IKADALAWAMPU'T DALAWANG KABANATA
Hana
Sa tulong ng mga kasamahan ko sa trabaho ay nagawa naming mahanap kung saan nakatira si Andrea. Agad ko itong ipinaalam sa detective na si Dave dela Rosa at sila ang nag-aasikaso nito ngayon. Hinihintay ko na lang ang update niya.
Pinahid ko ang makulit na luhang ayaw tumigil sa pagtulo.
"So ayun guys, nag-try kami mag-vlog ngayon. Hindi namin talaga alam ang sasabihin pero magtatanungan na lang kami ng kasama ko ngayon, bestfriend ko."
Napatingin ako sa kanyang napakabagal maglakad at kumakain pa ng ice cream. Ako ay nandito malayo sa kanya samantalang siya napakakupad maglakad.
"May kasama nga pala akong pagong. Pasensya na ah. Tatawagin ko lang saglit."
Nilingon ko siya at kinawayan.
"Bilisan mo diyan. Ang bagal mo!"
Huminto pa s'ya sa paglalakad at umupo sa kalsada. Napakamot ako sa batok na tumigil din sa paglalakad at pinameywangan s'ya.
"Pause ko muna kayo ah. Wait lang, papabilisin ko lang maglakad ang pagong na kasama ko", sabi ko sa phone ko at ini-pause ko na nga muna ito saglit.
Tiningnan ko ulit sya. Nakaupo pa rin s'ya sa kalsada at kinakain ang ice cream niya. Pati ba naman pagkain ng ice cream napakabagal.
Ano'ng klaseng kabagalan ang mayroon ka, Ayorda?
Nakita ko s'yang tumayo, pinagpagan ang shorts niya at naglakad na rin palapit sa'kin. Salamat naman at binilisan na niya ang paglalakad.
"Magpapakamatay ka ba, gaga? Ano'ng trip mo at bakit ka umupo doon?" singhal ko sa kanya.
Napakatigas ng ulo niya at pasaway talaga s'ya minsan pero dahil kaibigan ko sya, pinagtitiyagaan ko ang pagiging ganyan niya. Kapag kaibigan mo ang isang tao at kapag tunay na kaibigan ka, tatanggapin mo kung ano ang kaibigan mo pero hindi ibig sabihin nito ay hahayaan mo na lang siya sa mga mali niyang ginagawa. Kailangan mo rin siyang itama.
"Nandito na ako. Tuloy mo na vlog mo," sabi lang niya at inubos na ang ice cream niya.
Napatingin ako sa kanya. Napakabait ng taong ito kahit medyo loka-loka s'ya. Limang taon na kaming magkaibigan at nagkakasama. Sa limang taon na iyon, masasabi kong nakilala ko na ang totoong s'ya: maalagang kaibigan, mabait, mapangarapin at mapagmahal. Wala akong maipipintas na iba sa kanya maliban sa pagiging agresibo niya kapag nagagalit siya. S'ya 'yong tipong huwag na huwag mong gagalitin o pupunuin ang pasensya niya dahil kapag ginawa mo iyon, nakakalimutan niya kung sino ka sa buhay niya.
Misteryoso at mapagtago rin siya minsan. Magugulat na lang ako, may nangyari na palang ganito sa kanya. May masama na palang nangyari sa kanya kagaya na lang noong naglaslas s'ya pero noong nakasama ko siya, tawa lang siya nang tawa.
Pinindot ko na ulit ang continue at nagsimula na akong magsalita.
"Pauwi na kami ngayon sa bahay namin. Hahaha", hinampas ko s'ya kasi natatawa ako.
Inis niya siyang lumabi at lumayo nang kaunti sa akin. "Bakit mo ako hinampas?"
"Hindi ko alam kung paano mag-vlog".
Kinuha niya ang phone ko at s'ya na ang humawak habang nagpapatuloy kami sa paglalakad.
"Alam ninyo ba ang pangarap ko?" simula niyang tanong sa camera. "Makapunta sa iba't ibang lugar sa mundo. Itong babaing kasama ko?" itinutok niya ang kamera sa'kin. "Kasama ko ito at kasama ko rin ang pamilya ko, sina mama, Kuya at Patrick na libutin ang mundo", simula niya.
Sinubukan kong hablutin ang phone ko pero mabilis niya 'yong inilayo sa'kin.
"Bakit mo naman kaagad kinukuha? Nagba-vlog nga tayo 'di ba?" irita niyang tanong kahit ako naman ang may-ari ng phone na 'yon.
"Ginagawa mo naman 'yang diary mo e. Vlog 'yan".
"Sawa na ako sa mga vlog na napapanood ko", seryosong humalukipkip siya. "'Yong break up challenge, gano'n. Mag-vlog ka ng may sense. I-vlog mo 'yong mga nagaganap na problema sa bansa natin, 'yong tahasang paggawa ng mga krimen ng iba, informational vlogs ang gawin mo. Kunwari ka pang hindi marunong mag-vlog. Gusto mo lang din gayahin 'yong walang kuwentang content ng ibang vloggers. I prank blank... Prank with.. na lahat naman ay scripted. Dapat ang mga tao, hindi sila nakapokus sa iisang aspeto," sinisimulan na naman niya ang pagkahaba-haba niyang speech.
"Maraming bagay sa mundo ang hindi napagtutuunan ng pansin ng mga tao dahil sumasabay lang sila sa mga uso. Maraming mga bagay na hindi nakikita ng mga tao dahil bulag sila. Maraming mga bagay na hindi kinikilala dahil alam mo, Hana?"
Pakiramdam ko, mami-miss ko siya kapag nawala s'ya o nagkahiwalay na kami dahil sa mga trabaho namin. Mawawalan ako ng isang taong maraming alam tungkol sa buhay. Isang taong naiiba sa lahat, hindi kagaya ng iba. Hindi kagaya ng ibang nakikisabay sa agos, dahil si Ayorda, may paninindigan at may sarili s'yang mga along s'ya rin ang gumagawa.
"Ang mga tao ay parang mga puppet at salamin. Ang mga tao ay puppet na kung ano ang sinabi ng ibang gawin nila, magsusunud-sunuran sila. Mga salamin din sila dahil kung ano ang inaakala nilang tama, basta kung ano lang ang makita nila, gagawin din nila. Ang mga tao ay sumasabay lang sa agos. Wala silang mga sariling direksiyon. Mga takot mapag-isa. Mga takot sa sarili nilang mga multo".
Kinuha ko na sa kanya ang cellphone ko at ini-pause saka ini-save ang nakuhanan at nai-record na mga sinabi niya. Ayoko nang marinig pa ang susunod na sasabihin niya.
Naniniwala ako sa katagang kung sino pa ang mga taong mabubuti, sila ang mabilis na nawawala. Kung sino pa ang mga taong hindi tipikal ang pag-iisip katulad ng iba, sila pa ang mabibilis na kinukuha.
At ayoko naman ng ganoon.
Ayokong mawala ang nag-iisang bestfriend ko.
Dave
Iniwas ko ang tingin nang makita kung sino ang nasa harap ko ngayon. Pet's corpse lying in the floor. Dilat din ang mga mata niya kagaya ng mga naunang biktima. Katulad nila, naliligo rin siya sa sarili niyang dugo. Katabi niya pa ang isang kutsilyo pero tingin ko ay hindi rin naman niya ito nagamit para protektahan ang sarili niya. Ginilitan s'ya sa leeg at napakaraming saksak ang tinamo niya sa parte ng katawan niya. It's impossible for him to stay alive if he was murdered like this. Nilapitan ko na lang siya at pinasadahan ng kamay ko ang dilat niyang mga mata para pumikit ang mga ito.
I'm sorry, my dear bestfriend. I failed to save you.
I'm sorry.
"I'm sorry, Pet. Hindi ko alam na sa ganitong paraan ka lang mawawala. I'm sorry".
I'm feeling guilty pero alam kong wala akong kasalanan. I tried my best. I tried to solve the crime while in fact, the main killer I'm searching for is my bestfriend.
Bakit nga ba sa huli na lang natin nalalamang huli na ang lahat?
Bakit ba natin nahahanap ang mga kasagutan kung kailang huli na, may mga buhay nang nawala at may mga pagkakataon nang hindi na mauulit pa.
Life takes all of it. Answers. Consequences. Regrets. Death. Survival. Everything.
Iniangat ko ang kaliwang braso niya at nakita ang kapareho ng tatoo ko.
Tiningnan ko rin ang likod ng braso ko at nakitang pareho nga kami. Pero wala ang tattoo na ito nang araw na pinuntahan ko si Pet sa kanila, wala siyang damit noon pero wala akong nakitang tattoo na ganito. Hindi ko rin nakikita ang tattoo na ito sa kanya. Tinitigan ko nang mabuti ang tattoo pero unti-unti itong nawawala.
Nilingon ko si SPO3 Thomas Cruz. "SPO3 Cruz!"
Napatingin naman siya sa'kin at nakita kong lumalapit siya.
"Bakit, detective dela Rosa?"
Ipinakita ko sa kanya ang likod braso kong nakalagay ang tattoo. "Nakikita mo ito?" tanong ko sa kanya. Tumangu-tango siya kaya sunod na iniangat ko naman ang braso ni Pet. "Ting--" natigilan ako sa nakikita ko ngayon. Wala na sa braso ni Pet ang tattoo na 'yon.
"Ano'ng meron diyan?" taka niyang tanong. Napatitig ako sa kanya at tiningnan ko ulit kung namamalikmata lang ba ako. Wala na talaga ang tattoo na kanina lang ay nandito.
Napatingin ako sa kawalan. Baka namamalikmata lang ako. Kanina lang ay nandito 'yon.
"Dave?"
Natauhan din ako at naisagot na lang ng ", Wala SPO3 Cruz".
"Hindi kapani-paniwala ang mga nangyari. Hindi ako makapaniwala. Sa dami ng krimeng pinuntahan ko, mga crime scene, iba ang isang ito. Kakaiba", narinig kong sabi niya habang ako ay hindi inaalis ang tingin sa braso ni Pet.
Sa panaginip ko, may tattoo ang lalaking lider nila.
Hindi kaya binigyan ako ng clue ni Ayorda para malaman kung sino ang lalaking lider nila sa panaginip ko? Puwede ring ginaya ni Pet ang tattoo ko at ipinatanggal niya rin.
Hindi kaya binigyan niya ako ng clue para mahanap siya at makapagpahinga na siya?
Napailing-iling akong hindi pa rin makapaniwalang ganito ang mga nangyayari. Hiniling ko lang noon na mahanap na ang totoong may kagagawan nito pero ngayon, hindi ko matanggap. Medyo magulo pa rin sa'kin.
"Wala na rin ang babaing ipinakita mo kanina. Wala na siya dito", boses ito ni SPO3 Cruz.
I know where I can find her. In a place where she was stucked.
"Pupuntahan din natin siya kung nasaan sya", I just reply at him.
Tumango s'ya at itinuloy ulit ang ginagawa niya kanina, ang pagkuha ng mga picture sa kabuuan ng basement. Some police is in the room, kitchen and other parts of her house. They are also taking pictures and packing the evidences they can see everywhere. Napayuko ako bago muling tiningnan ang kaibigan ko. I know he made it. I know he killed someone too but why I can't be mad at him.
I just lost a bestfriend and knowing that your bestfriend will do a murder is a real thing, unbelievable. When you realize that your bestfriend was murdered too by the one he murdered. Confusing but it just happened. It's hard to believe the painful truth but I'd rather believe the painful truth than living my life with lies. I lived my life believing that my bestfriend is innocent but he's really not.
"I'm sorry", these are the only words I can say at him.
Bakit kung ano pa ang totoo, iyon pa ang mahirap paniwalaan?
Bakit kung ano ang totoo, iyon ang isinasaisip na sana hindi na lang totoo?
Pero kapag ang kasinungalingan ay isinaisip nating totoo, napapaniwala tayo nitong totoo iyon?
Why does truth always need to hurt us?
Tumayo na ako at tiningnan pa ang ibang makikita rito. I saw them gently putting the organs in sealed plastics. Their hands were covered by the white soft cotton gloves used for inspection and their mouths have masks too. Lumapit ako sa kinukuhanan ng pictures ngayon ng isa sa mga kasama ko. The blank pictures of men and all of them were marked by X except for the last one.
Tiningnan ko ulit ang kaibigan kong ini-inspect ng mga pulis at kinukuhanan din ng pictures. Naiintindihan ko na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top