IKADALAWAMPUNG KABANATA
"Nakakapagtaka, Detective Ryan, hindi na nauulit ang krimeng ito ah".
Natawa si Detective Ryan at naisipan pang magbiro. "Napagod na siguro ang killer ngayon. Baka sunod na pala kayo ah?"
Nagtawanan din ang iba pa pero natahimik ang isa nang may maalala. "Baka naman hindi pa ito tapos?"
Lumapit ang isa pa sa kanila, si Detective Kiro at narinig ang usapan nila. Sumimsim ito sa kanyang hawak na kape at sinamaan ng tingin si Ryan.
"Nagagawa ninyo pang magbiro sa seryosong bagay ah?"
Natahimik sila pero si Ryan, hindi siya nagpatalo. "Iwas stress din minsan, syempre. Sabi na rin ng iba, hindi natin alam kung sino ang suspect, nakaka-stress talaga 'yon".
Sumimsim ulit si Kiro ng kape at inilapag ang baso sa kanyang mesa. "Alam ninyo, minsan huwag ninyong idaan sa biro kasi 'yong iba, nahihirapan na".
Nakagat ni Ryan ang labi at tiningnan si Kiro na nakatingin din sa kanya. "Kailan ka ba dumanas ng hirap bilang lalaki?"
Ngumisi si Kiro sa sinabi ni Ryan. "Hindi mo ako kilala".
BUMUKAS ang pinto at malakas pa ang nilikhang kalabog ng pagbagsak nito. Para bang galit na galit ang may gawa nito kaya't ibinunton ang galit sa pinto. Napalingon ang iba pang detectives sa kararating lang na si Dave. Nagngangalit ang litid nito, pawisan, magkasalubong ang dalawang kilay at tiim ang bagang na hinihingal nang bumungad sa pintuan.
Napatayo ang isa sa kanila at takang itinanong sa kanya, "Detective Dave, okay ka lang? Sisirain mo ba ang pinto natin?"
Pati ang iba pang abala sa pagtatrabaho ay napahinto at natuon ang mga atensiyon nila sa binata. Bakas na bakas sa mukha nito ang galit. Mukha rin siyang nakipagbakbakan at bumalik lang para kumuha ulit ng bala ng baril.
Inilinga ni Dave ang paningin sa kabuuan ng kanilang opisina at nagmamadaling nilapitan ang puwesto niya. Kinalkal niya ang kanyang mesa, mga drawers at secret folders para mahanap ang hinahanap. Napasabunot siya sa kanyang sarili at sinipa pa ang upuan niya. Sa lakas ng pagkakasipa niya ay muntik nang matamaan si Detective Ryan. Mabuti na lang at agad niyang naharang ang upuan at nagtatakang tiningnan si Dave.
"Ano bang problema mo, Detective dela Rosa?" tanong niya rito.
Tumayo si Dave at sinuntok pa ulit ang mesa. "Arghhh!" Pinaghahagis nito ang mga folders pati na rin ang teleponong nakapatong, hindi nakaligtas. Hinagis niya ito at muntik matamaan ang isa niyang kasamahan.
Nagsitayuan na silang lahat at naglakas-loob na ang iba sa kanilang awatin si Dave pero masyado siyang malakas. Nagsisigaw siya at nagpupumiglas.
Nang mapansin ni Detective Ryan na hinihingal si Dave at kumakalma na habang inaawat ng iba pa, inutusan niya silang bitiwan ito.
Hinarap niya ang binata at iniangat ang mukhang pawis na pawis na. "Ano'ng nangyayari sa'yo?"
Natauhan si Dave, nahimasmasan at nanlaki ang mga mata nang mapagtanto ang nagawa niya. Hindi siya makapagsalita at hindi alam ang sunod na gagawin. Lumayo sa kanya ang mga kasamahan nila pero si Detective Ryan, nasa harap lang niya, pinag-aaralan ang kakaibang ikinikilos niya.
Tumatagaktak ang pawis niyang tiningnan si Detective Ryan. "Sumama ka sa'kin", biglang utos ni Dave. Mukhang wala na ito sa sarili o sinasapian ng ibang esperitu.
"Hindi puwede. May ginagawa pa akong Criminal Investigation at hindi pa ako tapos", sagot niya pero nagulat siya sa sunod na ginawa nito.
Kinuwelyuhan siya nito, pinanlisikan ng mga mata at binantaang , "Sasama ka sa'kin o may iba kang pupuntahan?"
"Detective dela Rosa, lumalabag ka na sa rules dito", pag-awat ng isa sa kanya.
Hindi nagpatinag si Dave at nakakuwelyo pa rin ang kamay niya sa detective na si Ryan. Lalapit na sana si Kiro para awatin si Dave pero sinenyasan na ni Ryan ang binatang huwag na.
Walang naging reaksiyon ang mukha ni Kiro. Noon pa ay naalala niya ang kakaibang ikinikilos ni Dave kasama ang bestfriend nito.
"Dave, you okay?" rinig niyang tanong ni Pet sa kaibigan. Panay ang hawak ni Dave sa kanyang ulo at batok. Pinaiikot-ikot niya rin ang ulo niya.
Hindi niya na lang pinansin ang mga kakaiba niyang nakikita sa dalawang magkaibigan pero ang paraan ng pagtitig ni Pet sa kaibigan tuwing hindi ito nakatingin, may kakaiba rito.
Nakita niya rin ang pagkuha ni Pet ng cellphone pero nagmamadaling binalik 'yon sa bulsa nang makitang dumarating ang kaibigan.
"Ayos lang ako," nakangiting saad ni Ryan bago tinanggal ang kamay ni Dave sa kuwelyo niya.
Iginiya ni Dave ang paningin sa mga nasa loob. Kumalma na ang kanyang aura at hitsurang sinabi ", Hindi ako nasisiraan ng ulo."
Napaawang ang bibig nila pero si Kiro, nanatiling nakatitig at nakikitaan pa rin ng pagiging weirdo si Dave. Bakit kaya hindi nito kasama ang kaibigan?
"Sumama ka sa'kin", utos na naman niya kay Ryan. Hindi malaman ng detective kung ano ang isasagot sa sinabi niya pero gusto niyang tulungan kung anuman ang gusto ni Dave ngayon.
"Saan?"
Hindi na sumagot si Dave at nagmamadaling lumabas. Pagkalabas niya ay ibinagsak na naman niya ang pinto. Nagkatinginan silang lahat, nagtataka, naguguluhan. Lalo na sina Kiro at Ryan. Sinenyasan ni Kiro si Ryan na sundan ang tila nasisiraan ng ulong si Detective Dave.
Pinagpagan ni Ryan ang kuwelyo at buhok na nagulo dahil sa ginawa ni Dave kanina. Mas lalo pa silang nagkatitigan ni Kiro. Mga titig na sinasabi sa kanyang gawin niya ang dapat niyang gawin.
"ANO ba'ng gagawin mo ro'n, Dave?"
Seryoso ang tingin ni Dave sa daanan. Mas binibilisan pa niya ang pagmamaneho. Halos mahilo na ang kasama niyang detective pero wala siyang pakialam.
"Manahimik ka muna, Ryan," naiinis niyang utos na ginawa naman nito.
Saglit nga itong natahimik pero nadagdagan na naman ang pagtataka nang makita ang nasa screen ng cellphone ni Dave.
23 unanswered calls for Pet
Nang tingnan niya rin ang mga kamay nito, dumudugo ang mga 'to. Siguro ay sinuntok niya ang kamao niya sa matigas na bagay.
Nakakapagtaka, ano ba ang nangyayari?
Hindi sinasagot ni Pet ang mga tawag niya?
Dalawang araw na ring absent si Pet, ang akala ko ay nagpapahinga siya pero kung nagpapahinga nga siya, imposible dahil wala man lang pasabi.
"Dave? Nawawala ba si Pet?" bigla niyang tanong sa kanya. Hindi niya alam kung tama ba pero sa tagal niya sa trabaho, minsan nakukuha na niyang magbigay ng hinuha at hypothesis sa mga nakikitang clues.
Hindi nagsalita ang kinausap at mas binilisan pa ang pagmamaneho. Iisa lang ang nasa isip niya ngayon. Kasagutan.
"Alam mong hindi ikaw ang naka-assign sa krimeng iniimbestigahan mo", pagpapaalala pa ni Ryan sa kanya habang naglalakad sa pasilyo ng opsital.
"Alam ko", tipid na sagot ni Dave at mas binibilisan na naman ang paglalakad. Pakiramdam niya, kaunti na lang ang oras na natitira at anumang oras ay may mawawala na naman. Hindi lang basta pakiramdam ang pagkakaalam niya dahil alam niyang may mawawala talaga.
"Alam mo naman pala e pero bakit ikaw ang nakikialam. Ngayon nasaan si Pet? Ano ba'ng nangyayari sa'yo?"
Seryoso na naman ang mga mata ni Dave na itinanong sa kasama ", Saan?" Hindi niya sinagot ang tanong ni Ryan sa kanya. Ang tinutukoy niya ay ang morgue na gusto niyang makita dahil may gusto siyang hanapin.
Nagulat naman si Ryan sa bigla nitong pagtanong at kahit naiinis siya sa katrabaho ay itinuro pa rin niya ang hinahanap nito. Pagkaturo na pagkaturo ay sinipa agad nito ang pinto kahit bukas naman ito.
Nagulat ang nasa loob na isang hospital staff na siyang nag-aasikaso sa mga bangkay. Napatingin ito sa dalawang matitikas na binatang dire-diretsong pumapasok sa loob nang walang pasabi.
"Ah sir, bawal po kayo--" Tatangkain sana nitong pigilan si Dave pero sinenyasan kaagad siya nitong lumayo sa kanya.
Isa-isang tinanggal ni Dave ang mga kumot na tumatakip sa mga malalamig na bangkay. Nag-aalalang nakaantabay lang naman si Detective Ryan sa kanya na walang magawa dahil mukhang determinado ang binata sa kanyang ginagawa.
Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Gusto man niyang awatin si Dave ay hindi niya magawa dahil baka mapatay pa siya nito kapag pinigilan niya sa ginagawa niya.
"Dave, tama na 'yan".
Arnold.
"Sir bawal po 'yang ginagawa ninyo", pigil na naman ng nagbabantay sa loob. Wala lang naging silbi ang sinabi niya dahil nagpatuloy lang si Dave sa paghanap ng hinahanap niya.
Hinila niya ang lalagyan ng mga bangkay na may nakasulat na Arnold sa may paanan. Arnold Vila.
Pagkakita niya sa bangkay nito ay kinuha niya sa kanyang bulsa ang gloves at isinuot. Nakatingin lang sa kanya si Ryan. Nasikmura pa ni Dave na pisilin ang mga parte ng katawan ng bangkay, tiningnan sa iba't ibang parte ng katawan ang hinahanap na marka pero wala siyang makita.
Lumapit na rin si Ryan para tingnan ang ginagawa niya. "Detective Dave, kailangan na nating umalis".
Parang walang narinig si Dave at siniyasat pa ang kamay, leeg at mukha ng bangkay. Namumutla na ito sa puti at mahimbing nang nakapikit.
Nang iangat niya ang kaliwang bisig nito, kaliwang bisig kung saan ay kaparehong puwesto ng kinalalagyan ng kanyang tattoo, nanlaki ang mga mata niya. Sinimulan na naman niyang habulin ang hininga sa labis na pagkagulat.
Napaatras siya. Nahihintakutang napatingin may Ryan pero mabilis din niyang ibinalik ang tingin sa bisig ng bangkay.
"Bakit?" Mas lumapit pa si Ryan sa kanya para tingnan din ang nakita niya. "Ano'ng nakita mo?"
Iniangat niya ang bisig nito at nandirito pa rin ang marka ng 'X' nitong kulay pula.
Nangunot lang ang noo ni Ryan sa nakita.
"Nakikita mo ba ang nakikita ko?" tanong ni Dave sa kanya.
Nagtatakang siniyasat ni Ryan ang tinutukoy nito pero tanging kamay, braso at bisig ang nakikita niya.
"Kamay ang nakikita ko".
Si Dave naman ang muling sumiyasat sa bisig ng bangkay. Unti-unting nawawala ang marka ng 'X'. Hindi naalis ang mga mata niya sa tinitingnan hanggang sa tuluyang mawala ang marka na 'yon.
Mas lalo namang nadagdagan ang pagtataka kay Ryan lalo na nang hawakan ni Dave ang kaliwang bisig niyang natatakpan ng suot na leather jacket.
Nanghihinang napaatras si Dave na hindi na nag-aksaya ng panahong ibalik ang kumot ng bangkay o tapunan man lang ng tingin ang hospital staff na nagbabantay sa morgue.
"Umalis na tayo", sabi lang niya sa kasama at nagmamadali na namang lumabas.
Pagkalabas na pagkalabas niya sa morgue ay saka na bumagal ang mga lakad niya. Wala siya sa sariling binabangga ng mga dumadaan at pakiramdam niya at tagus-tagosan lang nila siya.
Napahinto siya sa paglalakad nang manindig ang mga balahibo niya. May nakamasid sa kanya at nararamdaman niya ring may iba pa silang kasama ni Ryan. Napaangat siya ng tingin at nakita sa 'di kalayuan ang kanyang bestfriend na nakatayo. May mga kasama rin itong taong palakad-lakad.
Napalunok siya at tatawagin sana niya si Pet pero naglakad na ito sa gilid nang dire-diretso. Ang suot nitong itim na v-neck t-shirt at gray na slacks noong huli niya itong nakausap ay suot nitong ngayon. Ang gupit nitong 2x3 ay kaparehong-kapareho ng sa kaibigan niya.
Hindi siya maaaring magkamali. Si Pet 'yon!
Habang iniisip na si Pet nga ang nakikita niya, naramdaman niya na lang ang butil ng luhang tumulo galing sa kanyang kaliwang mata.
Hahabulin pa sana niya ang kaibigan pero narinig niya ang sinabi ni Ryan.
"Walang daanan diyan, Detective Dave. Sira rin ang elevator. Isa pa, naka-lock lahat ng pinto diyan".
Sinulyapan niya ang nakasunod kanina pa sa kanya na si Ryan. Dahan-dahan niya ulit tiningnan ang nakita kanina.
Nanigas siya sa kinatatayuan nang makita kung ano talaga ang nakita kanina.
Madilim na pasilyo lamang ito. Pumupundi pa ang mga ilaw at naka-lock nga ang mga pintuan. Walang gilid na puwedeng puntahan ng tao, kung meron man ay naka-lock ang mga 'yon.
Wala ring mga taong palakad-lakad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top