1st Runner Up
Isang lubos at taus-pusong pasasalamat ang inihahandog ko sa pagkakataong nanalo ang 'Ayorda' bilang first runner up sa genre ng horror Calla Lily Awards noong 2020. Natutuwa talaga ako bilang may-akda sa 'Ayorda'. Alam kong di ito perpekto at marami pa ring kailangang baguhin at alisin.
Ang effort ng editor nila :) Gusto ko talaga magpasalamat din sa lahat ng tumulong at naging parte ng kuwentong ito. Sa lahat ng naging partner ko sa bc, humanga sa paraan daw ng pagsusulat ko, sa lahat ng husgado at kritiko. Yie salamat sa pagpuna ng mga detalyeng magagamit ko sa susunod na kabanata ng buhay ko hahaha ang lalim no. Nakakatuwa pala mag-Tagalog. Feeling ko makabayan na ako.
Sana sa susunod, mai-publish ko na rin ang mga horror stories na nasa utak ko. Alam ko sa sarili kong may potential ako sa horror genre kasi bata pa lang ako, 'yon na ang favorite genre ko. Salamat ulit sa lahat ng bumuo kay Ayorda.
Konting kaalaman lang din sa pagkakabuo ng Ayorda. Naka-plot ang chapters nito no'n pero kapag sinusulat ko na, nag-iiba na mga nangyayari. Minsan, di ko na nasusunod yong nasa notes ko. Taon din ang inabot ko dito kasi huminto ako sa pagsusulat. Nawalan ako ng gana at dapat ia-unpublish ko na lang pero nanghinayang ako. Kaya stay na siya dito.
Muli, ako ay nagpapasalamat sa lahat. Mahal kayo ni Ayorda. Sa sobrang mahal, gusto na niyang magpahinga kayo.
Nagmamahal,
Alex
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top