Avoiding You (Her Side)
Tuesday.
English class namin.
Last subject na 'to at makakauwi na ako.
Nakaupo ako sa upuan ko, which is at the first row at nasa center aisle, kinakausap sila Jelo at Mary nang bigla akong nilapitan ng English teacher namin.
"Jai, favor naman oh." Sabi ni ma'am. Napakunot ang noo ko, "Ano po yun ma'am?" pagtatakang pagtanong ko sa kanya.
"Hanap ka ng partner mo tapos mag-usap kayo dito sa harapan. Kumbaga, ipakita mo sa kanila kung paano mag-usap ng casual lang." maikling pagpaliwanag niya. "Ang topic kasi natin today is about communicative styles." dagdag pa niya.
Tumango-tango naman ako. "Ah, sige po ma'am."
Ningitian ako ni ma'am sakin at nilaputan sila Ram at Shen sa kabilang side. Muhkang pati sila din magpeperform sa harapan.
Lumingon ako sa kaliwa ko at tinapik sa braso si Mary, "Uy, may pinapagawa si ma'am. Partner tayo."
Napataas naman ang kilay ni Mary sakin, "Ano ba gagawin?" tanong ni Mary.
"Mag-usap daw tayo sa unahan. Yung casual lang. Ipapakita daw natin sa kanila."paliwanag ko. Agad itong umiling at tumanggi, "Hala be! Ayoko! Nakakahiya!"
"Sige na! Madali lang yun, mag-uusap lang naman tayo e! Maghaharutan sa harapan! Tsaka kasama mo naman ako kapag napahiya tayo!" pilit ko. Wala akong maasahan maliban sa kanya, at kumportable akong kasama sya sa mga ganitong gawain sa school.
Umiling-iling ulit sya. Kaya naman ay hinawakan ko sya sa braso at hinila-hila at at nagmamakaawa.
"Dali na Mary! Pleaseeeee!" pagkatapos no'n ay hinakawan ko ang kamay nya at napansing nanlalamig ito. Kinakabahan na agad, hindi pa nga naguumpisa.
Pagkalipas ng ilang beses kong pamimiliit ay pumayag din siya. Alam niya kasi na hindi ko siya tatantanan kapag hindi siya pumayag.
**
"Okay class, Jai and Mary will perform in front. Please observe what they're doing." she announced to the class and motioned us to get up on front.
Tumayo at nagtulakan pa kami ni Mary papunta sa harapan at natatawa.
Nang nasa unahan na kami, nilakihan ako ng mata ni Mary. "Uy, ano na?!" bulong niya habang pilit na hindi tumawa sa harapan at tila nanginginig ito sa kaba. Ako naman, tumatawa lang. Ewan ko. Mukha kasi kaming tanga e. Tapos kinakabahan pa tong si Mary. Ang sarap pagtripan.
"Aba! Malay ko!" sagot ko tapos tawa ulit. Abnormal na ata kami. Mali pala, ako lang pala.
Hindi pa kasi kami ready. Wala pa nga kaming topic e tapos on the spot! Talagang magmumuhka kaming tanga.
Napatingin kami kay ma'am. "Ma'am! Sila Shen po muna! Hindi pa po kasi kami ready e!" sabi ni Mary kay ma'am, sumangayon naman ako. Napatigil sila Shen at Ram sa pag-uusap at nagulat.
"Ram, Shen? Ready?" tanong ni ma'am sa kanila. Nagkatingin silang dalawa at sabay na tumayo.
Nayswan! Ready agad! Kami nganga pa!
Bumalik ulit kami ni Mary sa upuan namin at nag-usap.
"Mary, anong topic naten? Wala akong maisip e!"
"Hindi ko din alam e!"
"English ba dapat?" alanganin nyang pagtanong niya sakin. Napatawa naman ako.
"Wag mo kong English-in! Sasapukin kita!" banta niya.
"Oo! Hindi na ako mage-English! Para sayo! Ayoko rin namang maging rason ng pagnonosebleed mo." biro ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin.
Hindi kami magsasalita ng English kahit na English class namin to.
Nanglaki bigla ang mga mata ni Mary at pumalakpak, "Alam ko na!"
"Ano?"
"Mag-adlib nalang tayo! Basta, ako bahala!" nakita kong ngumisi sya. Hindi ko nalang 'yon pinansin at tumango nalang ako sa sa suggestion nya.
Nang matapos na sila Ram at Shen, kami naman ay sumunod na. Nagkatinginan muna kaming dalawa ni Mary.
"Are you ready, Jai?" Rinig kong sabi ni ma'am. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
Tinanguan ko si Mary at pumunta sa unahan, siya naman sa may pintuan. Nagtingin-tingin muna ako sa paligid, kunwari ay may hinihintay. Pagkatapos no'n ay naglakad na papunta sa unahan si Mary, kunwari ay kakarating niya lang.
Tahimik akong nagdasal sa isip ko.
"Uy Jai, Kanina ka pa ba?" Tanong nito habang papalit sakin. Tiningnan ko sya at umiling.
"Kakarating ko lang kani-kanina. Ay, oo nga pala, nakapag-review ka na ba? Malapit na periodical natin." balita ko sa kanya.
"Oo nga eh pero hindi pa ako nakakapagreview. Nakakatamad. Ikaw?"
"Hindi din e."
"Parehas tayo! Magkaibigan talaga tayo!" natawa kaming dalawa ata nag-apir kami.
Tapos biglang may sinabi sya na hindi ko inaasahan.
"Kamusta naman ang crush mong si John?"
Lahat ng mga kaklase namin ay naghiyawan. Ako naman, nabigla. Nanlaki ang mga mata ko dala ng pagkagulat at paniguradong namumula ang muhka ko ngayon. Walang hiyang babaeng to! Inilaglag ba naman ako sa buong klase!
At ang masaklap pa, kaklase din namin si John.
"Crush ko? Si John? Hindi ah! Sino naman nagsabi sayo nyan?!" Todo tanggi ko sa kanya, pero alam ko sa sarili ko na wala akong kawala sa kanya. Kontrolado na nya ang sitwasyon namin kaya wala akong panama dito.
Imbis na itigil nya ang pangaasar, pinagpipilitan pa niya.
"Hindi, kakasabi mo lang sakin no'ng nakaraang buwan eh."
"Hindi ah! Wala akong sinasabi sayo! Sinungaling ka!" utal kong pagdedepensa sa sarili ko.
Parang nagwrewrestling kami ni Mary sa unahan habang ang mga kaklase ko naman ay halatang natutuwa sa nabunyag na impormasyon.
"Laglagan naaaaa!" asar ng mga kaklase namin.
"Nakow!"
"Ayieee Jai!"
"Dalaga na si Jai!"
Tumingin ako kay ma'am sa kabilang side, "Hala ma'am! Hindi po totoo yun! Hindi ko po crush si John! Hala ma'am!" tarantang-taranta na ako sa nangyayari sa loob ng klase dahil sa nagwawala sila.
Pero muhkang huli na ang lahat, nakatingin sakin si ma'am ng may paghihinala. Nako, sana naman 'wag maniwala si ma'am! Wala akong kakampi!
Siguro na nakaramdam si ma'am na ako naman ay hiyang-hiya na dahil sa pangaasar ng buong klase, pinaupo na niya kami at nagsimula ng magturo.
Pagkaupo ko na pagkaupo ko, agad kong isinubsob ang muhka ko sa desk.
"Ayoko na. Gusto ko ng umuwi." bulong ko sa sarili ko.
Natapos na ang klase. Mga nagaayos na ang mga kaklase ko ng mga gamit nila. Ako naman, nagaayos na rin pero nakayuko lang ako, iniiwasang makipagtingin sa mga kaklase ko dahil sa sobrang ilang na nararamdaman ko.
"Jai." tawag nya.
Napapikit nalang ako sa hiya at dahan-dahan ko akong lumingon lang sa kaliwa ko, kumbaga yung kalahit lang ng muhka ko yo'ng nakikita niya.
Lupa, bumuka ka na at lamunin mo na ko please. Parang awa.
"Oh?" tugon ko naman.
Nakita kong inabot niya yo'ng ballpen na hiniram niya sakin kanina at nagpasalamat.
Tumango naman ako at agad kong kinuha yon'g hiniram nyang ballpen at muling yumuko para pinagpatuloy ang pagaayos ng mga gamit ko. Pagkatapos ay lumabas agad ako ng klase at dumiretsong umuwi.
Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang tingnan. Hindi ko na siya kanyang tingnan ulit na hindi ako makaramdam ng ilang at hiya.
**
Simula nang nangyari insidente, nagkailangan na kami ni John. Hind na ako nagtaka pa.
Lumipas ang dalawang araw, nagkaroon kami ng project. Well, matagal na yung project na yun pero ngayon lang namin gagawin kasi deadline na bukas. Group project sa Arts. Leader ako at kagrupo ko siya.
Nagmeet kami kila Mary. Dun kami sa clubhouse ng subdivision nila magkikita-kita at doon na din gagawa.
As usual, ako na naman ang nauna sa meeting place namin.
Dinaanan ko muna si Mary sa bahay nila pero naliligo pa daw sabi ng kapatid niya. Kaya naman ay dumiretso ako sa clubhouse. Buti nalang malapit sa bahay nila Mary dahil pagod na pagod na ako kakalakad. Ang layo kasi tapos tirik pa ang araw, sobrang init!
Pagkadating ko sa clubhouse, nilapag ko yung bag ko sa sahig at tsaka umupo. Kinuha ko sa domo wallet ko na nakasabit sa leeg ko yung phone ko at nagsimulang magbasa ng wattpad story. Ang story na binasa ko ay Perfect Haters. Ang ganda grabe! Crush ko si Zak at Tuck! (*^▽^*)v
Halos 30 minutes na akong naghihintay pero wala pa ring nadating, bukod kay Mary na na nagaayos at may hinahanap. Mga talkshit talaga. Sabing 9'clock... Anong oras na! Tsk. Kaya ayokong nauuna e.
Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si John naglalakad papunta dito sa may clubhouse. Umiwas agad ako ng tingin at binalin ang atensyon ko sa phone ko.
Oh diba? Malayo pa lang e alam ko na siya yun. Linaw talaga ng mata ko grabe.
Alam kong nandito na siya, palapit na ng palapit. I can feel it pero tahimik pa rin ako.
"Wala pa sila?" tanong ni... John. Jusko naman, hindi ko na masabi pangalan niya ng hindi naiilang!
"May nakita ka bang may kasama ako?" sagot ko habang nagbabasa.
"Tss." yan lang ang sinabi niya pero alam kong nabadtrip sya sa sagot ko. Aba, tanga pala siya e. Tatanungin ako kung may kasama ba ako, kita namang wala.
Kapag tinanong ka ng tangang tanong, sagutin mo ng tangang sagot! Para quits!
Tsaka pake ko dyan. Bwiset siya.
Pumunta siya doon sa kabilang side. Paano ko nalaman? Palayo na nang palayo yung sounds ng footsteps niya, meaning lumalayo siya sakin. Okay lang. Hindi ako mamatay ng hindi siya kinakausap. Hindi ko kailangan atensyon niya.
Okay, binabawi ko na yung sinabi ko.
Mukha kaming tanga sa totoo lang. Ang layo talaga ng agwat namin. Nasa parehong sulok kami ng clubhouse tapos wala pang nagsasalita. Sobrang tahimik, pwera lang do'n sa babaeng may kausap sa cellphone na akala mo nasa kabilang dulo yo'ng kausap sa lakas ng boses. Sarap lagyan ng packaging tape ang bibig.
Ayoko ng ganito. Ayoko ng naiiwan na kasama siya. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang kausapin siya. Kung kakausapin ko man siya, ano naman sasabihin ko? Wala rin naman akong gustong sabihin sa kanya. Alangan sabihin ko, "Hoy John hindi totoo yung sinabi ni Mary a. Joke lang yun." ganon? Wag na uy!
Ano ba tong pinasok ko.
**
Ilang araw na ang lumipas nang hindi kami nagpapansinan. Ni hindi na kami naguusap. Hindi na nga siya sa second row na nakaupo e. Do'n na siya sa likod. Nakikihalubilo sa mga lalaking pasaway at maiingay dun sa likod.
Ito na nga ba ang sinasabi ko... Lalayuan niya ako...
'Yang si John? Kaibigan ko yan...
Mabait yan. Lagi akong inaasar niyan e. Lagi akong pinipikon. Lagi akong pinagtitripan. Pero okay lang, ganun naman kasi talaga siya e. Lagi din sakin yan nahingi ng papel tsaka nanghihiram ng ballpen. May pagkasnobber din sya at may pagkasungit. May pagkabadboy image din sya.
Siya yo'ng tipong walang pakialam sa feelings ng taong nagkakagusto sa kanya... Katulad ng feelings ko - binaliwala.
Kasalanan ko ba na nagkagusto ako sa kanya? Hindi naman diba? Tsaka bago pa naman kami maging magkaibigan, gusto ko na sya. Pero hindi ko naman sinasadya e...
Ito ang pinakaayaw ko sa sarili ko... Mabilis akong ma-fall... Mabilis ding masaktan... Nahuhulog ako sa mga taong hinding hindi magiging akin...
Sino ba naman kasi ang magkakagusto sakin? Sa babaeng maingay, madaldal, walang alam kundi magbasa ng wattpad? Sa babaeng moody?
And the list goes on.
Tanginis.
Ayokong umiyak. Bakit ba kasi... Bakit...
"Ahhh! Para kang tanga! Iniiyakan mo siya! Tama na ang iyakan mo ang isang lalaki! Tama na!" sigaw ko sa sarili ko habang inis na pinupunasan ang mga luha ko.
Buti na lang kamo Sabado ngayon at nasa kwarto ako nagpapatugtog ng Kung Alam Mo Lang Kaya. Hugot lang.
"Ikaw rin kasi! Kasalanan mo din to! Ayan tuloy! Imbis na okay na ang lahat! Hindi ka kasi nakunt- teka. Hindi ko naman talaga kasalanan. Bwisit kasi tong si Mary e! Nilaglag ako! Sabi pa naman sakin na wala daw thrill kapag walang ganon!"
Hindi ko pa naman kayang magalit don. Best friend ko yun e, tsaka naiintindihan ko naman siya. Wala din naman kasi siyang naisip e. Parehas kaming na-mental block.
Huminga ako ng malamin at tinitigan ang kisame.
Sige, lalayuan na din kita John. Sabagay, wala din naman akong karapatan para magalit sayo diba? Hindi mo naman kasalanan na hindi tayo parehas ng narararamdaman. Tratuhin nalang natin ang sarili natin na parang hindi tayo magkakilala, na para bang hindi tayo naging magkaibigan.
Pagbibigyan kita. Ito naman ang gusto mo diba?
Akala ko pa naman babaliwalain mo lang feelings ko, pero nilayuan mo ko. Hindi pa ba sapat yon?
Sorry din kung ang pagkakaibigannatin ay nasira dahil sakin... Sorry...
Pero wag kang magalala...
I'm avoiding you from now on John.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top