Kabanata 00: Ang Pasilip

A/N: Cardinal and intermediate directions of the entire nations of Metanoia is on the multimedia. See it for yourself, and perhaps, it can help a little bit for you to wide your visualization about their world.

• • •

Bakit kailangan ko pang pumasok sa eskwelahang 'yon? Bakit kailangan pa nila akong ilabas ng bahay? Nasanay na ako na labing walong taon na nakamukmok lamang sa aking silid at kaharap ang mga libro ko.

Pero nang sabihin sa akin ng ama ko na mag-aaral ako sa Axphain Academy, tila ba'y parang lahat ng balahibo ko sa braso ay nagsitayuan at sumikdo nang mabilis ang puso ko. Hindi ako sanay na merong ibang mga nilalang akong nakakasalamuha dahil sa isang partikular na rason.

Bakit ko pa kailangang lumabas sa kulungan na nakasanayan ko na?

Bakit ko pa kailangang magpakita sa iba?

Sakay ako sa pegasus na pagmamay-ari namin. Kulay puti ito. Habang si ama naman ay nakasunod lang sa akin, lumilipad, gamit ang kaniyang mga pakpak. Bawal ko kasing ilabas ang aking mga pakpak dahil baka ito pa ang ikapapahamak ko gaya nga ng sabi ng aking ama.

Wala naman akong problema na itago ko ang aking mga pakpak, dahil gugustuhin ko na lamang na mawalan kesa sa meron.

Masyado pang maaga para bumalik sa dormitoryo ng paaralan. Pero kailangan naming umalis ni ama para maiwasan naming merong makakitang iba na magkasama kami. Ayaw namin ng mapapahamak.

Pero bilang isang anak niya, hindi ko rin maiwasang masaktan dahil walong taon na kami na ganito ang sitwasyon namin. Wala naman na akong problema ngayon dahil sanay na ako. Sanay na akong masaktan. Sanay na ako sa lahat.

Nabuhay ako sa kasinungalingan kaya wala na akong dapat na ikabahala.

Dumating kami sa paaralan na walang nakapansin gaya nga ng aming plano. Bumaba na ako sa pegasus at walang pasabing talikuran ko ang ama ko. Pero bago pa man ako makapasok sa malaking gate ay narinig ko siyang nagsalita.

"Mag-iingat ka." Maikli niyang sabi saka umalis na nang tuluyan habang ako naman ay ngumiti nang mapait.

Palagi na lang.

Nang makapasok na ako nang tuluyan sa akademya, nagniningning pa rin ang malagintong mga gusali rito. Ang buong nasyon ng Axphain ay lahat sila konserbatibo tungkol sa tradisyon at mga paniniwala. Ewan ko ba, napaisip ako, dito ba talaga ako nararapat?

Ngayon naglalakad ako sa malaking pasilyo na 'to patungo sa dormitoryo. At mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad dahil ayoko rin namang may makakita sa akin o makasalubong man lang.

Dahil ayoko rin namang makita ang pagmumukha ng lalaking iyon.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi ko nakasalubong ang lalaking 'yon at nasa harapan na ako ng pintuan ng kuwarto ko. Subalit, napabagsak ang aking balikat nang makitang may isang magandang nilalang na nasa harapan ng mahiwagang salamin.

"Sino ka?" tanong ko na walang ka-emosyon.

"Magandang umaga, ako ang inyong bagong magiging kasama sa kuwarto." Nakangiti niyang sagot sa akin.

Hindi ko alam pero natutulala ako sa kagandahan niya. Samahan pa ng nagniningning niyang kasuotan. Pero umiwas naman ako ng tingin matapos niya akong tignan nang naguguluhan.

"Hindi ko kailangan ng kasama sa kuwarto na ito kaya maari ka ng lumabas," malamig kong sabi saka humiga ng tahimik sa kama.

"Eh, sabi kasi ng punong guro, ito na lang ang may ispasyo. Kaya rito na niya ako nilagay."

Hindi na lamang ako nakipagtalo sa kaniya, dahil wala naman talaga akong balak na makipag-usap sa kahit na sino. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata para matulog ng ilang sandali, pero ewan ko sa kasama ko mukha yatang hindi niya ako balak papatulugin.

Dada kasi nang dada dahilan para mapakuyom ang mga kamao ko nang patago. Ayoko rin kasi sa mga maiingay. Gusto ko 'yong tahimik kahit man lang dito.

"Taga saan ka pala?" rinig kong tanong niya.

"Malapit lang dito," walang gana kong sagot.

Hindi ba niya napapansin na ayokong makipag-usap sa kanya?

"Ay, ang detalyado ng sinagot mo ah," sarkastikong wika niya samahan pa ng nakakarindi niyang tawa.

"Walang anuman," sarkastiko ko ring sagot saka pinikit ang aking mga mata.

Napabuntonghininga ako ng malalim nang tumahimik na ang kasama ko. Lumingon muna ako sa kanya at nakita ko siyang nakahiga na rin sa kama niya. Napamura ako sa aking isipan sa nakita. Ang daling makatulog ah. Habang ako naman ay dilat na dilat pa ang diwa ko.

Hanggang sa naabutan na lamang ako ng sinag ng araw dahilan para mapabangon ako sa inis at inihanda ko na lamang ang aking sarili para pumasok. Pagkatapos kong kumain ng unti ay isang pitik ko lang ng aking mga daliri ay napalitan ng kulay itim na cloak ang aking suot.

Pagkatapos kong maghanda ay lumabas na ako ng dorm at sa isang iglap lang ay nandito na ako sa pasilyo. Mas lalo kong tinago ang aking mukha nang maramdaman ko naman ang kanilang mga nakakamatay na tingin sa akin.

Ako lang kasi ang naglalakad na estudyante rito patungo sa silid-aralan. Dahil ang iba naman ay pinagmamalaki nila ang kanilang kulay puti at gintong mga pakpak.

Hindi ko na lamang sila pinansin pa't nagpatuloy na lamang sa aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa silid aralan. Nang makapasok na ako ay yumuko ako lalo para hindi makita ang mga titig nila't dumiretso na lamang sa upuan ko. Subalit laking gulat ko na lamang nang makita 'yong babaeng bago ko raw makakasama sa kuwarto ko.

"Kaklase pala tayo?" tanong niya sa akin nang makita ako.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay tahimik akong umupo sa upuan katabi nang sa kaniya. Napabuntonghininga ako ng malalim dahil hindi na niya pa ako kinulit na kaagad ko rin namang pinagpasalamat.

• • •

Malalim na ang gabi. Habang ako naman ay dilat na dilat pa ang aking mga mata dahil hindi ako makatulog. Bumangon ako sa pagkakahiga't dahan-dahang binuksan ang pintuan ng aking kuwarto't lumabas.

Nag-teleport ako sa lugar na aking palaging pinupuntahan, ang hardin ng paaralan. Doon lang kasi ako kumakalma kapag hindi ako makatulog.

Umupo ako sa damuhan at tiningala ang aking ulo sa kalangitan. Ano kaya masasabi ng mahal na Diyos na si Akwan at ng aming Diyosang si Divine tungkol sa pagkatao ko? Huhusgahan din ba nila ako katulad ng ginagawa sa akin ngayon ng mga taga-Axphain?

Ngumiti ako at napapikit ng ilang sandali matapos maramdaman ang malamig na hangin na humampas sa makinis kong balat.

Inilabas ko ang aking pakpak dahilan para mapalingon-lingon ako sa paligid.

Wala naman sigurong makakita sa akin dahil sa lalim ng gabi at panigurado'y tulog na ang lahat. Napabuntonghininga ako ng malalim. Matagal ko na rin kasing itinago ang aking mga pakpak sa iba kaya tila ba'y parang ang gaan-gaan sa pakiramdam na mailabas ko siya ulit.

Subalit hindi ko rin maiwasang mapalungkot. Dahil sa kakaiba kong pakpak, ito ang naging dahilan para pagkaitan ako ng kalayaan. Pagkaitan akong sumaya. Pagkaitan ako sa lahat ng bagay na gusto kong gawin.

Bumaba ako sa pagkakalipad at itinago ulit ang aking mga pakpak saka nagdesisyung bumalik na sa dormitoryo.

Parang naging estatuwa ako sa aking kinatatayuan nang makita ko siya. Sumikdo bigla ang aking puso't nanginginig dahil sa takot. Nakita niya ako! Nakita niya ang mga pakpak ko! 

Kitang-kita ko pa sa mga mata niya kung gaano siya nagulat sa nakita't parang na estatuwa. Dali-dali ko siyang nilagpasan. Pero napahinto ulit ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi niya.

"Sino at ano ka?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top