IKALABING-ISANG KABANATA

Pet

"May mali talaga e".

"Alam nating lahat 'yan."

Naguguluhan pa rin ang isip ko ngayon pero umaasa akong mahahanap na rin ang sagot sa mga tanong namin. Tumayo na ako matapos makita ang mga pictures na ipinakita ni chief. Katatapos lang ng meeting sa kung paano hahanapin ang gumagawa nito.

"Detective Luevista? Saan ka pupunta?" tanong ni SPO2 Rio pero tumingin muna ako sa labas at muling tumingin sa kanila.

"May pupuntahan lang, importanteng pupuntahan," sabi ko at naglakad na palabas.

Nasa kalagitnaan na ako ng biyahe nang tumunog ang phone ko. May tumatawag.

"Hello, dad?"

"How are you there, son?"

Dad is a businessman who's responsible for money debt, money transaction and anything about money. Nagpapautang siya sa mga taong nangangailangan at kung saan-saan din siya napupunta kaya hindi ko siya madalas nakakasama.

Tumawa muna ako bago sumagot. "Matinik pa rin, dad. Mana lang sa'yo."

"Wala ka pa bang ipapakilala sa'kin ngayon?"

"Ang totoo dad, meron na," sagot ko at napangiti.

Narinig ko rin ang pagtawa niya sa kabilang linya at isinagot sa'king, "Good. The memorable woman you became interested at before isn't yours anymore so you have to find someone new.'

I just smiled after hearing his words. He's really my dad. Mayamaya pa ay nagpaalam na siya at binabaan ako ng phone.

Ibababa ko na rin sana ang phone ko pero nakita ko ang messages ni Dave saying we should update each other.

"Update each other?" at natawa pa ako.

"I don't think it's a good idea but okay I will do his plan," kausap ko sa sarili ko habang nagmamaneho.

Ini-text ko sa kanya kung saan ako papunta.





               ___________________

"Sino ang nakaalitan niya?" I interrogate in an old man who mentioned that he's one of those who helped the man to bring him in the hospital.

"Isang binatang nagtangkang nakawin ang wallet niya noong nasa bayan siya. Tingin ko bumibili 'yong lalaki tapos nagkataong nakita noong binata ang pitaka niya at sinubukan niyang kuhanin. Sa nabalitaan ko, 'yong binatang iyon ay nagmula sa mahirap na pamilya at s'ya ang bumubuhay sa kanila," sagot niya pero' di pa rin ako nalilinawan.

"Nalaman ninyo na po ba kung ano ang ikinamatay ng lalaki? Yong binata ba ang pumatay?" curious ko pang tanong ko. His eyes are left open and he died in that position.

Umiling-iling lang siya. "Ang totoo, hindi namin alam. Natagpuan na lang siya sa kalsadang walang buhay pero wala s'yang galos at hindi raw nasagasaan. Hinala ng mga pulis ay inatake sa puso habang tumatawid ng kalsada."

"Wala po ba siyang mga kagat kagaya ng mga naunang lalaking biktima? 'Yong nakahubad tapos naliligo na sa sariling dugo at puro kalmot na hindi rin malaman kung tao ba ang gumagawa?"

Umiling-iling siya. "Wala siyang mga gano'n. Ang totoo nga niyan meron pang isang nabalitang dilat din ang mga mata pero nasa liblib na lugar. Noong nakaraang gabi, nabalita iyon ah. Hindi mo napanood?"

Natahimik na ako habang nag-iisip ng susunod na sasabihin. Pahirap nang pahirap ang kaso pero tingin ko ay malapit nang ma-solve ang misteryo rito.

"Kaloy! Umuwi ka na!" rinig kong sigaw yata ng asawa niya. Sabay pa kaming napalingon dito at nagmamadali na siyang nagpaalam.

"Pasensya na ah. Ayoko pang maulila ang pamilya ko. Uwi na ako. Mag-ingat ka, hijo. Mahirap na. Mga lalaki nga rito ay natatakot nang lumabas ng kanilang mga bahay." Dali-dali na siyang nagtatakbo pabalik sa kanilang bahay at parang takot na takot.

Naiwan akong hindi pa rin alam kung ano ba ang mga nangyayari. Lalo lang gumugulo ang laman ng isip ko. Makita ko lang talaga at malaman kung sino ang gumagawa nito, sisiguraduhin kong ako ang unang makakahuli sa kanya.

Nagpatuloy ako sa pagbiyahe at naglakad-lakad din sa pag-aakalang makakahanap ng iba pang info sa paglalakad nang mag-isa. I forgot to tell Dave where I am. Hindi naman ako sang-ayon sa plano niya. Gusto kong ako lang makahanap sa taong gumagawa nito. Sumang-ayon lang ako sa plano niya para kunwari ay nakikisama ako. He should not be the one to find the killer. It should be me. No one else. I'm sure if I find out who's the killer, people and authority will give me reward.

Sa paglalakad ay nakita ko ang isa sa pinakaayaw kong makitang tao sa nakaraan ko. Gusto ko siyang saktan at ipamukha sa kanya kung ano ang ginawa niya sa akin.

Tumalikod na agad ako at hindi na siya tiningnan pa.





                          Hana

"Ano? Wala pa ba?"

"Ma'am Saver, let's just wait maybe about 10 minutes more," pakiusap ko sa negosyanteng nagkaroon ng appointment kay maam Andrea. Ngayon dapat ang araw na magkakaroon sila ng serious meeting pero hindi pa rin siya dumarating.

"What?!" bulyaw nito sa akin. "We're waiting here for almost one hour. Kanina mo pa sinabing maghintay saglit but look what time is it?"

Galit na siyang tumayo, kinuha ang laptop at padabog na isinukbit ang hand bag sa kanang kamay.

"Sabihin mo sa boss mong maging responsable muna bago pumirma sa appointment."

"Let's go. We're wasting our time here," aya niya sa iba pang kasama.

"M-ma'am, wait. Darating po 'yon. Huwag po muna kayong umalis," pakiusap ko ulit pero inis lang at disappointed ang mga mukha nilang nagsialisan. Nalulungkot na tiningnan ko na lang sila habang umaalis. Kanina ko pa tinatawagan si ma'am Andrea pero hindi s'ya makontak. Bakit naman kaya siya um-absent?

Matamlay na bumalik ako sa cubicle ko at pinagtitinginan ako ng workmates kong parang may nagawa na naman akong kasalanan. Sinamaan ko sila ng tingin at napaupo na lang.

Luminga ako sa paligid at pasimpleng nilapitan ang katabi kong si Cheska. "May duplicate ka ba ng susi ng opisina ni ma'am Andrea?" mahinang tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya pagkarinig ng tanong ko.

Inilapit niya sa'kin ang swivel chair na inuupuan niya at pabulong na tanong sa'kin, "Hindi mo alam?"

Umiling-iling akong hindi alam ang sinasabi niya. "Ano 'yon?"

"Walang may duplicate key ng susi ng opisina niya. S'ya lang ang meron."

"Talaga?"

"Masyado siyang private person. Wala ngang may alam kung kailan ang birthday niya. Ini-stalk lang siya ni Nel kaya niya nalaman."

"Hindi nga namin alam kung saan siya nakatira. May nakakita sa kanya na hindi s'ya dumidiretso agad sa bahay niya pagkauwi. Weird nga e."

Nawewerduhan siya? Lalo naman ako. Una, hindi siya nagpapapasok sa opisina niya.
Pangalawa, kung saan-saan siya sumusulpot.
Pangatlo, 'yong sa bar na nakita kong may tinatawanan siya. Tapos may kapareho pa siya ng birthday at napakapribado nga talaga niyang tao.

At ano na naman ito?

"Woab! Break na!" sigaw ng isa sa amin, iniunat-unat pa ang mga kamay at inaya ang iba pang lumabas na.

"Break na pala. Tara, bili tayong kape," yaya ni Cheska sa'kin. "Pampagana magtrabaho. Wala si ma'am kaya walang magsasaway sa atin ngayon."

Tahimik pa rin akong nag-iisip ng magandang gawin at plano.

Tulalang napatitig ako sa monitor ko. "Kayo na lang muna. Hindi pa naman ako gutom."

"Seryoso ka? Baka naman masyado mong inaalala si ma'am ah? Hayaan mo na 'yon. Kahit gano'n 'yon, mabait din siya kahit papaano. Nilibre pa nga tayo 'di ba? Saka baka may sakit lang ngayon. Wag nang nega,"pagdadaldal pa niya at sumama na rin sa kanila sa paglabas.

May mga naiwan pa rito pero kakaunti na lang. Nasa lima na lang kaming nandirito. Tiningnan ko ang mga ginagawa nila. May kausap sa telepono, may nagta-type, may nanonood sa cellphone at may hinahanap. Nagmamadali kong binuksan ang drawer ko at hinanap ang mga files na nakalagay sa mga white folders.

"Sa'n na 'yon?"

Hinanap nang hinanap ko pa at nang makita ko ay napangiti ako. Ikinuyom ko ito sa kamay ko, tiningnan ulit ang mga ginagawa nila. Nakikita ko namang busy sila kaya iiwan ko na muna sila dito.

"Hana?" tawag sa'kin ng isang boses. Kalmado akong nilingon siya, si Leo lang pala.

"Bakit?"

Mas hinigpitan ko pa ang pagkuyom sa hawak ko para hindi niya makita. "Saan ka pupunta?"

"Ahh. Cr lang."

"Okay. May ipapabili sana ako. Akala ko bibili ka. Sige ingat ka," napakamot siya sa batok na bumalik sa puwesto niya. Para namang may masamang mangyayari sa akin dito. Nagmamadali na akong lumabas at pagkalabas ay sumandal muna ako sa pinto at bununtong-hininga.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Kaya ko 'to.

Tiningnan ko ang kaliwa't kanan ko. Wala namang nakatinging tao. Dumadaan at nilalagpasan nga lang nila ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang marating ang office niya. Tumingin ulit ako sa kaliwa't kanan at nasiguro ko namang walang tao. Sinubukan kong buksan ang pinto gamit ang paper clip pero ayaw bumukas. Sinubukan ko naman gamit ang bobby pin at natuwa ako dahil bumukas na ito.

Nagmamadali na akong pumasok at isinara ang pinto. Sigurado ako, may makikita ako rito. Iginiya ko ang paningin sa paligid ng opisina niya. Gano'n pa rin ang pagkakasalansan ng mga gamit at displays niya. Nilapitan ko ang drawers pero naka-lock ang mga 'yon. Tiningnan ko naman ang kasunod na drawer, naka-lock din.

Anong klase 'to?

May tinatago ba siya?

Naghanap pa ako nang naghanap . Pumunta ako sa banyo baka sakaling may makita pero wala naman kaya bumalik ako sa loob. Hindi ako sumuko at naghanap pa rin. Tiningnan ko rin ang ilalim ng flower vases niya pero wala naman akong nakitang kakaiba. Aalis na sana ako pero nakita ko ang basurahan niya. Ewan ko pero nilapitan ko ito at binuksan.

Sinilip ko lang at may nakikita akong papel sa loob na nilukot. Baka naman may something na dito. Kinuha ko ito kahit pa nandidiri ay pinagpagan ko muna.

Binuklat ko ito at nangunot na naman ang noo ko. Ano ito?

Alam ko ang ganitong uri ng salita. Kapag ipinikit ang mga mata nang bahagya o di kaya ay galaw-galawin ang papel habang binabasa, ang isang salita ay magbabago ang mga letra at ang salita ay magiging panibagong salita. Ang nababasa ko ngayon ay. . .

A n d r e a

Ginalaw-galaw at iwinagayway ko sa ere ang papel pero Andrea pa rin ang nababasa ko. Sinubukan kong pumikit nang konti at may ibang salita na akong nababasa. Hindi ako makapaniwala. Nabitiwan ko ang papel at napasapo sa dibdib ko. Napatayo na rin ako sa labis na gulat habang tinitingnan ang papel na ito.

Ang nabasa kong nakasulat sa papel ay ang pangalang . . .

























A y o r d a

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top