Kabanata 7

"MR. Adamas, where are you going again?!" sigaw ni Logan nang tumalon na naman sa bintana si Adamas matapos kunin ang black veil na iniwan nito sa lamesa.

Nagkatinginan sila ni Gon.

"Anong gagawin natin? Susundan ba natin siya?"

"I don't know. Hindi naman natin alam kung saan siya pupunta," sagot niya at tinignan ang telebisyon.

Nang lumabas si Aivan Laurien, nagbago ang mood ni Adamas. Nagmistulang isang mabangis na lobo ang kaninang kalmado at masunuring nilalang. Malakas ang kutob niyang may hindi magandang mangyayari lalo na sa mga huli nitong sinabi.

“Uy, Lolo. Anong gagawin natin?” Hindi rin mapakali si Gon sa kaniyang tabi. “Ito namang si Adamas, e. Kakauwi lang, umalis na naman. Ano ba 'tong mga pinaggagawa niya! Avenge his author? How can he do that when her death was a suicide? Kanino siya maghihiganti?”

Nanatili siyang tahimik habang patuloy pa ring nagsasalita si Gon sa kaniyang tabi. Napaisip siya sa mga sinabi ni Adamas mula sa bahay ni Noa Green hanggang pagdating nila rito.

After Adamas read something in Noa's room, he didn't stop saying that he wanted to kill someone to avenge her death.

But it was a suicide. What Gonietta said had a point. Kung murder ito, maiintindihan niya pa pero dahil ang manunulat mismoang kumitil sa sariling buhay, kanino isisisi ni Adamas ang pagkamatay nito?

Pero . . . bakit nga ba natutulak ang isang tao na bawiin ang sariling buhay?

He held his wrist tight.

Options were pressure from the world, never-ending problems, shortcomings, failures, disappointments, shame, lack of will, fear, unhealed wounds, traumas. And all of those were results from the people surrounding the suicidal--the environment they grew up in, the mouths they were fueled on, and the perspectives they were taught.

"Gon."

"Oh?"

"I think Mr. Adamas are finding the people who pushed Miss Noa Green to commit suicide." He looked at the television again. "And Aivan Laurien might be one of them."

"Huh? How come? I don't think Noa Green and Aivan have something in between."

"We don't know much about Miss Noa. Kahit sa mga interviews niya before and her social media posts, hindi siya masiyadong nag-o-open sa personal life niya."

Now that they thought about it, Noa Green was actually mysterious. Bukod sa address nito, hindi nila alam kung ano ang totoo nitong pangalan, edad, kaarawan at pati ang mga hilig nito.

"Oo nga, 'no? Kahit favorite color niya hindi niya sinabi. Nag-assume lang ako na green kasi Noa Green ang pen name niya."

Iniwan niya muna si Gon sa salas at nagtungo sa kaniyang kuwarto. Kinuha niya sa kaniyang shelf ang kopya niya ng libro ni Noa at binuklat ang pahina ng About the Author.

He was hoping that he could find something, but to no avail, there was no helpful information he could say it was about the author.

'The writer who wants to live, Noa Green.'

Ayan lang ang nakasulat. Naglalaman dapat ang parteng ito ng mga impormasyon ng manunulat pero iyon lang ang laman.

"What a woman of few words yet can write a thousand word counts." He sighed. Binalik na niya ang libro sa shelf at naglakad papuntang salas.

"Ano na?" Sinalubong siya ni Gon na nakatayo sa harapan ng pintuan habang nakakrus ang mga braso. Naiinip na ito. "Hindi ba talaga natin siya susundan? Kinakabahan na ako."

Nilapat niya ang kamay sa ibabaw ng ulo nito. "We don't know kung nasaan si Adamas ngayon, so we need to make some possibilities first."

"Pinuntahan niya siguro si Aivan Laurien."

"Sa tingin mo, nasaan si Aivan Laurien ngayon?"

"Hmm." Muli itong napaisip ngunit mayamaya nagkibit-balikat ito. "Ewan ko. Wala akong maisip."

Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Hindi ka naman talaga nag-iisip."

Kung nag-iisip ka lang, matagal mo na sanang alam na . . .

"Anong sabi mo?!"

"Wala." Tumawa lang siya at naglakad papunta sa sofa.

"Excuse me, may utak din ako, 'no! Makaka-graduate ba ako ng college kung wala?" sigaw nito na umupo sa kaniyang tabi.

"We all have brains, Gon. Iba ang utak sa nag-iisip." Nginitian niya ito nang pagkatamis-tamis upang mang-asar.

Inirapan naman siya nito. "Porket Magna cum Laude ka. Edi ikaw na! Huwag ka magpapa-drawing sa akin, ha?"

Humiga ito sa sofa at pabagsak na pinatong ang mga paa sa kaniyang lap. Napadaing pa siya sa sakit pero kaagad namang napatawa nang makita ang nakasimangot nitong mukha.

Ang cute talaga nitong asarin.

Kinuha niya ang phone sa bulsa at nagpunta sa search engine. Tinipa niya ang apelyidong Laurien at hinintay ang mga result. He scrolled through the results, and when he saw an article he find relevant, he opened it.

Naglalaman ito ng impormasyon tungkol sa mga property ng Laurien na nakakalat sa kanilang bansa at pati na sa labas. Ang Laurien ang pinakamayamang pamilya sa kanilang bansa. Lahat ng miyembro ng pamilya ay puro mga businessman and woman. Parte na sa kanilang kinaugalian na ipagpatuloy ang lineage nila na pagiging isang business-minded na pamilya.

Tinuloy niya pa ang pagbabasa hanggang sa mapunta siya sa dulong bahagi.

'The Laurien has properties across the world, so they do not stay from hotels that are not their own nor accept interviews unless it is done in their hotels.'

Kaagad niyang napagtanto na posibleng nasa hotel ng mga Laurien si Aivan ngayon.

"But they are too many," he whispered.

"Too many ang alin?"

"The Laurien's hotels. Sa tingin mo, saang hotel si Aival Laurien ngayon?"

"Ewan. May hotel sila dito sa siyudad, 'di ba? Baka dito siya nag-stay. Kung ganoon, malapit lang siya. Isang sakayan lang gagawin natin," sagot ni Gon habang naka-thumps up pa.

Napasingkit naman siya. "Why would he stay--" Naputol niya ang sasabihin nang may biglang pumasok sa isip niya.

Aivan's corporation was situated in this city. At dahil may pinagkakaabalahan itong website na i-la-launch pa lang, may posibilidad na nasa malapit na hotel lang ito ng corporation nananatili.

"Mukhang tama ka nga, Gon."

"Ha! Ako pa!"

Tumayo na siya at kaagad na tinungo ang direksyon ng pintuan.

"Pupunta na tayo?"

Nilingon niya ito. "Yeah. Let's go."

Kaagad itong tumalon paalis ng sofa at sumunod sa kaniya palabas. Inangkla nito ang mga kamay sa kaniyang braso dahilan para saglit siyang matigilan.

It wasn't new. Gon always do this kind of gesture. He was used to her clinging on him . . . but not his feelings.

Hindi niya kayang pigilan ang mukhang maging kakulay ng mansanas sa tuwing ginagawa ito ni Gon sa kaniya. He just hoped she wouldn't look at his face.

Nang makalabas sila sa apartment building, naabutan nilang umaambon. Mabuti na lang at may taxi na dumaan kaya madali silang nakapara. Pinatong niya ang kamay sa ulo ni Gon upang 'di maambunan hanggang sa makasakay sila sa sasakyan.

"Sa Laurinous Hotel po," saad niya sa driver pagkapasok.

Wala pang labing-limang minuto ay narating na nila ang Laurinous Seven-Star Hotel. Kaagad silang pumasok sa loob at nagpunta sa front desk upang kumuha ng room as a walk-in guest.

"Ako na magbabayad." Marahan siyang tinulak ni Gon at ito ang nagbayad sa dalawang oras nilang renta sa room.

Pagkatapos asikasuhin ng receptionist, binigay na nito ang key card.  "Your room is on the second floor. Your room number is B28."

"Ahm, puwede rin bang magtanong? Nag-check in ba rito si Aivan Laurien?"

"I'm sorry, sir, but it's part of the hotel policy not to disclose any information about our guests."

"I understand. Thank you." Tumango siya. Thought he could slide a chance to know Aivan's room, but just like any other hotels, the front desk wouldn't spill any information to protect their guests.

Inikot niya ang paningin sa paligid, pinapakiramdaman ang mga tao. The hotel seemed peaceful. If Adamas came here, her might not have entered the entrance, but to other area he would be unnoticed.

Kaagad na silang nagtungo sa kanilang room number.

"Sinuwerte tayo. Available pa ang isang VIP room," Gon said. Ngiting-ngiti ito at ginawa pang pamaypay ang key card.

"Sayang ang pera mo. We're not gonna be staying the room, after all." Nanghihinayang niya itong tiningnan.

They just checked in to infiltrate the hotel. Hindi sila pumunta rito para pasukin ang kanilang kuwarto kundi hanapin kung nandito ba si Adamas.

Natatakot siya na baka may ginawa na itong hindi kanais-nais.

"Babayaran na lang kita sa kalahati," dagdag niya pa.

"Okay lang, ano ka ba. Nag-iipon ka ngayon para sa magulang mo kaya huwag kang gumastos." She patted his shoulder.

They stopped in front of a door which had the room number B26. Isang room lang ang pagitan nito sa kanilang nirentahan. Ito rin ang pinakaunang room na makikita kapag umakyat ang mga guest gamit ang hagdanan.

He knocked on the door and waited for someone to open it. But minutes later, no one responded. He knocked again, and again, and again but still, no one opened it.

"Sirain na lang kaya natin ang pinto?" suhesyon ni Gon.

"May CCTV." Tinuro niya ang CCTV sa ibabaw ng pinto.

Hindi sumagot si Gon at ito naman ang sumubok. Kakatok na sana ito ulit pero biglang nagbukas ang pinto kaya sabay silang napaigtad.

Bumungad sa kanila si Adamas.

They were right. Dito nga nagpunta ang lalaki at mukhang ito rin ang kuwarto kung saan nananatili si Aivan Laurien.

"Adamas--"

"Get inside," utos nito.

Sumunod naman kaagad sila. Pumasok sila sa loob pero kaagad na napatigil nang makita ang nagkalat na sirang glass table.

It looked like they were too late.

"Mr. Adamas, what did you do?"

"Why did you follow me?" balik nitong tanong sa kaniya.

"Bigla-bigla ka na lang kasing umaalis. Baka kung ano na pinaggagagawa mo," Gon said.

"I did nothing but to avenge my Noa."

Napunta ang tingin ni Logan sa dalawang itim na sinulid na nakakabit sa daliri ni Adamas. May dumadaang lilang ilaw sa sinulid na para bang may sinisipsip ito.

Kaagad na nagtaasan ang mga balahibo niya sa katawan nang maalala ang kakayahang ito ni Adamas sa libro. Sinundan niya ang sinulid at dali-daling pumasok sa kuwarto na nakaawang.

Nanuyo ang kaniyang lalamunan nang makita kung anong mayroon sa loob.

Two cocoons made out of black threads were on top of the bed. Singliit na ng kamao ang laki nito pero hula niya'y hindi ito ganito kaliit kanina.

Posibleng ang laman nito ay isang tao.

Adamas Riscarte's black threads were cursed threads that devours living flesh. In the book, his cursed thread was named before his father, the one who gave him the curse.

The Azlan's Thread.

A power made to sip the life of every being caught from those threads. A power that would leave no trace to the victims.

"Mr. A-Adamas . . ." Nanginginig niyang nilingon si Adamas na nasa likuran na niya. Nakasunod din si Gon. Kagaya niya, natulala rin ito at mukhang  napagtanto kung anong mayroon sa loob ng mga sinulid.

"What is it, human?"

Tinuro niya ang dalawang cocoon. "W-who were inside those?"

He hoped to hear a different answer but . . .

"Aivan Laurien and a woman named Emily."

Tuluyan siyang naestatwa sa kinatatayuan habang si Gon naman ay napasigaw sa takot. Namutla ang buo niyang mukha matapos itong marinig.

He just witnessed a murder.

Napabagsak siya sa sahig habang hindi inaalis ang tingin kay Adamas. Pakiramdam niya'y nawala ang boses niya at hindi niya magawang makapagsalita. He regretted coming here. Nagsisi siyang sinundan nila si Adamas.

He wanted to console Gon who was freaking out, but he, too, was stunned. He couldn't move.

He was afraid that one wrong move, he might be the next one trapped inside those cocoons.

Ngayon lang tuluyang natanggap ng isip niya na ang kaharap niya ay hindi nga talaga tao.

He was a villain. A murderous villain. Adamas Riscarte.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top