Chapter 3
Chapter 3
JANNA
***
Iba talaga kapag maganda eh ’no? ’Saka ’pag mayaman! Pero mas maganda kung lowkey lang tapos humble pa.
Wala lang, maraming fans eh!
And speaking of fans, heto kami ngayon, nakatingin sa isang babaeng mala-anghel ang ganda.
’Di nga kami nag-fangirling pero kanina pa rin kami nakatutok sa kaniya.
“Ahhh! Ang pretty niya talaga!” sabi ng babaeng nakatingin sa babae.
Kasama pa nito ang mga barkada niya na hindi rin tinatanggal sa babaeng parang wala namang alam na siya’y pinagtitinginan na.
“Iyong ngiti niya! Parang ako’y nasa heaven!” sabi ng nasa gilid namin banda na nakaupo. Nakatingin din sa kaniya.
Bahagya siyang siniko ng ka-date siguro nito.
“Tigil-tigilan mo iyan, baka sa heaven din punta mo ngayon,” ani ng babeng kasama nito. Nag-asaran pa sila tapos nag-PDA na.
“Kahit na saang school pa iyan, babalik ako sa pag-aaral para lang sa kaniya!” ani ng lalaking tulala rin sa ganda niya. Medyo malapit ang puwesto nito kay Miss ng kaunti.
“Istrikta niyan sa exam, ’wag kayo,” banta ng masungit na batang babae. Nasa 15 ang edad nito.
Napangiti ako sa sinabi niya.
Sunday ngayon at narito kami sa isang fast food na resto. Isa ito sa sikat na kainan sa lugar namin.
Fuminawa Restaurant.
Yes, Ms. Frello is here!
She looks elegant at the same time sophisticated.
She’s wearing a white simple dress with her usual simple make-up look. Ang haba ng dress niya ay lampas kaunti sa tuhod at pinaresan ito ng puting sandal na mas lalong nagpaputi sa kaniyang mga paa.
Ang mahaba at malusog na itim na buhok ay nakalugay, unusual kapag nasa paaralan siya. Relo lang ang suot niya at wala ka nang makikitang ibang accessories pero ang mahal ng relo na iyon, it’s a rolex watch. At may mas imamahal pa ba sa Chanel na bag niyang dala, plus she really have that expensive aura of hers!
Kagagaling lang namin sa simbahan, kasama ko si Mama at si Gracia. Ayaw ni Gracia sana kaso lang wala siyang magawa kasi si Mama na ang nagsabi.
Si Mama ay umuwi na, nag-take out lang siya. Gusto niya sanang sumama sa gala namin ni Gracia kaya lang daw ay may pupuntahan pa raw siya. Sa pagkakaalam ko, magkikita sila ngayon ni Tita Krin, college friend niya.
“Sino kaya ang hinihintay niya? Kanina pa siya riyan ah? Ni-hindi pa muna siya nag-order,” rinig kong sabi ni Gracia.
Nasa likuran kami banda ni Miss, hindi niya siguro kami nakita kasi busy lang siya sa pag-c-cellphone.
“Eh, mag-f-five minutes pa lang siyang andiyan. Tayo mag-f-fifteen minutes na!” saway ko sa kaniya.
Naka-pink dress si Gracia na pinaresan ng light pink sandal. Wearing her gold bracelet, earings, and gold necklace with same crescent moon pendant designs. Nakalugay lang din ang kaniyang chocolate straight na buhok at medyo kulot sa dulo nito.
Habang ako naman ay naka blue high-waisted jeans at naka-tucked in ang white long sleeves ko at pinaresan ito ng white sneakers. Naka-high ponytail ang itim na itim ko na straight na buhok, hanggang likod ko ang haba nito. Hindi ako nagsusuot ng kung ano-anong accessories, pero dala ko naman ang purse ko.
Sinaway pa ako niya kanina nang makita ang suot ko, KJ ko raw! Siya na nga ang sumama, ako pa ang KJ! At ano namang KJ dito sa suit ko?
“’Pag si Miss hindi sinipot, ako na lang lalapit sa kaniya at magpakilala roon sa nasa gilid niya,” aniya, kinikilig. May pogi kasi room sa may kilid banda ni Miss.
Naiiling na lang ako sa kaniya habang kumakain ng burger.
“W-wait?” ani niya, nakatutok pa rin doon ang mga mata, napatingin ako sa tinitigan niya.
And, there he is!
Gosh! Nag-p-palpitate na naman ata ako!
He have that intimidating aura. His dark eyes lightened when he saw her. His glistening eyes fixated on the girl like he was amused or what.
May sinabi siya sa babae dahilan ng pamumula ng pisngi nito. Pabiro siyang hinampas ng babae, tumawa lang ang huli.
Umupo na ang lalaki at hindi ko na nakita pa ang reaksiyon niya sa pag-uusap nila. Pero base sa reaksiyon ng babae, tumatawa na rin siguro ito dahil sa pagtaas-baba ng balikat niya.
“Ayy may ganern?” rinig kong bulong ni Gracia sabay hampas rin sa akin nang pabiro. Tumatawa pa siya.
Rhamwil Barnfels at si Miss Frello?
Bagay nga sila. Perfect couple!
Ayaw mag-sink in sa utak ko ang nangyayari. Pero iisa lang naman ang namumuong ideya rito, they’re dating.
Are they?
“Pero kung sila nga... Teacher-student relationship?” si Gracia na hindi rin mawari kung ano ang mayroon sa kanila.
Kung sila man talaga, mahihirapan sila niyan. Marami ang pwedeng hadlang sa kanila. Pero depende na rin sa kung ano man ang connections nila sa nakatataas.
Ba’t ba kasi ang bilis kong mag-judge?
Wala naman sanang masama tungkol diyan, pero iba pa rin ang paniniwala kapag may sinusunod na alituntunin. Na kahit guro at mag-aaral ay hindi makatatakas sa mga ito kapag hindi sumunod.
“Bagay naman sila,” biglang sambit ko.
Ewan ko, pero kusa na lang lumabas sa bibig ko eh. Kanina ko pa ito sinasabi sa isip ko na hindi man lang mapigilan ng bibig ko para ito rin ay sambitin. Pasmado yata bibig ko!
Gulat pa rin si Gracia, hanggang sa tumawa ito ng marahan.
“Ang hina mo kasi,” bulong niya pa, nang-aasar. Kahit kailan nga naman!
Tiningnan ko siya nang masama. “Wala naman akong gusto sa kaniya ah?”
Nagtaas ito ng kilay, “eh? Ba’t patanong?” saka ngumisi, “’di tayo sure, hmm?” pang-aasar niya pa rin.
Damn this woman! Is she really my friend?
“Wala nga, period! Kumain ka na nga lang diyan, makita ka pang nakatingin, bahala ka. Certified ka na kung gano’n.”
“Certified? Saan?”
“Certified Marites,” natatawang ani ko at itinuon na lang ang atensiyon sa pagkain.
“Sabagay, bagay nga sila. Hindi na rin masama ang agwat nila ’no?” sabi niya ’saka niya ako nilingon.
“Oo naman,” tanging tugon ko.
“Si Miss ay 24 years old habang si Rhamwil ay disi-otso, pwedeng-pwede. Support or not?” she uttered and chuckled lightly, “bagal mo girl!”
Support or not?!
“Hinaan mo nga iyang boses mo,” saway ko rito. “Kahit medyo maingay dahil sa music, alam ko na maari ka nilang marinig.”
“Ano naman? Kung gusto mo, puntahan natin eh. Masyado kang nababahala,” nakangising saad niya.
Inirapan ko siya, “sa kangingisi mo riyan, para ka ng aso.”
“Ikaw para ka ng pusa riyan,” aniya sabay irap.
“Tara uwi na tayo,” pag-aya ko.
“Mamaya na, o-order pa ako...” she uttered, slowly facing me with a shy face. “Take-out na lang,” ngisi pa niya.
The music that was playing earlier had stop.
At dahil naiwan niya ang wallet niya, ako ang magbabayad! Iyong allowance ko, huhuhuhu!
Duda ako rito eh, mukhang iniwan niya nang sadya! Kasi may dala nga siyang purse eh! Cellphone lang laman!
Nang-iinis na naman! Kay dami-rami niyang pera pero ang kuri-kuripot!
May lahing intsik siguro!
“Sige na, order na.”
Ngumiti siya at nag-taas ng kamay. Nang ’di makita ng waiter ay siya na ang pumunta sa harap.
Na siyang maling-mali kasi nakita na nila ako!
Paano ba naman?!
Ang kaibigan kong maganda, kumaway talaga sa kanila tapos itinuro pa ako!
Gusto ko na lang maglaho nang lumingon si Gracia sa gawi ko at nag-flying kiss! Lumingon sa akin si Miss na natatawa at si Barnfels na namumula pa sa katatawa!
Baka kung ano na naman ang sinabi niya roon sa dalawa?
May invisible ba kayo? Kung mayroon man pahiram muna! Lupa, bumuka ka ngayon at lamunin mo na lang ako.
Bagsak ang mga balikat na tiningnan ko siya roon sa may counter.
Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at ipinuwesto ko iyon sa may mukha ko tapos nagpanggap na may ka-chat ako!
Pero nang makitang online si Kitty, nag-chat ako sa kaniya na tumawag siya, ngayon din! Siya lang ang nag-online na maasahan ko sa ganito.
Kittiana Alvarez
Kitty, tawagan mo ko! NGAYON NA! Thanks!
seen
Napakagat-labi ako nang papunta na rito ang lalaki!
Shit!
Lamunin mo ako ngayon hangin! Gawin mo ’kong maging-invisible!
Papalapit siya nang papalapit! Puso ko naman ay papalakas nang papalakas ang pagtibok nito. Dumadagundong na ata!
“Hi,” bati niya.
Naka-puting polo, bukas ang tatlong butones nito, itim na slacks, white sneakers, at silver watch. Simple lang pero kay lakas ng appeal niya!
Pog––!
Kittiana Alvarez
calling
–––gi!
Napangiti ako sa nakita, kinuha ko ang purse ko at tiningnan ang nakalapit na sa akin na lalaki.
“Ah, sorry? May kailangan ka? Wait lang, ah?” saad ko sa lalaking nakangiti at ipinakita ang phone ko na nag-r-ring pa at saka pinindot ang accept button.
“Take your time,” nakangiting aniya.
Tumango lang ako sa kaniya.
Nakita ko pa ang kaibigan kong nangingiti na roon! Kinikilig pa ang gaga!
“Hello, Kit? Ba’t ka napatawag?” nakangiting bungad ko sa babae at umalis sa aking kinatatayuan. Nawala medyo ang paghuhumirantado ng aking dibdib nang hindi ako nauutal.
“Huh? ’Di ba nag-chat ka na tawagan kita, ngayon din?!” aniya sa kabilang linya.
Automatic na napahinto ako sa kahihiyan! ’Di pa ako nakaka-alis nang tuluyan!
Rinig na rinig ko ang tawanan ng mga tao sa paligid ko! Pati ang nasa likod ko ay tumatawa rin! Si Gracia na nasa unahan ay natatawa rin, kulang na lang ay humalakhak siya para masabi niyang masaya talaga siya! Si Miss Frello naman na nadaanan ko ay nangingiti na rin at mukhang kinikilig pa!
“Bakit? Anong mayroon?! Ikaw ba ang tinatawanan nila?” aniya sa kabilang linya na tumatawa na rin. Kaibigan ko ba ang mga ito?
Gusto ko na talagang maglaho!
Naka-loud speaker ako! Shems!
Kagat-kagat ko ang ibabang labi habang napapikit at nagpatuloy na sa paglakad. Ni-hindi na ako lumingon sa kanila, pati sa likod!
“H-huh? Ano... Ano?” sabi ko pa at dali-dali nang umalis doon. “Wait lang, hindi kita marinig...” sabi ko at in-off ang tawag niya habang diri-diretso lang sa paglalakad.
Bahala na ’ko bukas! Aabsent kaya ako? Wala na namang test! At saka para may absent na ako! Kapagod tumanggap ng perfect attendance!
“Jananana!” tawag ni Gracia sa akin. Nasa labas na kami ng resto na iyon! Hindi na siguro muna ako babalik roon.
Diri-diretso lang ako sa paglalakad. Baka mamaya, ipahabol niya rin rito ang lalaki.
“Bwisit ka!” I muttered.
“Luh? Ba’t ako? Hahaha!” sabi niya saka tawa nang tawa!
“Tawa ka nang tawa! Mukha ba akong clown?” inis na tanong ko sa kaniya at hinarap siya.
Kumukurap ako nang makita ang kasama niyang nahihiyang ngumiti sa akin.
“You’re cute,” ani ng kasama niya na ngayon ay pinaghahampas na ng kaibigan ko sa braso nito.
Lagot ka! Parang bakal kamay niyan. Pero mali, parang wala lang sa kaniya. Kapag ako kasi ang pinaghahampas niyan, namumula-mula na.
“Ayieee cute raw! Ah, hehehe!” kinikilig na sabi ni Gracia.
Napapailing na lang ako at nag-abang na ng jeep na masasakyan. Ramdam ko ang paglapit niya sa gilid ko.
“I... I have a car with me,” he uttered.
“Wala namang nagtatanong,” walang emosyong sabi ko.
“I will drive you home...” hindi ko pa rin siya nilingon, si Gracia naman nang tingnan ko sa likod namin ay ngumingisi pa. Ikinakaway ang cellphone niya. “Ihahatid ko na lang kayo,” dagdag ni Barnfels nang mapansing hindi pa rin ako nagsasalita.
“Jananana, magpahatid na lang tayo,” sambit ni Gracia na nasa likod namin.
Lumapit ako sa kaniya para pagsabihan siya.
“Baka makaabala pa tayo, may date pa sila ni Miss. Saka isa pa, out of his way ang uuwian natin,” bulong ko sa kaibigan na inirapan niya lang.
Napanguso ako ng mapagtantong iba na naman ang nasa isip nito.
Tinaasan niya ako ng kilay, “Bro, hindi naman kami makakaabala sa iyo hindi ba?” tanong niya kay Rhamwil, tumango naman ang lalaki. “Baka raw may date ka pa, sabi ni Jana.”
Gulat akong napatingin sa babae, ngumisi lang siya ng nakakaloka. Partida! Iyan na nga ang sinasabi ko!
“No, its my choice to drive you home though. I don’t have a date for now, but if someone ask me to...” nagkibit-balikat siya. “I’ll have a date then.”
Wala sa sariling umirap ako. 'I’ll have a date then!' KAPALMUKS HA!
May date naman siya! Iniwanan niya lang! Hindi na nahiya kay Miss! Walang karespe-respeto.
“Jananana, you heard it, right?” aniya na ikinairap ko, “Ayain muna!”
“Shut the fuck your mouth!” bulong ko na may pagbabanta sa boses.
“Are you cursing me?” napaigtad ako sa narinig. “Kung gusto mo makipag-date, okay lang naman. You don’t have to curse me, feel free to ask me.”
“I don’t fucking care!” inis kong tugon nang hinarap ko siya.
“Hoy, putang’na! Huwag kang gumaniyan, Jananana!” si Gracia.
“Language too, Miss Salvan! Don’t curse her,” natatawang ani nito.
'Don’t curse her!' Siya na nga iyong minura ko kanina, ipinagtanggol pa ako. How so?!
Pero, mali! Mali pa rin na narito siya! Period!
“Ayy linis ah?” pang-aasar ni Gracia sa kaniya saka bumaling sa akin. “Pinagtanggol ka pa, eh ikaw naman nauna sa 'fucking care' na ’yan!” pagsiko niya sa akin.
“No, its just that...” si Rhamwil na naubusa yata ng salita.
Hoy, Jeep! Nasaan ka na!
“Pwede ba, simple words as 'hindi kami sasabay sa iyo' is too simple to understand. It’s clearer than your intentions! Pero ba’t hindi mo naiintindihan, iniwan mo pa si Miss para lang puntahan kami. Hindi ka man lang ba kinakain niyang konsiyensya mo para instead na samahan siya ay mas pinili mo pa ang pumarito?!” I said as I glared at him.
Nang may jeep na ay pumara ako at hinila na si Gracia. Nagpahila naman habang nakasimangot ang babae.
“S-sorry,” tanging tugon ni Barnfels.
I smiled bitterly as I heavily sigh.
“Save your sorry for her!” ani ko at sumakay na.
Ang unfair niya kasi! Kanina pa si Miss na naghihintay roon sa kaniya. Tapos, iiwan niya lang ng mag-isa?!
Lakas maka-discourage ah!
Walang nagsalita sa amin ni Gracia. Alam niya kasi na kapag ganoon ako ay ayaw niyang dagdagan ang sama ng loob ko. Nag-c-cellphone lang siya habang ako ay nasa labas ang tingin.
Habang tumitingin sa labas ay napansin ko ang BMW na mabagal lang kung magpaandar. Na para bang sinasabayan lang nito ang speed ng jeep na sinasakyan namin.
“Hoy!” si Gracia nang hindi makatiis sa pananahimik ko.
“Pakiabot nang bayad, salamat,” sabi ko sa kaniya na siya namang sinunod niya.
“Baka magtampo ang crushie mo na ’yon,” sabi niya.
“Hindi ko siya crush,” tugon ko.
“Wew! Deny pa,” hirit niya sabay kurot sa aking pisngi. “Ayos lang iyan, crush lang naman. Saka hindi ko naman sinabi sa kaniya,” natatawang ani niya. Alam ko, pinapagaan niya lang ang nararamdaman ko.
Ewan ko ba. Ba’t ba affected ako masyado?!
Siguro dahil hindi ko na kaya na may makitang lalaki na niloloko ang babae. Tama na siguro ang rason na iniwan ng Papa ko si Mama para lang sa ibang babae.
“Uyy, Grasing! Alam ko ang iniisip mo, okay? Itigil mo na iyang pag-s-ship sa amin.”
“Eh? Kung ayaw ko?”
“Isusumbong kita kay Xanny mo!” banta ko.
“Eh ’di isumbong, mag-take advantage na ako no’n para umamin sa kaniya.”
“Tsk! May girlfriend na ang mga iyon uyy!”
“Bahala na, hindi pa naman sila kasal. Pwede pang bawiin ang dapat para sa akin naman talaga,” Gracia and her witty side. “Saka si Rhamwil, parang hindi pa naman sila ni Miss. Wala pa ngang singsing eh.”
“Inangkin agad ah?” ngumisi lang siya sa reaksiyon ko. “Hindi ibig sabihin na hindi pa sila ay pupwede na nating sirain ang relasyon nila. Hindi tayo pwedeng makialam, hindi tayo pwedeng magsaya kapag may nasisirang relasyon nang dahil sa atin, Grasing.”
Umirap siya, “sa hinaba-haba ng sinabi mo, wala akong naiintindihan,” sabi niya saka umismid. “Joke lang! Pero ano naman ngayon? Alam ko nasasaktan ka dahil sa nangyari sa Mama at Papa mo, pero hindi naman tayo katulad ng babaeng iyon.” Dagdag niya, pagtutukoy sa babae ni Papa. Ang babaeng iyon ang palaging naghahabol kay papa, hanggang sa mangyari ang isang pangyayari na tuluyang nagwasak sa pamilya namin.
“Bahala ka na kung siya talaga ang gusto mo! Kung siya talaga ang magpapasaya sa ’yo at mahal mo. Basta maghintay ka sa tamang panahon, tamang iras kumbaga at sa tamang paraan na pagbalik niya ng pagmamahal mo.”
“Oh yes! Alam ko naman iyan ahehehe!” saka tumawa ng marahan, napailing-iling na lang ako dahil sa kaibigan ko. “Kayo naman... Kung hindi sila, edi kayo talaga ang para sa isa’t isa.”
“Pumasok ka na kung gusto mo pang makapasok sa pamamahay na ito,” saad ko na lang sa kaniya.
...
“Jananana!” nakakabinging sigaw ni Gracia. Mabuti na lang at wala rito ngayon si Mama kun’di ako na naman ang mapapagalitan no’n!
Irita ko siyang liningon, “ano na.naman iyan? Kita mo namang nagluluto ako hindi ba?” saway ko sa kaniya. Kasalukuyan akong nagluluto para sa dinner namin.
Umalis si mama, namalengki, sasama sana ako ngunit kasama na niya si Tita Krin. Kararating lang daw kasi nito galing abroad.
“Sungit mo naman! Ipapakita ko lang sana ito oh,” aniya at ipinakita sa akin ang pictures nila ni Miss Frello at Barnfels na nakangiting nakatitig sa isa’t isa. Pictures na nakakapit si Miss sa braso ng lalaki habang may ngiti sa mga labi nilang dalawa.
Wala namang photographer kanina roon ah?
Mapakla akong ngumiti sabay abot nito sa kaniya.
“Ano naman ngayon?” tanong ko sa kaniya. Buti na lang at wala pa akong masyadong nararamdam sa lalaki. Crush lang naman hindi ba? Wala naman sigurong masama.
Boto naman ako para sa kanila kaya hindi ko kailangan mainggit. Ang bata ko pa, marami pa namang iba na pwede kong maging crush.
“Wala lang,” seryosong aniya. “Naisip ko lang parang may mas maganda kasing pictures kaysa rito eh,” saad niya saka ipinakita ang IG account ni Rhamwil. Ibinigay niya sa akin ito.
@IamRham06
1hr
♡ Sun-date: 07-06-23
AUTO HEART BACK PO! :>
Hindi ko agad nakita ang pictures kasi nag-loading pa. I pressed the back button twice.
“Okay na, nakita ko na,” sabi ko na lang kahit hindi pa. Alam ko naman din kung ano iyon.
“Okay sabi mo eh, auto-heart back daw!”
“Ikaw na lang,” tugon ko nang magpatuloy na sa pagluluto.
“Ayy? Bahala ka, lahat nang nag-react ni-isa wala pa siyang na-heart back! Hindi rin basta-basta nag-f-follow back, buti na lang finallow back niya ako! Pero ni-hindi man lang nag-react! Ayy nag-react pala, pero iyong picture mo iyon na natutulog ka!” daldal pa niya na ikinataka ko.
Bumalik na naman ang inis ko dahil sa ginawa niyang iyon. Bahagyang nakabuka ang bibig ko noon, buti na lang walang laway na makikita sa picture!
“Bakit hindi mo pa rin dinelete?!” inis kong baling sa kaniya.
“Huh? Okay naman iyon ehehehe, ganda mo kaya!” natatawa niyang sabi saka tumatakbo na sa itaas. Nasa taas ang kwarto kasi namin.
“Kapag natapos na ako rito, humanda ka!” balik kong sigaw sa kaniya. Sabi niya na-delete na?! Noong nagsearch ako ng aacount niya at ni-recheck ang post ay wala naman roon!
Pero kung ibinalik niya...
“Wala kang dinner mamaya!” sigaw ko pa sa kaniya. Naririnig niya ako, alam ko ’yon. “Grasing!”
“Lalala lalala tralalala!” narinig ko pa ang pagkanta niya.
Nang matapos sa pagluto ay kinuha ko ang phone at in-open ang IG account ko.
I searched her name in a search tool bar.
“Shit!” pagmura ko nang makitang ibinalik niya nga, naka-off ang comment status roon.
Sunod ko namang tiningnan ang account ng lalaki.
Nanlaki ang aking mga mata sa nakita.
“Paano?!” tanong ko sa sariling isip.
@IamRham06
1hr
♡ Sun-date: 07-06-23
AUTO HEART BACK PO! :>
see more...
Pinindot ko ang see more na hindi ko nagawa sa cellphone ni Gracia kanina.
Photo credits to her friend...
Kalakip ng post na iyon ang isang litrato. It was a picture of lady and man. They were both standing back at the camera. The man was wearing a white polo-shirt, black slacks, and black sneakers. The lady was wearing white long sleeves, black jeans, and white sneakers.
The man hands were on his pocket. Ang kanang kamay ng babae ay nasa bulsa ng jeans nito, ang kaliwa naman ay bitbit ang purse nitong dala.
Napakagat-labi ako ng na-heart ko iyon! Akmang babawiin ko na sana ang react ko nang...
“Huli ka!” sigaw ni Gracia na mas nagpagulat sa akin, kumalabog ng husto ang puso ko ng nabitawan ang cellphone ko dahil sa sobrang kaba.
Kinuha ko nalaglag kong cellphone at sinamaan siya ng tingin. “You’re too nosy!”
Ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay at ngumisi. “Anong ginagawa mo?” maang na tanong niya.
“Pakialam mo?” inis kong balik.
Maya-maya pa ay sunod-sunod ang pagtunog ng notifications ko rito.
“Pashneya!” gulat akong napatingin roon. Lahat ng notifications na sunod-sunod ay galing sa kaniya!
Nag-follow back siya at nag-react sa lahat ng post ko roon! Kahit sampu pa lang ang napost ko roon ay walang palya siyang nag-react doon.
How could it be?!
Inis kong tinitigan si Gracia, nang dahil sa panggulat niya ay mukhang napindot ko ng hindi sadya ito! At naka-follow!
“Wow! Mutuals na kayo!” masayang ani niya.
“Ahhh! Nakakairita ka na Grasing!”
“Puso’y kinikilig~” kanta niya pa habang hinahabol ko siya.
“Bakit mo kami pinicturan?! Bakit mo pinasa sa kaniya! Bakit mo ’ko ginulat!” sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Maabutan ko na sana siya nang bumukas ang pinto.
“Narito na ako,” sambit ni Mama nang makapasok.
Hinampas ko si Grasing at pinanlakihan ng mata na tumatakbo papalayo sa kaniya.
“Dito na lang iho, salamat. Gusto mo bang dito na lang kumain?” saad ni Mama. Napahinto ako nang marinig iyon.
“Hindi na po, Tita. Sa susunod na lang po, hinihintay na rin po kasi ako ni Mama sa kotse eh. Next time na lang po,” tugon nito. Parang pamilyar ang boses...
Teka... Ba’t siya narito?!
Napansin ako ni Mama kaya tinawag niya ako. Balak ko pa sanang tumakbo paalis!
“Jana, halika rito. Si Rham-Rham, anak ng Tita Krin mo. Siya at ng Mama niya ang naghatid sa akin ngayon,” sabi ni Mama habang nakangiti. Nginuso niya ang lalaki, pero hindi nakaligtas ang pagtatago ni Mama ng mapang-asar na ngiti sa kaniyang labi.
“Mama naman,” bulong ko rito ngunit umiling lang ito at iniwan kami.
“G-good evening,” bati niya. “K-kanina pa kami riyan,” nakangiting ani niya.
Ano ang sasabihin ko? Hindi ko alam! Promise hindi na talaga ako magkakape! Hindi man lang makatulong! Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko!
“G-good evening,” balik kong bati sa kaniya. “B-baka hinihintay ka na ng Mama mo.”
Great Jana! Pinaalis mo agad!
Marahan siyang tumango. “Oo, mauna na ako. Thank you sa pag-follow.”
Napakurap-kurap ako dahil sa pagbanggit niya.
Ahhh! Nakakahiya!
“A-ano... H-hindi...” Gosh! Ba’t ako nauutal? Sasabihin ko bang hindi sadya iyon? Mas nakakahiya ba kapag ganoon? Nakakasira ng alindog ang kaibigan ko! “M-mukhang tinawag ka na ng Mama mo,” tanging sabi ko na lang at umiwas tingin sa kaniya.
Ba’t ayaw niyang nagpapahuli sa titigan?!
“Tita, nag-date pa ata!” rinig kong sabi ni Gracia. Aba?! Nagpaparinig ha! Tumatawa na sila ngayon! Alam ko! Para bang hindi ako ang anak!
“Hayaan mo na,” rinig kong tugon ni Mama.
“Uyy Jananana! Pauwiin mo na iyan, hindi ka ba nahiya na narinig niyan ang pagsisigaw mo dahil sa kilig?” malakas na sabi ni Gracia.
Ano?!
"Kanina pa kami riyan."
Napakagat ako ng labi ng maintindihan ang ibig niyang sabihin noon.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top