IKALABINGSIYAM NA KABANATA
Dave
Tiningnan ko ang paligid at ang kabuuan ng bahay sa labas. Gawa sa kahoy ang ibang bahagi ng bahay lalo na ang bintana pero ang dingding ay gawa sa blokeng hindi napinturahan. Gawa lang din sa yero ang kanilang bubong na may nakapatong pang malaking gulong. Kung titingnan ay mukhang isang liparan na lang ito.
Inihakbang ko na ang mga paa ko palapit sa bahay na ito. May mga kapitbahay din itong kapareho lang ng hitsura ng bahay nila, luma at sira-sira na. I can't be wrong. Sinundan ko siya at dito ko s'ya nakitang pumunta, sa loob s'ya pumasok. I'm sure this is his house.
Luminga muna ako sa paligid. Nakakapanibago. Nangonti na ang mga taong nasa labas ngayon. Ilang hakbang na lang nang biglang nag-ring ang phone ko.
Si Tita Eia, mama ni Pet. Pero bakit kaya s'ya napatawag?
"Hello po, tita?"
"Dave. Kasama mo ba si Pet? Magkasama ba kayo? Nagkita na ba kayo?" sunud-sunod niyang tanong na ipinagtaka ko.
Nangunot ang noo ko at itinanong sa kanya ,"Hindi pa po s'ya umuuwi mula kahapon?"
"Hindi pa e. Hindi rin makontak ang phone niya. Baka naman kasama mo. Sabihin niya naman tumawag at mag-text man lang kung nasaan s'ya. Hindi 'yong bigla na lang s'ya hindi magpaparamdam".
I can sense in her voice that she's worrying. This tone of voice is exactly the same with the voice of my mom before lalo na kapag hindi ko sinusunod ang mga bilin at utos niya.
"Hindi ko po s'ya kasama tita", diretso kong sagot.
Idinugtong ko pang ", Hindi pa po kami nagkikita."
"Saan nagpunta 'yon? Sige Dave, balitaan mo na lang ako kapag nagkita na kayo ah?" bilin pa niya saka niya ako binabaan ng telepono.
Tiningnan ko ulit ang bahay na nasa harap ko. Ipinikit ko ang mga mata at ipinagdasal na sana maayos lang ang kalagayan ni Pet.
I'm worrying about my bestfriend. Umatras na kaya ako. Mas uunahin ko na lang ang kaibigan ko kaysa rito.
Umatras nga ako. Malayo na ako sa bahay nang ma-realize na aalamin ko lang saglit kung ano ang kinalaman ng lalaking 'yon dito.
Kinuha ko ang phone ko at sinubukan tawagan ang phone niya pero out of coverage area pa rin kaya ibinalik ko na lang ulit sa bulsa ko.
Nagdadalawang-isip ako kung babalik pa ba sa bahay na' yon. Bumuntong-hininga na lang ulit ako at naglakad na ulit palapit sa bahay na 'yon. Kahit nakabukas ang pinto ay kumatok pa rin ako.
"Tao po".
Mananatili akong nakatayo hangga't walang lumalabas na tao. Ayoko naman makasuhan ng trespassing dahil lang gusto kong ma-solve ang kasong ito. Mayamaya pa ay may napansin akong lalaking papalapit sa akin. It's him. That man I've encountered before who became interested in the woman in my nightmare. The man who accused me of being one of those men.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tila galit na tanong niya.
"I need your help. Alam kong may alam ka rin dito. Alam kong involve ka", I start para malaman niya agad kong ano ang pakay ko.
I know it. Involve s'ya rito at alam kong malaki rin ang papel na ginagampanan niya sa mga nangyayari. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. I stand straight and clear my throat. Mahirap na at halu-halo na rin ang kabang nararamdaman ko.
"May kinalaman ka rin dito. Pasok", seryoso ang boses niyang utos kaya pumasok na rin ako.
Pinag-aaralan ko ang mga nasa paligid ko ngayon, mula sa mga kagamitan at atmosphere ng kanyang bahay. Luminga-luma pa ako at may iilang larawan akong nakikitang nakasabit sa kanilang dingding. The surrounding is messy too.
May isa ring babae ang nakaupo sa plastic chair at kaharap nito ay isang mesa at sa mesang iyon ay natutulog ang isang batang lalaki. Napalunok ako at napahawak sa batok ko. Tumatayo ang balahibo ko at parang may mga matang nakatitig sa akin ngayon.
"Kuya Gerome, sino s'ya?" I heard a woman asks at the man.
So, Gerome is his name.
May ibinulong s'ya sa babaing hindi ko alam ang pangalan at tumango na lang ang babae.
"Maupo ka", utos niya at wala naman akong magawa kundi sumunod. Umupo na rin ako sa isang upuang gawa sa plastik. I'm observing how they stare at me, how they move and how they roll their eyes.
"Sino ka?" unang tanong ng nagngangalang Gerome. I've been introducing myself everytime I meet new people so here I am again.
Tumikhim muna akong baritonong sinagot ang tanong niya. "I'm detective Dave dela Rosa".
Nakatingin silang dalawa sa akin na para bang hindi satisfied sa sagot ko.
"I've been investigating and gathering informations about the case of killing of men. I know you know something or if I'm not mistaken, you know many details and informations".
"Iba ka rin e 'no? Napag-aralan mo kaagad. Sinundan mo ako, tama ba?"
"Yes, I did", I reply straightforward.
"You're interested about the woman in my nightmare. Now I told you who I am, would you mind to tell me who are you?" dugtong ko pang seryoso ang pagkakatitig sa kanya.
Nagkatinginan sila ng babae at saka s'ya nagsalita.
"Gerome Pleranin ang pangalan ko", tipid niyang sagot.
Tiningnan ko s'ya sa kanyang mga mata. I can remember someone. The way his eyes spark, it's similar at hers. May kinuha siyang notebook at iniabot sa akin. Taka ko itong tiningnan at magtatanong pa sana ako nang magsalita pa siya
", Tingnan mo".
"Sabi mo nag-iimbestiga ka sa kasong nangyayari, hindi ba?"
Nagtataka man ay binuklat ko ang notebook na ito.
Ano kaya ang mayroon sa loob nito?
May nakaipit na picture sa loob nito at nalaglag 'yon. Kinuha ko at nakita ko ang picture ng isang--
The woman in my nightmare. She's smiling here wearing a white cocktail dress together with the man in my front. He is wearing a black suit while his hands are in the woman's left shoulder.
Iniangat ko ang mukha ko at napatingin sa lalaki. His face and appearance is different from the man in this picture. He has changed. Tinitigan ko ulit ang picture. They look so joyful together. Her smile, hindi ko nakita ito sa panaginip ko. I saw a nightmare, I saw her pain, I saw her suffering and not this beaming smile.
Tama nga ako. May koneksyon ang lalaking ito sa babae. Lahat ng nangyayari at nakakasalamuha kong tao, may koneksyon sa'kin. It's like a puzzle na kapag wala ang isa, hindi ko mabubuo ang mga sagot. Hindi ko malalaman kung ano ang buong nangyari.
"Who is she?" I ask at them confusedly. The woman bows her head and look at me.
"Bestfriend ko, kapatid ni kuya Gerome", sagot ng babaing hindi ko alam ang pangalan.
I proceed reading the notebook and goosebumps start to scare the inner me.
"Sa araw ng kaarawan ko kapag wala na ako, doon ninyo mararamdamang nandito ulit ako".
Wait, hindi ko naiintindihan. Kalokohan 'to.
"May mga mamamatay na tao at ako ang may kagagawan ng mga ' yon".
Napatingin ako sa kanila.
"Are you kidding?" natatawa kong tanong dahil hindi ako makapaniwala. Ginawa lang nila ito at pinapalabas na iyong babae ang nagsulat ng mga ito.
"Huwag mo kaming pinagloloko, Mr. Dela Rosa. Ang lahat ng nakasulat diyan ay isinulat ng kapatid ko noong nabubuhay pa siya".
Ako pa ang nagloloko ngayon?
Sumeryoso na ang tono ng boses niya kaya sumeryoso na rin ako. This can't be real tho. Everything starts to become inconceivable.
I glance at them when the woman pronounces, "Bumalik siya".
Natigilan ako at napatanong ng, "What do you mean?"
Umayos ng upo si Gerome, isinandal ang likod niya sa upuan at tumingin sa akin. "Tulungan mo kami".
"Hindi pa namin nakikita ang katawan niya," nagsimula nang maging malungkot ang paligid pagkasabi niya nito.
Napayuko siya, nag-angat din ng tingin at itinuloy ang pagsasalaysay. "Hindi pa namin nalalaman kung sino ang may pakana ng pagkawala niya. May kutob kami pero wala kaming ebidensiya".
Nang tingnan ko siya, I can see now the sincerity, love, sadness and concern I didn't see in the father of Emalyn. They are contrasting in each other. This one is sincere and filled with love.
"Naniniwala akong s'ya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Si Ayorda at nabuhay ulit s'ya sa katauhan ni Andrea Leyando. May nakalagay sa notebook na 'yan na mabubuhay ulit siya at titigil lang s'ya kapag nakuha na niya ang hustisya niya. Hindi naman kami naniniwalang patay na siya pero parang alam na niya noon pang mangyayari lahat' to".
Is it the meaning of my nightmare? Does it mean na ako ang ginagamit niya para tulungan siya?
Naguguluhan kong inilapag ang notebook at napatingin sa kanila.
"Can you show me her picture? The Andrea you're saying?"
May pinindot-pindot s'ya sa cellphone niya at ipinakita sa akin. Nanlaki ang mga mata kong nakita kung sino ito. It's her! The woman Pet likes. S'ya 'yong babaing natitipuhan ni Pet.
My best friend is in danger. I have to save him.
Napansin yata nila ang pag-aalala sa mukha ko.
"Bakit po sir Dave?" tanong ni Gerome pero hindi na yata gumagana ang utak ko.
I have to save my bestfriend before it's too late.
I have to save him. Hindi ko hahayaang masaktan ang bestfriend ko nang gano'n lang. Kasama ko s'ya sa mga kalokohan tapos gano'n lang ang sasapitin niya? No. A big no. Para saan pa ang pagiging kaibigan ko kung ang iba nailigtas ko pero sarili kong kaibigan hindi ko ma protektahan? I regret something before and now I will regret another thing again.
Napatayo ako. Hindi ko alam kung saan ang bahay ng Andrea na iyon pero dapat malaman ko kung nasaan s'ya. I have to save my bestfriend.
"Hinala naming ang anak ni Mr. Ronald Luevista ang may gawa nito".
Now I fuckin' wanna die.
Luevista? Ronald Luevista is the father of Pet.
No. He can't do that. I know my bestfriend won't do that. Never in a million years. Never.
"Nagkaroon ng malaking utang ang tatay namin kay sir Ronald noon. May sakit na tuberkolosis ang papa namin".
Napayuko akong nagtataka pa rin. Hindi pa ako nalilinawanan sa mga sinasabi niya.
"'Yon ang naging simula ng ugnayan namin sa pamilyang Luevista. Tinulungan ni sir Ronald ang papa namin para gumaling. 'Yong ibang kamag-anak namin tumulong na rin, pero hindi kinaya ng pera namin at kinailangan namin ang tulong ni sir Ronald. May nakapagsabi sa papa kong nagpapautang si sir Ronald. May kasunduan silang babayaran ni papa ang utang na P900, 000 sa loob ng anim na buwan pero noong babayaran na, kulang ang pera at ayaw tanggapin ni sir Ronald".
Nakakaramdam ako ng lungkot ngayon. Bumibigat ang puso ko sa bawat naririnig ko.
"Isang araw, nabaril si papa ng hindi kilalang mga lalaki. Alam kong mga tauhan 'yon ng Ronald na 'yon."
Napatayo na ako. "At anong koneksiyon ng anak ni Ronald Luevista dito?"
In order to find the exact question, use mind wisely. Hindi ko muna sasabihing kaibigan ko si Pet para malaman ko ang buong kuwento. It is a strategy to catch up informations from a witness or suspect.
"Nang araw na nawala si Ayorda, isang tao lang ang pinaghihinalaan kong may gawa niyon. Noon pa man, gusto na ng anak ni Ronald Luevista ang kapatid ko. Noong nabubuhay pa ang papa namin, gusto na niyang hinging kapalit ang kapatid ko. At magmula rin nang mawala si papa..." Tiningnan niya ako sa matamlay na mga mata at hitsura.
This isn't real. Ano'ng klaseng kaibigan ako? Bakit hindi ko ito alam? He's lying. Kilala ko ang kaibigan ko. I trust him. I know him and he won't do all of these bullshits they're saying. Liars.
"Pumupunta na siya rito para singilin kami pero wala kaming maibigay. Hiningi niya ang kapatid ko pero hindi ako pumayag. Hindi kami pumayag ng mama ko. Hanggang isang araw, nawala ang kapatid ko, anim na taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon, hindi namin alam kung buhay pa siya, kung patay na siya. Alam naming may kinalaman ang Luevista na mag-ama rito lalo na ang hinayupak na Pet na 'yon. Sinubukan naming idemanda sila pero hindi kami pinaniniwalaan ng korte. Mula rin nang mawala siya, napapanaginipan ko rin ang mga lalaking naglalakad at may hinihilang isang babae. Alam kong siya ang kapatid ko".
Kaya pala affected siya noong narinig niya ang sinabi ko kay Pet?
Tumingin siya sa'kin na parang nagmamakaawa. Pati na rin ang babaing katabi niya.
"Tulungan mo kami. Tulungan mo kaming hanapin ang Ronald Luevista na 'yon pati na ang walang puso niyang anak na si Pet Luevista".
No. I don't understand. I won't believe his lies. Never. Pet won't do it. He's not a rapist. I trust my bestfriend. I know him well. I know he can't do all of it.
Napatayo na ako at tinawanan ang sinabi niya. "Hindi ninyo puwedeng pagbintangan ang kaibigan ko. Wala kayong ebidensya!", naiinis kong sigaw sa kanila. Hindi nila kilala ang bestfriend ko kaya wala silang karapatang pagbintangan siya.
Napatayo na rin silang dalawa.
"Sinasabi ko na nga ba", umiiling na si Gerome at parang gusto akong sugurin. "Noong una pa lang na pagkarinig ko sa kausap mo, alam ko nang may mali sa'yo".
Akma niya akong lalapitan pero inawat siya ng babaing nandito.
"Kaibigan mo si Pet Luevista? Ang hayup na 'yon?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na pagtawag niya nang gano'n sa kaibigan ko. Kilalang-kilalang ko ang kaibigan ko. Hindi magagawa ng kaibigan ko ang sinasabi nila. Wala akong maisagot na salita sa kanya pero alam kong nasasaktan ako.
"Tama ako, 'di ba? Kaibigan mo siya!"
"Oo!" 'Di ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na. "Kaibigan ko siya kaya hindi mo siya puwedeng pagbintangan."
Umiling-iling na naman siyang hindi kumbinsido sa sinabi ko. "Hindi mo kilala ang kaibigan mo".
"Kilala ko ang kaibigan ko", mahinahon ang boses ko dahil wala na ako sa oras para makipagsigawan.
"Hindi".
Tikom ang bibig na naglakad na ako palayo sa kanila. I have to save him before it's too late. At ang mga taong 'to, pinagbibintangan nila ang kaibigan ko.
Palabas na ako ng bahay niya nang marinig ko ang boses ng babaing kasama ng Gerome na 'yon.
"Kung makikipagtulungan ka sa 'min, matatapos na lahat ng 'to."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top