IKALABING-APAT NA KABANATA

| Here comes the rising actions of Ayorda |




Takang sinundan ng tingin ni Patrick ang kanyang kuya. "Kuya, ano'ng ginagawa mo?" Kinuha nito ang palakol sa likod ng kanilang bahay kanina at pumasok sa loob nang dire-diretso.

Sinundan niya ang kuya at nakitang nilapitan ang maliit na mesang katabi ay ang isang malaking kahong gawa sa kahoy. Sinimulan niya itong sirain ang kahon gamit ang palakol na ipinagtataka na ngayon ni Patrick.

"Kuya, anong meron diyan?"

"Mahahanap na natin ang kasagutan, Patrick. Sigurado ako", sagot ng kanyang kuya habang sinisira pa rin ang kahon. Ibinuhos na niya ang lahat ng lakas sa bawat para lang masira ito nang tuluyan.

¬ ___________________¬

Tumunog ang cellphone ni Pet habang nasa opisina at nang tingnan niya kung sino ito, si Andrea. Nilinga niya ang paligid para tingnan kung naroroon si Dave at wala naman kaya mabilis niyang binasa ang mensahe nito.

"Can we have a coffee date?"

Nag-isip muna si Pet at napagdesisyunang hindi na niya dapat palagpasin pa ang pagkakataon. He has to grab the chance or else, he'll never have her again. Not anymore.

"Yes. Saan?"

"Starbucks sa Brgy. Treios katabi lang ng malaking grocery store na malapit din sa parking lot".

Pagkatanggap niya ng mensahe ay agad s'yang napangiti. Ang babaing pinapantasya niya ay mapapasakanya na rin. Bumukas ang pinto at papasok na si Dave kaya nagmamadali niyang inilagay sa bulsa ang cellphone at bumalik sa ginagawa kanina, ang pagde-decode.

Nakahawak pa sa kanyang batok si Dave na tila sumasakit na naman iyon. Nabanggit nito sa kanyang napapadalas na ang pagsakit ng kanyang batok at ulo.

"Dave, you okay?" concern niyang tanong sa kaibigan at tumangu-tango naman ito.

Nakatayo lang ito sa harap niya at hinahawak-hawakan ang batok niya. Ipinipilig at ipinapaikut-ikot din nito ang kanyang ulo kaliwa't kanan. "I'm still fine. I'm just having some body aches but I'm okay."

Tumangu-tango rin siya at nginitian pa ang kaibigan. Huwag na kaya niya ipaalam ang gagawin niya rito tutal para sa kanya, ang private na buhay na niya ang involve dito. Itinuon na lang niya ang atensyon sa ginagawa at hindi na muna pinansin si Dave.

_______________________

"Sa wakas", tila nabunutan ng tinik si Gerome nang mahanap ang matagal na niyang hinahanap. Isang lumang notebook na inaalikabok na at may ilang pahina na rito ang kinain ng mga insekto.

Lumapit na rin si Patrick at tiningnan kung ano ang nahanap niya. "Kuya, ano yan?"

Nagulat s'ya at hindi makapaniwala. "Hindi ba iyan iyong--"

Sinimulan na niyang buklatin ang notebook na ito. Ang lumang notebook na pag-aari ng kanyang kapatid. Naalala niyang siya pa ang bumili ng notebook na ito noong kaarawan nito. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay na kinakabahan sa mga bagay na maaari niyang mabasa sa loob nito.

Unang pahina....

Sa oras na mawala ako at mabasa mo ito kuya, tandaan mong totoo lahat ng mga nandito at mangyayari ito.

Nagkatinginan sila ni Patrick. Maging si Patrick ay nakikibasa na rin at gusto pang maluha.

Mahal na mahal ko kayo.

Napapikit s'ya sa sakit. Lungkot at pangungulila ang nararamdaman niya ngayon at nanunumbalik lahat ng alaala ng kapatid. Sana ay prinotektahan niya ito noon. Sana nailigtas niya pa sya noon. Sana nagawa niya pero huli na ang lahat. Nagsisisi s'ya.

Pangalawang pahina...

Hindi ko kayo iiwan nang tuluyan dahil nandito lang ako palagi sa inyo.

Tinatagan niya ang loob at ipinagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa mga susunod pang linya.

Sa oras na mawala ako, babalik ako.

"Kuya? Kaya mo pa ba?" nag-aalalang tiningnan siya ng kapatid. "Ako na lang magbabasa para sa'yo", mungkahi ni Patrick dahil napansin nito ang pananahimik ni Gerome.

Nginitian niya ito at tiningnan ang inang nakaupo sa katre habang nakatitig lang sa dingding. Nakakaramdam s'ya ng awa at sakit pero pinipilit niya pa ring tatagan ang loob niya.

Hindi ko kayo pababayaan..

Naalala niyang may nakita s'yang anino ng babae noong nabugbog s'ya sa pagtangka niyang pagnakaw. Ang anino ng babae sa kanilang bahay na nagpakita rin noong kauuwi lang ni Patrick at sinabi nitong nakita ang kanyang ate.

"Iaahon ko pa kayo sa kahirapan kuya, kayo nina mama at Patrick."

Itiniklop na niya ang notebook na iyon. Hindi niya na kayang isiping ganoon lang ang sinapit ng kanyang kapatid sa kabila ng mga pinagdaanan nitong hirap para maiahon sila. Magiging abogado pa raw s'ya at s'ya ang magiging boses nila para maging hustisya ngunit s'ya mismo ay hindi pa napagkakamitan ng hustisya.

Kinuha ni Patrick ang notebook na iyon at s'ya na ang nagpatuloy sa pagbabasa ng mga nakasulat doon.







"PET!"

Napalingon si Pet sa boses na iyon. Si Dave lang pala at hinabol s'ya ng kaibigan. Nang makalapit ito sa kanya ay nakita niya ang bitbit nitong kahong naglalaman ng doughnuts na ipinagtaka niya.

"Dave?" Taka niyang tiningnan ang kaibigan. "Akala ko nakauwi ka na?" tanong niya rito dahil may pupuntahan pa siya.

"Hindi pa naman". Hinihingal nitong tiningnan si Pet. "Nagmamadali ka ba? Naalala mo noong college pa tayo, lagi tayo bumibili ng doughnuts at 'yon pa ang ipinangreregalo mo sa mga nagiging girlfriend at mga nililigawan mo," nakangiting paalala nito sa kanya. Lumitaw ang mapuputi nitong ngipin at lumiwanag ang laging seryosong mukha ng binata.

Naalala niya iyon lahat. Kalahati yata sa bilang ng mga naging girlfriend at niligawan niya ay kilala ni Dave. May iilan lang na hindi na niya ipinakilala sa kanya dahil naging busy sila sa kanya-kanyang buhay. Natawa si Pet sa inasta ni Dave lalo na nang iabot nito ang doughnuts na iyon.

Nagawa pa siyang tawanan ni Pet. "Nababakla ka na ba, Dave?"

Nangunot ang noo ng kanyang kaibigan.

"Addict ka ba?" Mas lalo namang natawa si Dave sa narinig. Imposible ang sinasabi nito dahil straight siya sa pagkakaalam niya. "Hindi kita papatulan. 'Di tayo talo."

Ugali na ni Dave ang maging soft-hearted sa mga kaibigan nito. Minsan ay nasasabihan siyang paminta at kung anu-ano pa pero hindi lang talaga nila kilala ang totoong siya. Kahit sa ibang tao ay mabait siya, siya ay isang larawan ng lalaking mahirap hanapin.

"Joke lang haha. Ingat bro, Dave." Tinapik nito ang kanyang balikat at ganoon din ang ginawa ni Dave sa kanya.

Naging sandalan niya ang kaibigan mula high school, college at hanggang sa magkatrabaho sila, pareho rin sila ng piniling propesyon. Kasama niya ito sa lahat ng takot at krimeng nareresolba nila minsan nang kanya-kanya at minsan ay mag-partner sila.

"Ingat", tanging naibilin ni Dave sa kanya.

Kinuha ni Pet ang dala ni Dave at tinanguan na lang ito. "Same to you", sa huli ay nakapagpaalam pa si Pet sa kanya bago pumasok sa kanyang kotse.

Napabuntong-hininga si Dave nang makaalis ang kaibigan. Kilala niya ito. Alam niyang mabuti itong tao at mabait na kaibigan kaya kahit noon pa ay lagi na niyang ipinagdarasal na gabayan s'ya kahit s'ya magpunta.

________________

"Kuya, nakakatakot na ito", wika ni Patrick at napahinto sa binabasa.

Hinablot niya ang notebook na iyon at binasa ang binasa ng kapatid kanina. Maging s'ya ay natakot na sa mga sunod na nakasulat dito. Kung kanina ay puro sulat lang ang nakalagay, ngayon ay mas bumibigat at nakapangingilabot na ang mga nakasaad na salita. Hindi lang salita dahil may mga nakaguhit nang sungay, krayolang kulay pula at pinuno pa nito ng kulay pula ang isang pahina.

Napalunok s'ya at tiningnan pa ang iba.

Kapag namatay ako dahil kinitil ang buhay ko, dadanak ng dugo pagkatapos ng anim na taon matapos akong patayin.

"Kuya, may ideya ka na ba?"

Napatingin si Gerome sa kawalan at iniwas ang tingin habang napagtatagpi-tagpi sa isip kung ano ang mga nangyayari.

"Kilala ninyo ako, hindi ba? Kapag ginusto ko ang isang bagay, gagawa ako ng paraan para gawin 'yon. Hindi rin ako basta-basta sumusuko."

Hindi s'ya nakakaramdam ng takot kundi lungkot. Hindi niya pa rin matanggap na ganoon ang nangyari sa kapatid. Wala s'yang takot na nararamdaman kundi awa, awa dahil alam niyang napakaraming pangarap sa buhay ng kanyang kapatid. Hindi niya na magawang makapagsalita pagkatapos mabasa at makita ang nakalagay sa notebook. Unti-unti na niyang naiintindihan.

"Sa oras na mamatay ako at hindi ko pa nakakamit ang hustisyang gusto ko, babalik ako para maningil."







"KUMUSTA ang lasa ng kapeng 'yan?" nakangiting tanong ng dalaga matapos inumin ang kanyang kape.

Inilapag ni Pet ang kanyang kape, ipinatong ang siko sa mesa at ibinigay sa kanya ang isang matamis na ngiti.

"Masarap. Kasingsarap ng nasa harap ko ngayon," dugtong pa niyang nakatitig sa magandang dalaga.

Ipinatong din nito ang siko sa mesa at tumitig sa kanya. "Talaga? Bukod sa sarap, ano pa ang lasa?"

Ngumisi si Pet at napatingin sa dibdid ng dalaga.

"'Yong kape ba?--" tiningnan niya ang kapeng nasa mesa." Masarap. Pero 'yong isa--" at napadako naman ang mga mata niya sa dibdib ng dalaga. "Hindi ko pa natitikman e," nakangisi niyang sabi.





"Kung kinakailangan kong ipahiram ang kaluluwa ko sa demonyo para lang mabuhay ulit at makamtan ang hustisyang gusto ko,

gagawin ko...

Ayoko ring kahit sino sa inyong pamilya ko ay sinasaktan. Kung sinuman ang manakit sa inyo, mananagot sa akin dahil malalagutan din s'ya ng hininga".

Hindi na napigilan ni Gerome. Napaluha na lang s'ya sa isiping nagbalik nga ang kanyang kapatid at naghihintay lamang ng hustisya. Hustisyang hindi niya pa rin naaabot hanggang ngayon.

Napatingin din siya kay Patrick at sa ina niya.

May kailangan pa s'yang gawin dahil hindi pa tapos ang mga nangyayari....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top