Chapter 1
Chapter1
JANNA
...
"Nag-blush ka," bulong ni Gracia na nagpakaba sa akin ng lubos.
Tiningnan ko lang siya ng masama na siyang tinawanan niya lang.
Shit!
What's with me? Am not like this before!
"Pal, turn na natin. Tulala ka na naman riyan," puna niya na siyang nagpabalik sa wisyo ko. Gosh!
Napakagat-labi ako nang pumasok sa loob.
"Are you okay, Miss ?" tanong ni Ma'am. Napakurap ako dahil 'di ko man lang namalayan na nasa harap na niya ako.
'Get back to your senses, Janna! You're freakin' distracted!' Me, stupidly scolding my inner self!
I faced Miss Frello with much confident then, "I am fine, Miss Frello. What is it again?"
"Oh, I have not questioned you, yet. But, here it is..." She trailed, then asked me. She gave me 5 questions, and I've answered it all. Perfectly!
"I thought you're nervous, but you made me believe in yourself, too. You did great, huh... Good luck!" She commented, I just nodded and gave her a cute smile, shyly!
Gosh! Awkward!
She is new here, nitong grade 11 ko lang siya nakita rito at para raw officially na magturo sa school namin. Sabi rin niya noon sa amin, noong nagpapakilala siya nitong grade 12 na, kasi 'di namin siya naging teacher o sabihin na lang natin na 'di niya kami na-handle-an. Sabi niya na bago pa lang daw siya sa larangan ng pagtuturo, at first time niya magturo ng mga grade 12 students, so bare with her na lang daw. Anong first time? Kung magturo siya ay para bang kay tagal na niya sa industriyang edukasyon ah!
Ewan ko lang, but I just felt something. So ito na nga, when I see her here, she always smile at me! Kahit noong 'di pa siya nagpakilala dito sa amin. Madaanan lang namin siya, siya pa ang una na mag-g-good morning! Like, nararamdaman ko ito always kapag kaharap ko talaga si Miss Frello.
Well, it feels like fine naman, ang gaan-gaan nga ng loob ko sa kaniya. Pero, nandoon rin iyong kaba talaga, sa ibang teachers 'di naman ako ganito except sa principal na strict.
Agh! The way she smile kasi eh! Para bang nang-aasar, like she's hiding something na mina-match niya ako. Na parang nirereto niya ako kung sino, aysstt! At para bang may nagawa ako na talagang ikinasasaya niya! Bahala na nga!
Nang matapos na ang lahat ay pinabalik na niya kami sa aming mga upuan.
"Everyone did great! Pagbati sa inyo aking mga mag-aaral," sabay palakpak. "Hope that you will pass the test tomorrow. Huwag niyong isipin na, 'ah prelim pa lang naman, okay lang siguro na 'di ko ayusin ang pagsagot', parang gano'n," then she glanced at everyone. "That’s a big no... Although prelim pa lang, do your all best. 'Wag ninyong ipasawalang bahala ang mga naririnig at natutunan niyo, okay?"
"Yes, Miss!" we agreed.
"Okay, magsitayo na ang lahat para sa panalangin..."
The prayer started.
"Amen!" We ended it peacefully, hindi gaya ng mga panalangin namin kapag iba ang teacher. Kapag kasi nagdarasal kami na hindi si Ms. Frello ang narito ay nakayuko nga ang mga mababait na estudyante ngunit tumatawa naman! Nagkakakulitan!
"Okay, that's all for today... Good luck for tomorrow, all for the best! Good bye, Class Graphite!" then bowed her haid.
"Good bye, Miss Frello!" We also bowed our head.
She's really great!
"God, buti na lang, simple lang iyong questions niya. Tapos may choices pa!" Gracia.
Choices? How come?
"May choices?" gulat kong tanong.
Taka niya akong tiningnan, "Oo naman, Pal!" Umirap pa siya, "kanina ka pa wala sa sarili ah. Nanakaw yata ang puso m-!" She uttered so I cover her mouth using my hand.
Unfair! Walang choices sa akin!
"You've become annoying!" sabi ko at binitawan na iyong bibig niya.
Shit!
"Na-erase tuloy!" ngumungusong sabi niya. Tukoy niya sa red lipstick na gamit niya.
Dumikit kasi sa kamay ko! Pinahid ko na lang gamit ang tissue na dala ko.
"Okay lang iyan, sasamahan naman kita sa C.R."
"Siyempre! Hay naku, nagtatago ka na ng sikreto ah! Buti na lang observant ako! May crush ka pala, kay Rham--"
"What?!" inis kong baling sa kaniya.
Me?! Crush iyon! Si Rham---No way!
"Mayroon! Kay Rhamwil ko pa talaga na laman ah, halata kasi gurl. Crush mo pala ang Guangjitot na iyan, ahahaha!" natatawa niyang sambit. "Ibinuking na sa akin ni Rhamwil na si Guangji raw crushie mo, sabi pa niya nag-confess na rin daw si Guangji sa iyo. Ayieee!"
Gosh!
"What have you heard wasn't true. It was just a joke, Pal. Believe me, it was all part of their jokes! Nang-t-trip na naman!" I said it with own conviction.
"Wasn't? Past agad ah, hahaha! Trip lang? Pero grabe ka makatitig sa kaniya kanina hahaha! Buking ka riyan!"
I rolled my eyes and faced her with annoyance, "no, I didn't! What the hell? Ako, tumitig roon?" How maniac I am then!
"May amnesia? Nag-blush malala ka pa nga kanina eh. Ayieee! Okay lang iyan, susuportahan ko kayo, number 1 fan ako sa loveteam niyo. Ayieee!"
So, ibig niyang sabihin... Okay, I got it. Noong natulala siguro ako kanina, pero 'di naman ako nag-blush dahil tumitig ako kay Guangji ah! 'Di ko nga alam na nakatitig na pala ako sa kaniya! Inalis ko lang naman ang titig doon sa Rham–lalaking iyon!
"Hindi ko siya tinitigan, 'kay? I was just..." tiningnan niya lang ako na mapang-asar na tingin, naghihintay ng kung ano ang susunod kong sasabihin. "Tulala lang ako talaga, kasi ano... Ano, nag-r-review ako sa isip ko noon...Inaalala ang mga lessons natin kay Miss Frello," sabi ko pa, napasabak ako roon ah.
Kumagat kang palusot ka!
No! Hindi pala palusot iyon. Totoo naman eh! Basta iyon na ’yon, tulala kasi nag-review!
"Sabagay, kinabahan nga rin ako kanina eh. Pero... Wala raw! Ako pa, malalaman ko rin kung sino iyang kinababaliwan mo. Ngayon ka lang talaga nagkaganito eh. Weird," she said and still observed my expression. My dear friend, sobra ka na sa pagka-Marites mo!
Umirap ako at umiling, "ayusin mo na lang iyang lipstick mo, dito lang ako sa labas. Bilisan mo ah!" sabi ko at pinapasok na siya sa loob ng C.R.
Bakit kasi lumapit siya kanina roon, eh!
Iba na ang nararamdaman ko! Weird ko tuloy ngayon!
Hindi! Wala! Wala ito!
"Ahhh!" sigaw ni Atrian iyon ah.
Lumingon ako kung saan siya nakadapa roon sa may daan. Walang ibang tao kundi ang lalaking papalapit, at kaibigan niyang nakangiting lumayo mula sa kaniya.
Nagpanggap akong walang nakita, kaibigan nga niya, iniwan lang siya.
May night in shining armor naman siya eh!
"You, okay?" Pag-alalay sa kaniya ni Rhamwil. Ganoon pala iyong impact? Na 'di na siya makatayo ng maayos?
I rolled my eyes, not looking at them.
"N-no..." maiiyak na tugon ni Atrian kaya napalingon ako. Para tingnan itsura niya, mukhang malala siguro. "It hurts," turo pa niya sa sikong may munting sugat.
Malala? Saan banda?
Sa siko ang may sugat pero halos 'di siya makatayo.
"Tara, Pal?" aya ni Gracia nang matapos na, tumango naman ako bilang tugon.
Nakita ko pang nakatingin siya sa amin, habang ang isa naman ay 'yon, feel na feel na kinarga siya ng magiging boyfriend niya. Bali-balita kasi na may something sa dalawa!
Bitter much ka Janna!
"Hi, Janna!" bati ni Atrian nang makasabay namin sila sa paglalakad. Ang bagal kasi maglakad ni Gracia!
Napa'no siya?
Hindi naman kasi siya namamansin ng walang dahilan eh!
"Hi, Atrian!" si Gracia.
"Oh, hi there!" balik ni Atrian.
"Hi, Janna! Hello, Mr. Barnfels!" bati ko sa kanilang dalawa. Langan naman iyong Atrian lang batiin ko.
Yes, this is my story. So I am the main and mean girl here!
"What happened to you?" madramang tanong ni Gracia sa kaniya habang nakasabit iyong mga kamay sa braso ko.
"Oh, I just... I just..."
"Nadapa," tugon ko. Taka namang tumingin sa akin sina Gracia and Rhamwil.
"Oh, yeah. My negligence act, though," nahihiyang pag-amin niya.
"Oh!" panggaya ni Gracia sa tono ni Atrian. "Mr. Rhamwil, where is your bestfriend?" pagtutukoy niya kay Guangji.
"Canteen, I guessed," maikling tugon niya. Nagiging pipi kasi kasama ang nobya.
"Okay, salamat! Buti na lang sinabi mo sa akin, hehehe. The best ka, p're!" Gracia, loka-loka talaga eh, ’no!
"Just telling the truth dude!"
"What's the matter?" Atrian asked. Oh, curious!
"Just nothing, dear. Someone just sharing the unfactual statement," tugon ko agad baka magsumbong itong Atrian sa kaibigan niyang si Lily.
Well, Lily likes Guangji.
"Easy!" tumatawang ani ni Rhamwil. Si Gracia, tumatawa na rin. Nagkasabwat pa talaga!
"Oh, okay..." Atrian. "Shall we go now in the clinic please!" Atrian requested!
"S-sure... Una na kami," ani niya sa amin. SI Rhamwil ba ito? Nahihiya pa! Gusto rin naman!
"Sure!" tugon ko.
"Oo, sige. Mauna na rin kami," si Gracia, naririndi siguro kay Atrian. Kahit noong una pa man, ayaw niya na kay Atrian.
"Napasabak ka yata, ah..." panimula ko sa kaniya.
"Oo, hirap pala plastikin ang plastik na," umirap pa siya. "Pero, nadapa nga?" nakakaloka niyang tanong. Alam na this!
"Oo," maikli kong tugon
"Hahaha, buti nga." Oh, that's what we are! "Parang sinadya siguro? Hahahaha, how crazy my thought is!" aniya pa, tawa siya nang tawa kasi nga 'di naman daw slippery iyong daan 'saka pabuhat-buhat pa raw.
"Hayaan muna, pakialam natin 'di ba?" sambit ko na siyang pagngisi niya.
Ano na naman ang nasa isip niya?
"Kahit kailan talaga, ang dali mong basahin... buti na lang kilalang-kilala na kita. Kawawa naman Pal ko," inakbayan pa ako saka siya nag-smirk ulit.
God! She's weird too!
"What's with your talkshit?"
"Nothing dear," tugon niya. "Sa ngayon, iyon pa rin ang plano., magkaka-jowa ka na," kinikilig na aniya.
Plan? Jowa?
"Interesting, huh?" I said in a sarcastic tone. "Ikaw kaya hanapan ko? Para 'di ka na niyan masobrahan sa pagkakaroon ng sikreto."
"Okay lang. Still waiting pa ako, perfect timing isn't it? May nobya pa kasi," pag-amin niya. Atleast, alam niya na iyong crush niya may jowa na.
Crush ko? STEM student.
Since, grade 9 pa ako nagka-crush sa kaniya, pero lately... I've become... stupid! My heart is!
"Iyong grade 7 crush mo pa rin?" gulat kong tanong na ikinamula niya. Got you! "Perfect timing ka riyan, bahala ka... Sinasabi ko sa iyo, masasaktan ka lang. Paiba-iba ng girlfriend iyan!" Pagtukoy ko kay Mr. Xanny Yunida.
Certified, habulin ng mga babae! Nang 'di pa pumapasok ang Guangji at Barnfels dito... Sa batch namin, siya talaga ang pinagkakaguluhan ng mga babae.
"Buti kilala mo pa ako?" tumawa na lang ako sa kaniya, sabi niya kasi mag-move on na talaga siya roon. "Iyon na nga, sinubukan ko naman na ibigay na lang sa iba ang atensyon ko, pero wala eh." Totoo, nagkaroon ito ng mga ex-boyfriend din, lumalandi sa iba pero ang isip nasa lalaking iyon.
"Okay lang iyan, hahanapan na lang kita... Iyong bagay talaga sa iyo at boto si God na para maging jowa mo iyong tao," ani ko sa kaniya.
"Sana nga. Pero, kung wala talaga, edi siya talaga," kibit-balikat niyang sabi.
Tinapik ko ang balikat niya, "huwag kang dumepende sa nararamdaman mo. Pansinin mo rin isip mo," sambit ko.
"Akala ko ba dapat sundin natin kung ano ang sinasabi ng puso?" naguguluhang ani niya. Oo nga ’no, sinabi ko rin pala iyon noon!
"Iyon na nga, pero ikaw kasi... sa kaniya mo na idinikit puso mo... pero isipan mo pwede pa iyang mangreto ng iba diyan, nadidiktahan nito puso mo. Kahit papaano huwag ka puro puso. Kaya pagbigyan mo ang isip mo na maghanap ng iba," tugon ko na para bang may alam talaga sa mga bagay na sinasabi ko.
"Kay galing mo magpayo, wala ka namang nobyo," natatawang saad niya.
Walang'ya! Nang-real talk ah!
"Bata pa ako, 'di ako mauubusan niyan!" sabi ko.
Lumapit siya sa akin at bumulong, "sus, naroon na pala sila Guangji oh," turo niya sa puwesto nila Guangji. Kasama iyong mga barkada niya.
"Kulang ng isa," sambit ni Gracia na nagpakunot-noo ko.
Taka ko siyang tiningnan, "sino?"
"Sino nga ba?" balik niyang tanong sa akin, kay gandang kausap talaga nito. Umiling siya, "wala, sabi ko ang hinahanap mo andiyan na."
"Andiyan na siya, andiyan na siya!" rinig kong bulong-bulungan nila. Gulat akong napagawi sa ingay ng isang grupo ng mga babae. And there...
"H-huh?" taka kong baling kay Gracia. Shit! So, this is it feels like.
"Wala, sabi ko ang hinahanap mong shawarma noon ay narito na. May binebenta na sila," Gracia said as she smiled a little, stop herself from giggling.
Lumingon ang lalaki sa magbarkada kaya tumingin rin ako.
"What's up?" nakangiting bati niya sa mga kaibigan. Lima sila sa circles nila.
"Hey! Anong mayroon?" panimula ni Guangji.
"Nakita ko iyan," singit ni Clavio. "May karga-karga iyan papuntang clinic. Karga niya si Atrian," sumbong niya sa kaibigan at sila ay naghiyawan maliban kay Rhamwil.
Hindi ko na pinansin ang kuwentuhan nila ng napatingin sa gawi namin si Rhamwil. Buti na lang hindi niya nakitang nakatingin ako sa kanila! Nagpanggap akong nakatitig sa may labas.
Nang lingunin ko si Gracia, ayon ngumingisi na naman, kulang na lang paglumabas iyang ngisi na iyan na malapad... Bubungisngis talaga ito malakas.
"Sino tinitigan mo?" pa-inosente niyang tanong.
Napakurap ako, "t-tiningnan ko lang kung sino tinitigan mo rin," palusot ko.
Nagtaas ng kilay lang siya. " Ba’t nauutal? Lalala lala lalalala," pagkanta pa niya sabay kuha ng in-order namin. Tinulungan ko na siya at pumunta na sa may bakanteng table. Table na medyo malayo sa circles nila, malapit lang sa may pintuan.
"Dahan-dahan lang baka mahulog," puna niya ng muntik nang mahulog ang tinidor mula sa pinggang dala ko. Nag-order kasi siya ng spaghetti.
Umirap na lang ako nang makita ang mapang-asar niyang ngiti at pagkakuha ng ibig niyang sabihin.
Double-meaning pala iyon!
"Kung mahulog at 'di nasalo eh 'di papalitan na lang," saad ko.
"Ang bilis naman," ani niya. "Palit agad? Hindi pa nga nagsisimula," dagdag niya.
"Ano ba iyang sinasabi mo?" inis kong baling sa kaniya. Hindi kasi siya hihinto hanggat hindi papatulan ng inis.
Ngumiti siya ng peke, "sabi ko... Okay, palitan, total 'di pa naman tayo nakapagsimula."
Tumango ako, kinukumbinsi ang,sariling iba lang pagkakaintindi ko, "kung anu-ano kasing binibigkas mo. Ito na ba ang lunch natin?" tanong ko pa sa kaniya.
"Hindi, mayroon pa doon... Mamaya pa iyon, sandali lang. Ise-serve naman nila iyon," ani niya.
"Ah, 'kala ko ito lang. Baka mapagalitan pa ako ni mama dahil hindi kita nabantayan ng maayos." Totoo, papagalitan ako ni mama kapag hindi ko pakakainin ito ng marami.
"Oo nga, eh! Swerte ko kay Tita Jen," masayang sambit niya. Sa amin kasi siya nakatira ngayon habang nasa abroad pa mama niya.
Hindi namin siya kadugo pero matalik na kaibigan ni mama ang mama niya. Kaya heto ang mga anak nila, magkaibigan rin.
"Masuwerte rin naman ako ah, suwerte ka rin sa akin," nagtatampong ani ko.
"Oo, na. Kahit kailan, 'di ka patatalo sa mama mo ah."
Tumawa ako,"may bias ka kasi."
"Buti alam mo," saad niya, ngumuso ako, nagpanggap na nasasaktan. "Huwag kang gumaniyan, makikita niya iyang nguso mo, bahala ka."
"Tsk, sama mo!" saad ko na ikinahalakhak niya. "Ikaw nga eh, pinapahalata mo talaga na siya ang crush mo, tingin ka pa nang tingin roon," pagsasalita ko pa na inirapan lang niya.
"Huwag ka ngang mang-buking. Ikaw nga itong titig na titig sa kaniya eh," balik niyang pang-asar sa akin.
Nagkuwentuhan pa kami habang pinagpatuloy ang pagkain nang...
"Enjoy your meal, Ladies!" Sabi ni Rhamwil sa amin habang nang-aasar na naman ang mga kaibigan niya kaya dumiretso na sila sa paglabas.
"Enjoy raw Pal," kinikilig na aniya, may panghahampas pa.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, ngunit isa lang ang masasabi ko. Binago niya ang unang impression ko sa kaniya.
***
@jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top