IKALABINGLIMANG KABANATA
Nagpapasalamat ako sa mga patuloy na sumusuporta kay Ayorda at sa iba pang mga tauhan sa mundo ng kuwentong ito. Pasensya na kung natagalan ang update na ito. Marami lang kasi akong kailangang pagkaabalahan. Sabi ko noon, June ko tatapusin pero ngayon August na, hindi pa rin ito tapos. Mahirap talaga kapag turning college na. Maraming problema sa paligid ko pero naalala ko, sa pagsusulat nga pala ako masaya. Mawala man ako, babalik pa rin ako dito.
Sa mga mahal kong mambabasa, mahal ko kayo.
In order to satisfy the readers, you have to satisfy yourself first as a writer who needs to view his/her masterpiece as a reader.
-dixie_alexa
MASASAYANG halakhakan at kuwentuhan ang maririnig sa araw na 'yon. Maraming mga bisita ang dumating at lahat sila ay may dalang regalo para sa dalaga. Punumpuno rin ng mga pagkain ang mesa at napapaligiran ang paligid ng mga disenyong kulay berde kagaya ng hiniling ng dalagang siyang may kaarawan. Pati mga regalo mula sa mga bisita ay tumitingkad sa kulay berde.
"Happy birthday to you, happy birthday to you. . . Happy birthday, happy birthday. . ."
"Blow the candle now, Yvette", anang binatang nakasuot ng gray short sleeve at itim na trouser.
Napatingin sa kanya si Yvette at masayang ngumiti. Wala siyang pagsidlan ng tuwa sa nararamdaman niya ngayon lalo na sa effort ng kanyang boyfriend. Mayamaya pa ay hinila ni Yvette ang kamay ng lalaki at ngayon ay nakapuwesto na silang dalawa sa harap ng malaking cake nito na ipinagawa ng binata para sa kanya.
"Ayieee", kantsaw ng mga tao sa paligid habang hinihintay ang susunod na mangyayari.
Napangiti na rin ang binata at siya pa ang nagbuhat sa cake para hipan ng kanyang girlfriend.
"Make a wish?"
Hinampas siya nito sa balikat na ikinangiwi ng lalaki. "Sige ka, baka malaglag 'to. Sayang effort ng boyfriend mo", biro pa niya sa kanya.
"Bakit kasi tinuturing mo pa rin akong bata e", kunwari naiinis pero naiiyak na siya at pinahid pa ang luha.
"Arte mo naman. Papangit ka bahala ka diyan", pang-aasar pa nito sa kanya.
Napanguso siya sa pagtawag nito sa kanya ng 'maarte' dahil lang iba ang ipinapakita niya sa totoong nararamdaman niya.
Naghagikhikan at pasimpleng tumawa ang mga bisitang nakapalibot sa kanila.
"Ang tagal naman ng kiss!" sigaw ng isa.
"Birthday pa lang, hindi kasal", anas naman ng isa pa.
Natawa silang dalawa at hinipan na nga niya ang kanyang cake. Kasunod nito ay palakpakan ng mga tao. Ibinaba na ng binata ang cake na 'yon at binigyan ng marahang yakap ang kanyang nobya. Sumunod na naman ang hiyawan ng mga bisita sa nakikita nila.
Mas hinigpitan ni Yvette ang pagkakayakap at ibinulong sa kanyang ", Salamat sa lahat."
"Sabi ko naman sa'yo. Hangga't kaya ko, gagawin ko lahat".
Hanggang sa maghiwalay sila sa pagkakayakap sa isa't isa, nararamdaman pa rin niya ang lungkot na hindi maipaliwanag. Lungkot na matagal na niyang nararamdaman at ayaw lang niyang malayo sa kanya ang taong pinakamamahal niya.
"WOY!"
Hindi na nagulat si Dave sa ginawang panggugulat ni Daryl sa kanya. Lagi naman nitong ginagawang gulatin siya. Alam niyang pinapanood din nito ang pinapanood niya kanina pa. Mabilis niyang ini-pause ang video at balak pa sanang i-shut down ang computer nang pigilan siya ni Daryl.
"Huwag mong patayin. Maglalaro ako".
Napaismid lang siya sa sinabi nito. May sarili namang game room si Daryl at nakakapagtakang nandito ito ngayon sa kuwarto niya para maglaro lang.
"Nakakatakot sa game room ko, kuya", sabi nito. "Parang may taong nakatingin".
Bumuntong-hininga si Dave at tiningnan ang kapatid. "Daryl, kung may dugo kang babae, aminin mo na sa'kin. Kuya mo ako, tatanggapin kita."
Naging defensive ang hitsura ni Daryl. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at naiinis na tumayo.
"Hindi ako bakla! Baka ikaw", ganti nito at pareho pa silang natawa.
"Kuya". Ipinatong nito ang paa sa upuan niya. "Kung hindi ka pa nakaka-move on, sabihin mo rin sa'kin."
Nangunot ang noo ni Dave sa sinabi nito. Hindi niya malaman kung iniinis ba siya nito o sinasaktan.
"Bata-bata mo pa", naisagot lang ni Dave dahil ayaw niyang pag-usapan ang bagay na nagpapaalala sa kanya ng kasalanan niya at paninisi sa sarili.
Natahimik si Dave at inisip kung tama nga ang kapatid niya, kung kailangan niya ba talagang mag-move on.
"May nabasa ako kuya", simula na naman nito.
Interesadong itinanong ng kanyang kuya, "Ano? "
"Ang mental health daw ay sobrang importante sa tao at hindi dapat pinapabayaan. Kagaya raw ng physical, emotional at spiritual health, ang mental health daw ay dapat iniingatan."
Napatulala si Dave pagkabanggit nito sa mga sinasabi ng kapatid.
Kahit ano'ng gawin kong pag-iingat, mangyayari ang mangyayari.
"Sabi pa ng teacher namin, kadalasan daw sa mga namamatay na sinasabing suicide ang dahilan ay naagapan pa raw sana sila kung iningatan at pinahalagahan siya ng pamilya niya o mismong sarili niya. Kung sana raw ay napansin 'yon ng pamilya ng isang taong suicidal at tinulungan siya, sana may nagawa pa sila".
Napapikit si Dave at tiningnan na lang ang sahig.
"Puwede bang tumahimik ka?" tanong ni Dave sa pasigaw na tono kay Daryl.
Si Daryl naman ang nagtataka sa inaasta ng kanyang kuya at siya na naman ang natahimik. Bigla na lang ito nagagalit at sumisigaw kahit wala naman siyang ginagawa.
"If it's his time to die, you can't do something. If someone dies, I think there's also someone that needs to be blamed".
Napatangu-tango na lang siya pero hindi siya sang-ayon sa mga sinasabi nito. Tumayo na si Dave, napayuko saglit at seryosong tiningnan ang kapatid. Si Daryl naman ay nagtataka sa ikinikilos niya.
"We could never escape death."
Nakikinig lang si Daryl sa mga sinasabi niya.
Ang ibang sinasabi ng kuya niya ay hindi niya maintindihan dahil sa malalalim ang mga 'yon para sa kanya lalo na ang huling sinabi nito bago lumabas ng sarili niyang kuwarto.
"Death is everywhere", sabi pa ng kanyang kuya habang nakangiti ngunit hindi ordinaryong ngiti. Isang uri ng mapait at malungkot na ngiti.
Nagtatakang naiwan si Daryl at napatingin sa monitor na naiwang bukas ng kanyang kuya.
"Hindi kaya suicidal si kuya?" tanong niya sa sarili at kinabahan pa sa naisip.
Nag-isip pa siya ng kung anu-ano. "Ayos na kaya si kuya? Baka naman bumalik na naman ang-"
Napatda siya sa kinauupuan nang bigla na lang tumunog na para bang may kinukuryente sa loob ang monitor. Naging itim din ang buong kulay nito.
"T--teka, 'wag naman muna." Tumayo siya para i-check ito. "Hindi pa ako nakakapaglaro e". Napakamot na rin siya sa batok sa dismaya.
Tiningnan-tingnan pa niya ang likod, harap, gilid at ibaba ng monitor pero wala naman siyang makitang sira. Baka nasa loob na ang problema nito.
"Kainis!" Naiinis na lang niyang kinamot ang ulo. Bihira nga lang siyang makapaglaro rito e. Mukhang napag-trip-an pa siya ng kanyang kuya. Dati kasi nitong ginagawa ito, pero ngayon, mukhang hindi na ito pang-ti-trip lang.
Tumahimik ang paligid at nakaramdam ng pagtayo ng balahibo si Daryl. Kasunod nito ay ang mahihinang yabag ng mga paa ang naririnig niya. Papalapit ang mga misteryosong yabag sa mismong puwesto niya. Mga yabag na tuwing gabi niyang naririnig na nagmumula sa kuwarto ng kanyang kuya. Minsan pa ay mag-isa niyang sinisilip ang kuwarto nito para tingnan kung sino ang naglalakad ngunit laging walang tao. Kung hindi walang tao ay tulog si Dave.
Napalunok siya at dahan-dahang tiningnan ang monitor na kanina ay itim ang buong kulay. Ngayon ay itim pa rin ito ngunit may mga linyang kulay puti na.
Napatayo si Daryl sa pagkagulat. "Kuya!" sigaw niya at nalaglag pa sa upuan. Pagkalaglag ay dali-dali ring tumayo, kumaripas ng takbo at naiwan pa ang isang tsinelas sa sobrang pagmamadali. Pati ang pinto ay iniwan lang niyang nakabukas.
Dave
A picture is worth a thousand meanings and memories.
I'm reading a cliché line yet the sad one that reminds me of many things.
Ibinalik ko na ulit sa pagkakalagay sa glass table ang picture na nakita ko. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tiningnan kung nakapag-send na ng message si Pet pero base sa nakikita ko, wala siyang messages kahit isa.
"Akala ko naman makikipag-cooperate siya", bulong ko sa sarili at ibinalik na lang ang phone sa bulsa. Bigla rin itong nag-vibrate kaya kinuha ko na naman.
Tita Eia's three text messages
Dave, magkasama ba kayo ni Pet?
Hindi pa kasi siya umuuwi e. Gabi na saka hindi na niya ugali ang hindi magsabi kung saan siya pupunta.
Ini-dial ko na ang number ng magaling kong kaibigan pero walang sumasagot. Sa tuwing ida-dial ko ay may naririnig akong mga mahihinang bulong sa tabi ko at. . .
"Dave!"
Napalingon ako para tingnan ang tumawag sa'kin pero wala naman akong makita. Wala akong kasama dito sa second room ko. Wala rin akong naririnig na nag-iingay. Ang first room ko ay ang pinanggalingan ko kanina kung saan ay maglalaro raw si Daryl.
Dave, you're just hallucinating. You're just stressed. You just need to rest, okay?
I just need to rest.
"Kuyaaaa!"
"Masarap, hindi ba?"
"Tulon--"
"Ilibing ninyo na 'yan".
Hinawakan ko ang noo ko kung nilalagnat lang ba ako. Hindi ako nilalagnat pero bakit ako nakakarinig ng mga nagsasalita? Bakit parang may gustong sabihin ang mga naririnig ko?
Nangangatal din ang labi ko at hindi ko mapigilan ang mga kamay ko at binti sa panginginig.
"Tulon--"
"Wala po kaming kasama, kuya".
"Dabs, take care of yourself, okay?"
Tumayo na ako para lumabas sa kuwartong 'to. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Bakit ganito? Umiikot din ang paningin ko. Paghakbang ko pa lang ng mga paa ay nakaramdam na ako ng matinding pagkaliyo. Sobrang sakit ng ulo ko na parang minamartilyo.
Naririnig ko pa rin sila. Nandiyan pa rin sila. Pero bakit? Ilang linggo na akong ganito. Akala ko okay na pero. . .
"Happy birthday. ."
"Dave, nababakla ka na ba?"
"Ikaw, gusto mo ba ng kasama?"
Iba't ibang mukha, iba't ibang boses at tono ng mga pagsasalita nila. Ang iba ay malabo, ang iba ay hindi ko matandaan kung sino ang nagsasalita pero sigurado akong kilala ko sila. Konektado silang lahat sa'kin.
"Hindi ako magsusumbong--"
Hindi ko na maidilat ang mata ko at sa bawat pagdilat ko, wala akong nakikita.
"I got a tattoo in my left fore arm".
The tattoo! I can see the photo of my own tattoo in my left fore arm!
"Make a wish".
Nag-e-echo ang mga boses nila sa loob ng kuwarto ko. Ako lang ba ang nakakarinig ng mga 'to? Maiingay silang lahat! Hindi nila ako pinapatahimik.
"I love you. . ."
Sa huling narinig ko, lalo lang akong nasaktan.
Kumapit ako sa mesa ko pero hindi na pala kaya ng katawan ko. My mouth can taste a strange something though I'm not eating anything. I can't also stop biting my own tongue. I still tried to stand up but my muscles keep on spamming. I don't have the control to stop it. . .
Nawalan na ako ng lakas para tumayo. Unti-unting dumidilim ang paligid ko. Habang nangyayari 'to ay naririnig ko pa rin ang mga boses nila. Heto na naman ang lagi kong nararamdaman tuwing nananaginip ako. May matitigas na kahoy ang pinapalo sa mga tuhod ko at pakiramdam ko rin ay ibinabaon ako nang buhay sa ilalim ng lupa.
"Kuya Dave!"
"Dad! Tita Gillette! Si Kuya!"
"Dad! Tulong! Si kuya, inatake na naman!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top