Kabanata 26: Serephain Laban kay Aki
Kaninang umaga pa ako ginagambala sa isipan ko tungkol sa tatlong misteryosong anino na nakita ko kagabi. Posible kayang nasa loob lamang sila ng akademya at nagpapanggap?
Dahil sa pagkakaalam ko, ang akademya at ang buong nasyon ay hindi basta-basta mapapasukan nang kahit na sino man. Dahil sa naka-protektang barrier.
Habang naglalakad kasama mga kaibigan ko papunta sa bulwagan ay rinig na rinig ko ang mga bulung-bulungan tungkol sa nangyari sa pagsasanay kahapon.
Ang bilis nga namang kumalat ang balitang 'yon. Napapailing ako at hindi ko na lamang sila pinansin. Nang makarating kami sa bulwagan ay nagulat na lamang ako nang makitang nandoon din ang mga miyembro ng kunseho ng mag-aaral.
Napaiwas ako ng tingin nang ngumiti sa akin si Caspian at kumakaway pa sa akin. Nahagilap ko na naman ang masasamang titig ni Aki sa akin. Kinakawayan na rin ako nina Israel at Cheke.
Bigla ko na lamang naalala noong unang beses kong pumasok sa cafeteria, kasama ko mga kaibigan ko't biglang dumating si Caspian kasama niya ang dalawa pang lalaki. Ngayon ko lang naalala na kasama pala si Israel kay Caspian noon.
"Kilala niyo naman siguro kung sino ang mga estudyanteng ito," biglang sabi ni Ginoong Alexandrio. "Sila lang naman ang isa sa mga tumutulong sa mga guro na pangalagaan ang akademya." Tumingin naman ang guro sa akin dahilan para kunutan ko siya ng noo.
Nginitian niya naman ako ng matamis.
Napansin ko namang halos lahat ng babae kong kaklase ay halos mahimatay na nang masilayan na naman nila si Caspian. Nagpapaganda sa harapan niya, at tumitili na parang mga baliw.
"Inimbitahan ko sila rito ay dahil isa sa kanila ay maging kalaban niyo sa ikalawang pagkakataon ng ating pagsasanay." Naglakad naman papalapit si Ginoong Alexandrio kay Caspian at tinapik ito sa balikat. "Alam kong kilala niyo itong batang 'to, si Caspian. Isa sa mga gwapong anghel, matalino, malakas at ang unang estudyante sa akademyang ito na inirekomenda ni Binibining Ailia sa palasyo na bigyan siya ng pribilihiyong makapasok sa kunseho mahiko. At ang estudyanteng pinagkakaguluhan at minahal ng maraming babae, pero sabi niya ay isang babae lang ang nasa puso niya."
Matapos sabihin iyon ni Ginoong Alexandrio ay sumilyap pa siya sa akin. Pero hindi naman sobrang tagal.
Sumilay naman ang matamis na ngiti ni Caspian habang tinitignan ako. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang tiisin pa ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Ano bang nagyayari sa akin?!
"Hinahamon ko si Serephain sa isang duwelo." Napatingin ang lahat nang bigla-biglang magsalita si Aki.
Nagulat ang lahat sa sinabi niya, habang ako naman ay hindi ko maiwasang mapangiti nang nakakaloko. Mukha yatang dito niya itutuloy ang balak niya sa akin noong nakaraang araw.
"Tinatanggap ko ang hamon," walang pag-alinlangang tinaggap ko ang hamon niya.
Ang ilan kong mga kaklase ay napasinghap. At mukha pa yatang takot sila kay Aki. Ano bang kayang ipakita ng babaeng ito?
"Kung gayon, ang unang maglaban ay sina Serephain at Aki," wika naman ni Ginoong Alexandrio.
Matapos sabihin iyon ng aming guro ay pumunta na kaming dalawa ni Aki sa sentro ng bulwagan. Nagtitigan lang kaming dalawa at walang binibitawang salita. Patay na patay talaga ang babaeng 'to kay Caspian.
Desperada.
Mukhang narinig niya ang sinabi ko dahil nag-iba na naman ang timpla ng kaniyang mukha. Nang makita na naming dalawa ang senyas ni Ginoong Alexandrio ay nakita kong ikinumpas ni Aki ang kaniyang mga kamay.
Dire-diretsong sinuntok ni Aki ang sahig ng bulwagan dahilan para yumanig. Dahil sa pagkasuntok niya ay nagsilutangan naman ang mga bumiyak na sahig at napalitan ang mga ito ng mga metal cubes.
Ito rin 'yong ginawa niya noong nakaraang araw na sinugod niya ako roon sa hardin ng akademya. Matapos mapalitan niya ang mga nabibiyak na sahig sa pagiging metal cubes ay kontrol na niya ang mga ito gamit ang kaniyang mga daliri.
Tiningnan niya muna ako ng masama bago bitawan ang mga ito papunta sa akin. Napaalerto naman ako sa aking kinatatayuan. Inilagan ko naman ang mga ito gamit ang aking kakayahan.
Walang kahirap-hirap ko itong inilagan, subalit nanlaki naman ang aking mga mata nang biglang sumulpot si Aki sa aking harapan. Paano niya nagawang lumitaw na lamang bigla-bigla sa harapan ko?
Binigyan niya naman ako ng malakas na suntok sa tiyan, dahilan para mapatilapon ako pataas sa ere.
Hindi ko kaagad naiwasan ang paparating niyang suntok dahil habang iniilagan ko ang mga metal cubes niya, bigla na lamang siyang sumulpot sa harapan ko. Napabuga ako ng maraming dugo dahil sa suntok na 'yon.
Kahit na mayroon akong kakayahang hindi matatablan ng kahit na anong atake, pero kaya niya akong puruhan.
"Alam kong sa sentro ng tiyan at batok mo ang kahinaan ng invulnerability," rinig kong sabi sa akin ni Aki.
Nanlaki naman ang aking mga mata nang marinig ang sinabi niya.
"Paano mo nalaman?"
Sumilay naman ang nakakaloko niyang ngiti dahilan para ako'y mainis. Pinagaspas niya naman ang kaniyang mga pakpak papunta sa akin, habang ako naman ay nilutang ko ang aking sarili gamit ang levitation.
"Maraming paraan para malaman ang mga kapangyarihan mo, Serephain. Pinagpala ka man ng maraming kapangyarihan, pero hindi mo naman alam ang mga kahinaan nito," puno ng pagmamayabang niyang sabi sa akin.
"Alam ko." Napayuko ako sa aking ulo at hindi siya tinignan.
"Talaga?"
Napaigtad ako nang maramdaman kong biglang humapdi ang balat ko. Hindi lang massive strength at teleportation meron siya, kun'di ay may kakayahan din pala siya ng heat vision. Samahan pa ang kanyang ferrokinesis na sa mga Terrians lang ang may posibleng ganiyang klaseng kapangyarihan.
Napasigaw ako ng malakas nang unti-unti ng napapaso ang balat ko. At hindi ko na kayang igalaw pa ang aking katawan. Subalit, hindi ibig sabihin na wala akong magagawang paraan.
Ginalaw ko ang aking kaliwang kamay.
Nag-pukos pa ako lalo dahil 'pag hindi ko 'to magawa, posibleng magsilabasan din ang iba kong kakayahan na namana kay ina. Ang summoning lang din ang kaya kong ma-kontrol kapag gagamitin ko ang kakayahan na sa mga Cimmerian lang mahahanap.
Pinagsama ko ang light magic at black magic sa pag-summon upang mas kontrolado ko pa rin ito. Kailangan kong tawagin ang pinakapaborito kong spear at gamitin ito laban kay Aki. Ito rin 'yong spear na walang pag-alinlangan kong pinatawag noong ininsulto niya ang aking ina.
Todo ingat ako sa aking kilos sa kaliwang kamay upang maiwasang mapansin ni Aki at maging sa mga kaklase kong nanonood. Kailangan kong iwasang makita nilang gumagamit ako ng kapangyarihang hindi sumisimbolo bilang isang Axphainian.
Mas lalo akong napasigaw nang tuluyan ko na ngang naramdaman ang sobrang hapdi ng balat ko. Mukha yatang may balak siyang sunugin ako ng buhay.
Hindi ko rin kasi magamit ang healing ability ko. Dahil kapag pinagsabay-sabay ko ang dalawang kapangyarihan na namana ko sa magkaibang lahing mga magulang, pwede akong mahimatay dito sa bulwagan.
At 'yon ay ayokong mangyari.
Ayokong matalo sa harapan ng mga kaibigan ko . . . lalong-lalo na sa kaniya. Ayoko ring malaman nila ang sikreto ko sa ganito kaaga. Nang mapagtagumpayan ko ang aking plano ay kaagad kong hinagis ang aking spear kay Aki, dahilan para magsilakihan ang mga mata niya.
Iilagan na sana niya ito ngunit huli na siya. Bumaon ang spear sa kaniyang kanang binti, dahilan para siya ay mawalan ng balanse't napabagsak sa sentro ng bulwagan. Nang mapabagsak siya ay kinuha ko pabalik ang spear sa aking mga kamay, rason para siya ay mapahiyaw sa sakit.
Nakatingin lang ako sa kaniya mula rito at halos mapabagsak ako sa sahig nang bigla siyang mawala sa pinagbagsakan niya't sumulpot na naman sa aking harapan.
"Hindi ako mahina sa inaakala mo, Serephain," nanggagalaiti sa galit niyang wika.
Susuntukin na sana niya ako subalit kaagad akong lumayo sa kaniya. Hinabol niya naman ako. Pinabilis ko ang aking sarili, pero kaya niya rin pala akong sabayan sa pabilisan gamit ang kaniyang ekstrang abilidad na teleportation.
Napasigaw ako sa sakit nang bigla na namang bumaon sa kaliwa ko ring binti ang matutulis na metal niya. Hindi lang metal cubes ang kaya niyang manipulahin, kaya rin pala niyang gumawa ng matutulis na metal.
Napatingin ako sa baba, nandoon sa sahig ang ugat ng matutulis niyang metal at kaya pa niya itong pataasin hanggang sa ere.
Parehong-pareho sila ng kakayahan na meron si Crystal. Ang kaibahan lang nila ay bato ang kay Crystal, habang si Aki naman ay metal. Pumatak kaagad ang sunod-sunod na dugo mula sa aking binti.
"Ngayon ay pantay na tayo." Nakangisi niyang komento.
"Hindi kailanman tayo magiging pantay, Aki. Hindi ako kasing desperada mo," panunumbat ko sa kaniya.
Dahil sa sinabi ko mas lalong nagalit si Aki. Nang mapansin kong pupuruhan niya ulit ang binti ko gamit ang matutulis niyang metal ay dinoblehan ko pa ang bilis ko. Kung inakala niyang 'yon lang ang bilis ko, puwes, nagkakamali siya.
Paikot-ikot ako sa bulwagan at kitang-kita ko sa mata niya ang sobrang gulat. Tiningnan ko naman si Aki, paikot-ikot din ang kaniyang tingin para ako'y masundan niya. Huminto ako sa paikot-ikot dahil oras ko na namang umatake.
Nasa likuran lamang ako ni Aki ilang layo lang ang distansya. Ipinagkumpas ko ang aking mga kamay at nagmanipula ng liwanag na may hugis espada. Walang pasabing inihagis ko ang lahat papunta kay Aki habang nakatalikod siya.
Subalit, laking gulat ko na lamang nang gumawa siya ng dingding na gawa sa metal. Hindi ko kaagad siya napuruhan dahil sa sobrang tigas ng metal. Hindi pa nga tumagos ang mga liwanag na aking minamupala.
Dahil sa inis ko, pinalutang ko ang aking spear at binalutan ng liwanag gamit ang light magic na meron ako't walang pag-alinlangang inihagis ito papunta kay Aki. Natuwa naman ako nang tumagos ang sibat sa metal wall niya, dahilan para mapalabas ko siya sa pinagtataguan niya.
Lumipad siya palayo sa spear na aking inihagis sa kaniya.
Pero dahil kontrol ko ito, hinabol ko si Aki gamit ito. Nang mainip ako dahil kahit na ilang ulit ko pa siyang habulin, hindi ko pa rin siya magawang puruhan. Hinabol ko rin si Aki habang habol-habol din siya ng spear na pagmamay-ari ko.
Sa isang iglap ay nasa likuran na niya ako nang hindi niya nalalaman. Itinaas ko sa ere ang aking mga kamay para mapasakamay ko ulit ang spear na pinahabol ko kay Aki. Lilingon na sana siya sa likuran niya. Pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon at sinipa ng malakas ang likuran niya.
Napatilapon siya papunta sa sahig ng bulwagan. Napabuga siya ng dugo sa bibig. Pinabilis ko ang sarili ko't hindi siya binigyan ng pagkakataon na makabangon. Malakas kong inapakan ang kaniyang dalawang kamay at inuupuan siya sa tiyan.
Habang ang hawak-hawak kong spear ay itinuon ko sa kaniyang leeg. Nakita namin ang senyas ni Ginoong Alexandrio, ibig sabihin dito na magtatapos ang laban namin ni Aki. Tiningnan naman niya ako ng masama, subalit isang ngiti naman ang aking itinugon.
"Wala ka pa ring binatbat, Aki."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top