IKALABIMPITONG KABANATA


"Nasaan kang bata ka! " bulyaw ng isang lalaki sa hinahanap na bata. Hawak nito  sa kaliwang kamay ang isang kutsilyo, nanlilisik ang mga mata at palinga-linga sa loob ng kanilang bahay.

"Lumabas ka riyan! "

Tinakpan ng batang babae ang kanyang bibig at mangiyak-ngiyak na niyakap nang mabigpit ang kanyang manika. Mag-iilang minuto na siyang nasa loob ng drum, nauubusan ng hangin pero tinitiis ang panghihina para lang mailigtas ang sariling buhay.

"Ate, tulong".

"Tulungan mo, 'ko".

"Kapag hindi ka lumabas, malalagot ka sa'kin", banta na naman ng malaking boses.

Mas tinakpan pa niya ang kanyang bibig dahil humihikbi na siya nang hindi niya namamalayan.

"Galingan mo lang sa pagtago ah! Kapag nahanap kita sa lungga mo, patay ka sa'kin".

Niyakap na lamang niya ang tuhod na nanginginig sa takot. Walang magliligtas sa kanya sa oras na 'to. Walang sasagip sa buhay niya pero sa kabilang banda, umaasa pa rin siyang may taong makakarinig ng paghingi niya ng tulong.

"Tulong, kuya. Mama, sana nandito ka."

Mga kalabog at kalansing ng mga kutsara't kaldero ang sunud-sunod na umalingawngaw sa loob ng kanilang bahay. Alam niyang nagwawala at pinagtatapon na naman nito ang kanilang mga gamit.

"Nasaan ka!"

"Sana nandito ulit siya."

"Isa!"

Nagsisimula na itong magbilang. Kapag ganito na ay alam niyang nasa panganib na talaga ang kanyang buhay. Ilang beses na nito inulit ang ganitong gawain ngunit wala pa rin siyang lakas ng loob.

"Dalawa!"

Nasasakal na ang manikang hawak niya sa mga kamay at nababasa na ng kanyang mga luha. Sa murang edad ay ipinamalas na sa kanya ang pait sa mundo ng buhay. Ito ngayon ang nararanasan niya.

"Tatlo!"

Pinipilit niyang huwag lumikha ng anumang ingay. Kinakapos na siya ng hangin pero kinakaya pa rin niya. Kagaya ng sabi sa kanya, huwag siyang susuko dahil matatapos din ang lahat. Sabi rin nito sa kanya, ipaglaban niya ang karapatan niya ngunit sa ngayon ay hindi niya pa kaya.

"Apat!"

"Kapag umabot ng lima at hindi ka pa rin lumalabas diyan, may ibang madadamay."

"Si mama!"

"Alam mo na kung sino kaya labas na!"

"mama"





"Emalyn"

Bigla siyang natauhan nang makita kung sino ang nasa harap niya.

Agad niya itong niyakap. Kung puwede lang niya sabihin. Kung puwede lang. "Ma!"

Nagulat ang ginang sa biglang pagyakap ng anak pero niyakap na rin niya ito at mas mahigpit pa. Inilayo niya ito sa kanya at hinagod ang buhok ng anak.

"Aalis na ako ah?"

Nalukot ang dating masigla nitong mukha at niyakap ulit siya. "Sama na po ako, ma".

"Ayoko na rito", bulong niya.

Nag-aalalang tiningnan niya ang bata. Gustong lumuha ng mga mata nito na parang may hindi sinasabi sa kanya.

"Bakit, anak? May problema ba? Gusto man kitang isama pero bawal ang bata sa trabaho ko e".

Tiningnan niya ang hawak na manika nito. Nakakapagtaka ngunit wala na itong saplot, gulu-gulo at halos nakakalbo na rin ang maganda nitong buhok noon.

"Ano'ng ginawa mo sa manikang binigay ko sa'yo?"

Itinago niya ang manika sa kanyang likod at ngumiti pa. "Hindi po ako ang may gawa, ma. Sila po".

Nangunot  ang noo ng ginang sa sinabi nito. "Sino'ng sila? Mga kalaro mo?"

Napayuko siya. Ang totoo ay iniiwasan na siya ng mga kalaro niya. Nawawala na rin ang mga kaibigan niya. Isinasali lang sila ng mga ito tuwing siya ang nagiging taya at minsan pa ay siya ang sentro ng kanilang pangungutya.

"Relen! Hali ka na!"

Natigil na ang usapan ng mag-ina nang tawagin na si Relen ng kanyang kasamahan at kaibigan sa trabaho. Tumayo na siya at niyakap ulit ang kanyang anak.

"Alis na ako. Dito ka lang, ha?"

Hindi na siya sumagot. Pagkatapos naman ng pag-alis ng kanyang mama ay aalis din siya. Sinundan niya ito ng tingin habang naglalakad palayo sa kanya.

"AYOS ka lang ba?" tanong ng kanyang kaibigan na lalong nagpalakas ng kanyang agam-agam.

"Ayos lang naman kaya lang-" Inayos niya ang kanyang bag at sabay na silang naglakad.

"Hindi maganda ang nararamdaman ko e", mahina niyang dugtong.

"Si Emalyn kasi." Naalala na naman niya ang nakita kanina. Hindi pangkaraniwan 'yon para sa kanya. "Parang may hindi tama  pero 'yong manika, 'yong manika kasi. . ."

"'Yong manika ay ano?"

Hindi na siya nakatiis. Tumakbo siya pabalik sa kanilang bahay. Iniwan niya ang kanyang kaibigan doon.

"Relen! Ano'ng gagawin mo? Hintayin na lang kita dito ah!"

Tumakbo siya pabalik sa kanilang bahay para hanapin ang anak. Hinihingal na inayos niya ulit ang suot na bag. Wala na ito sa pintuan kung saan niya iniwan kanina. Marahil ay pumasok na siya sa loob kaya pumasok na rin siya at hinanap ito.

"Nasa'n na 'yon?"

"Emalyn!"

"Anak!"

Walang Emalyn na sumasagot. Walang tao sa loob maliban sa tahimik at magul nilang bahay.

"ANO kaya nangyari ro'n? Baka nag-away na naman sila."

Niyakap niya ang sarili dahil pakiramdam niya ay may kasama sila. Nanlalamig din ang kanyang katawan at tumataas ang balahibo niya sa batok kabit pa umagang-umaga naman.

"Sino 'yong kasama ninyong babae kanina?"

Napahawak siya sa dibdib sa pagkagulat nang may biglang magsalita. Isa itong matandang lalaking uugud-ugod na. Nakatingin ito sa pinagtakbuhan ng kanyang kaibigan pabalik sa bahay nila.

Nagtataka niya itong sinagot. "Po? Ah si Relen po ba tinutukoy ninyo? Kaibigan ko po 'yon. "

Umiling-iling ang matanda at dinuro pa siya gamit ang tungkod nito.

"Hindi 'yon ang tinutukoy ko."

"Diyos ko po!" Napasapo siya sa dibdib sa ginawa nitong pagduro sa kanya. Anyong ihahampas pa nito sa kanya ang hawak na tungkod.

Umatras siya sa gulat sa ginawa nito, hinigpitan ang hawak sa bag dahil baka isa lang itong modus ng matanda. Sakto namang humahangos na dumating ang isang lalaki.

"'Tay Petring naman e", naiinis nitong sabi at inalalayan ang matanda. "Sabi ko hintayin ninyo ako sa loob ng traysikel".

Tiningnan nito ang babaing nasa harap. "Ginawa niya rin ba sa'yo ang pagduro ng tungkod?" tanong nito.

Tumangu-tango ang babae. "Pakibantayan naman siya. Mamamatay ako sa takot e". Hinawak-hawakan niya pa ang kanyang balahibo sa kamay dahil tumatayo ang mga ito. "Matatakutin akong tao".

Ngumiti lang ang lalaki bago sumagot. "Pinag-iingat lang kayo ni tatay Petring."

Nalilito na siya. Saan ba sila kailangang mag-ingat?
Mas lalo siyang nalito sa sunod nitong sinabi. Bilang isang matatakuting tao, hindi ito ordinaryo sa kanya.

"May iba ka pang kasama bukod sa kaibigan mo".

Natulala siya pagkatapos nitong sabihin 'yon. Nilinga niya ang kaliwa't kanan, tiningnan ang likuran at harap. Umatras na naman siya nang umatras at nilinga rin ang binalikan ng kaibigan. Hindi pa bumabalik si Relen.

"Nananakot naman kayo. Alis na nga", pagtataboy niya sa dalawa.


"PUWEDE mo namang tawagan na lang siya para ipaalam 'di ba?"

"Nandito na tayo e. Aatras pa ba?"

Dalawang binata ang nagtatalo pa kung itutuloy ang kanilang gagawin, sina Detective Ryan at Detective Kiro. Wala nang nagawa si Kiro nang buksan na ni Ryan ang pinto ng kotse at nauna nang bumaba. Gano'n na rin ang ginawa ni Kiro tutal nandirito na rin sila.

Pinindot na ni Ryan ang doorbell habang si Kiro ay pinag-aaralan ang lugar na para bang ito ang unang beses na nakapunta siya rito.

"Dalawang linggo na mula nang matigil ang krimen." Kinakausap ni Kiro ang sarili mag-isa at nagawa pang hawakan ang kanyang baba hanggang sa kanyang pisngi.

"Tapos na nga ba?" pabalik na kausap ni Ryan.

Tumawa si Kiro para asarin ang kaibigan. "Kayo ang tapos na",  pang-aasar niya pa.

"Nakakatawa?" tanging nasagot ng pikon na kaibigan. "Kapag ipinapatay kita ro'n sa men killer, malalagot ka".

"Palibhasa hindi mo matanggap na mas guwapo ako sa'yo".

Tiningnan siya nito mula paa hanggang ulo. "Guwapong mukhang paa", bulong ni Ryan.

Hihirit pa sana ang detective pero bumukas na ang pinto at bumungad sa kanila ang batang bersyon ni Dave.

"Little Detective Dave", nakangiting bati ni Kiro.

Napangiwi si Daryl. "Daryl po, Kuya Kiro at Ryan".

Isinandal ni Ryan ang likod sa pader ng bahay nina Dave. Mayamaya pa ay si Kiro naman ang nagsalita.

"We're here to investigate about the missing case of your brother's bestfriend".

Pinaglipat-lipat ni Daryl ang tingin sa dalawang bisita. Nakilala niya ang dalawa nang minsang magkaroon ng outing ang mga detectives na kasama ni Dave sa trabaho. Magmula noon ay naging little detective na ang tawag sa kanya at para bang malalapit na sila sa isa't isa.

"What?" gulat na tanong niya sa dalawa.

"Yes", sagot ni Ryan. "Two days ago, Pet's mom came in the office to find his son. Unfortunately, Pet was already missing for two days".

Wala sa bahay nila ang kanyang kuya dahil nasa ospital pa rin ito hanggang ngayon. Hindi na nga ito nakapasok sa trabaho dahil sa nangyari. Hindi rin niya nakakausap nang madalas ang kaibigan nito kaya wala siyang gaanong alam.

Nagtataka niyang tiningnan sila. "Wala dito si Kuya Dave".

Sina Kiro at Ryan naman ang nagkatinginan. "We both know", saad ni Kiro.

"Bakit pa rin po kayo pumunta rito?"

Ngumiti si Ryan at tinapik ang balikat ng binatilyo. "We're just training you how to analyze a case or crime".

Si Kiro naman ang tiningnan niya. Kaya naman pala magaan ang loob niya sa dalawa dahil kaugali nila ang kanyang kuya. Ganitong-ganito rin ang sinabi ni Dave sa kanya nang malaman noon na gusto niyang maging pulis at sundan ang yapak ng kapatid sa larangan ng pag-iimbestiga.

Si Kiro na ang sunod na sumabat. "Soon to be a police, little Dave, 'di ba?"

"Little Detective Dave, may alam ka ba sa pagkawala ng kaibigan ng kuya mo?" usisa ni Kiro.

Napaisip nang malalim si Daryl. Wala naman siyang gaanong alam tungkol sa pagkawala ng kaibigan ng kanyang kuya.

"I'm just Dave's younger brother. We're not close of his bestfriend. Besides. . ." Napaisip na naman siya.

"I think Kuya Dave can't handle all of these. He has-" Hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil nag-aalala siya para sa kapatid.

Nagtaka ang dalawa sa sinabi ng binatilyo.

"Ano'ng mayro'n kay Dave?" usyoso pa ni Kiro.

Hindi na siya sumagot pa. Hahayaan na lang niyang ang kuya niya ang gumawa ng desisyon at sana sa paggawa ng desisyon. . .

"Sana kayanin niya."

"Kiro, we're running out of time". Si Ryan na ang pumigil sa pag-usap nilang dalawa. "Let's go".

"Paano ba 'yan, General dela Rosa. Kailangan na naming umalis", paalam ni Kiro. Sumaludo pa siya kay Daryl na para bang nirerespeto at nakikita na nito ang magiging kinabuksan niya. Retired army din kasi ang tatay ni Kiro kaya nasanay na siyang sumaludo.

Sumaludo rin si Daryl pati na kay Ryan. "Take care, detectives."

Nagmamadali nang umalis ang dalawa pero tinawag pa sila ni Daryl para ipaalam ang isang bagay na alam niya tungkol sa kanyang kuya.

"Kuya Kiro! Kuya Ryan!"

Lumingon ang dalawa sa kanya.

"Bantayan ninyo si kuya".

Nagtaka na naman  sila. Bakit naman kaya nila kailangan nilang bantayan si Dave?

"Bakit?"

"Tumatakas 'yon ng ospital".

Tumawa si Kiro sa narinig pero pinigilan siya ni Ryan sa hindi pagseryoso sa sinabi ng kapatid ni Dave.

"Si Dave, tumatakas ng ospital?" tanong ni Ryan.

"Ayaw na ayaw niya sa ospital at baka nasisiraan na 'yon ng ulo ngayon".

Nagkatinginan habang nagtataka ang dalawang binata.




Dave

Nakaratay pa rin ako sa kamang 'to. Iniikot ko na nga ang buong kuwarto ko para hindi ma-bored. Hindi rin ako mapakali at tinitingnan ko minu-minuto ang phone ko kung ano'ng balita sa kaibigan ko. Pakiramdam ko ay babalikan na naman ako ng seizure na 'yon. Baka nga anumang oras ay mangisay na lang ako sa sunud-sunod na nararanasan ko. Kung karma lahat ng 'to, kailangan kong sagipin ang kaibigan ko. Wala na akong pakialam sa suspek sa pagpatay ng mga lalaki. Ang bestfriend ko na lang ang uunahin ko.

"Your bestfriend is missing".

I just received a message saying he's missing. How could it be? Noong isang araw lang ay nakausap ko pa siya.  Paano?  Hindi puwedeng wala akong gawin. Kailangan ko nang lumabas dito.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at lalapitan ko na rin ang pinto nang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Daryl.

"What?" I shouted. I don't really feel safe here. I can sense lots of things. The voices are still here and this place is also strange.

"Detective Ryan and Kiro are on the way there".

The two? What are they going to do here? I don't want to hear any of his words so I put down my phone immediately. I dialed another number. It's Kuya Leo's number.

"Pakidala ng matinong damit dito, Kuya Leo."

"Pero sir, kasi-"

"Basta gawin mo na lang".

"Surprise, Dave!"

Nilingon ko ang nagsalita. Nandito na ang dalawang sinasabi ni Daryl. Kung kailan namang makakaalis na ako, saka pa sila dumating.

"Pet is missing!" masigla pang bungad ni Kiro. "Alam mo bang-"

"Stop!" pigil ko na sa kanya. Bakit parang ang saya pa niya.

"Sigurado akong marami pa kayong dapat gawin. Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

Umupo si Kiro sa kama ko. "Gusto ka lang namin tulungan."

Si Ryan ay nakatayo lang sa pinto. Kapag may taong bumukas, mababangga siya.

"Makulit talaga 'to si Kiro e. Siya nagpumilit na pumunta dito. Alam ko namang alam mo na, 'di ba Dave?"

Tumahimik muna ako para pakinggan ang sasabihin nila.

"Saka hindi lang naman 'yon ang pinunta namin dito." Humiga pa sa kama ko si Kiro at naaalala ko dito ang ginawa ni Pet.

"Ano pa?" interesado kong tanong.

Ryan crossed his arms. "Naisip naming baka 'di mo kami paniwalaan e".

What are they trying to say? Bakit ako pinapahirapan nang ganito. Deserve ko bang ulanin ng sunud-sunod na problema.

"Dave-" Bumangon na sa pagkakahiga si Kiro. Nakikita ko pa rin ang kaliwang bisig na may tattoo. Ano ba'ng koneksiyon ng tattoo na 'yon sa'kin.

"Just get well soon".

"Tell me what you want to say." Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may text na galing kay Kuya Leo. "Kapag hindi mo sinabi sa'kin, baka lalo akong masiraan ng bait".

"Totoo nga yata ang sinabi ni Daryl", umiiling na sabi ni Ryan.

Ano na naman ang sinabi ng batang 'yon sa dalawang 'to. Madaldal pa naman 'yon pagdating sa kanila.

Natigilan ako sa sinabi ni Ryan.  "Remember about the crime of killing of men?"

Tiningnan ko siya nang may nag-aalalang mga mata. Hinding-hindi ko mai-imagine na mangyayari ito sa bestfriend ko. "Paano kung nabiktima ang kaibigan mo, Dave?"

Never! Sino ba ang uunahin ko ngayong kailangan nila ako. Paano ko ba hahatiin ang sarili ko.

Should I set aside my own health for their sake? Should I? What if the consequence of seeking for answers is my own loss.

'Yong mga boses! Kilala ko pala sila! Namumukhaan ko na sila! 

"Lumabas na kayo", mahina kong utos sa kanila dahil hindi ko na kaya ang dami ng boses na bumubulong sa'kin.

"Kararating lang namin." Naging kunot pa ang noo ni Kiro. "Pinapaalis mo agad?" tanong pa niya.

"Kiro, tama na. Iwan na natin siya".

"Pero-" Nagdududa akong tiningnan ni Kiro.

"Bilis na!" sigaw ko sa kanila kaya wala na silang choice kundi lumabas. Sinara ko na ang pinto pagkalabas nila.

Nanginginig na naman ang mga kamay ko pero kailangan ko pa ring tawagan si Kuya Leo.

"Pakibilisan, Kuya Leo", sabi ko sa kabilang linya.







"May tatapusin lang ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top