Kabanata 12: Ang Paglilibot
Nanlaki naman ang aking mga mata nang marinig ko ang sinagot ni Caspian. Siya pala ang pangulo, kaya nga pala ganoon na lamang ang mga sinasabi ng mga iilang estudyante kung bakit kami magkasama. At kung kilala ko ba raw ang kasama ko.
Napalunok ako ng laway.
Hindi rin naman nakakagulat na siya ang naging pangulo ng kunseho ng mag-aaral dahil sa personalidad niya. Sa pamamaraan din ng kaniyang pananalita. Nanlaki ang mga mata ko kanina ay dahil hindi ko man lang naisip na posibleng siya ang pangulo sa kunseho ng mag-aaral.
Nakipagkulitan pa sa akin si Cheke ng isang minuto, hanggang sa napadesisyunan namin ni Caspian na pumunta na nga sa opisina ni Tita Ailia. Hindi na kami dumaan sa mga hagdan at gumawa si Caspian ng light portal. Gumagamit din pala siya ng light magic.
Buong-buo na ang sarili ko. Malakas itong si Caspian kapag pag-uusapan ang salitang pakikipaglaban. Siya ay sobrang maraming potensyal na makapasok sa kabalyero mahiko o 'di kaya'y maging Summa.
Nakangiti naman akong pinauna niya akong pumasok sa ginawa niyang portal at sa isang iglap, nandito na kami sa huling palapag ng gusaling 'to.
Nasa harapan na rin namin ang pintuan ng opisina ng punong guro. Kumatok muna nang pangatlong beses si Caspian bago pihitin ang seraduhan at pumasok kaming dalawa. Tumambad sa aking harapan ang isang silid na puno ng palamuti. Kulay pilak at kulay langit ang dingding, habang kulay ginto naman ang mga upuan at lamesa.
Prenteng nakaupo sa upuan si Tita Ailia, kaharap sa kaniyang lamesa. Abala ito sa mga ginagawa sa mga papeles. Ang ilang mga papeles ay nakalutang na malapit sa kaniya. Nakuha lamang namin ang kaniyang atensyon nang tumikhim si Caspian.
"O, Caspian, ano ang aking maililingkod ko sa 'yo? Pwede mamaya na? Ang dami ko pang mga papeles na kailangang gawin para sa ulat ko ngayong araw tungkol sa akademya at ipapadala ko kaagad ito tungo sa palasyo." Matapos itong tumingin kay Caspian ay bumalik ito sa ginagawa.
Mukha yatang hindi niya ako napansin na magkasama kami ni Caspian. Tumikhim uli si Caspian, ngunit binaliwala lang siya ni Tita Ailia.
"Punong guro, kasama ko po si Serephain," magalang na wika ni Caspian kahit na napapansin ko sa boses niya ang pagkairita.
Saka na lamang napahinto sa ginagawa si Tita Ailia nang marinig niya ang pangalan ko. Ginala niya ang kaniyang mga mata at dali-dali siyang lumapit sa akin nang makita niya ako. Binigyan niya pa ako ng mauupuan saka siya bumalik din sa kaniyang upuan.
"Caspian, maari mo ba kaming iwan? May pag-uusapan lamang kami ni Serephain." Nakangiting paki-usap ni Tita Ailia.
Wala namang naging reklamo si Caspian at tumalikod. Pero bago pa man siya makalabas ng pintuan ay nagsalita ulit siya.
"Maghintay ka lang sa labas ng ilang minuto. Magagawa mo pa ba 'yon, Caspian?"
Lumingon siya sa kinaroroonan namin at tumango. Hanggang sa nakalabas na ng tuluyan si Caspian. Ikinumpas naman ni Tita Ailia ang kaniyang mga kamay. Kitang-kita ko kung paano gumawa siya ng barrier sa loob ng silid na 'to.
Nang matapos sa ginagawa si Tita Ailia ay tiningnan ko siya nang naguguluhan. Nakuha naman kaagad niya ang ibig kong sabihin sa ekspresyon pa lang ng mukha ko.
"Kailangang walang marinig si Caspian sa pag-uusapan natin, Serephain. Alam kong nandito ka para mag-aral, ngunit kailangan mo ring itago ang tunay mong pagkatao kaya gumawa ako ng barrier. At para malaya tayong makakapag-usap na hindi naririnig ni Caspian sa labas." Paliwanag niya naman sa akin at isang tango lamang ang aking iginawad matapos maiintindihan kung bakit niya ginawa 'yon.
Tumango-tango pa siya at inaayos ang kaniyang mga papeles sa lamesa.
"Kamusta ka ngayon? Narinig ko kasing pinagkakaguluhan ka ng mga ibang estudyante." Napatingin ako sa kanya nang tanungin niya ako ng ganoong tanong.
Kamusta kaya ako? Okay lang kaya ako ngayon? Hindi ko alam.
"Okay lang po ako. Hindi ko nga inaasahang pagkakaguluhan ako dahil sa suot ko," mahina kong wika pero sapat na para marinig din niya.
Napabuntonghininga naman siya ng malalim saka tiningnan ako sa mata.
"Alam mo ba kung bakit ka pinagkakaguluhan? Ito ay dahil ikaw lamang na estudyante ang naglalakad papasok sa akademya. Alam mo naman na ang lahi natin ay pinagmamalaki ang ating anyo. Tayo ay hindi kinakahiya ang ating pagkatao sa halip ay pinagmamalaki natin ito bilang pagpapakita ng galang sa lumikha sa atin. Ito ay ang kataas-taasang Diyos na si Akwan. Malaki ang paniniwala natin na ang pagkakaroon ng ganitong kapangyarihan at kagandahan ay isang biyaya mula sa kanya," rinig kong kwento ni Tita.
"Hindi po ako katulad niyo," madiin kong wika sa kaniya dahilan para mapasinghap siya.
"Katulad ka namin, Serephain. Axphainian ka pa rin, balik-baliktarin mo man ang mundo ng Metanoia," depensa pa niya sa sinabi ko.
Axphainian nga ba ako? Mukhang malabo.
"Alam ko malaki ang hinanakit mo kay Percival, ngunit ginawa niya lamang iyon upang malayo kayo sa kapahamakan. Alam mo ba kung gaano kabigat ang kasalanang nagawa niya? Kung malaman ito ng palasyo, hindi lamang ang ama mo ang ipapadakip kun'di ikaw at ang ina mo. Hindi lamang kayo ikukulong, papatawan kayo ng kamatayan sa harapan ng mga Axphainian at iyan ang ayaw mangyari ng ama mo."
Hindi ko naman maiwasang magulat sa mga nalaman ko sa kaniya. Hindi na ako nagsalita pa at pinakiramdaman siya sa kaniyang ginagawa. Ngunit, nabigla na lamang ako nang hawakan niya ang aking mga kamay.
"Serephain, mahal ka ng ama mo. Ginawa niya ang lahat at gulat na gulat nga ako nang sabihin niya sa akin na ipapasok ka niya rito sa Axphain Academy." Nakangiti niyang sabi sa akin at may inabot na kulay gintong papel na binalutan ng kulay pilak na laso.
Tiningnan ko lang ito at pabalik-balik ang tingin ko sa papel na ito at sa kaniya.
"Iyan ay listahan ng mga asignatura mo at oras kung kailan magsisimula ang klase ng bawat asignatura. Sana ay magkakaroon ka ng kaibigan rito sa pamamalagi mo sa akademya, Serephain."
"Maraming salamat po," maikli kong sabi at tumayo.
Tinawag naman ni Tita Ailia si Caspian matapos niyang alisin ang barrier na ginawa niya. Pumasok si Caspian sa silid na parang nababagot.
"Maari mo bang ihatid si Serephain sa kwarto niya sa dormitoryo? At habang papunta kayo roon, sana ay ilibot mo rin siya sa loob ng akademya," habilin ni Tita Ailia kay Caspian.
"Masusunod po."
Maglalakad na sana ako papalabas ng silid nang tawagin ako ulit ni Tita Ailia. Inabot niya naman sa akin ang kulay gintong susi at nginitian.
Nasa labas na kami ni Caspian at naguguluhan pa rin ako sa kaniya dahil huminto siya. May balak ba siyang ilibot ako?
"Ang gusaling ito na kinaroroonan natin ay ang gusali para sa mga baguhan at naiiwan ang mga estudyanteng mahihina sa gusaling ito. Kaya kung ako sa 'yo, gagalingan ko sa bawat asignatura." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay gumawa ulit siya ng portal na gawa sa light magic niya.
Sa isang iglap ay nandito na kami sa harapan ng cafeteria. May mga estudyante pa ngang kumakain sa loob at may mga nag-uusap.
"Ito ay cafeteria, dito lang pwedeng kumain maliban sa dormitoryo. At ang katabing gusali ay para sa mga estudyanteng umaabante at lumalakas. Sila lamang ang may pribilihiyong makapasok diyan."
Hinayaan ko na lamang siyang magsalita habang ako ay nakikinig lamang. Pumasok ulit kami sa portal niya't sa isang iglap ay nasa harapan ko na ang dalawang magkatabing bulwagan. Hindi naman magkatabi talaga, 'yong sobrang lapit na.
Ang distansya nilang dalawa ay tansya ko ay nasa mahigit tatlong pu't limang pulgada. Ang isang bulwagan ay katulad ng disenyo doon sa bulwagan ng Luxa, kung saan ginanap ang pagsusulit.
"Ang bulwagan na nakikita mo sa kaliwa ay diyaan gaganapin ang pagsusulit o dwelong hamon mula sa mga estudyante."
Habang ang isang bulwagan ay sobrang engrande. Tila ba'y parang hindi ito para sa mga kaganapan katulad ng pagsusulit sa pamamagitan ng labanan. Ang disenyo nito ay sarado lahat, ang bubong nito ay pabilog. Kulay puti at may pinagsamang kulay ginto ang bulwagang ito.
"Dito naman ay ang bulwagan para sa mga iba't ibang kasiyahan o selebrasyon."
Pagkatapos ay umalis na kami ni Caspian. Nandito na kami kung saan may maraming mga kahoy. Malapit ito sa tarangkahan. Umalis na kami at sa isang iglap ay nandito na ako sa harapan ng dormitoryo.
"Ang dormitoryong nasa harapan natin ay para lamang sa mga kababaihan, diyaan ka mamalagi. Habang ang katabi naman nito ay ang dormitoryo para sa mga kalalakihan. Ang bakod na ito ay nagsisilbing tagapagbantay ng mga estudyanteng may balak na pumunta sa kabilang dormitoryo. Gaya nga ng sabi ko, ang pagpunta sa kabilang dormitoryo ay mahigpit na ipinagbabawal." Paalala niya ulit sa akin, habang ako ay isang tango lamang ang itinugon.
Binuksan niya naman ang tarangkahan papasok sa gusali. Nagmanipula agad siya ng portal para mabilis kaming makarating sa gusto naming puntahan.
Sa isang iglap ay nandito na kami sa harapan ng isang pintuan.
"Dito na ang iyong kwarto. Maari ka ng pumasok at magpahinga." Nakangiti niyang wika dahilan para sumikdo bigla ang puso ko.
Kinuha ko naman ang susi at binuksan ang pintuan. Bago paman ako tuluyang makapasok ay tiningnan ko siya na nahihiya.
"Salamat."
Pagkatapos kong magpasalamat ay nginitian niya ako nang malapad saka na siya umalis. Habang ako ay naiwang nakatulala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top