Kabanata 07: Ikalawang Antas: Ang Labanan [i]

Ilang minuto na kaming naghihintay dahil nag-uusap pa ang mga kapitan ng kabalyero mahiko. Hinihintay ng lahat kung sino sa mga kalahok ang pwedeng magpatuloy sa susunod na antas.

Ilang segundo ulit ang lumipas, pinagaspas ng taga-anunsyo ang kaniyang mga pakpak papunta sa sentro ng bulwagan. Mayroon siyang dalang kulay gintong papel na hula kong listahan ng mga kalahok na makapagpatuloy sa susunod na antas.

Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Hawak ko na ang listahan ng walong kalahok na maaring masali sa ikalawang antas ng pagsusulit na 'to. Una kong tatawagin ay si Borin, kalahok na nagmula pa sa syudad ng Aqua." Nakita ko namang humakbang paabante 'yong lalaking may kakayahang magmanipula ng yelo.

Ang pangalan niya pala ay Borin.

Namayani naman ang malakas na palakpalakan sa buong bulwagan. Pero huminto naman kaagad upang pakinggan uli ang susunod na kalahok na makapasok sa ikalawang antas ng pagsusulit.

"Pangalawa ay si Collyn, kalahok na nagmula pa sa syudad ng Ignis." Humakbang paabante naman 'yong babaeng may kakayahang sabugin ang sarili at pagkatapos niyang sumabog ay bumalik siya sa dating anyo. "Pangatlo ay si Rony, kalahok na nagmula pa sa syudad ng Ventus." Ganoon din ang ginawa niya gaya sa iba nang tawagin ang pangalan niya.

Siya 'yong lalaking may kakayahan ng air mimicry at may kakayahang magmanipula ng mga matutulis na hangin.

"Pang-apat ay si Crystal, kalahok na nagmula pa sa syudad ng Terra." Humakbang paabante naman siya nang marinig ang sinabi ng taga-anunsyo.

Inaasahan ko na siyang makasali sa ikalawang antas ng pagsusulit na 'to. Bagaman, hindi ko siya nagustuhan, subalit, kitang-kita naman sa pinakita niyang gilas kanina na karapat-dapat naman talaga siyang mapabilang.

Siya 'yong babaeng may kakayahang magmanipula ng malalaking bato, gumawa ng bitag at kaya niyang baguhin ang bato bilang isang buhangin.

"Panglima ay si Cedric, kalahok na nagmula pa sa syudad ng Ventus." Hindi na rin ako nagulat nang tawagin siya ng taga-anunsyo bilang isa sa mga kalahok na makapagpatuloy sa ikalawang antas.

Siya 'yong lalaking may kakayahang painitin ang minapula niyang hangin hanggang sa nakakatunaw ito sa lahat ng bagay na naabot nito.

"Pang-anim ay si Rosey, kalahok na nagmula pa sa syudad ng Ventus." Napatingin ako sa babaeng humakbang paabante katulad ng sa iba.

Napatango naman ako nang maalala ko siya. Siya 'yong babaeng anghel na kayang magmanipula ng mga matutulis na bato.

"Pang-pito ay si Lenli, kalahok na nagmula pa sa syudad ng Ignis." Ngumiti naman ito nang marinig ang palakpakan ng madla.

Siya 'yong babaeng anghel na may kakayahang magbuga ng apoy mula sa kanyang bibig. Mula sa sobrang laking apoy hanggang sa magbuga siya ng bolang apoy na maliliit.

"At panghuli ay si Kisha, kalahok na nagmula pa sa syudad ng Aqua."

Mas lalong lumakas ang palakpakan na namayani sa buong bulwagan matapos tawagin ang pangalan ng huling kalahok na masasali sa ikalawang antas ng pagsusulit na 'to.

Siya 'yong babaeng anghel na may kakayahang magmanipula ng metal na iba't-ibang nakakamatay na sandata gamit ang elementong meron siya.

"Ang apat na natitirang kalahok ay hindi nabigyan ng pagkakataong makasali sa ikalawang antas ng pagsusulit na 'to. Marahil ay hindi pasok sa panlasa ng ating mga kapitan ng kabalyero mahiko ang ipinakita niyong galing. Pero, bukas ang bulwagan na 'to sa susunod na taon at buong puso kayong tanggapin."

Matapos nilang marinig ang sinabi ng taga-anunsyo ay bagsak balikat nilang tinalikuran ang bulwagan, hanggang sa hindi na namin tanaw ang kanilang pigura. Natahimik ang lahat nang muling magsalita ang taga-anunsyo.

"Bago tayo magsimula sa isang labanan ay i-pares ko na muna kayong walo." Huminto muna ang taga-anunsyo sa pagsasalita at binasa ang isang nakalutang na papel. "Una, Collyn laban kay Cedric." Mas lalong lumakas ang bulong-bulongan nang marinig ang sinabi ng taga-anunsyo.

Lahat ay nananabik.

"Pangalawa, Rony laban kay Rosey. Pangatlo, Borin laban kay Lenli. At sa huli, Crystal laban kay Kisha." Nagkatitigan ang magkalaban at pinasadahan ng tingin ang isa't isa. 'Yong babaeng anghel na hindi ko gusto ay sumilay na naman ang nakakaloko niyang ngiti. "Bago magsimula ang labanan ay gusto ko lang sabihin sa lahat ng kalahok, apat ulit ang matatanggal sa inyo. Ibig sabihin, kung sino 'yong mananalo sa labanan ay siyang magwawagi at mabigyan ng pagkakataong makapasok sa Axphain Academy."

Huminto muna sa pagsasalita ang tagapag-anunsyo at tiningnan ang walong natitirang kalahok na seryosong nakatingala't nakatingin sa kanya.

"At higit sa lahat, ang pagpatay ng kalaban ay papatawin ng mabigat na parusa mula sa punong mahistrado." Pagkatapos sabihin ang huling paalala ng tagapag-anunsyo ay umalis na siya sa pagkakalipad niya sa ere.

Pumunta siya sa ikalawang palapag ng bulwagan kung nasaan ang mga kapitan ng kabalyero mahiko at mga miyembro ng kunseho mahiko. Subalit, malayo naman siya sa mga ito bilang pagrespeto. Ibinaling ko ang aking tingin sa gitna ng bulwagan.

Nakita ko naman na nakaalis na pala ang ibang kalahok at nanatili lang ang dalawang kalahok na maglalaban. Hindi ko naman maiwas ang tingin ko kay Collyn.

Sobrang astig niya kahit na nakatayo lang siya na nakatingin kay Cedric, walang gana itong nakatingin sa kalaban niya. Nagtataka kung bakit ito pa ang katapat niya. Nang sumenyas na ang tagapag-anunsyo ay nakita ko namang nagmanipula ng kalasag si Collyn, habang nababalutan ito ng kaniyang nagbabagang apoy.

Subalit, nabitawan niya ito na parang napapaso. Napatingin ako sa mga mata ni Cedric dahil bigla lamang itong naging ginto. Napamura ako sa aking isipan nang makuha ko kaagad ang ibig sabihin sa ipinakita niya. Ginagamit niya ang divine power ng mga Ventus laban kay Collyn.

Kukunin na sana ni Collyn ang natapong kalasag.

Hindi naman niya naituloy nang biglang natunaw 'yon at lumingon kay Cedric. At pinandilatan ito ng mata. Nakita ko namang ibinuka niya ulit ang kaniyang mga kamay dahilan para mapalipad ang kalaban niya papalayo. Bigla-bigla namang sumabog si Collyn at nagkalat bigla ang mga apoy sa sentro ng bulwagan.

Ilang minuto ng paghihintay na makita naming lahat si Collyn, pero hanggang ngayon ay hindi pa namin siya tanaw. Napadako bigla ang aking tingin kay Suprema Astra. Sobrang lapad ng mga ngiti niya. Tila ba'y parang pinapahiwatig niyang mananalo si Collyn laban kay Cedric.

Pinagana ko naman ang aking kakayahang makabasa ng mga isip ng ibang nilalang.

Hindi ko man gusto gamitin ito ngayon pero kailangan kong malaman kung ano ang iniisip ng dalawang kalahok na 'to. Nang tuluyan ko na nga itong napagana ay iba't ibang isip na ang aking nababasa dahilan para mapatakip ako sa aking mga matutulis na tenga.

Subalit, hindi ako nagpatinag. Inalis ko pa rin ang kamay ko sa tenga ko. Tumingin muna ako roon sa gitna ng bulwagan kung nasaan kanina si Collyn. Sa isang titig ko pa lang ay rinig na rinig ko na ang mga boses ni Collyn sa isip ko.

"P*ta. Malalagot ka sa aking hayop ka. Babaliin ko mga buto mo!" Napangiwi naman ako sa nabasa sa isipan niya. Lakas magmura ng babaeng 'to.

"Akala niya malakas siya, ah. Diyaan siya nagkakamali. Kailangan kong manalo sa pagsusulit na 'to para makuha ko na ang gusto ko."

Napataas naman ang aking kilay sa nabasa sa isip ni Cedric. May gusto siyang makuha? May plano ba siyang masama laban sa buong lupain ng Axphain?

Dahil sa mga nababasa ko sa mga isip nila ay mas pinili ko na lamang na hindi gamitin ang kakayahang 'to. Sa halip ay ibinaling na lamang ang lahat ng atensyon ko sa labanan. Ilang segundo ulit ng paghihintay na magpakita si Collyn, bigla na lamang may sunod-sunod na itinapong kalasag. Nabalutan pa 'yon ng apoy.

Dahil sa sobrang bilis ng mga kalasag ay hindi nagawang ilagan lahat nang 'yon ni Cedric.

Natatapon pa nga siya papuntang dingding ng bulwagan, habang duguan at may mga paso ang katawan. Tatayo na sana ulit si Cedric, pero hindi na niya nagawa pa nang biglaang dumiretso ang kalasag sa sentro ng tiyan niya.

Hindi namin alam kung saan nagmumula ang mga ibinabatong kalasag, lalo na't wala sa paningin namin ang pigura ni Collyn. Kahit na marami ng pasa si Cedric ay madali pa rin siyang nakalipad papuntang ere upang mas malawak niyang makita si Collyn.

Ilang ulit na siyang palinga-linga para hanapin ang kalaban, pero hindi siya nagwagi.

Nagulat ang lahat nang biglang napabagsak siya papuntang sahig ng sentro ng bulwagan. Tila ba'y parang sinuntok si Cedric mula sa likuran niya nang pagkalakas-lakas. Lahat ay napasinghap nang makita ang sentro ng bulwagan na nagkabitak-bitak.

Ang apoy na kanina binalot ang bulwagan ay biglang naglaho matapos bumagsak doon si Cedric.

Napatingin naman kaming lahat sa ere nang makita na namin si Collyn. Ang buong katawan niya ay nababalutan ng apoy. Nakuha ko kaagad kung bakit bumagsak si Cedric at mga lumilipad na kalasag papalapit sa kanya kahit na wala kaming nakita kung sino ang gumawa no'n.

Ito ay dahil isa sa divine powers ni Collyn ang maging invisible gamit ang apoy.

Kaya sobrang nahirapan si Cedric para hanapin ang kalaban niya. Nakita ko namang papanaog na si Collyn sa pagkakalipad. At nakita ko rin na babangon si Cedric, subalit bumalik ito sa pagkakahiga nang titigan ito ni Collyn.

Hindi lang invisibility at makapagmanipula ng kalasag na kakayahang meron si Collyn, kun'di ay kaya rin niyang kontrolin ang isip ng isang nilalang. Si Collyn ay isang babaeng anghel na hindi dapat kalabanin lalo na't magaling siya sa pakikipaglaban. Isama na rin ang pagiging astig niya't palamura.

Sumenyas naman ang isang lalaking anghel na sumulpot sa gitna ng bulwagan at ipinagkrus ang mga kamay nang paulit-ulit. Naghiyawan at isang malakas na palakpakan ang namayani matapos sumenyas ang lalaki na roon na magtatapos ang labanan sa pagitan nina Collyn at Cedric.

Umalis na kaagad si Collyn sa gitna ng bulwagan habang inalalayan si Cedric ng mga healers palabas. Inayos naman ni Suprema Celestia ang mga nasira nang isang pitik lang ng kaniyang daliri.

Nakakahanga.

Sobrang nakakahanga. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top