Beginning
...
♡Janna Shane Safirel♡
Napakunot-noo ako nang makita ang pangalan ko na nakasulat sa dahon ng langka. Dwarf jackfruit tree! Maraming mga names at quotes pa ang naroon. No wonder na halos araw-araw na lang may nagsesermon sa mga punong iyan.
'Sino na naman may pakana niyan?' tanong ko sa aking isip ng mapadako muli ang tingin roon.
Tahimik akong nagmuni-muni sa labas ng classroom namin. Hinihintay kung kailan ang labasan nila ni crush na nasa kabilang section. Tsk! Okay na bang dahilan iyon?
Well, ito kasi ang nangyari...
“Pal, aalis muna ako ah?” Ngumuso siya ng mapagtantong naayos ko na ang gamit ko, “Janna dear, may bibilhin lang ako, saglit lang. Dito ka na lang para ’di ka na mapagod hehe,” paalam niya sabay takbo palabas ng klasrum.
Kaya andito ngayon ako sa labas kasi naman, kanina pa siya roon. Magkakalahating oras na.
May bibilhin lang daw siya! But, I know her too well. Alam kong palusot lang niya iyon. May bibisitahin na naman iyon sa kabilang section.
Maya-maya pa ay naisipan kong bumalik na sa loob ng classroom. Ngunit, sa aking pagpasok, may masamang hangin ang bumungad sa akin.
“Hoy! Janna! Crush ka raw ni Guangji!” Gulat akong napalingon sa kung sinong nagsabi noon. Si Rhamwil! Pati ang mga kaklase ko ay nakiki-ayiee na rin. He’s here na naman!
Pinagsasabi niya?
Rhamwil Barnfels. Itim na mapupungay na mga mata, perfect na jawline, pointed nose, kissable lips, at magulo na itim na itim na buhok. He have a good body figure, pang-basketball player ang datingan! He’s a STEM student.
He have that face na unang tingin pa lang ay gusto mo nang lubos-lubusin ang titig sa kaniya, in short nanggagayuma ang mga mata niya. Awkward lang dahil hindi siya magpapatalo sa titigan. So payo lang, kapalan ng face kung gusto mo siyang titigan kasi hindi siya nagpapahuli sa labanang titigan.
But, this guy is so annoying! Palagi nalang sila naghahanap ng mapag-t-tripan. Ako, ilang beses na rin nila akong napag-tripan. Depende lang sa mood ko kung sasabay ba ako sa trip nila, huwag pansinin o aawayin sila.
Sa’n na ba kasi iyong si Gracia, eh!
“Hayst! Jan, sorry, but... Totoo iyong sinabi niya,” sabi ng Guangji. Guangji? It’s not his first name, but his last name.
Jeffernson Guangji. Well, he’s tall, and handsome. With his cute hairstyle na pang-crim, tanned skin, broad muscles, and handsome face, marami talagang nadadala. In short, chixboy! Sila ng Rhamwil na iyan ang laging magkasama.
Si Rhamwil na nagbuking kanina ay medyo natahimik pa, pero nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay bumalik ang mapang-asar niyang tingin sa akin.
Nanunukso na naman! Nag-t-trip na naman! At ako ngayon ang trip nilang gag*hin! Mga pashneya!
“Uyy, may pa sure real confession, Janna oh!” Rhamwil and his dirty mouth said. I shook my head and throw them some glares.
“Ayieee! Kinikilig si Janna, oh!” My other classmates said in unison.
Kilig? Me? Over my dead ass!
Nangingiti namang nag-b-blush si Guangji, “Guys, com’on, stop teasing Janna na.”
Tsk! As if wala siyang alam, pakana ng mga feeling gwapo dito sa school namin oh. Sila niyang si Rhamwil! Kasama na rin ang ibang alagad ng mga iyan.
And, what the hell? Bakit nandito siya? Wala ba silang klase? Sa pagkakaalam ko, kami lang may vacant time ngayon.
Umirap ako at liningon sila, “if something like that things will make all of you happy... Then, maybe... I should play my part, too.Hi! ” I winked at them and sent my flying kiss.
Lahat sila napanganga at sabay na nag-ohhhhh! Buti na lang wala dito iyong iba ko pang kaklase.
Mga bwisit! Kahit kailan talaga, hindi na nagbabago ang mga ito!
I took my seat na, at kinuha ang librong nasa bag ko. Nagpanggap na nagbabasa!
But, gosh! They were too noisy!
“Uyy, Guangji! Ang tali-talino pala nitong crush mo oh!” Biglang sambit ng asungot! Kailan pa ba siya aalis? Ang ingay-ingay niya, dumadagdag sa kaingayan ng mga kaklase ko.
Shit! Oo, nga pala! Ang kaibigan ko!
Gracia Marie Alvan. Number 1 sa list ng maingay iyon dito sa amin! Maganda, sexy at matalino. Short description lang muna, baka ma-inlove kayo eh.
Good thing pala na wala siya ngayon dito.
“Hoy, Janna, baka libre naman diyan oh. Buti nga may happy lovelife ka na ngayon, hehehe,” he playfully said. Oh, Rhamwil! What’s with him?
He’s so weird!
Like, we’re Senior students na, we are old enough to have some good mindset.
Pero, mukhang malabo pa iyon sa ngayon! Isip-bata!
I looked at him, “kung wala kang magawa rito... Can you just go back to your class? Why are you always here? And also, please, do mind your own business,” I clearly told him. Ngunit binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti at tinaasan pa ’ko ng kilay. “Ang sama mo, kung alam mo lang.”
“Well, am I that bad?” he asked.
“Yes!” Diritso kong sagot.
“Okay, as if I care, hmm?”
I heaved a long sigh, “paki mo rin sa lovelife ko? Stop acting here like you are Cupid! ’Cause you’re not! And stop meddling my life with my studies, okay?” Umirap ako ng wala man lang siyang ibang ekspresyon kundi ang ngumiti! Agh! I hate his smile! I hate his dimple!
“Am not Cupid but I am Rhamwil. Am not meddling with your lovelife, and also, am just doing the favor for my friend.” Nakangiting tugon niya.
“Why? Can’t he confessed his feelings to the girl he like? Alone? Why bothering it? Okay, am not affected to whatever you have said earlier. About the stupid match-making, and confession. Its just because I already know that it was just a stupid game!” Diri-diritso kong sabi.
Sana lang dumating na si Miss Frello. Iyong teacher namin sa next subject.
“Luh? Pa’no niya nalaman?” Guangji suddenly asked, confused. He even scratched his head, shyly. Agh!
Dumbass!
“Bwisit oh! Ang dali mong bumigay Guangji!” He said and lightly punched his friend on the shoulder. Tumawa lang naman iyong isa.
I stood up and glared at them. “Kung ang iba ay nauto niyo, well, excuse me!” I said, then walked away.
“Whoahhhhh!” Guangji’s reaction when someone grabbed my hand. Muntikan pa ’kong matapilok! Bwisit talaga ang lalaking ito!
“Huwag kang mag-walk out, nandito na mamaya si Miss Frello. And... Am not sorry for the stupid acts earlier, bye!” Aniya at dali-daling tumakbo palabas.
At dahil hindi ako makaganti sa lalaking iyon, hinarap ko ang ngumungusong Jeffernson. “Kailan pa ba kayo titigil niya’ng kaibigan mong asungot?” Inis kong baling sa kaniya at bumalik na sa upuan nang makitang paparating na si Miss Frello.
“Wala akong kasalanan doon. ’Tsaka tumigil na nga eh, ’di ba?” Nakakairita niyang sagot at pumunta na sa kaniyang nakapuwestong upuan. I rolled my eyes, as if nakatingin pa siya.
Kainis talaga ang dalawang iyan!
Pumasok na ang maganda kong kaibigan, pati na rin ang iba ko pang kaklase. Nakasunod naman sa kanila si Miss Frello.
“Good morning, Miss Frello!” we greet her in unison.
Tumango naman si Miss, “good morning, please take your seats.”
Pagkatapos ay nag-attendance na siya at nagchika muna saglit.
“Ma’am, is it true na bukas na ang prelim exam namin?” Kittiana asked.
“Yes, kinumpirma na kanina sa meeting, kaya nga may vacant time ang lahat eh, hindi lang kayo.” Sabi niya, kaya pala kay lakas ng loob ng lalaking iyon. “Gaya nga nang nalaman niyo, tomorrow na ang inyong prelim test. Kaya naman, study-study rin ’no? Huwag kayong mag-alala kasi sa pagkakaalam ko ang ibang teachers ay magbibigay ng review sa mga topics niyo at iyon ang gagawin natin ngayon.”
Nagsimula ng mag-ingay ang mga kaklase ko, “Kahiya na naman nito kay crushiepie ko.” Anica.
“Hala, ’wag niyo kong tawanan ’pag mali sagot ko ah?” Jeffernson.
“Easy!” Clavio.
“Bahala na si batman, kaya ’yan!” Klint.
“Shh! Hindi dapat kayo kabahan, oral nga siya pero iba-iba na ang itatanong ko sa inyo tapos isa-isahin ko kayo.”
“Hala, oral na iyan, hindi ko payts iyan. Huhuhu,” bumubulong na ani ni Gracia, nasa may likuran ko siya. Diyan iyong puwesto niya.
“Okay, lahat ay lumabas muna maliban sa row one,” anunsyo ni ma’am. At dahil panghuling row iyong puwesto ko, lumabas na kami. Pagkalabas ko, nakita ko siyang nakangiti. Kaasar! Sila rin?!
Nanggagaya ah?
O baka, ’yan na talaga ang bagong pakulo ngayon? Individual oral!
“Sila rin?” Pansin din ni Gracia. Kibit-balikat lang ang tugon ko. Hindi ko rin alam, pero obvious naman eh.
Iniba na rin siguro dahil noong may nagpa-oral last year, may nahimatay! Pang-final performance iyon, tapos ayon na pressure. Dahil na rin kasi iyon sa daming tao, tapos siya pa ang natawag noon.
Well, yeah, alam ko ang chika na iyan. Kasi nasa labas kami noon eh, nakikinig sa pwede ring iquestion sa amin kasi ang next na pag-handle-an na sana noon. Ayon, diritso kami na nag-exam, wala nang oral-oral.
Ang iba kong kaklase ay ayon sa may kilid ng pintuan, nakaupo pa habang nakasandal ang ulo sa may pader. Nakikinig na naman sa posibleng tanong ni Miss. Tapos ang iba naman ay ayon nakichismis sa kabilang section.
“He’s coming on my way, Lily... He’s here...” Dinig kong bulong-bulungan ng kaklase kong si Atrian.
Nasa likuran nila ako ngayon, kaya umalis ako sa pwesto ko. Ako kasi ang pupuntahan niyan kaya ako na ang mag-a-adjust. Lumapit ako kung saan nakaupo sa may mini plant box si Gracia.
“Hi, Rhamwil!” Kinikilig na bati niya Atrian.
“Ah, agh... Hello.” Walang emosyong bati niya at tumingin sa akin. Nakita ko ring napatingin sina Atrian, Lily at ang iba pa nilang mga sunod-sunuran na friends.
Pinagmamalaki niya talagang marami raw siyang kaibigan pero... binabackstab rin naman siya! Maliban sa Lily na malapit na rin talagang maging kagaya niya.
Ngumisi si Rhamwil nang hindi ko alam ang dahilan.
Gago, ka! Pinanlisikan ko siya ng mata ng tumingin siya. Tingin nang tingin! Ako na naman pupuntiryahin ng magkaibigang ’yan.
Bahagya akong ngumiti ng peke nang siniko ako ni Gracia.
“Nag-blush ka,” bulong niya na nagpakaba sa akin ng lubos.
...
Jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top