IKALABINDALAWANG KABANATA

| Poot. Galit. Lungkot. Rebelasyon. Katotohanan. |






Kadiliman. Katahimikan. Ingay lamang mula sa mga kuliglig. Ilaw na nagmumula sa mga dalang flashlight. Ang mga ito lamang ang maririnig , mararamdaman, at makikita ng mga taong naglalakad papasok sa masukal at madilim na kagubatan maliban sa isang taong binabalot na ng hilakbot sa bawat paghakbang ng mga paa.

Sa bawat pintig ng puso, ramdam niyang katapusan na niya.

Ang gubat na ngayon at tinatawag na 'Patay na Gubat'.

Matigas na utos ng isang lalaking may sukbit na baril sa bulsa", Bilisan ninyo na. Baka may makakita pa sa atin e". Lumilinga-linga ito sa paligid. Pinakikiramdaman kung may mga matang nakatitig sa kanila't sinisiguradong magiging matagumpay ang isasagawang plano: isang planong isa ring krimen sa mata ng batas.

May mga impit na pag-iyak at mahinang saklolo ang nais na ipaabot sa kung sinuman ang makatagpo sa kanya sa kamay ng mga armadong lalaki. Hindi niya magawang makapagsalita sapagkat nakabusal ang kanyang bibig at nakatali ang mga kamay sa kanyang likuran. Nanghihina ang mga tuhod at pigil-hiningang tiniiis niya ang mga nangyayari pero sa kanyang isipan, nagpapaalam na siya.

"Bilis na!" nagmamadaling utos na naman ng pinakapinuno nila. "Kupad-kupad ninyo. Bilis!" Siya na ang humablot sa braso ng biktima at hinila ito.

"Sigurado kayo, sir?" nagpalinga-linga ang isa sa paligid. "Dito natin gagawin?"

Akmang kukunin ng binata ang kanyang baril na nakasukbit sa bulsa. "Huwag kang pakialamero at baka sa'yo ko maiputok ang baril na ito", galit namang banta nito sa kanya.

Wala siyang nagawa kaya nanahimik na lamang habang binabagtas ang gubat na maraming pasikot-sikot. Mabibilis ang mga hakbang ng kanilang mga paang tinahak ang kanilang pupuntahan.

Samantala ay mas bumibilis pa ang pagkabog ng dibdib ng biktima. May mga luha na ang paunti-unting bumabasa sa kanyang mga mata. Paulit-ulit at maraming beses na rin niyang inuusal sa kanyang isipang sana panaginip lang ang lahat. Sana magising na siya sa bangungot na nangyayari nang mga oras na ito.

"Let the fun begin". Narinig niyang sabi ng isang taong demonyo para sa kanya ngayon. Sa oras na mabuhay ulit siya, maaaring s'ya ang uunahin o ihuhuli niyang bigyan ng isang matamis at memorableng paghihiganti. Narinig din niyang tumatawa ang iba pang kasama nito. Mayamaya pa ay tinanggal na ang busal sa bibig niya pero sa pagkakagapos, hindi iyon inaalis. Nasisilaw na inilawan pa s'ya sa mukha ng isa sa kanila. Napapikit siya at naramdaman na lang niyang may mga kamay na pumisil sa kanyang pisngi. Mapusok, galit at punumpuno ng pananabik ang ginawa nitong pagpisil sa kanyang pisngi.

Mangiyak-ngiyak niyang sinubukang lumayo sa mga ito ngunit huli na dahil napapaligiran siya ng mga ito. Bumabalong na sa kanyang magandang mukha ang mga luhang balot ng takot hindi lamang para sa kanya ngunit pati na sa kanyang pamilya. Hindi niya kakayaning mawalay sa kanila o kung panahon na para sundan ang ama, hindi niya pa matatanggap dahil kailangan niya pang bumangon, kailangan niya pang iahon ang pamilya sa hirap.

"P-pakiusap", nauutal na lumuhod na siya. "P-pakawalan ninyo na ako. Hindi ako magsusumbong sa mga pulis. Kahit sa pamilya ko lalo na kay kuya, h-hindi ako magsusumbong. P-patakasin ninyo lang ako. Nagmamakaawa ako," Lumuluhang tumingin siya sa paligid niya, nagbabakasakaling may paraan at madadaanan para makatakas ngunit napapaligiran siya nila at may mga baril silang hawak. May bitbit na lampara ang dalawa sa mga ito at iyon ang nagsisilbi nilang ilaw. Dalawang flashlight naman sa dalawa pang magkaibang tao.

Hindi na niya kaya. Wala nang lakas ang katawan at mga tuhod niya. Pati pag-asa ay nawawalan na siya. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang galit, poot at pinagsama ang dalawa. Hindi niya hahayaang lamunin siya ng panghihina at kawalan ng pag-asa.

Sa buhay ng tao, kapag ipinakita mong mahina ka, gagamitin nila iyon laban sa'yo para pahinain ka pa. At 'yon ang isa sa hindi niya hahayaang mangyari.

"Tayo,"madiing utos ng taong niluhuran niya.

Nagpapaawang ginaya nito ang hitsura niya. "Kawawa ka naman. Pasensiya na, hindi ko magagawa ang gusto mo".

"H-hindi ako m-magsusumbong. I--ipinapangako ko' yon. Please", pumipiyok na utal-utal ang pagsusumamo niya kahit alam naman niyang hindi sila papayag na makatakas s'ya.

Nagtawanan ang mga lalaking tila alam na ang susunod na gagawin ng binata. Kinabig s'ya nito palapit sa kanya. Hinawakan ang kanyang beywang paitaas hanggang sa kanyang tiyan. Ngumisi ito habang s'ya ay napapapikit na dahil hindi niya masisikmurang gagawin nito sa kanya ang madalas na diskusyon nila ng kanyang kuya.

"Huwag mo basta-basta ibibigay ang pagkababae mo sa isang lalaki hangga't hindi mo nasisiguro na hindi ka niya mahal, hindi ka niya pakakasalan at hindi ka niya gagawing laruan. Hindi dapat itinuturing na pampawi lang ng tawag ng laman ang isang babae. Lalo ka na, Da. Ayokong masaktan ka. Ayokong kung sinu-sinong lalaki lang ang lalapit sa'yo dahil lalaki rin ako at alam ko kung ano ang gusto ng isang lalaki."

Kinagat niya ang labi dahil nais humagulhol ng kanyang sarili sa harap ng lalaki pero hindi siya magpapakita ng kahinaan dito. Itinataas nito ang kanyang damit pero mabilis na s'yang umatras.

Tumayo na siya at nagngangalit ang mga litid sa bagang na sinigawan sila. "Pagsisisihan mo 'to! Pagsisisihan ninyo itong lahat!" sigaw niya isa-isa sa kanila. Hindi niya mamukhaan ang iba sa kanila ngunit alam niyang balang araw ay magiging malinaw ang lahat sa kanya. Iisa-isahin niya sila.

Nakahanap s'ya ng matatakbuhan at pinilit na tumakbo kahit nananakit ang mga tuhod. Natatandaan pa niyang hinampas ng dos por dos ang likod ng kanyang dalawang tuhod kaya hindi s'ya makalakad at makatakbo nang maayos.
Hindi niya kaya. Kahit anong pilit niyang ubusin ang lakas, natutumba lang siya. Gayunpaman ay hindi s'ya sumuko gaya ng hindi pagsuko ng ina niya sa pag-aalaga sa kanila. Tuwing matutumba siya ay tumatayo pa rin siya. Hindi siya susuko kagaya ng pagpupursigi ng kanyang kuya at pananatiling kakayanin anuman ang harapin.

Nakangiti niyang inilapag sa mesa ang mga pagkaing binili niya. "Ayan ang masarap nating ulam". Nabili niya ang mga ito gamit ang suweldong kinita sa part-time job bilang waitress.

Unti-unti nang kinakain ng kadiliman ang paningin niya.

"Wow! Ang dami naman niyan, ate. Ang sarap. Tinitingnan ko pa lang, nagugutom na ako", nauna nang sumugod sa mga pagkain ang kanyang kapatid.

Napangiti s'ya habang inaalala ang masasayang ngiti ng ina, kuya at nakababatang kapatid. Mahal na mahal s'ya ng mga ito at alam niyang sa mga oras na ito, hinahanap siya nila.

ISANG binata ang napaluhod na sa kalsada dala na rin ng panghihina. Napapikit siya sa nararamdang inis para sa sarili, takot, at pag-aalalala para sa mahal na kapatid. Siya na ang tumayong Padre de pamilya nang mawala ang kanilang tatay at nangako siya sa kanilang amang aalagaan nang maayos ang natirang pamilya sa kanya. Napasabunot na rin siya sa sarili. Kahit lalaki ay tuluyan nang naglandas ang mga luhang kinikimkim niya kanina pa. Hawak sa kanyang kaliwang kamay ang cellphone at sa kabila ay isang litrato ng marikit na dalaga.

"Mas marami pa diyan ang makakain ninyo kapag naging abogado na itong anak ninyo, ma." Bumaling naman siya sa kanyang kuyang abala sa pagsusulat ng lectures. "Di ba, kuya?"

Hindi interesadong tumango lang ang kinausap kaya't naisipan ng dalagang lapitan ang kanyang kuya. Sinilip niya ang ginagawa nito. Seryoso ang mga pokus nito sa kanyang sinusulat at binabasa-basa pa nang paulit-ulit. Mayamaya pa, bigla na lang niya niyakap ang kapatid at ginulu-gulo pa ang buhok.

Kinakapos na siya sa paghinga at bigla ay may narinig s'yang putok ng baril. Parang tumigil ang mundo sa kanya at pakiramdam din niya ay humihinto na rin ang puso niya sa pagtibok.

"Ano ba 'yan?" iritadong nagsalubong ang kilay ng kanyang kuya. "May ginagawa ako e", dugtong pa nito pero hindi siya natitinag. Nakayakap pa rin siya sa kanya.

Lumayo rin siya pagkatapos ng ilang segundo at ngumuso.

Ngumuso lang siya at inirapan ang kuya. "Arte mo naman. Malay mo," tumawa pa siya-"last na yakap ko na 'yon sa'yo, kuya."

Napaangat ng tingin ang binata. Ihininto rin nito ang ginagawa at sinulyapan ang nakangiting kapatid. Tunay na ang sigla-sigla nito at siya ang pinakamasayahin sa kanilang tatlo.

Napapaluhod na siya pero hindi siya nagpapadala sa panghihina. Pinipilit niya pa ring tumayo habang iniisip na sinasalubong siya ng kanyang pamilya. Nakangiti sila, nakabuka ang mga kamay na hinihintay ang paglapit niya.

"May pangarap pa pala ako, marami at 'yong isa?"

"Bibilhan ko kayo ng malaking malaking bahay. Tig-isa pa tayo ng mga bahay e pero ayoko niyon dahil gusto ko kahit sa kamatayan ko kasama ko kayo", masigla niyang ambisyon at gumuhit pa ng bahay sa hangin gamit ang kamay.

Napatingin siya sa kanyang tiyang mayroon nang bahid ng dugo ngayon. Napangiti s'ya nang maalala na naman ang saya niya noong kasama ang buong pamilya.

"Tama na 'yan ate", reklamo na rin ng kanyang isa pang kapatid. "Si ate kung anu-ano sinasabi. Kain na kayo. Sayang 'yong mga pagkain' pag pinabayaan". Inabot ng kanyang maikling kamay ang mga pagkaing nakalagay sa plastik. "Ang dami-dami nito. Sarap!" napapadila at naglalaway pang tinitingnan nito at sinisimulan nang pakyawin ang mga pagkain: piniritong manok, adobong sitaw, mga tinapay at may softdrinks pa.

"AKALA mo makakatakas ka?" rinig niyang boses ng lalaking puno't dulo ng lahat. "Hindi mo ako matatakasan dahil magiging akin ka na ngayon". Kasunod ay ang paghalakhak pa nito.

Nagtatalon sa tuwang pumasok siya sa loob ng kanilang bahay. "Kuya!" Lalo pa siyang natuwa nang makita ang kuyang bumungad sa kanya. "Pasado ako sa bar exam. Malapit na akong maging abogado!" at nagtatakbo siya palapit sa kapatid.

Kahit hirap sa paglalakad ay pinilit niya namang tumakbo. Mahapdi na ang kanyang mga tuhod ngunit hindi niya alintana iyon dahil gusto niya silang makita at makasama pa.

"Talaga?" nakangiti siya nitong sinalubong. "Nakakatuwa naman 'yan. Wow! Ibig sabihin--"

"Oo kuya. Mabibigyan ko na ng hustisya ang mga taong mahihirap kahit hindi mahirap na makamtan kung ano yung dapat ay sa kanila. I will be the queen of justice!" at itinaas pa niya ang nakakuyom na kamay kagaya ng kay Darna. Ngayon ay matutupad na ang pangarap niya matapos ang ilang taong pagtitiis sa hirap.

"HUWAG ka na kasing tumakas dahil maabutan ka pa rin namin".

Napahawak siya sa kanyang tiyan at napansin niyang basa na ng dugo ang damit niya at walang tigil sa pagtulo ang dugo niya.

"ALE, nakita ninyo po ba ang babaing ito?" Isang binata ang naglahad ng larawan sa isang matanda, nagbabakasakaling nakita niya siya.

Umiling-iling ang matanda. "Naku hindi hijo eh. Pasensya na".

Nanghihinayang na napapikit na lamang siya. Hindi s'ya puwedeng mawala. Hindi s'ya puwedeng makuha nila. Hindi kakayanin ng kanilang nanay kapag pati isa sa mga anak niya ay iiwan din siya. Hindi niya rin mapapatawad ang sarili sa oras na may mangyaring masama sa kapatid.

HINDI na niya kinaya pa. Nawalan na s'ya ng lakas para lumaban pa at sumuko na ang kanyang katawan. Hindi niya pa ipinipikit ang mga mata dahil umaasa s'yang ang makikita ng kanyang mga mata ay ang pamilya niya. May humila sa kanyang mga paa at rinig na naman niya ang nakakalokong mga halakhakan ng mga lalaki.

Nagsara na ang talukap ng kanyang mga mata tanda ng panghihina. "Ma, kuya, Patrick, huwag kayong mag-alala. Babalik ako. Babalikan ko kayo", bulong niya sa sarili.

Habang nag-aagaw-buhay ang dalaga, nagsasaya naman ang mga lalaki.
Wala na s'yang nagawa nang may mag-alis ng kanyang mga saplot. Hindi na yata s'ya aabot sa ospital. Hindi naman siya umaasang makakaligtas pa. Halakhakan na naman nila ang narinig niya habang binababoy nila s'ya isa-isa. Pinaglalaruan nila ang kanyang katawang parang isang karneng tinitikman, sinasamsam ang sarap, inaamoy at sinusulit ang lasap ng kaligayahan.

Wala s'yang nagawa habang pinagsasalit-salitan nila s'ya. Ang pangarap niya, maging boses ng hustisya ng mga taong kailangan niyon. Ngunit bakit s'ya mismo, hindi niya nagagawa ito ngayon?
Namumutla na ang kanyang labi, wala nang natitirang lakas para kumilos at magsalita.

"Boss, tama ka nga. Ang sarap niya", at tumawa pa ang isa sa sinabi nito.

"Sabi naman sa inyo e. Kung marunong lang kayong sumunod, masarap ang matitikman ninyo".

Sinusuot nila ang kanilang mga saplot habang ang dalaga ay pinabayaan nila sa ganoong sitwasyon: lantang-gulay, hubo't hubad, mahina at kaawa-awa.

Napangiti ang dalaga nang makita ang isang anino ng hindi niya kilalang anino sa kanyang gilid. Kung may hawak itong karet, s'ya na si kamatayan ngunit wala. Sa halip na karet ay may nakikita siyang tatlong ulo nito at tila may mga sungay pa ito. Kahit hindi niya nakikita ang mukha ay tila nakatitig ito sa kalunos-lunos niyang kalagayan. Napangiti siyang inaabot ng kamay niya ang nakikita niyang nilalang. Alam na niya ang susunod na mangyayari.

Matapos makapagbihis at ayusin ang sarili ay walang awang iniutos ng lalaki", Kuhanin ninyo na ang sako".

Tumalima naman ang inutusan at ipinakita sa binata ang hawak na sako. "Ito na sir".

Walang anu-ano ay kinuha nito ang baril sa bulsa, hinipan muna ang baril na iyon, itinutok at kinalabit ulit iyon sa nakahandusay na babae.

Napangiti na siya nang unti-unti na namang sakupin ng itim na kulay ang nakikita ng kanyang mga mata. Bago pa maging tuluyang itim ang nasa harap niya, isang anino ng itim na nilalang ang nakita niyang nakatayo sa harap niya. Walang bago rito, puro itim lamang ito at umuusok din ang itim likuran nito.

"Babalik ako at babalikan ko kayo".

"Isako na 'yan at maghukay na kayo. Maghanap na lang kayo ng panghukay diyan--" tila walang pusong utos ng tunay na demonyo sa kanyang mga tao.

"-at ilibing ninyo na' yan", ang huling linyang binitiwan nito.

Dave hurriedly chases his breathing as he wakes up.

Pagkamulagat ng mga mata niya ay pinagpapawisan na ang buong mukha niya't pati leeg at braso, basang-basa ng pawis. Nahihirapan siyang humingang pinilit bumangon at napahawak na lang sa kanyang sentido at ulo.

Isang bangungot ang nakita niya pero tingin niya, isa na ito sa kanyang mga hinahanap na kasagutan sa kanyang mga tanong. Iniunat niya ang kamay para abutin ang mineral water na nakalagay sa ibabaw ng kanyang mesa. Naghanda na siya nito dahil lagi madalas siyang binabangungot.

Noong isang gabi ay nakaranas pa siya ng sleep paralysis, buti na lang pumasok sa kuwarto niya ang kapatid. Sabi pa ni Daryl ay may anino ng babae raw siyang nakitang pumasok sa kuwarto niya na agad ring lumabas at nagtungo naman sa kuwarto ng kuya niya.

Sa bangungot niya kanina, may kalabuan ang mukha ng biktimang babae pero nakita niya ang luha sa mga mata nito at ang paghihirap na dinanas. Ang mga lalaki ay malabo rin ang mga mukha pero may natatandaan siyang palatandaan sa lalaking pinakapinuno nila. Nailawan ito sa nakita niya nang tanggalin nito ang kanyang suot na damit pang-itaas.


May isang tattoo ito ng bungo kaliwang bisig.






























Alex's note:

Ayorda is already completed. May wakas na ito. Nasa drafts ko pa nga lang. Ine-edit ko na lang lahat at ipa-publish ko na lang isa-isa ang mga chapters. Balak ko nang i-mark na completed ito sa parating na June. Isang taon at magta-tatlong buwan na rin kasi sina Ayorda, Dave, Hana, Gerome at Pet dito sa Wattpad at isang achievement para sa akin kapag naging official completed na ito. Mabagal kasi talaga ako mag-update at nag-hi-hiatus din ako nang isang taon, sampung buwan pero dahil sa quarantine, nandito ako. Baka maging daily update na ang gawin ko simula bukas. Salamat sa mga suporta. Mahal ko kayo.
Seeya soon. 💙

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top