tama ako.

"Emalyn".

Napatingin na naman s'ya sa akin. Ang inosente ng bawat titig niya katulad na katulad ng mga mata ng babae sa bangungot ko.

"Inabuso ka ng tito mo at hindi ka pinaniniwalaan ng papa mo. Tama ba?"

Hindi s'ya makapagsalita pagkatapos kong banggitin 'yon ay napayuko na lang siya. Silence means yes this time. I'm right.
Tumulo na naman ang mga luha niya kaya lang sa ngayon ay may kailangan pa akong gawin at unahin. Nakita kong may gumagapang na maliit na langgam sa balikat niya. Aalisin ko sana ito nang bigla na lang s'ya nagpumiglas at nagsisigaw.

"Huwag!"

Nataranta ako at biglang napatayo. This little child is really similar with the woman in my nightmare. This can't be. Her tears, her emotions, her sufferings. Kung tama ang kutob ko.

"Hoy, ano yan ha?" I heard her father yells.

Napalingon ako sa tatay niya. He's angry but I can't see his sincerity. Hindi ako makapagsalita at nagmamadali na lang akong umalis pero bago pa ako makaalis, binalingan ko si Emalyn ng huling tingin.

"I promise, makakamtan mo ang hustisya mo, Emalyn. Just like her, I will find the justice you're longing for".

After I mentioned those words, binilisan ko na ang paglalakad palayo sa kanila. Ngayon naman ay pupuntahan ko ang isa pang taong tingin ko ay makakatulong sa akin. I know he is connected here too. I know.

   
       

                                             Hana

"Hana, saan ka pupunta?"

Nilingon ko silang nagtataka. Tiningnan ko muna sila isa-isa. Hindi nila alam kung ano ang mga nangyayari. Wala silang ideya at hindi rin naman sila makakatulong sa ngayon.

"Wala. Basta aalis ako", pagkasabi ko nito ay nagmamadali ko nang iniwan ang workmates ko. Pati pagsakay ng elevator hanggang sa pagsakay ng taxi ay nagmamadali na rin ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap sa pinakadulo ng gallery ko ang matagal ko nang itinatago. Alaala naming dalawa.

Napahagulhol na lang ako sa isiping bakit gano'n? Bakit gano'n? Bakit ngayon lang ito nangyari? E di sana, hindi pa huli ang lahat. Sana hindi pa. May paraan pa.

Pagkarating ko sa bahay na pinuntahan ko ay marami na ang pinagbago nito. Masyado na itong luma. Maraming alaala ang bumabalik at napapaluha na lang ako sa isiping hanggang alaala na lang lahat ng iyon. Hawak ko sa kanang kamay ang cellphone ko habang naglalakad na ngayon papasok sa loob. Nakita kong nakabukas ang pinto nila kaya dahan-dahan na akong pumasok sa loob.

"Patrick? Kuya Gerome? Tita Olivia?" sunud-sunod kong tawag sa kanila pero hindi sila sumasagot. Nasaan kaya sila?

Pagtingin ko sa mesa ay naroroon si Patrick na natutulog. Ang sakit makitang naging ganito ang kinahinatnan nila.

"Hana?" boses iyon ni kuya Gerome.

Napatingin ako sa kanya. Ang laki na rin ng pinagbago niya. Nangayayat s'ya, mahaba na ang kanyang buhok samantalang dati ay hindi s'ya pumapayag na humaba ang buhok niya. Lagi niya itong pinagugupitan. Ang bigote niya, hindi na rin niya nagagawang ahitin at ang tindig niya, para s'yang pagod at nanghihina.

Ano'ng nangyari sa kanila?

Naaawa ko syang tiningnan mula ulo hanggang paa. "Kuya".

Nangingilid ang mga luhang hindi ko siya kayang titigan nang matagal. Hindi ko aakalaing mangyayari ito sa kanila. Bumungad din si tita Olivia at ang unang mga salitang bumulalas galing sa kanyang bibig pagkakita sa akin ay...

"Nandiyan na pala ang kapatid mo. Nakauwi na pala s'ya".

Napahawak ako sa dibdib ko. Napaupo na rin ako sa upuang gawa sa plastik at hindi ko na napigilan. Natutop ko ang bibig ko, napapikit at nakita ko na naman ang masasayang ngiti niya. Mga ngiti niya noong kasama ako, mga oras na nakasama ko s'ya. 'Yong mga halakhak niyang naiinis pa ako noon dahil nakakairita pero noong nawala s'ya, hinanap ko ang tunog ng nakakairita niyang tawa.

Napansin kong nasa harap ko na si kuya Gerome.  "Kuya".

Napatayo ako at kaagad na niyakap s'ya .

Sana nandito siya.

Sana puwede ko siyang yakapin ulit.

Sana nakita ko pa ang mga ngiti niya sa huling pagkakataon noon.

Napahagulhol na lang ako sa kanya kasabay sa naisip kong....

bumalik s'ya.

















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top