--
Malakas ang bumubuhos na ulan nang hapong ito. Rinig na rinig ko ang malakas na paghampas nito sa kotse ko at nagiging blur na rin ang windshield na nagpa-function para hindi tuluyang maging blurred ang nakikita ko sa daanan. Sinipat ko ang cellphone ko't tiningnan kung anong oras na.
6:29 pm. Kaya pala medyo dumidilim na.
Ipinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho dahil gusto ko na ring makapagpahinga at makauwi.
Natambakan ako ng pagkarami-raming gawain kaya naman medyo pabagsak na ang katawan ko ngayon.
Sumisipol-sipol na maingat kong kinokontrol ko ang manibela. Mahirap na at baka maaksidente ako rito nang wala sa oras. Naihinto ko lang ang ginagawa nang may mapansin akong isang nakatayong dalaga sa tapat isang poste. Mukhang may hinihintay s'ya pero nakapagtataka, nagpapabasà sya sa ulan.
Wala man lang ba s'yang payong?
Inihinto ko ang kotse sa tapat niya't binuksan ang bintana. Mataman ko s'yang siniyasat mula ulo hanggang paa. Nakasuot s'ya ng isang pulang t-shirt at kulay-gray na pantalon. Sa tingin ko'y may bente y años ang babaing nasa gilid ko ngayon at may suot din s'yang sling bag na kulay itim.
Nang mapadako ang mga mata ko sa kanyang mukha, namangha ako sapagkat napakaganda niya. Nakakaakit ang kanyang mga titig na tinatakam ako, ang kanyang mapanglaw ngunit mapang-akit na mga mata, kay ganda nilang pagmasdan at ang kanyang kulay-rosas na labi ay napakasarap halikan.
Weird sa pakiramdam na makakita ako ng ganitong babae habang umuulan at nagpapabasa lang siya.
"Hi?" Napalunok ako nang lumapit siya sa'kin.
"- - excuse me? Ahm.. Ang tagal kase ng sundo ko. Wala rin akong payong na dala."
Niyakap niya pa ang katawang basang-basa na.
'Yong totoo? May sundo ba talaga siya?
"Giniginaw na rin ako. Pwede bang ihatid mo 'ko samin? Please?" parang batang nanghihingi ng kendi ang inaasta niya ngayon.
Tiningnan ko ang paligid, ang kinatatayuan niya at s'ya lang ang tao dito. "Ah gano'n ba, sige sakay ka na," walang alinlangang pinasakay ko s' ya. Pinagbuksan ko pa s'ya ng pinto.
Pinakiramdaman ko ang presensya ng babae. Walang imik lang s'yang tumitingin sa dinadaanan namin. Sa napapansin ko, siguro isa siyang mahinhing babae. Ang uri ng babaing madaling mapagsamantalahan ng iba.
"Ah..miss?" sinulyapan ko siya ng ilang segundo at ibinalik din ang tingin sa daan. "Saan ka ba nakatira?" tanong ko sa kanya.
"Ihahatid kita," bigla niyang sagot na ipinagtaka ko kaya natawa na lang ako. Ang seryoso ng pagkakasabi niya sa dalawang salitang iyon. Ang boses niya ay parang nanggagaling sa ilalim ng lupa.
"Saan nga?" pag-ulit ko pa sa tanong ko. "Ako nga maghahatid sa'yo eh. Haha," natawa pa ako kahit nakakaramdam na ako ng konting ka-weirduhan.
"Basta. Madadaanan din natin," ani niya sa tono nang may malamig na boses.
Hindi na ako nagsalita at nagmaneho na lang. Wala namang lugar na 'basta' di ba? Unti-unting nagiging weird ang paligid dahil ang daang tinatahak ko ay nawawalan na ng mga tao, patahimik nang patahimik. Ngayon lang yata ito nangyari.
Alas sais pa lang naman ah?
Naninindig na ang mga balahibo ko pero pinalis ko sa isipan ang mga naglalarong imahinasyon kahit pa ang totoo'y alam kong may mali sa nangyayari.
"Ihinto mo," mahinang saad ng dalaga kaya inihinto ko. Nagulat ako nang bigla siyang bumaba mula sa kotse ko pagkahinto ko sa pagmamaneho. Binuksan ko ang bintana at tiningnan ang paligid. Mga matatayog na punong yumuyuko at sumasayaw dala ng malakas na hangin, walang tigil sa pagbuhos ng ulang bumabasa sa kalsada at mga halaman, halos malapit na kumagat ang dilim at maririnig na ang huni ng mga ibon sa lugar na ito.
Dito sya nakatira? O baka dito ang daan papunta sa kanila? Isang gubat?
Aalis na sana ako nang magsalita s'ya nang nakasilip sa bintana ng kotse ko.
"Hindi mo man lang ba ako ihahatid? Hindi ka ba makokosensya kung iiwan mo 'ko ritong mag-isa?"
Napalunok ako sa sinabi niya. Umaakyat na ang kilabot mula sa balat ko hanggang sa balahibo sa katawan at sa batok.
Umiwas ako ng tingin at medyo nakokonsensiya. Iiwan ko ba siyang ganito?
"Ah..kase--"
"Please?"
Naawa na rin ako kaya't nagpasya akong bumaba para samahan s'ya. Tiningala ko ang lugar na ito. Sa pagkakaalam ko'y tinawag nang 'patay na gubat' ang gubat na ito dahil wala nang pumupunta o nagtatangkang manatili rito sa oras na mapunta sila. Wala pa ring tigil sa paghuhos ang ulan kaya nababasa na ako. Naiwan ko pala ang payong sa loob.
"H-hindi ka naman dito nakatira 'di ba?" nauutal na tanong ko sa kanya.
Tumingin s'ya sa'kin at nilapitan ako.
"Hindi," mahinang bulong niya. "Samahan mo lang ako."
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinila niya ang kamay ko saka tumakbong hawak pa rin ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit sumunod ako sa kanya, kasabay niyang tumakbo. Habang tumatakbo'y nararamdaman kong may kilabot na hindi ko maipaliwanag ang nagsisimulang kumabog dibdib ko. Lalaki ako pero nang mga sandaling ito'y natatakot ako.
Huminto s'ya sa pagtakbo nang makarating sa liblib na bahagi ng gubat kaya napahinto na rin ako. Tiningala ko ang nasa itaas at nakita kong nakayuko na ang ibang puno at ang ilang sanga naman ay nagkakalaglagan na. Gustuhin ko mang tumakbo pero hindi ako makatakbo. Pakiramdam ko'y nasa ilalim ako ng mahika at hindi ko magawang kumawala.
"A--anong ginagawa natin dito?" nauutal ko na namang tanong habang pinagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa paligid ko ngayon.
Pagtingin ko ulit sa kanya ay nakangisi na s'ya. Hindi lang basta ordinaryong ngisi ang ginagawa niya dahil nakakatakot ito. Ang maamo niyang mukha kanina ay napapalitan ng isang mukha ng taong may masamang binabalak.
Hindi ko maintindihan. Anong nangyayari sa'kin at hindi ko maigalaw ang mga paa ko?
Nagulat na lang ako nang mabilis s'yang lumapit sa akin at bigla niya akong itinulak sa puno ng mangga kaya napasandal ako. Malakas ang ginawa niyang pagtulak at naramdaman kong sumasakit ang ulo at batok ko.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin, tinitigan ang mga mata ko at saka sinunggaban ako ng halik.
Shit! Hindi ko magawang tumakbo. Hindi ko s'ya maitulak!
Dumidikit na ang kanyang mga kuko sa mga kamay ko paakyat sa dalawang braso ko.
Ano itong nangyayari?
Unti-unti ko na ring nilalabanan ang mga mapusok na halik na ibinibigay niya. Hindi ko maintindihan at parang na-hypnotize ako sa sarap, sa kakaibang nararamdaman ko habang ginagawa ito sa isang hindi ko kilalang babae. Nalalasahan ko ang dila niya sa loob ng bibig ko at pati pagkagat niya sa labi ko ay nagugustuhan ko na. Ayoko na s'yang pakawalan pa. Unti-unti niya ring tinatanggal sa pagkakabutones ang polo ko.
Saka ko lang napagtantong pinipisil at hinahawakan ko na pala ang malambot niyang beywang hanggang sa kanyang tiyan. Nasisiyahan niyang kinakagat-kagat at dinidilaan ang leeg ko na s'yang nagiging dahilan para mapapikit ako sa sarap sa pakiramdam. Tuluyan na niyang nahubad ang polo ko pero hindi pa rin s'ya tumitigil sa pakikipaglaro sa akin. Habang binabasa niya ng laway ang leeg kong nakakapagkiliti sa'kin ay kinakalmot na rin niya ang likod ko. Mararahan lang ang ginagawa niyang pagkalmot pero ayokong tumigil s'ya.
Napangiwi ako nang maramdamang humahapdi ang likod ko kung saan ay marahan niyang kinalmot kanina. Naitulak ko s'ya nang mapaso ako sa init ng katawan niya. Nag-iinit ang katawan niyang hindi naman kagaya kanina. Lumayo na rin ako sa kanya dahil parang may kakaibang nangyayari sa katawan ko.
Napahawak ako sa likod ko at tiningnan ko ang kamay ko. Dugo, napakaraming dugo. Kung nasiyahan ako kanina sa ginawa naming pagsasalo ng halik, ngayon naman ay naninigas na ako sa kinatatayuan ko't nagsisisi kung bakit pa ako sumama sa kanya.
Tiningnan ko kung tao pa ba ang babaing nasa harap ko. "A--anong klaseng tao ka?"
Pagtingin ko sa mga mata niya ay nagiging itim lahat ng kulay ng mga iyon. Humalakhak lang s'ya at dinilaan pa ang kanyang mahahabang kuko na mayroon pang tumutulong dugo. Napaluhod ako sa sakit nang maramdamang humahapdi rin ang leeg ko.
Nanginginig ang mga kamay, kalamnan at tuhod kong pinilit kapain ang leeg ko gamit ang kanang palad. Nakita kong malagkit na likido ng dugo ang nasa palad ko. Hindi na rumerehistro sa utak ko ang nangyayari pero ang alam ko, nanganganib na ako. Nahihintakutang napatingin ako sa kanya. Nakangisi pa rin s'ya at natutuwa pang pinapanood ako sa kalagayan ko.
Sisigaw pa sana ako ng tulong pero huli na. Huli na dahil katapusan ko na. Nandilim na lang bigla ang paningin ko at umikot ang paligid ko.
"Nagsisimula pa lang ako.
Kung oras mo nang mamatay, wala na akong magagawa.
Pero kung 'di mo pa oras, ako na mismo ang gagawa."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top