Kabanata 16: Ang Kasikatan ni Caspian

Nagsilabasan naman ang mga kaklase ko nang tuluyan ng makalabas din si Ginang Sena sa silid-aralan namin. Habang ako ay tahimik na nakamasid sa labas ng bintana. Kitang-kita ko ang mga naglabasang mga estudyante.

Ito ay marahil pupunta sila sa cafeteria para kumain. Ayoko rin namang lumabas sa silid-aralan dahil baka pagkakaguluhan na naman ako ng mga estudyanteng walang ibang gawin kun'di ang manglait at maminsala ng kapwa nilalang.

Napalingon naman ako nang biglang may dumantay na kamay sa balikat ko't sumalubong sa akin ang nakangiting mga labi ni Borin.

"Sama tayo papuntang cafeteria. Kanina pa ako nagugutom, e," sabi niya saka ngumuso habang hinihimas ang kanyang tiyan.

"Pupunta tayo kahit alam naman nating lalaitin lang tayo roon?" mahina kong komento, sapat na para marinig nila.

Nginitian din ako ni Rony dahilan para mapatingin ako sa kanila nang naguguluhan.

"Hindi nila tayo kayang laitin kasi magkasama tayo. Kung sobra na ang mga sinasabi nila, maari nating protektahan ang bawat isa. Hindi ba dapat nagpo-protektahan sa isa't isa ang mga magkakaibigan?" Nakangiting wika ni Rony.

"Tama si Rony, Serephain. Kung may balak silang saktan ka, nandito lang naman kami para sa 'yo," habol na sabi ni Collyn dahilan para uminit ang aking pisngi.

Tinago ko naman ang aking mukha dahil nahihiya ako't kinilig din. Sila lang ang mga nilalang na nagparamdam sa akin ng ganitong klaseng pakiramdam.

"May nasabi ba akong mali?" natatarantang tanong sa akin ni Collyn.

"Wala naman," maikli kong wika.

At tumayo dala-dala ang aking maliit na bag na gawa sa balat ng lobo na sinamahan ng balat din ng ahas. Nang makalapit na ako sa pintuan ng silid-aralan namin ay nilingon ko sila. Nakita ko namang nakatingin sila sa akin nang naguguluhan.

"Ano pang ginagawa niyo diyan? 'Di ba gusto niyong pumunta sa cafeteria? Sasama ako." Sa pagkakataong 'to, ipinakita ko na sa kanila ang ngiti ko.

Ngiting limitado ko lang pinapakita. Emosyong hindi ko pinapakita sa harapan ng maraming nilalang. Nananabik naman silang nagtakbuhan papalapit sa akin. Nabigla naman ako nang akbayan ako ni Collyn, pero hinayaan ko na lamang siya.

Naglalakad na kami sa pasilyo na puno ng mga estudyante.

Yuyuko na sana ako nang biglang i-angat ni Crystal ang ulo ko. Pinanlilisikan niya naman ako ng mata dahilan para makuha ko ang ibig niyang iparating.

"Kahit sa harapan ng mga mapanlait nilang mata, hindi mo kailangang iyuko palagi ang iyong ulo. Kailangan mong ipakita sa kanila na hindi ka naapektuhan. Dapat taas-noo kang maglakad sa harapan nila." Paliwanag niya naman dahilan mapatango ako sa sinabi niya.

Tinanguhan ko na lamang si Crystal at ginawa nga ang sinabi niya. Nang makababa kami ng ikalawang palapag ay bigla kaagad akong kinabahan. Hindi ko alam pero iyon talaga ang nararamdaman ko.

Siguro ay una kong beses na kumain kasama ang mga kaibigan ko. At unang beses na kumain sa cafeteria ng eskwelahan. Dahil sa tuwing oras ng meryenda ay kumakain lang ako mag-isa roon sa isang medyo tagong hardin na hindi pinapansin ng mga estudyante.

Hindi naman siya 'yong tago talaga, 'yong parang naiwanan na ng panahon. At saka, natatabunan din kasi siya sa malaking gusali. Kaya wala masyadong estudyanteng nagpupunta roon. Nahanap ko siya noong nakaraang araw habang ako'y namamasyal sa kampus.

Sa mga oras na ito ay nasa harapan na kami ng pintuan ng cafeteria at tila ba'y parang gusto kong umatras nang makitang sobrang daming estudyanteng kumakain doon ng meryenda.

"Pasok na tayo, gutom na gutom na ako." Reklamo naman ni Borin habang hawak-hawak niya ang kanyang tiyan.

Rinig na rinig pa namin na sunod-sunod itong tumunog. Bumuntong-hininga ako ng malalim bago inanyayahan na nga silang pumasok na kami nang tuluyan.

Nang makapasok na kami ay hindi namin inaasahan na sa amin kaagad mapupunta ang atensyon lahat ng mga estudyanteng kumakain sa cafeteria. Iyuyuko ko na sana ang aking ulo nang sumalubong sa mga mata ko ang nagbabantang mga titig ni Crystal.

Habang naglalakad kami papunta sa harapan ng nagbebenta ng pagkain ay rinig na rinig ko ang mga bulong-bulungan nila. Mga nakakarinding bulungan. At mga masasakit na salita.

"Hindi ko akalaing maghanap ng apat na alipores itong babaeng kinakahiya ang sariling lahi."

"Kinukuha na nga niya ang atensyon ni Caspian, ngayon kinukuha na naman niya ang atensyon ng lahat."

"Ang hilig niyang magpapansin, ah."

"Hindi ko rin inakalang ganito pala kaaga magsama-sama ang mga walang kwenta."

Nakita ko namang napakuyom ng kamao si Crystal at Collyn habang nakapikit. Alam kong naapektuhan na rin sila sa mga sinasabi ng mga ibang estudyante dahil sa akin. Dahil lang sa akin. Mas lalo tuloy silang kinaiinisan ng iba.

Mukhang hindi magandang ideya na nakipagkaibigan ako sa kanila. Hindi dahil sa hindi ko gusto, ayoko lang talaga silang mapapahamak at madamay sa mga init na tingin ng mga estudyante tungkol sa akin.

Idinantay naman ni Borin ang kanyang kamay sa aking mga balikat at ako'y nginitian. Habang si Rony naman ay hinahawakan niya ang nakakuyom na mga kamao nina Crystal at Collyn.

"Kalma. Bumunton-hininga ng malalim," rinig kong payo sa dalawang kaibigan.

Napakagat ko naman ang aking ibabang labi, ngunit natigil lamang iyon nang biglang tapikin ni Borin ang aking balikat nang ikatlong beses. Tiningnan ko naman siya nang naguguluhan at nanlaki naman ang aking mga mata nang sumalubong sa akin ang matamis niyang ngiti.

Sobrang puro ng kanyang ngiti. Walang halong pagpapaimbabaw. 'Yong pinapakita niya ay tila ba'y parang wala akong dapat na ikabahala. 'Yong parang sinasabi niyang kakampi ko sila. 'Yong parang sinasabi niyang nakikipagkaibigan sila sa akin na walang halong pagkukunwari.

"Huwag kang makinig sa kanila. Mga walang kabuluhan lang ang lumalabas sa mga bibig niyan." Nakangiti pa ring sabi sa akin ni Borin.

Hindi na lamang ako sumagot pa't iniwas ang aking tingin dahil nagbabadya na naman ang aking mga luha. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanila. Hindi nila kailangang makita na mahina ako.

Napahinga naman ako ng maluwag nang hindi na ako kinulit ni Borin. Habang ang mga luha ko ay napigilan ko namang tumulo. Naghanap naman kami ng bakanteng lamesa at nakakita naman kaagad kami.

Lamesang nasa pinakasulok ng cafeteria at malayo sa mga mapanghusgang lipunan. Pinapaupo naman kaming tatlong babae nina Rony at Borin. Sinabihan kaagad kami na silang dalawa na lamang daw ang bibili ng pagkain para sa amin.

Tinanong naman nila kami kung ano ang gusto naming ipapabili sa kanila na kaagad din naman naming sinabi. Sa halip na kaming lima na sana ang bibili sa kanya-kanyang gustong pagkain namin, hindi na natuloy dahil sa mga mapanghusgang bulong-bulungan tungkol sa amin.

"Mga punyeta, walang ibang magawa kun'di ang pag-usapan ang ibang nilalang. Hindi na lang tignan nila at husgahan ang sarili para alam nila kung gaano kaitim ang mga budhi nila!" rinig kong panggigil ni Collyn.

Habang nakatingin ng masama sa mga estudyanteng nandirito sa loob ng cafeteria.

"Sinabi mo pa. Kung gusto ko lang ng gulo, kanina ko pa sila binugbog gamit mga bato ko. At tayo pa ang mga walang kwenta, ah? Ang kakapal din naman ng mga mukha!" sang-ayon naman ni Crystal.

Napatingin naman silang dalawa sa akin habang ako ay tahimik lang na nakayuko.

"Pasensya na kay―"

"Desperada."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang batuhin ako ng masakit na salita sa dumaang dalawang babaeng anghel. Nagtawanan pa ang mga ito nang makita nila akong nabigla sa sinumbat nila.

Napatayo naman si Collyn habang galit na galit. Pinigilan naman din kaagad siya ni Crystal.

"Punyeta mo!" rinig kong sigaw ni Collyn sa dalawang babaeng sumumbat sa akin.

Dahilan para mapalingon ang lahat ng estudyanteng nadirito sa loob ng cafeteria.

At nagsimula na namang nagbulong-bulungan.

"Tignan mo nga naman ang ugali ng babaeng 'yan. Kasing ugali niya ang mga baliw at mga kriminal na mga anghel."

"Oo nga. Nanalo lang ng taunang pagsusulit ng siyudad natin, ang laki na ng tingin sa sarili."

"Dapat nga mas alamin nila kung nasaan sila at ano ang kinabibilangang siyudad. Mga mahihina lang naman. Mga nilalang na binibiyayaan lang ng tatlong divine powers. Pero 'yong elementong kapangyarihan nila? Wala rin namang kwenta."

Napakuyom naman ang aking mga kamao.

Ang kakapal ng mukha.

Ang ayoko ay 'yong insultuhin ang kinabibilangang siyudad ng mga kaibigan ko. Okay lang na apak-apakan nila ang pagkatao namin, ngunit kung insultihin lang naman din ang siyudad na kinabibilangan nila, hindi ko dapat pinapalampas ang ganito.

Tumingin naman ako roon sa nang-insulto kina Collyn at Crystal. Sa isang iglap ay nabitawan niya ang kaniyang hawak-hawak na baso nang magawa ko ang plano ko.

Napasigaw pa nga siya nang unti-unting natutunaw ang kaniyang balat dahil sa mga titig ko.

Kulang pa 'yan! Kulang na kulang! Napasigaw siya nang bigla-bigla siyang lumutang sa isang titig ko lang sa kaniya. Inalis ko ang aking tingin sa babae dahilan para mamayani ang napakalakas niyang sigaw nang mapagtantong babagsak siya sa sementadong sahig ng cafeteria.

Napatingin naman ako kay Crystal nang hawakan niya ang mga kamay ko. Napatingin ako sa kanya habang iniiling-iling niya ang kanyang ulo. Napabuntong-hininga ako't ipinitik ang aking daliri dahilan para matigil ko ang pagbagsak ng babae sa sahig.

Lahat ay napasinghap sa nakitang eksena. Binalik ko siya sa kanyang upuan habang suot-suot pa rin niya ang kanyang natatakot na mukha.

"Sino'ng may gawa no'n?!"

Rinig kong sigaw ng babaeng paparusahan ko na sana. Habang si Crystal naman ay hindi nagpapahalata sa nagbabadya niyang tawa. Maging si Collyn.

Ilang sandali ng paghihintay ay dumating na sina Rony at Borin na dala-dala ang binili nilang pagkain para sa amin. Napansin ko ring tumatawa ng mahina si Borin.

"Ang lupit mo, Serephain," mahinang komento niya.

"Nakita niyo 'yong nakakatawang mukha ng babae? Parang pinagbagsakan ng lupa at langit," sang-ayon naman ni Crystal habang tumatawa.

"Hindi ko akalaing may kakayahan ka pala ng heat vision at levitation, Serephain. Galing!" Napangiti naman ako sa sinabi ni Collyn.

Habang sa kalagitnaan ng pagkain namin ay pinag-uusapan pa rin nila ang nangyari kanina sa babaeng paparusahan ko na sana.

"Ano pang kakayahan mo, Serephain?" tanong sa akin ni Rony.

"Invulnerability, speed, healing ability, controlling mind, mind reader, heat vision, levitation at light magic," nahihiya kong sagot.

Ilang sandali ay napakunot ang aking noo. Nakatulala sila sa akin na parang humahanga.

"Ang dami. Sobrang lakas mo siguro sa pakikipaglaban. Halos sampu na ang divine powers mo. At saka, mayroon ka ring light magic na iilan lamang sa mga Axphainian ang merong ganyan. Si Suprema Celestia at Supremo Alabama lang ang alam kong merong light magic," mataas na wika ni Collyn.

Nailang naman ako sa sinabi niya dahilan para mapakagat ako sa aking ibabang labi. Hindi ko na sana sinabi sa kanila.

Iyong sinabi ko sa kanila ay 'yon lamang ang mga kakayahang namana ko kay ama. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang iba ko pang kakayahan na namana ko naman kay ina.

"Ah, pwede bang sikreto lang natin 'yon?" pakiusap ko.

"Siyempre naman. Maasahan mo kami. Hindi ko man alam kung ano ang dahilan pero pagkatiwalaan ko ang desisyon mo." Napangiti naman ako sa narinig mula kay Rony habang tumatango naman ang iba pa.

Nag-pukos na kami sa aming pagkain. Sa kalagitnaan ng meryenda namin sa cafeteria ay bigla na lamang namayani ang napakalakas na sigawan. Lalo na sa mga kababaihan.

Napalingon kami sa tatlong lalaking kapapasok lang ng cafeteria. At isa na roon si Caspian. Hindi ko alam pero bigla na lamang tumibok ng mabilis ang puso ko nang masilayan ko ulit ang napaka-gwapo niyang mukha.

Napatingin ako sa aking pagkain at itinago ang aking mukha sa talukbong ng aking cloak. Nakapukos lang ako sa pagkain at hindi ko na inalam pa ang mga nangyayari sa paligid.

Subalit, bakit ang tahimik ng mga estudyante rito sa cafeteria? Kanina lang sobrang ingay nang dumating si Caspian, pero bakit ang tahimik bigla?

Sunod-sunod ko ring narinig ang mga bulong-bulungan. Napagdesisyunan ko namang tumingin sa paligid at laking gulat ko nang makita ko na si Caspian mula sa harapan ko. Nakatingin ito sa akin nang nakangiti.

"Akala ko wala kang balak na tignan ako." Nakabusangot na sabi niya.

Kinabahan naman ako bigla nang magtama ang aming mga mata. Napatingin naman ako sa mga kasama ko na nasa kabilang lamesa na.

Tiningnan ko sila ng masama dahil sa pag-iwan sa akin. Ngunit, nginitian lang nila ako nang malapad. Ginulungan ko naman sila ng mata dahilan para magtawanan naman sina Collyn at Crystal.

"Mukhang naiinis ka yata na nandito ako sa lamesa niyo," mahinang wika ni Caspian na tila ba'y parang nalulungkot.

Anong pinapalabas niya?

Bakit niya ako kinakausap?

Bakit niya ako pinapansin na hindi niya kayang ibigay sa mga humahanga sa kaniya?

Plano niya bang alamin ang sikreto ko?

O may iba pang rason kung bakit niya pa rin ako kinukulit?

"Ha?"

"Wala. Nakita ko lang na ginulungan mo ako ng mata."

"Hindi para sa 'yo 'yon."

Bakit kailangan mong sagutin 'yon, Serephain?!

Napapansin ko rin ang mga nakakamatay na mga titig ng mga kababaihan dito sa loob ng cafeteria. Meron na ring mga estudyanteng nakichismis sa labas. Ito pala ang kasikatan ng nag-iisang Caspian.

'Yong mga humahanga sa kaniya ay tila parang gusto na nila akong sugurin at patayin, dahil nakakausap ko ang hinahangaan nila na matagal na nilang gustong pinapangarap.

Habang ginagala ko ang aking mga mata. Napatingin naman ako sa isang matang nakatingin sa direksyon ko't galit na galit.

At ang nagmamay-ari ng matang 'yon ay si Aki. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top