IKADALAWAMPU'T ISANG KABANATA

Author's note: This chapter is brutally written, it contains fright, scary pictures and gifs. In this chapter, you'll also feel anger, fear and satisfaction. Dunno if satisfaction is included but I assure you. This chapter is the second longest (creepy) but also one of the best chapter. Enjoy and cheers, mah readers 🍻🍷.

I suggest you to read this while your wattpad is in dark mode and when it's night or maybe in 12 am when you're alone at your house.
Cheers 🥂

A stranger is reading....you ready?

Pet

Nahihilo pa akong nagising at napahawak na lang ako sa ulo. Para akong hinampas ng malaking bagay sa ulo ko. Ang sakit!

Hinawakan ko ang ulo ko at napangiwi nang makapa ko ang kanang parte ng noo ko. "Ahh!" Nang tingnan ko ang palad ko, may dugo na ito.

Tiningnan ko ang katawan ko. Nakatakip lang sa akin ang isang pulang kumot at sa harap ko ay may nakahandang damit. Ang effort naman niya. Napangiti ako nang maalala ang nangyari. I had her. She was mine that night pero isang bagay ang ipinagtataka ko, ano'ng nangyari pagkatapos niyon?

Nagmamadali kong isinuot ang damit na nandirito at pinagpagan ang sarili ko pagkatapos.

Wait, where's my phone?

Kinapa ko ang sarili ko't nakalimutan kong hindi nga pala ito ang suot ko kahapon kaya imposibleng nandito ang phone ko. Hinanap ko ito sa itaas ng sofa, ibabaw ng mesa , ilalim ng mesa pero wala.

Oh my clothes! Nandoon 'yon. I should find where the hell my clothes are. Hinahanap na ako nina mommy ngayon, I'm sure. I remember Dave. Maybe he's worrying about me now. I should have told him the address where I am.

Now, where would I find my clothes?

Tumayo ako at ngayon ay nakakaramdam na ako ng pananakit ng katawan ko. Kung kanina ay sa may noo lang, ngayon pati balakang, balikat at mga paa ko ay nakakaramdam ng sakit. Ano ba'ng nangyari?

"Ouch", napangiwi ako nang sinimulan ko nang maglakad. My legs are hurt and I can't walk straight.

Kung nandito lang ang phone ko, matatawagan ko pa si Dave. I can ask his help but I didn't reply in his messages. I don't have my phone with me right now. 'Yong mga damit ko, dapat mahanap ko iyon dahil nandoon ang phone ko, nakalagay sa bulsa. Argh!

Tumingin-tingin ako sa paligid at nakitang wala si Andrea. Good for her. I can escape now. Kahit namimilipit sa sakit ang katawan ko ay pinilit ko pa ring maglakad papunta sa pintuan palabas. Hinawakan ko ang paa ko at napangiwi na naman ako dahil nagkandabali-bali yata sa sakit ang buto ko, pati tuhod ko ang sakit.

Nagmamadali ko pa ring sinubukang makapaglakad at makalapit sa pintuan. Only few steps are left at makakalapit na ako nang biglang humapdi naman ang balikat ko. Tiningnan ko ito, bakit may mga kalmot? Nakakaramdam na ako ng takot ngayon. It reminds me of the case where men are being killed and missing.

No. She should not kill me right now in this way.
She can't. I need to escape. I need to get out of here.

Nakalapit na rin ako sa pinto pero nag-aalala pa rin ako nang makitang naka-lock ito. She has planned all of these. Sinubukan kong buksan, suntukin, hilahin, sipain, itulak at kung anu-ano pa pero ayaw talaga bumukas. Napatingin ako sa hagdanan, baka nandyan na siya pero wala kaya nagpumilit akong buksan ang pinto at hindi ko nga kayang buksan.

Naghanap ako ng puwedeng maipambukas. Sa kanyang mga drawers, hinanap ko ang anumang matigas na bagay na puwede kong gamitin para sirain ang pinto. I can't see anything. Walang laman ang mga drawers niya. Binuhat ko ang mabigat na mesa kahit na iika-ika na akong maglakad. My whole body is aching but I need to do this. Bigla na lang napaluhod ang mga tuhod ko sa sakit na para bang hinampas ng matigas na bagay. Dahil sa kirot ng katawan ko ay nabitiwan ko ang mesa.

The fear starts to climb up from veins up to my heart and my head feels dizziness. My environment is getting darker in my blur vision too. I know I'm gonna be her next victim. I should not be.

Sigurado ako, may iba pang paraan. Makakatakas pa rin ako dito. I promise that to myself. Pinilit ko na naman ang mga paang ihakbang ito. Nagpalinga-linga ako, sa kaliwa't kanan, itaas at likuran nagbabakasakaling may kahit anong bagay na magagamit ko laban sa kanya. Lumapit ako sa kusina niya at kinuha ang isang kitchen knife.

Bumibilis na rin ang bawat tibok ng puso ko. Hinahabol ko na ang hininga ko at pinagpapawisang nanlalagkit na ang buong katawan ko. Wala pa akong oras para punasan ang pawis na ito dahil ang gusto ko ngayon, makatakas. Naglakad-lakad pa ako bitbit ang kutsilyo hanggang sa makakita ako ng hagdanan pababa. Nakaawang ang pinto pero hindi ito sapat para makita ko kung ano ang nasa loob. I'm stucked between papasok ba o maghahanap ng pinto para makalabas.

Umatras ako bago ko pa maisipang bumaba sa hagdanan papasok sa basement na ito pero parang may nanghihila sa mga paa ko papunta rito.
Napalingon ako. Baka nandiyan na s'ya at sinusundan na ako. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kutsilyo. Kahit napapangiwi at panay ang hawak ko sa masasakit na bahagi ng katawan kong nagkandalasug-lasog ang muscles, sinubukan ko pa ring umatras.

I tried to run away but my feet have their own lives. Kusang gumagalaw ang mga paa kong nagsisimulang bumaba sa hagdanan. Humawak ako sa riles ng hagdanan but I can't resist it. I have no control to pull back and surrender. I'm now in a serious shit.

Kusang naglalakad ang mga may buhay kong paa palapit sa basement na ito. Napapikit ako at ngayon ko nararamdaman ang takot na hindi ko naramdaman noon.

Pagkabukas ko ng pinto, napaduwal ako sa sahig at gusto kong isuka lahat ng kinain ko sa sama ng amoy na naaamoy ko ngayon: amoy-bulok na daga, naaagnas na bangkay, amoy ng sariwang dugo at nakakasulasok na iba pang amoy na hindi ko malaman kung ano.

Nanginginig ang buong katawan kong natutulala habang pinipilit iatras ang mga paa ko pero nakatulos na ang mga paa ko rito at kusa na lang gumagalaw ang mga kamay ko. Isinara ko ang pinto at dahan-dahang pumasok pa sa loob nito. Napalunok ako nang tumambad sa mga mata ko ang nilalaman ng masangsang na basement na ito. Nagsitayuan na rin ang mga balahibo ko sa katawan, nanlalamig ang batok ko lalo nang makita ko ang mga nasa loob ngayon.

Naglakad-lakad pa ang mga may sariling buhay na paa ko sa loob. Ginagawa kong iatras pa ang mga paa ko kahit sobrang sakit pero wala akong magawa. Kusang gumagalaw ang katawan ko kahit na hindi ko gusto. Kinokontrol ako nito ngayon pero hindi ko alam kung paano ito nangyayari.

Hirap na ibinuka ko ang bibig at sinubukang sumigaw ng tulong pero walang salita akong magawang banggitin at wala ring boses na lumalabas. Mas lalo pang bumibilis ang pagtibok ng puso ko habang naiisip na ito na ang katapusan ko. Nakakabingi na ang bilis nito na para bang wala na akong ibang naririnig kundi ang tambol ng puso ko. Ramdam kong basang-basa na ng pawis ang katawan ko at pati ang mga mata ko ay humahapdi dahil natutuluan ng pawis mula sa noo ko. Namamanhid at naninigas na naman ang buong katawan kong napako at nakadikit lang sa kinatatayuan. Hindi na rin ako makapag-isip ng tama. I'm panicking inside my mind!

Mga mata ko na lang ang nagagawa kong paikut-ikutin at galaw-galawin. Gusto kong maduwal na naman nang mahagip ng mga mata ko ang nasa loob ng mga garapong nakapatong sa eskaparateng gawa sa kahoy.

Isang kidney ang nakakulong sa loob ng garapon at nag-uumapaw ang nangingitim na dugong kasama nito. Hindi na rin maayos ang pagkakatakip na para bang malalaglag na. Ipinagsiksikan lang ng may gawa nito ang kidney sa loob dahil mas malaki ang size ng kidney kumpara sa size ng garapong pinaglagyan.

Hindi makapagsalita ang bibig ko ng kahit anong salita at ang mga mata ko naman ay napatingin sa katabing garapon.

Isang pusong hindi na tumitibok ang nasa loob ng garapong doble ng laki ng puso ang naroroon. May dugo rin ito sa loob pero kalahati lang ng garapon at wala itong takip. Dahilan para mas maamoy ko pa ang nakakasukang amoy ng walang kuwentang mga lamang-loob.

May nakita akong mga hugis-taong nakahigang natatakpan ng mga pulang kumot sa kama. Lalapitan ko na ang mga ito nang maalalang hindi ako makagalaw sa puwesto ko. Pinilit ko pa rin. Nagbilang ako sa isipan ko kasabay ng mga dasal na sana ay hindi ito totoo.

Isa Walang bago, pinapahina pa rin ng takot ang sistema ko bilang lalaki.

Dalawa Naalala kong may hawak pala akong kutsilyo. Pagkakita ko ay hawak ko pa rin ito. Napapikit ako nang mariing sinusubukang ubusin ang lakas para galawin ang kamay ko dahil isasaksak ko na lang ito sa sarili ko. Mas gugustuhin ko pang mamatay na ako ang pumatay sa sarili ko kaysa may ibang pumatay sa akin. Walang tao ang gugustuhing mamatay na tatanggalan ng lamang-loob, ilalagay sa garapon ang mga lamang-loob na iyon at ibabandilyo sa kanyang basement. I'm still a failure dahil hindi ko maigalaw ang kamay ko, hindi ko mapapatay ang sarili ko.

Pagdilat ng mga mata ko ay kulang na lang malaglag ang mga mata ko at mahimatay ako nang wala sa oras. Nandito na ako sa harap ng bangkay na nakatakip ang katawan gamit ang kumot na pula. Nakakapagtaka ring naigalaw ko bigla ang mga kamay at tatanggalin ko na sana ang kumot na 'yon nang may mapokus ang paningin ko sa kabila pang dingding.

Hindi ko na naman maigalaw ang katawan ko. Bukod sa ingay at bilis ng tambol ng sarili kong puso, wala na akong ibang naririnig. Sarili ko lang ang naririnig ko. May nakikipaglaro sa akin dito. She's playing over me.

There are blank pictures of men here where all were marked by X and only one isn't. Sari-saring ingay na ang naririnig ko ngayon. I can hear someone crying for help, a woman shouting angrily, a voice of a man moaning seductively and the creepiest is the whisper saying", Mamamatay ka".

Kailangan kong makalapit sa pinto at makalabas sa mala-satanas na lugar na ito. Nagkaroon na naman ako ng lakas para maikilos ang katawan. Patakbo kong nilapitan ang pintuan ngunit napahinto rin.

The fu-- napadikit na naman ang katawan ko sa kinatatayuan ko nang makarinig ako ng yabag ng mga paa. Tunog ng isang taong nakatakong na naglalakad.


No! No! No! No please!

Fuck it! I can't use this knife. This is just a bullshit props. I can't move my body again and it's when I know I was glued again.

I have no choice but to try this one. Pumikit ako at isinaisip kong lumapit ako sa isa sa mga bangkay, matagumpay na naialis ang pulang kumot, humiga ako katabi niya at ibinalik ko ulit ang kumot para matakpan kami pareho. I even stop my breathing para lang hindi niya marinig at malamang nandito ako. Napapikit ako at pinigil ang bibig kong huwag na namang maduwal sa sangsang ng amoy ng katabi ko ngayon.

Wait, is it already happening? I'm not just imagining it.

Nang tingnan ko kung sino ang katabi ko---

What???

This isn't real. This is not real. All of these are just products of my imagination.

Nagulat ako nang bigla na lang may nagtanggal ng kumot sa pagkakatakip sa akin. I can see her face now. Her smirking face showing an abhorence and she's laughing. She has a knife in her left hand and a phone in her right hand. It's my phone.
Napaatras ako kahit wala na akong maatrasan. Napalunok na naman ako. Wala na akong malunok dahil nanunuyo na ang laway ko at parang mapupunit na rin ang labi ko. Pinipilit ko na lang tatagan ang loob ko. Hoping that someone will save me here.

Dave! Save me, please!

I keep on telling myself this isn't my end. I won't die this way. No!

Itinaas ng kanyang kanang kamay ang hawak niyang cellphone ko. "Hinahanap mo ito, hindi ba?"

Nakatitig lang ako sa mga mata niyang punumpuno ng galit dahil walang salitang gustong bumulalas mula sa bibig ko. Umurong na rin ang dila ko sa sobrang takot at panic. Nanlaki ang mga mata ko nang ihulog niya ang phone ko sa sahig at nakangiti pang tinapakan iyon. Pinaikot-ikot pa niya ang takong niya sa screen ng phone ko. Hindi pa s'ya nakuntento at sinipa pa niya 'yon palayo sa kanya.

"S--sino ka?" nauutal kong tanong.

Nagpaawa ang mukha niyang umupo sa upuan, walang katakut-takot na ipinatong sa kaliwang balikat niya ang kutsilyo. "Hindi mo ako maalala?" nakangisi niyang tanong.

Mas nakakatakot ang sunod niyang ginawa. Sinugatan niya ang kanyang kanang kamay at dinilaan ang umaagos na dugong para bang sarap na sarap siya.

"Sabi sa inyo e. Masarap 'yan".

Mas lalo akong napaatras sa sinabi niya. Instead of running, I can't take my eyes off from her. I keep on staring at her as how she deliciously licks her own blood.

I'm---

I'm---

paralyzed.

Gusto ko na lang mamatay nang bigla niyang dilaan ang kutsilyong may tumutulong dugo.


"Nasaan ang sako?"

Napatulala na lang akong hindi maialis ang titig sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero ang totoo, hindi na ako makapagsalita pa.

"Ilibing ninyo na 'yan. ILIBING NANG BUHAY".

Hindi na tuluyang makagalaw ang buong katawan ko at walang tigil sa pagtulo ang pawis ko. Nangangatal ang labi ko't pakiramdam ko rin ay namumutla na ako.

AYORDA???

Pinipilit kong makaalis pero hindi nakikipag-cooperate ang katawan ko. Kung dito na ako mamamatay, dapat ako na ang pumatay sa sarili ko. Hindi siya. Lumalapit na siya sa akin ngayon habang ang kutsilyo ay nasa balikat pa rin niya. Nakikita ko pa ang pagtulo ng dugo sa kutsilyong 'yon pero nakangiti lang siya't natutuwa pa. Napapikit na ako. Ayoko nang idilat ang mga mata ko. Sana sa pagdilat ko, wala na siya.

"Kawawa ka naman", narinig kong bulong niya. "Pasensya na pero hindi ko magagawa ang gusto mo".

Pasensya na pero hindi ko magagawa ang gusto mo.

Pasensya na pero hindi ko magagawa ang gusto mo.

My own voice is echoing inside this basement.

Napapikit pa rin ang mga matang gusto kong maiyak sa naiisip na katapusan ko. Habang nagdadasal sa isip ay bigla na lang niya akong hinalikan. Isang hindi ordinaryong halik dahil mapusok ito, may ipinahihiwatig na galit. Wala akong magawa. Bakit hindi ako makagalaw?

Kahit anong parte ng katawan ko ay hindi ko maigalaw. Ang ipinaramdam ko sa kanya--ibinabalik niya yata.

Wala siyang tigil sa paghalik hanggang sa maramdaman kong humahapdi ang labi ko. Gusto kong sumigaw ng tulong pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nakangisi na siya sa harap ko ngayon habang hinihiwa ang sarili niyang leeg. Pumupulandit ang mapulang dugo roon at natatalsikan pa ako kaya ipinikit ko ang mga mata at itinagilid ang ulo ko.

"Masarap, hindi ba?"

Kumakabog pa lalo ang dibidb kong parang mauubusan ako ng hininga. Tumatagaktak na ang pawis ko at nalalasahan ko pa ang pawis kong maalat. Napaduwal ako dahil nangangati ang lalamunan ko. Parang gusto kong isuka lahat ng kinain ko.

Pagkaduwal ko ay nanlaki ang mga mata ko sa lumabas mula sa lalamunan ko.

Itim na dugo! At may mga oud pa!

Napaduwal pa ako hanggang sa maramdaman kong may tumatalsik na dugo sa mukha ko. Kinakapos na sa hininga at nahihilo ko siyang tiningnan. Walang tigil sa pagtagas ng kanyang dugo mula sa leeg niya.

Mangiyak-ngiyak na napapapikit na ako at umaasang tatalab ang dasal sa akin.

I'm paralyzed here. When I tried to look at her again, walang dugo sa kanyang leeg. Walang tumatagas na dugo mula sa kanyang leeg.
Napaatras na naman ako kahit hindi naman makaatras. M--may--- tumutulong dugo sa damit ko.

Sariwa at mapula-pula pa ang dugong ito. Pinilit kong hawakan ang leeg ko at nagawa ko nang igalaw ang kamay ko p--pero....

The blood comes from me.

and not from her...

Napalunok ako at nandidilim na ang nakikita ko pero pinilit ko pa ring tumayo.

Nagawa kong tumayo habang tinatakpan ng kamay ko ang leeg ko. I'm hoping I'm gonna save my life after this. Hindi niya ako pinigilan. Nakatayo lang siya sa harap ko. Napaluhod na ako sa sahig habang tinatakpan pa rin ang leeg ko.

Isang hakbang. Napatayo pa rin ako.

Kahit pakiramdam ko ay mamamatay na ako, sinubukan ko pa ring makatakas. I trie to escape. Kahit sobrang sakit ng tuhod ko sa ginawa niyang paghampas ng kung anuman.

I thought I'm gonna survive pero may bigla na lang tumarak na kutsilyo sa tiyan ko.

Tumagos ito sa harapan ko at bigla na lang ako napaluhod at natumba sa panghihina.

I lost my energy to stand up and everthing goes black.

"You're not. You're risking your life".

"Di tayo talo, Pet. Babae ang gusto ko".

"Bro, I just got my tattoo in my left forearm".

"Really? Gusto ko rin magpa-tattoo".

"Ano ipapalagay mo?"

"Ano ba ipinalagay mo?"

"Isang bungo. Tingnan mo, angas 'di ba?"

"Wow!"

"How about you? Ano ipapalagay mo?"

"I haven't decided anything yet".

The tattoo....

The tattoo Dave has,

I imitated it without him knowing. Ginaya ko.

Ipinatanggal ko rin kaagad dahil sa tuwing nakikita ko 'yon, naaalala ko ang bestfriend ko. Pakiramdam ko rin, 'yon ang palatandaan ko sa kasalananang nagawa ko noon.

At tuwing nakikita ko ang tattoo na 'yon, pakiramdam ko ay ang bestfriend ko ang may gawa ng lahat.

Dave, after all, you're connected here too.

I'm sorry.

I'm sorry but this ain't finish yet. Bonus lovely gifs below.

👇

Have a nice sleep, my readers. Whoever you are, good night. Sleep well. Lovelots. 💙

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top