Kabanata 46: Rehiyon ng Medria
"Neith Cyrene."
Tahimik siyang naglakad papalapit sa amin. Nagkasalubong pa nga ang aming mga mata, pero umiwas naman siya kaagad.
"Pinapatawag niyo raw po ako, Ginoong Odin," magalang niyang sabi.
Tumayo naman si Ginoong Odin sa kaniyang pagkakaupo, habang napangiti ng matamis. Tumayo na rin ako dahil ang pangit tignan na ako na lamang ang nakaupo rito.
Nakakawalang respeto naman kung manatili pa akong nakaupo. Habang ang dalawang anghel na mas mataas pa ang antas sa akin ay nakatayo na.
"Tama," sagot ni Ginoong Odin. "Pinapatawag kita rito dahil may mga napaka-importanteng panauhin tayo at gusto nilang ikaw ang maglibot sa kanila sa Medria."
Napatingin ako kay Suprema Celestia nang banggitin ni Ginoong Odin ang rehiyon ng Medria. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Cazadorian. Ayon nga sa mga nababasa ko sa libro at itinuro sa akademya, ang Medria ay isang malamig na rehiyon. Sa isang taon, dalawang buwan lamang sumisikat ang araw rito.
"Gusto kong ipakilala sa 'yo ang kataas-taasang pinuno ng Axphain na si Suprema Celestia. Ito namang kasama niyang espesyal na magandang dilag ay ang itinakda na si Binibining Serephain." Nakangiting pakilala sa amin ni Ginoong Odin sa babaeng 'to.
Bahagya naman siyang yumuko bilang pagbibigay galang.
"Nagagalak ko kayong makilala."
Pinasadahan ko naman siya ng tingin.
Sa pisikal na kaanyuhan hindi naman siya nalalayo, dahil mayroon siyang magandang mukha na pinagsamahan ng matangos niyang ilong. Kulay golden brown niyang mga mata at ang kaniyang abuhang buhok na hanggang bewang.
Sa nakikita ko sa suot niya ay hula kong ito 'yong uniporme ng mga estudyanteng nag-aaral sa Cazadorian Academy.
Kulay itim ang palda niya na hanggang tuhod. Habang sa ibabaw niya naman ay nakasuot siya ng kulay puting uniporme na may kulay itim na linya sa manggas. Hindi rin nakaligtas sa akin ang kulay itim na kurbata. Pero hindi ko napapansin ang mga pakpak niya.
Kumunot ang aking noo dahil sa tanawing 'yon. Pinapatay na naman ako sa kuryosidad ko. Iniling ko na lamang ang aking ulo dahil sa naiisip.
Nagpaalam naman si Suprema Celestia sa punong-guro na mabilis itong tumugon ng isang tango. Nakasunod lamang kami nitong babaeng nagngangalang Neith Cyrene hanggang sa tuluyan na nga kaming nakalabas ng opisina.
Huminto si Suprema Celestia at itinaas ng bahagya ang mahiwaga niyang tungkod. Mabilisan kaming hinigop nito at sa isang iglap ay nandito na kami sa harapan ng puting karwahe. Pinagbuksan naman kami ng kawal ng pintuan.
Nang makapasok na kaming tatlo ay namayani naman ang katahimikan. Pero binasag naman kaagad 'yon ni Cyrene.
"Kinausap ako ni panginoong Orion na darating kayo sa Aragon at may balak na pupunta sa Elliome. Hindi ko alam kung ano ang balak niyo sa tribong 'yon, pero wala akong magagawa dahil utos ito mismo ng panginoon," walang gana niyang wika.
Pero nandoon pa rin ang paggalang sa timbre ng boses niya.
Nakuha naman ang aking atensyon ang salitang Elliome. Kahit kailan hindi ko pa alam kung ano'ng meron sa lugar na 'yan kung bakit kami pupunta roon ni Suprema Celestia.
Wala kasi sa libro ng kasaysayan ang lugar na ito sa Cazadorian. Tanging limang rehiyon lamang ang inilathala sa libro.
Kaya pala kami pumunta muna sa Aragon ay dahil sa babaeng 'to. Kailangan namin siya para makarating nang matiwasay sa Elliome.
"Kinausap ko ang aming diyosang si Divine na hanapin ang anghel na kinalimutan ng aming lupain na sumama sa asawa niyang Cazadorian at laking gulat ko nang hindi niya ito mahanap sa lupain niyo. Kaya wala siyang nagawa kun'di ang kausapin ang panginoon niyong si Orion. Laking gulat na lamang namin nang may alam pala si Orion tungkol sa kaniya. Ang sinabi niya ay nasa Elliome raw ito. Hindi ko alam pero bigla akong naguguluhan dahil unang beses kong marinig ang pangalan ng lugar na 'yon," rinig kong kwento ni Suprema Celestia sa babaeng 'to.
"At mukhang pino-protektahan ito ng panginoon niyo," pahabol na wika ng Suprema.
Tumango siya bilang pagtugon at ipinikit ang kanyang mga mata.
Ang Elliome ay pinoprotektahan ni panginoong Orion? At saka sobrang nakakapagtaka lang dahil walang kahit na isang impormasyon tungkol sa lugar na 'yon na inilathala sa libro.
Napatingin naman ako kay Cyrene nang bumuntonghininga siya ng malalim. At saka idinilat ang kaniyang mga mata.
"Mapagkatiwalaan ko ba kayo?" Tanong niya sa akin dahilan para mahagilap ng aking mata ang nakangiting mga labi ni Suprema Celestia.
"Mapagkatiwalaan mo kami, Cyrene. At saka wala ako sa posisyon para makialam sa ibang nasyon. Ang posisyon ko bilang pinuno ay sa Axphain lang at wala ng iba pa. Isipin mo na lang na isa akong ordinaryong anghel na walang kapangyarihan," sagot naman ni Suprema Celestia.
Nandito lang naman ako malapit sa bintana ng karwahe nakikinig sa kanila. Narinig ko ulit ang mahihinang pagbuntonghininga ni Cyrene.
"Ang lugar na Elliome ay matagal na itong nabuo. Hindi pa man nagkaroon ng mga nasyon dito ay nakatayo na ito. Hindi ko alam kung papaano nagkaroon ng Elliome, pero ang sabi-sabi ay nilikom ni panginoong Orion ang mga nilalang na may mga kakaibang kapangyarihan. Nalaman ko ang tungkol dito at nahanap ko rin ito dahil sa pagiging mausisa ko."
"Tapos narinig ko sa iilang taga-Medria na sinugod daw ito ng mga itim na nilalang at pinatay lahat ng nakatira rito. May dalawang dayuhan na napadpad daw sa panahon ng digmaan at sabi-sabi rin nila na may isang Elliomian na nakatakas, at nakaligtas sa pangyayari," kwento naman ni Cyrene saka umiwas ng tingin.
Nahagilap ko naman ang pagkunot ng noo ni Suprema Celestia at nag-isip ng malalim. Hindi ko rin maiwasang mapaisip sa sinabi niya. Kung ang Elliome ay matagal ng nabuo.
Bakit parang wala naman ito sa kasaysayan ng Metanoia? Ibig bang sabihin, ang Elliome ay nabuo ito kasabay ng sa Gloom?
Pero sabi niya rin ay ang Elliome ay sinugod ng mga itim na mga nilalang kaya naubos ang mga nakatira rito. Parang may mali sa kinuwento nitong Cyrene. Sobrang naguguluhan ako.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.
Si Cyrene ay nakatanaw sa labas ng kaliwang bintana sa karwahe, tila parang natatakot. Si Suprema Celestia naman ay nakakunot ang noong nakamasid kay Cyrene na parang binabagabag.
Hindi ko na lamang sila pinansin pa't pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng kanang bahagi ng karwahe. Dumaan ulit kami sa tarangkahan papalabas ng Aragon. Mukhang malayo-layo pa ang aming biyahe papuntang Medria.
Kaya pinili ko na lamang na matulog.
⋘ • • ✠ • • ⋙
"Serephain . . ."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Surpema Celestia. Pagkamulat ko ay sumalabong sa aking paningin ang mukha niya. Napaayos ako ng upo nang mapagtanto kung ano ang sitwasyon namin ngayon.
Pinili ko pa lang matulog at hindi ko na lamang namamalayan na nakarating na pala kami rito sa Medria. Inayos ko ang aking buhok at lumabas. Pagkalabas ko ng karwahe ay bigla akong nanginig sa sobrang lamig. Taglamig naman sa Aragon, pero mas dinoblehan ang lamig dito sa Medria.
"Maari ka ng bumalik sa Aragon, magiting na kawal." Sabi naman ni Suprema Celestia sa kawal na nagmamaneho ng aming karwahe.
Tumango naman ito bilang pagtugon at umalis na.
Sinenyasan naman kami ni Cyrene na sumunod sa kaniya. Pinagaspas namin pareho ni Suprema Celestia ang aming mga pakpak upang makalipad. Hindi kasi kami makakalakad ng maayos dahil sa sobrang kapal ng mga niyebe.
Pumasok kaming tatlo sa isang parang tindahan at sumalubong sa akin ang iba't ibang klaseng makakapal na cloak.
"Pumili na lamang kayo ng masusuot na cloak dahil hindi tayo pwedeng dumiretso sa pupuntahan natin kapag ganito kalamig sa Medria." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumalikod na siya sa amin.
Hindi ko alam ang gagawin dahil wala akong dalang pera. Pero natigil ako sa pag-iisip nang abutan ako ni Suprema Celestia ng isang kulay abong cloak. Pakatingin ko sa kaniya ay nakapili na rin siya ng sa kaniya.
"Ayos lang ba sa 'yo ang kulay na 'yan, Serephain?" Tinanggap ko naman kaagad ang inabut niya sa akin at tumango bilang pagtugon.
Naglakad na siya papalapit doon sa counter kung saan namin babayaran itong mga makakapal na cloak. Itong cloak na ito ay tila gawa sa balat ng lobo. Nang makalapit kami roon ay nakita ko namang nagmanipula ng salapi si Suprema Celestia saka inabut sa tindera.
Sumulpot din si Cyrene sa gilid ko at nag-abot din ng bayad. Tiningnan ko naman siya na suot-suot na niya ang binili niyang kulay kayumangging cloak.
Tumalikod naman siya sa amin at lumabas na ng tindahan. Matapos mabayaran ni Suprema Celestia ay itinago niya ang kaniyang pakpak at isinuot din ang napili niyang balabal. Ganoon din ang aking ginawa.
Naglakad na ako papalabas ng tindihan, pero napahinto ako sa paglalakad nang mapansing hindi nakasunod sa akin si Suprema Celestia. Lumingon naman ako dahilan para kumunot ang aking noo.
"May alam po kayong lugar na Elliome na matatagpuan dito sa Medria?" rinig kong tanong ni Suprema Celestia sa tindera.
Nakita ko naman kung paano tignan nang naguguluhan si Suprema Celestia ng tindera at umiling.
"Elliome? Walang lugar na ganiyan dito sa rehiyon ng Medria, binibini. Dahil tanging Aragon, Seriad, Themios, Astrid at Medria lamang ang meron sa Cazadorian." Bigla akong nagulat sa sinagot ng tindera.
Ang Elliome ay wala kasaysayan ng Metanoia.
At higit sa lahat, walang alam ang mga mamamayan ng Medria. Hindi kaya nagsisinungaling itong si Cyrene sa amin? Pero mukhang hindi naman siya nagsisinungaling dahil sobrang seryoso pa nga niyang sumagot sa tanong kanina ni Suprema Celestia.
Saka naalala ko ring binaggit ni Suprema Celestia ang Elliome. Tama. Sinabi ng diyosang si Divine kay Suprema Celestia na nasa Elliome ang pakay namin. Kung ang mga mamamayan ng Cazadorian ay walang alam sa Elliome.
Ibig sabihin, sikreto ito at walang nakakaalam.
Naalala ko ring nagbanggit si Suprema Celestia na nagpapatulong siya kay Divine upang hanapin ang anghel na magiging pakay namin dito. Pero dahil hindi nahanap ni Divine ang anghel na ito sa Cazadorian, nagpatulong siya sa panginoong si Orion.
Si Orion ay ang direct descendant ni Gedeon, siya ang unang lahi ng mga anghel sa pangangaso.
Matapos humingi ng tulong ni Divine kay Orion, sinabi niya naman na nasa Elliome ang anghel na hinahanap namin. At ang Elliome na ito ay mahahanap lamang dito sa rehiyon ng Medria. Ito namang si Cyrene ay siya lamang ang tanging Cazadoria na may kakayahang dalhin kami sa lugar na 'yon.
Elliome, anong klaseng lugar ka ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top